Halley's P.O.V
(10:50 PM)
Hindi pa ako makakatulog kaya pumunta muna ako sa veranda. Hindi kaya na konsensya lang ako sa ginagawa ko kanina kay weird? Hindi pwede! At bakit naman ako ma konsensya? Eh siya pa nga 'yung pipi.
Napatingin naman ako sa taas, ang ganda talaga tingnan ng mga bituin. Nang may narinig akong nag sasalita ay agad naman akong napatingin sa baba. Nakita ko si mom na may kausap sa phone niya.
"Sisiguraduhin niyo lang na hindi 'yan makakatakas... Maaga ako pupunta diyan, basta bantayan niyo lang 'yan ng mabuti... Okay bye." Nagulat naman ako nang tumingin siya dito sa direksyon ko kaya agad naman akong tumingin sa mga bituin.
Mga ilang minuto pa ako nanatili sa ganitong position ko at nang biglang may kumatok sa pintuan kaya agad naman akong kinakabahan. Paano na lang kung papagalitan ako ni mom ngayon dahil sa mg
"Bro, diba siya 'yung babaeng kasama mo kahapon?" Sabay turo niya doon sa may tulay.Kaya napatingin naman ako doon. Nilapitan siya ng mga lalaki na mukhang adik habang siya naman ay umaatras."Kuya, ihinto mo." Saka niya naman ito hininto.Sabay kami lumabas ni kuya sa kotse at lumapit kami sa kanila."Ilang araw ka na dito?" At dahil pipi nga si weird ay hindi siya sumasagot. "Lumayas ka dito dahil teritoryo namin ito." Sabay nilang itinulak si weird."Hoy!" Kaya bigla naman silang napatingin sa amin ni kuya. "Alam niyo ba ang papangit ninyo?" Baliw talaga ito si kuya kaya nang dahil sa sinabi niya ay agad naman nila kaming nilapitan."Bakit? Sino ba kayo ha?" Tanong sa mukhang leader nila."Oo nga at ang kapal naman ng mga mukha niyong pagsasabihan niyo kaming pangit."Patago ko namang nilapitan si we
Brianna's P.O.VWala naman sinabi 'yung nakaka usap kong bato na maaari ko rin pala itong gamitin ang ibinigay niyang bato na maaari pala ako humiling dito na kung ano ano.Hindi ako makakapaniwala na nakakapagsalita na ako. Ginamit ko kasi 'yung dalawang bato at saka ko hiniling na sana ay makakapag salita na ako dahil naiinis na ako sa mga taong ito na palagi akong tinatawag na pipi."Ijo?" Pero hindi siya sumasagot at saka siya kumuha ng tubig.Nagulat naman ako nang pagka tapos niyang uminom ay bigla siyang tumingin sa akin."At kelan ka pa natutong mag salita?" Tanong niya habang masama 'yung tingin niya sa akin."K-kanina p-pa h-habang k-kumakain a-ako.""Siguro nagugustuhan niya 'yung pancit ijo.""P-parang ganon n-na nga." Sagot ko na lang dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na isa akon
Halley's P.O.VPagkatapos kong kumain ay pumunta na kami ni Brianna sa garden para mag usap. Ang dami kasing tanong na sa aking isipan kung sino ba siya sa akin? Magkakilala na ba kami o nagkikita na ba kami? Sa dinami daming tanong ay mas lalo akong naguguluhan kung sino ba siya talaga.Umupo ako kaya umupo rin siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa paligid habang dinadama ko ang simoy ng hangin."Sino ka ba talaga at saan ka nakatira?" Sa dinami daming tanong na gusto kong itatanong sa kaniya ay 'yun ang unang lumabas sa aking bibig."Ang pangalan ko ay si Brianna at nakatira ako sa dag--" Kaya napatingin naman ako sa kaniya dahil bigla siyang tumigil sa pag sasalita na para bang may nasabi siyang mali."Saan ka nakatira?" Pag uulit kong tanong sa kaniya."W-wala na akong tirahan." Kaya nag tataka naman ako kung bakit wala siyang
Brianna's P.O.V(11:23 PM)Hindi pa ako makakatulog dahil sobra akong naninibago sa kwartong ipinapagamit sa akin ni Halley. Nakahiga lang ako sa kama habang inilibot ko ang paningin dito sa buong kwarto.Biglang may kumatok sa pintuan kaya bumangon naman ako at pinag buksan ko ito."Bakit gising ka pa?" tanong niya."Hindi pa kasi ako makakatulog eh." sagot ko naman sa kaniya."Dapat maaga kang gumising bukas ah?" Kaya nagtataka naman ako."Bakit naman?" agad kong tanong sa kaniya."Ayaw mo bang sumama sa amin bukas?" natatawa niyang tanong."Ay, Oo nga pala, muntik ko nang nakalimutan." sabi ko habang napakamot sa aking ulo."Sige matulog ka na, maaga ka pang gumising bukas." Saka siya umalis kaya isinara ko na lang ang pinto.Pum
Habang bumabiyahe kami ay hindi ko pa rin mapipigilang mapangiti dahil sa itinuro sa akin ni Halley. Halos lahat ng mga instrumento doon ay nasusubukan na namin."Nagustuhan mo ba?" biglaan niyang tanong niya sa akin kaya lumingon ako sa kaniya habang naka ngiti pa rin. "Mukhang masaya ka kasi eh.""Oo, sobra kong nagugustuhan. Pwede pa ba tayo babalik doon?""Sige, next time." Kaya nagtataka naman ako sa sinasabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang ibig sabihin no'n."Ha? Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya."A-ah ang ibig kong sabihin ay, balik tayo sa susunod." Kaya napa ngiti na naman ako sa sinasabi niya.Nang narating na namin ang bahay ng kaibigan niya ay agad naman kaming bumaba sa kotse at sabay kaming nag lakad papunta doon."Dre!" Tawag sa kaniya ng isang lalaki. Siya siguro 'yong may birthday ngayon."Dre,
Halley's P.O.V(9:30 AM)Hindi muna ako bumangon dahil parang masama ang aking pakiramdam tas dumagdag pa itong si Tinsley. Sa tagal na niyang hindi nag paparamdam tapos ngayon na naman siya sumusulpot, nadamay pa tuloy si Brianna.Bigla namang nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko ito sinagot."Hello, Halley?" sagot nito sa kabilang linya."Mom.""Kamusta na ang iyong pakiramdam? Tinawagan ko kasi ang kuya mo at sabi nito ay masama daw kasi ang iyong pakiramdam kaya agad kitang tinawagan." Bakas sa boses nito ang pag alala."Ayos lang ako mom, siguro dahil lang ito sa naiinom ko ka gabi." sabi ko na lang dahil ayaw kong malaman niya 'yong tungkol kagabi sa amin ni Tinsley."Mabuti naman kung ganon. Nagkita na ba kayo ni Tinsley, anak?" Kaya bigla namang uminit ang aking ulo nan
Brianna's P.O.V"Bakit dito mo naisipang pumunta?" Hindi ako makakapaniwala na nandito kami ngayon ni Halley sa dagat."Nandito kasi 'yong alaala namin ng kaibigan ko dati." Sabi niya habang pinagmasdan ang mga alon."Babae o lalaki?" Ano ba itong pinagsasabi ko?! "A-ang ibig kong sabihin, matagal na ba kayong magkakaibigan?" Nahihiya tuloy ako sa tanong ko."Hindi 'yon ang una mong tanong, ang tanong mo ay babae ba siya o lalaki?" Natatawa niyang sabi. "Babae siya at hindi lang siya basta babae sa akin dahil siya ang sumagip sa buhay ko." Napangiti nitong sabi.Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip na sobrang close pala sila sa isa't isa."Ang bait niya naman pala." Hindi ko maiwasang maalala din ang aking matalik na kaibigan noon."Oo nga eh, crush ko na yata 'yon." sabi niya kaya nagtataka na naman ako.
Hindi ako makakapaniwala na aabot pala kami sa ganito ni Halley na siya ang matalik kong kaibigan noong bata pa ako."Saan na tayo pupunta ngayon, Brianna?" malungkot na tanong sa akin ni Dakota."Wala na tayong pagpipilian pa dahil uuwi na lang tayo sa kaharian." sagot ko sa kaniya."Pero paano na 'yong kwintas?" nag alala niyang sabi."Saka na lang natin hahanapin kapag wala doon si Dauphine." Sabi ko na animoy nawalan na ng pagasa."Pero maging isang sirena ka na at hindi mo na magagamit ang bato dahil pang isang beses lang ito." Bigla ko namang naaalala.Oo nga pala."Pero h'wag kang mag aalala Brianna dahil wala naman sa dagat si Dauphine." Kaya nagtataka naman ako sa sinabi niya."Eh, nasaan siya?" agad kong tanong sa kaniya."'Yong araw na napadpad ka dito sa lupa, ay pati siy