Halley's P.O.V
Nandito ako sa isang lugar kung saan pilit kong inaalala ang mga nakaraang nabura sa alaala ko. Hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit gusto kong magpunta sa lugar na ito ngunit tuwing hapon ay palagi akong pumupunta rito, nagbabakasakaling may maalala ako. Simula no'ng naaksidente ako ay wala na akong maalala tungkol sa aking nakaraan.--Flashback--
Nasaan ako?
'Di ko magawang gumalaw, kahit ang pagmulat ko man lang ay hindi ko talaga magawa at ramdam ko pa ang sakit ng aking katawan.
Anong nangyari sa akin? Ang sakit ng ulo ko!
Nang magising na ako ay tanging puting kisame lang ang aking nakikita. Sinubukan kong igalaw ang buo kong katawan at saka napatingin sa buong paligid. Ilang sigundo pa ang nakalipas ay narinig kong bumukas 'yong pinto at pumasok ang isang doctor."Good morning, Halley."
"Good morning doc, anong nagyari sa akin? Bakit ako nandito?" agad kong tanong doon sa doctor."Nagkaroon ka ng comatose since years ago." Dahilan nang aking pagkabigla.
"Ano po ang nangyari sa akin? Hindi ko na kasi matandaan pa," naguguluhan kong tanong.
Kinuwento niya naman sa akin kung paano ako nakapasok dito sa hospital. Dinala daw ako ni mom dito sa hospital dahil may tama daw ako sa baril. Akala pa nga daw nila no’n ay mamamatay na ako no’n dahil tumigil na daw ang tibok ng puso ko kaya hindi nila inaasahan na binigyan pa ako ng panginoon ng pangalawang pagkakataon na ma buhay ulit kaya sobra ang kanilang pag sasalamat sa araw na iyon sa panginoong diyos.
--End of flashback--
Nakaupo ako ngayon dito sa buhangin habang pinag masdan ang sikat ng araw. Tuwing mag hapon ay pumunta ako sa dagat na ito dahil malakas ang kutob ko na may kinalaman din ito sa pagkawala ng aking memorya. Dito ‘yong dagat na palagi namin pasyalan ng aking pamilya noon. Higit isang taon ko na itong ginagawa pero wala pa rin akong maalala.
Malapit ng dumilim kaya napag desisyonan ko nang bumalik na sa kotse para mag maneho pauwi. Nang makasakay na ako ay pinaandar ko naman ito at saka umalis. Mabuti na lang na hindi traffic kaya agad akong nakarating sa bahay.
Nang nakarating na ako sa bahay ay nag bosena ako kaagad sa labas ng gate para pagbuksan, ngunit walang isa man lang ang lumabas kaya bumaba na lang ako. Nang makapasok na ako sa loob ay kapansin-pansin na walang tao dahil nakapatay lang ang mga ilaw kaya in-on ko na lang.
"Happy birthday to you.. Happy birthday to you... Happy birthday, Happy birthday... Happy birthday to you..."
Hindi ko maiwasang magulat dahil hindi ko talaga inaasahang gawin nila iyon at nakakalimutan kong
ngayon pala ang aking kaarawaan."Happy birthday Halley!" sabay nilang bati sa akin.
Sobrang saya nila habang kumakanta. Hindi ko naman maiwasang maging emosyonal dahil sa masaya kong nararamdaman ngayon. Namamasa tuloy ang aking mga mata nang dahil do’n.
Isa-isa silang may ibinigay sa akin at bumati. Sina dad, kuya, nanay, at iba pang mga kasambahay namin. Wala si mom dahil busy daw pero okay lang dahil nasanay naman ako na sa tuwing sasapit ang aking kaarawan ay wala siya. Kung nandito 'yon sigurado akong hindi 'yon papayag kung mag de-decorate sila dito sa bahay dahil ayaw no'n na may dumi. Strict si mom, halos lahat ng kasambahay namin ay takot sa kaniya. Si dad naman ay kahit busy 'yon ay may time pa rin siya sa amin ni kuya. Sanay na rin naman kami sa ganito.
Lumapit si nanay Sam sa akin at saka bumati "Maligayang kaarawan ijo." Sabay niyang ibinigay sa akin ang maliit na box.
"Salamat po," pag papasamalat ko sa kaniya.
No'ng mga bata pa kami ni kuya ay si nanay Sam na ang nag aalaga sa amin, simula no'ng si mom ay palagi na lang busy sa kaniyang trabaho kaya sobra akong nag papasalamat kay nanay Sam dahil kahit paano ay nararamdaman ko pa din ang pakiramdam ng may nag aalaga sa akin na isang iNang
Nang matapos na ang selebrasyon ng aking kaarawan ay pumasok na kami sa aming kaniya-kaniyang mga kuwarto. Binuksan ko ang ilaw habang bitbit ko pa rin ang mga regalo. Dinala ko ang mga 'to sa kama at isa-isang binubuksan. Susi ang ibigay sa akin ni dad at nasa labas ang bago kong kotse. Binuksan ko naman ang kay nanay Sam, mga cookies na may nakasulat ng buo kong pangalan. Ang kay kuya naman ay isang sardinas.
Joke ba 'to? Lagot ka talaga sa 'kin kuya!
Iniligpit ko na ang lahat ng 'yon at humiga sa malambot kong kama. Nakatingin lang ako sa kisame at saka ko unti-unting pinikit ang aking dalawang mata at sa hindi ko namamalayan, ako ay nakatulog na.
Kinabukasan ay ramdam ko ang sikat ng araw na nasa aking paanan. As usual ay nakapikit pa rin ako na pumasok sa banyo at saka nag toothbrush. Nag hilamos ako para bumukas ang aking mga mata. Mukhang ‘yan na yata ang aking nakasanayan sa tuwing ako ay babangon. Bumaba ako at gaya ng aking inaasahan ay nag babasa na naman ng diyaryo si Dad. Si Mom naman ay nasa kusina nag-luluto kasama si nanay Sam. Si kuya naman ay nakangising tumitingin sa akin habang nag linis sa kaniyang kotse, ayaw niya kasi na may dumi ang kaniyang kotse kahit kunti lang.
Nang maalala ko 'yong sardinas ay agad akong bumalik sa kuwarto at saka ko 'yon kinuha. Bumaba ulit ako at sinugod si kuya.
"Bro, bakit?" nakangisi niyang tanong sa akin kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na batukan siya."Bro mukha mo! Ano to?!" Ngumisi na naman siya na parang baliw."Sardines," tipid niyang sagot.Hindi na ako sumagot pa baka mabatukan ko na naman siya kaya pinilit kong kumalma."Easy bro, hindi lang naman 'yan ang ibibigay ko eh. 'Yon oh." Sabay turo niya do’n sa 'di kalayuan.Woah, ito ‘yong gusto kong bilhin noon pa man!Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon dahil hindi talaga ako makapaniwala na bilhan ako ni kuya nito. Matagal ko na kasi itong gustong bilhin pero sobrang mahal kaya hanggang tingnan ko na lang iyon noon sa tuwing ako ay dadaan sa store.
Nang mag hapon na ay as usual ay pupunta na naman ako sa lugar kung saan ay ang mapayapa. Sakto rin dahil magagamit ko ang bagong regalo ni dad na sports car. Pagkarating ko ay bumaba agad ako at nag lakad-lakad. Sa 'di kalayuan ay parang may iba akong nakikita dahil sa likod ng bato iyon ay parang may nakikita akong mahabang buhok kaya padahan-dahan akong lumapit doon. Malakas ang kutob ko na baka isa itong sirena. Nang nasa likod na ako ng bato ay gusto ko talaga itong silipin dahil sa curiosity ko kaya hindi na ako nag dadalawang isip na silipin na ito.
Brianna's P.O.VNandito ako sa lugar kung saan ay hinding hindi ko makakalimutan. Iyong mga nakaraan namin ayhanggang alaala na lamang. Tuwing mag hapon ay pupunta ako dito para pagmasdan ang sikat ng araw at hindi ko naman maiwasang maalala ang mga araw na magkasama kami ng aking kapatid.Biglang lumiwanag ang singsing na suot sa aking ikatlong daliri na nasa aking kanang kamay. Alam kong may magtatankang silipin ako dito.Kinakabahan naman ako kaya nag tago na lang ako dito sa likod ng bato. Hindi nga ako nagkakamali dahil may biglang bumuhos na tubig sa aking likuran."Huli ka! Anong ginagawa mo dito, Brianna?" Napabuntong hininga na lamang ako. Akala ko na kung sino na pero si Dakota lang pala, ang kaibigan kong star fish."Namasyal, dito naman kasi ang paborito kong pasyalan eh," sagot ko sa kaniya at pinaramdam
Naririnig mo 'yon?" tanong ko kay Dakota na halos 'di na mapakali."Tulong, tulungan niyo kami!" Agad akong napatingin sa buong paligid ngunit wala akong nakikita kahit na isda man lang at tanging mga boses lang talaga ang aming naririnig."Oo at humihingi sila ng tulong." kaya inilibot ko agad sa buong paligid ang aking paningiPar"Parang awa niyo na, tulungan niyo kami!" sigaw pa nilang sabi pero wala talaga akong nakikita o isang isda man lang."S-sino kayo? H-hindi namin kayo nakikita," sagot ko do’n sa mga boses."Nandito kami!" Agad akong napatingin sa isang malaking bato."Bato?!" Nang dahil sa gulat ko ay nabitiwan ko si Dakota."Aray ko naman." Kaya kinuha ko siya agad."N-naririnig mo kami?"
Halley's P.O.V"Anong nangyari? At bakit ka nandito?" tanong sa akin ni Dexter."Oo nga at isa pa hindi ka naman namin nakakasama kanina." pag sang ayon naman ni Elaine.Pati ako ay hindi ko maalala kung bakit ako nandito. Bumalik na lang ako sa aking kotse saka sumakay at naisipan ko ng umuwi na lang dahil padilim na naman. Binuksan ko na 'yong music dahil ito na 'yong nakakasanayan ko na sa tuwing magmamaneho. Medyo traffic kaya magabihan na akong makarating sa bahay.Bigla akong napatigil sa pagmamaneho nang may biglang tumawid na hindi man lang tumitingin sa daan at muntik ko na siyang masagasaan."Hoy, magpapakamatay ka ba?!" sigaw ko sa kaniya nang na iparada ko na ang aking kotse kaya napatingin naman siya sa akin na may halong pagtataka.Lumabas ako sa kotse at h
Nagising ako dahil sa sikat ng araw kaya bumangon na ako saka pumasok sa banyo para mag hilamos. Pagkatapos kong mag hilamos ay lumabas na ako sa aking kwarto para bumaba na.Sa nakakasanayan ay nag babasa lang ng diyaro si dad at si kuya naman ay naglilinis na naman sa kaniyang kotse. Napatingin ako sa kusina kaya pumunta ako doon."Magandang umaga ijo." Bati ni nanay Sam sa akin habang ang paningin ay nasa niluluto niya."Si mom po?""Maaga siyang umalis ijo dahil may aasikasuhin pa daw siya sa kaniyang opisina at mukhang nag mamadali nga 'yun." Kaya tumango na lang ako dahil sanay na naman ako.Umupo na ako saka siya nag hain. Pumasok na rin sila dad at kuya dito at umupo na sila. Nag umpisa na kaming kumain at pinasabay na lang namin kumain ang mga kasambahay namin.Pagkatapos kong kumain ay pumasok muna ako sa kwarto ko saka kinuha ko 'yung bagong gitara na regalo sa akin ni kuya at pinatogtog ko ito.Biglang
Brianna's P.O.VHindi ko maiwasang maiyak dahil sa isda na nasa lamesa. Bakit hindi na gumagalaw 'yung isda? Siguro pinatay na nila ito huhuhu."Ayaw mo ba kumain niyan?" Tanong niya sa akin na nasa tapat ko lang."Kawawa naman 'yung isda kung kakainin ko." Bakit ba hindi niya na babasa ang nasa isip ko o maririnig man lang? Bingi ba siya?"Waiter please." Saka lumapit 'yung lalaki sa kaniya.May sinasabi siya doon pero hindi ko maiintindihan. Nang umalis na 'yung lalaki ay nag simula na siyang kumain. Naawa naman ako sa isda habang kinakain niya ang balat nito.Siguro kinain din nila si ate nung hinuli siya nung mga tao, ang sama talaga nila!"Weird, kumain ka na nga diyan." Kaya napatingin naman ako sa kaniya. Anong weird? Hindi naman weird ang pangalan ko.
Halley's P.O.V(10:50 PM)Hindi pa ako makakatulog kaya pumunta muna ako sa veranda. Hindi kaya na konsensya lang ako sa ginagawa ko kanina kay weird? Hindi pwede! At bakit naman ako ma konsensya? Eh siya pa nga 'yung pipi.Napatingin naman ako sa taas, ang ganda talaga tingnan ng mga bituin. Nang may narinig akong nag sasalita ay agad naman akong napatingin sa baba. Nakita ko si mom na may kausap sa phone niya."Sisiguraduhin niyo lang na hindi 'yan makakatakas... Maaga ako pupunta diyan, basta bantayan niyo lang 'yan ng mabuti... Okay bye." Nagulat naman ako nang tumingin siya dito sa direksyon ko kaya agad naman akong tumingin sa mga bituin.Mga ilang minuto pa ako nanatili sa ganitong position ko at nang biglang may kumatok sa pintuan kaya agad naman akong kinakabahan. Paano na lang kung papagalitan ako ni mom ngayon dahil sa mg
"Bro, diba siya 'yung babaeng kasama mo kahapon?" Sabay turo niya doon sa may tulay.Kaya napatingin naman ako doon. Nilapitan siya ng mga lalaki na mukhang adik habang siya naman ay umaatras."Kuya, ihinto mo." Saka niya naman ito hininto.Sabay kami lumabas ni kuya sa kotse at lumapit kami sa kanila."Ilang araw ka na dito?" At dahil pipi nga si weird ay hindi siya sumasagot. "Lumayas ka dito dahil teritoryo namin ito." Sabay nilang itinulak si weird."Hoy!" Kaya bigla naman silang napatingin sa amin ni kuya. "Alam niyo ba ang papangit ninyo?" Baliw talaga ito si kuya kaya nang dahil sa sinabi niya ay agad naman nila kaming nilapitan."Bakit? Sino ba kayo ha?" Tanong sa mukhang leader nila."Oo nga at ang kapal naman ng mga mukha niyong pagsasabihan niyo kaming pangit."Patago ko namang nilapitan si we
Brianna's P.O.VWala naman sinabi 'yung nakaka usap kong bato na maaari ko rin pala itong gamitin ang ibinigay niyang bato na maaari pala ako humiling dito na kung ano ano.Hindi ako makakapaniwala na nakakapagsalita na ako. Ginamit ko kasi 'yung dalawang bato at saka ko hiniling na sana ay makakapag salita na ako dahil naiinis na ako sa mga taong ito na palagi akong tinatawag na pipi."Ijo?" Pero hindi siya sumasagot at saka siya kumuha ng tubig.Nagulat naman ako nang pagka tapos niyang uminom ay bigla siyang tumingin sa akin."At kelan ka pa natutong mag salita?" Tanong niya habang masama 'yung tingin niya sa akin."K-kanina p-pa h-habang k-kumakain a-ako.""Siguro nagugustuhan niya 'yung pancit ijo.""P-parang ganon n-na nga." Sagot ko na lang dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na isa akon