Share

Chapter 3

ROGUE HURRIEDLY went to the school when Rhea called him. Halos paliparin na niya ang kotseng minamaneho habang maraming senaryo ang tumatakbo sa isip niya.

Pero ang senaryong hindi pumasok sa isip niya ay ang makita na nahihirapang huminga si Celestine at ang babaeng may kayumanggi ang buhok na nakatayo sa harap ng nahihirapan na bata.

Fear and anger filled him. Mahigpit na kumuyom ang kanyang mga kamay at malalaki ang hakbang na lumapit sa babaeng iyon. Every step he makes, dread consumed him. 

Nang makalapit, kitang-kita ni Rogue ang namumutla at punong-puno ng pantal ang pamangkin. At sa galit na nararamdaman, mabilis niyang hinarap at kinuwelyuhan ang babaeng nakatitig sa kanya. 

"What did you do, you punk!" galit na sigaw niya dito.

"T-Teacher... H-Help..."

Nang makita niya ang mata nito ay bahagya siyang natigilan, ngunit kaagad bumalik sa reyalidad ng makita ang nawalang malay na pamangkin.

"Celestine!" sabay nilang sigaw ni Asja.

He has to hurry up! Kailangan niyang madala kaagad ang pamangkin sa hospital!

Mabilis niyang binitawan si Asja at dali-daling binuhat ang pamangkin papunta sa sasakyan. Ang malalaking hakbang ay napunta sa mabilis na pagtakbo. Hinihingal siyang nakarating sa kanyang kotse. Kaagad niyang binuksan ang pinto ngunit natigilan nang mabilis na pumasok si Asja.

"Akin na siya. Bilis!"

Marahan niyang pinilig ang ulo niya at nagtagis-bagang. Mabilis niyang ibinigay ang walang malay na bata sa kay Asja nasa loob ng kanyang sasakyan at dali-daling pumunta sa harap upang magmaneho.

He should not prioritize his anger. Celestine needed someone to hold her.

Nang makarating sa pinakamalapit na hospital, mabilis siyang lumabas. Kaagad kinuha si Celestine at patakbong pumasok sa loob. 

"Tulungan niyo po kami!" sigaw ni Asja.

"What happened to the patient?" tanong ng isang doktor na lumapit sa kanila.

"Hindi ba't trabaho niyo na alamin kung ano ang nangyari sa kanya?!" he yelled angrily. Rogue gritted his teeth and was about to punch the doctor when Asja stopped him.

Bahagyang lumaki ang mata ng doktor bago sumenyas sa isang nurse na dalhin si Celestine sa ICU.

MABILIS NA tumayo si Asja ng makita ang lalaki na nagdala kay Celestine sa hospital. Pagkapasok na pagkapasok kasi kay Celestine sa loob ng ICU, kaagad na umalis ang lalaki na sa tingin niya ay ama ni Celestine. May pagkakahawig kasi ang mga ito.

"K-Kamusta si Celestine?" tanong niya.

"Why are you still here? Get out already.  Don't you feel guilty for what you did to Celestine?" galit nitong tanong.

Lumunok siya. When Asja heard his voice again, her body heir immediately stood up. The voice she just heard was very familiar to her, made her heart beat faster and gave her peace like someone she can't remember. Her troubled mind was temporarily at peace when she heard that angry voice. 

Asja saw how he run his fingers through her hair as he stared darkly at her. Asja gasped as she hugged her shoulders. Umiwas siya ng tingin dahil sobrang galit ang ibinubuga ng mga nito.

"S-Sorry... H-Hindi ko sinasadya--"

"Ano ba sa sinabi ko ang hindi mo naintindihan? I said leave!"

Bahagyang siyang napatalon sa sigaw nito. Nang tinignan niya ito, kitang-kita niya ang sobrang galit sa mga mata nito na hindi niya alam kung saan nang gagaling.

"Kaya ba ayaw mong umalis kasi akala mo may makukuha kang pera?"

Her eyebrow furrowed. Nakita niyang dumukot ito sa sariling bulsa at may inilabas na wallet. Kumuha ito ng makapal na pera. Na papikit na lamang si Asja ng bigla nitong itinapon sa mukha niya ang pera.

Ano bang ginagawa nito?!

"There, siguro naman kasya na 'yan sa iyo?" he asked, firmly.

Asja took a deep breath to prevent herself from punching this guy. Mabagal niyang idinilat ang kanyang mata. Inayos niya ang kanyang sarili at pumihit paalis.

"Mga mukhang pera," sabi nito.

Asja gritted her teeth. Mahigpit kumuyom ang kanyang kamao habang pinagpapasensyahan ang mga pinagsasabi ng walang kwenta na taong iyon.

"Beggar has no class," rinig niyang sabi nito.

Sa sinabi ni Rogue na 'yon, kaagad naputol ang pagtitimpi ni Asja. Galit na galit siyang pumihit pabalik at madilim ang matang naglakad papunta sa gawi ni Rogue.

Nang makalapit, kaagad niyang sinampal ng malakas ang kaliwang pisngi nito. Walang sabi-sabi at hindi iniisip ang kakalabasan nang ginawa. 

"Ang pangit ng ugali mo," ani Asja.

Dahan-dahan at galit na galit na humarap si Rogue kay Asja. Then, the corner of his mouth lifted.

"Do you know who I am? Do you know that... I can sue you because of what you did?" he smirked wider.

Asja's jaw clenched. Itinaas niya ang kanyang kamay at sasampalin muli dapat ang lalaki, ngunit nasapo nito ang kanyang kamay. Hinila siya nito papalapit at nagsalita.

"Stop. You don't what you're doing, Teacher." madiing sabi nito sa huling sinabi.

Ramdam na ramdam ni Asja ang hininga nito sa kanyang mukha. At doon, nakita niya ng malapitan ang mukha ng binata. His features were almost foreign. Matangos na ilong, mapupulang labi, kulot na buhok at matipunong mapangangatawan. At hindi nga siya nagkamali, may pagkakawig nga talaga ito kay Celestine.

"Pagkatapos ng ginawa mo kay Celestine... May lakas ka pa ng loob na sampalin ako. Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo? Walang manners?" maangas na bulong nito sa kanyang tenga.

After he said that, Asja's eyes filled with tears. Ayaw niyang umiyak sa walang kwentang lalaki na 'to... pero... bakit? Bakit niya kailangang umiyak sa harap ng walang pusong taong ito? 

Nagpumiglas si Asja sa pagkakahawak nito. At pagkabitaw nito, kaagad niyang muli itong sinampal bago tumakbo paalis.

"WHAT HAPPENED to Celestine? Is she okay?" bungad na tanong ni Rogue sa doktor na kakalabas lang. 

"Yes Mr. Duskano, when we examine the patient we found nothing wrong with her body. Also, your niece is allergic to peanuts. Kaya siya nagkaroon ng mga pantal dahil isa 'yon sa sintomas ng allergy. Good thing nadala niyo kaagad siya dito,"

His eyebrow furrowed. "What? She has no allergies."

The doctor adjusted his glasses before speaking. "Well, everyone can be allergic to peanuts. Food allergies can develop at any in an individual's life."

"If so, what can be the medicine then?" mahinahon niyang tanong.

Due to Rhea's young age, she did not yet know her duty. So Rogue offered to take care of the child. Kaya sobra ang kanyang pag-aalala dito.

"Apparently, there's no cure for peanut allergies. But we have something called Palfolzia," sandali nitong kinausap ang matandang nurse na dumaan. "Palfolzia is a prescription medication derived from peanuts and is for the treatment of patients with peanut allergies."

Rogue took a deep breath. "Is that so? Thank you, doc."

"Also Mr. Duskano, Celestine will be moved to her room soon."

"Yeah, thanks."

After Rogue talk to the doctor. He immediately called his younger sister, Rhiannon.

"Rhea--"

"Hello, Kuya! I'm going home soon, bye!"

His jaw clenched when he hear that Rhea hang-up the phone. Sumandal siya sa pader sa kawalan ng pag-asa. Her younger sister, Rhea, is driving him crazy. This is not the first time she has done this to her daughter. It just always repeats itself.

Nang makita niya na lumabas na si Celestine sa ICU ay kaagad na sumunod si Rogue dito. Ngunit sa kanyang paglalakad ay may nahagip ang kanyang mata. He saw a beautiful woman in a green dress, ngunit hindi siya sa mukha nito nakatingin, kung hindi sa damit.

Green...

"LIAR! How many times do I have to tell you not to lie to me, huh?!" 

Nakaupo ang batang umiiyak na si Winona sa likod ng pintuan ng kanyang kwarto, kung saan rinig na rinig niya ang pag-aaway ng kanyang mga magulang. Kung tutuusin, sanay na siya sa ganitong senaryo, ngunit iba ngayon, dahil rinig na rinig niya ang iyak at hikbi ng kanyang ina at pag-pipigil ng galit ng kanyang ama.

"Leona killed my child, 'your" past wife killed 'my' unborn son!" humahagulgol nitong sigaw.

"Tapos... gusto mo pa akong humingi ng tawad dahil sa konting pagkakamali ko?" patuloy nito.

Nang oras na marinig niya ang sinabi ng kanyang ina iyon ay mabilis na tumulo ang kanyang mga luha. Sa kanyang batang isip, alam na kaagad ni Winona kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Alam na niya kaagad kung ano ang sinabi at kung bakit umiiyak ang kanyang ina.

"No, I didn't mean it that way Wendy! Wala akong sinabi na humingi ka ng tawad sa kanya." sandaling tumahimik ang paligid bago nakarinig nang pagkabasag si Winona.

"Then, what?" kasabay nang pagkabasag ng paso ay kaagad na sigaw ng kanyang ina.

Nang mga oras na iyon ay sobrang takot ang nararamdaman ni Winona. Niyakap niya ang kanyang hawak na manika at bumalik sa kanyang higaan. Tinakpan niya ang kanyang tenga ng mga unan upang hindi marinig ang sigawan at hagulgol ng kanyang ina.

"May kinalaman ka ba sa pagkawala ng anak ko, Wendy?" mahinang ani ng kanyang ama.

"Oh! You want to ask 'me' if I took your daughter with your past wife? Really, Pavios? Gusto mo akong tanungin kung may kinalaman ba ako sa pagkawala ng anak mo?" parang nababaliw na tanong ng kanyang ina.

Iyak ng iyak si Winona habang nakatakip ang kanyang mga tenga. Naisin man niyang pigilan ang kanyang mga magulang, ngunit wala siyang magawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon, ngunit isa lang ang masasabi niya, galit na galit siya sa tanong nanakit sa Mommy niya.

"Kung ako man ang kumuha sa anak mo, wala ka na do'n! Papatayin ko din siya katulad ng pagpatay ni Leona sa anak ko!"

Humahangos na napabalikwas si Winona sa kanyang nakaraang alala na gabi-gabi siyang hindi nilulubayan. Habol ang sariling hiningang tumingin at pinakiramdaman ang paligid.

I'm alone. No one is fighting. Calm down.

Nang makasiguradong walang nagsisigawan, nakahinga siya ng maluwag. She was tired of living her life full of misery. She was not like the other people. Those people have purpose in life, she doesn't. 

Sa buong buhay niya, walang araw na hindi niya naalala ang sigawan ng kanyang mga magulang. Sa batang edad noon, hindi niya malaman kung paano niya naalala ang mga bagay na iyon. Hindi niya alam kung bakit tumatak sa dulo ng kanyang utak ang mga binitawan na salita ng kanyang ina noon.

Gustuhin man niyang umahon sa nakaraan, hindi niya magawa, dahil simula ng araw na narinig niya ang pag-aaway ng kanyang magulang ay hindi na siya pinansin ng kanyang ina. Kahit anong pakikipag-usap at lambing ang ginagawa niya ay wala, walang reaksyon o tugon.

"Sana magkasundo kayo ni Alana,"

"Of course! Alana will love this," 

"Magkamukha kayo ni Alana,"

Habang ang kanyang ama naman, laging bukang bibig ang pangalang Alana. Kaya dahil doon, umusbong ang galit sa munting puso ng batang si Winona dahil pakiramdam nito ay inagaw lahat ng kanyang kapatid ang lahat sa kanya.

"Good morning,"

Napabalikwas sa pagkakaupo si Winona ng marinig ang boses ng kanyang ama. "Morning, Dad. Where's Mom?"

Malungkot itong ngumiti. "Alam mo naman na hindi iyon sumasabay sa atin. By the way, nakita mo ba ang bagong labas na bag na elimited edition ngayon? Can you buy that for me?"

Her mouth curved into smile. "Of course! Is that for me?"

Ginulo ng kanyang ama ang buhok niya. "No, you have so many bags in your closet. Ilalagay ko iyon sa box of gifts."

Sa sinabi ng kanyang ama,  kaagad na nawala ang kanyang ngiti. Ang box of gifts sa kanilang bahay ay puro regalo na para kay Alana. Simula kasi ng mawala ito sa edad na pitong-taon ay lagi itong binibilhan ng kanyang ama ng mga regalo tuwing pasko, bagong taon at iba pang kaganapan.

Winona was 22 years old now. At hanggang ngayon, wala pa ring katumbas ang galit niya sa taong pumatay sa kanyang kapatid, at sa kapatid niya na inagaw ang lahat sa kanya. Ang mag-ina na 'yon, ang pamilya nila, wala silang karapatang mabuhay. Sinira nila ang pamilya ni Winona, kaya sisirain niya din ang kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status