Share

CHAPTER 10: Secret

Walang nagawa si Marc ng bumaba si Kim sa kotse niya. Para siyang nanghina sa sinabi nito. Ngayon lang may tumangging babae sa kanya kaya bagong bago sa kanya ang pakiramdam na yun. Nasaktan siya sa sinabi ni Nancy na hindi siya nito gusto at walang interes sa kanya. Ni hindi man lang siya nito binigyan ng chance na patunayan ang sarili. Gustong gusto niya si Nancy. Kailan lang ng makilala niya ito pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Hindi pa niya ito gaanong kakilala pero pakiramdam niya ay matagal na niya itong nakasama. Alam naman niyang nagdadahilan lang ito ng kung ano ano para lang layuan niya. Pursigido siyang magustuhan siya nito kaya hindi siya sumuko.

Hindi niya alam kung totoo ang sinabi nitong may anak na o isa lang din sa mga dahilan niya pero totoo man yun o hindi ay walang problema sa kanya. Gusto niya si Nancy kaya lahat sa pagkatao nito ay kaya niyang tanggapin.

Umalis na lang siya sa lugar na yun ng mabigat ang loob. Pag uwi sa condo niya ay dumiretso siya sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status