Share

Chapter 4 Mansion

Sheena's POV

"You know my friend. You are so admirable. Dahil nag-aaral ka na nagtatrabaho ka pa. Hanga talaga ako sayo." Mapaglarong turan ni Marsh while brushing her hair using her fingers.

Andito na kasi ako sa coffee shop dahil wala naman kaming klase ngayon. Kaya pumasok ako rito sa part time job ko.

"Naku Marsh. Kung pwede lang huminto ng pag-aaral. Huminto na ako. Dahil masgugustuhin ko pang makatulong kay mama." Sabi ko habang abala ako sa pag-iinventory ng mga coffee dito sa may counter.

Si Marsh naman ay hindi mapakali sa harapan ko. She still brushing her smoothed hair.

Kanina niya pa sinusuklay ang mahabang niyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.

"Grabe ka naman. Ganoon talaga ang buhay mahirap. Kailangan mo talagang magtiyaga katulad ko. Kaya fight lang ng fight. I believe that someday you will reach your dreams." sabi niya.

I'm glad at her because besides of my hopeless situation she yelled with it.

"Sabi nga nila. Work in silent and let your success make the noise." naghugot pa talaga si Marsh.

"Naku Marsh. Ang daming mong nalalaman ah." Sagot ko habang hawak-hawak ko ang isang pack na coffee.

"At kapag successful ka na. Beke nemen. Pwede mo rin akong maging body guard diyan." sabay kalabit niya sa akin na natatawa.

Sumalubong naman ang mga kilay ko dahil sa pagbibiro niya.

"Ipagtatanggol talaga kita sa mga maling tao." pagpapatuloy niya.

Natawa na lang ako. Ito talagang si Marsh ang daming pakulo.

"Naku Marsh. Tigilan mo nga ako. Kung ano ano nalang ang naiisip mo." sabi ko sa kaniya.

"Ito naman lagi na lang seryoso. Hindi man lang mabiro." sabi niya habang nakanguso.

"Kaya mag-aral kang maigi ah. Dahil andito lang ako. I'm your always best friend that always claps in your success. I swear it." nakangiting sabi ni Marsh.

Napabuntong hininga naman ako.

"Thank you na lang ah. Kasi may napakabait akong bestfriend na laging akong pinapatawa. Lagi akong kinukulit." sabi ko sa kaniya.

Ito talagang si Marsh ang bait. Paglagi ko siyang kasama. Lagi niya akong pinapatawa.

She is super corny ang naughty bestfriend.

I need someone like her. To cherish me when I am down. To comport me by her words just a cliche.

Pagkatapos ng work ko ay umuwi ako. Nadatnan ko ang may-ari ng apartment na inuupahan namin ni mama.

"Miss pasensya na. Pero kailangan niyo nang umalis sa apartment na ito. Dahil sa hindi na kayo nakakabayad ng renta." sabi ng lalaki.

"Huwag naman po kayong ganiyan. Magbabayad mo kami ni mama." sabi ko.

"Yan na naman tayo. Palagi na lang magbabayad kayo eh wala naman kayong binabayad. Luging lugi na kami iha." galit na sabi ng lalaki.

"Pero wala na po kaming mapupuntahan ni mama. Parang awa niyo na po. Huwag niyo po kaming paalisin. Huwag naman po kayong ganito. Magbabayad na po talaga kami." sabi ko.

"Wala na po kaming matutuloyan ni mama. Parang awa niyo na po." pagmamakaawa ko sa lalaki.

"Hindi ko na problema yon kong wala kayong matitirahan o mapupuntahan. Maghanap na lang kayo ng iba." sabi niya at pagkatapos ay sumindi siya ng sigarilyo.

"Atsaka nai-offer na namin ang bahay na ito sa iba. Kaya pasensya na." dagdag niya.

Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya sahalip pumasok ako ng apartment. Kinuha ko ang mga gamit namin ni mama at pagkatapos ay lumabas.

Sa hindi ko namalayan umiiyak na pala ako.

Iniwan ko na lang ang lalaking nakatayo sa harapan ng apartment.

"Oy iha. Hindi pa kayo nakaka bayad. Bumalik ka." rinig kong siyaw ng lalaki.

Hindi ko na siya nilingon pa sahalip ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

I don't even know where I am going actually. I don't know what to do. I'm just walking while carrying the rag luggage.

My tears escaping from my little pretty eyes. Tila walang katapusan ang pag-agos ng mga luha ko kanina pa.

Wala man lang kasing puso ang mamang 'yon. Hind niya man lang nagawang intindihin ang kalagayan namin ni mama. Para palayasin kami sa apartment.

Habang hila-hila ko ang sira-sirang lumang maleta. Pinagtitinginan ako ng mga tao.

Humahagolgol lamang ako sa iyak.

Ganoon ba talaga ang mga tao dito sa Pilipinas? Kailangan pagmasdan ka at suriin kung ano ang kalagayan mo? Pero wala naman silang pakialam sa sitwasyon mo.

Wala na akong pakialam sa kanila. Dahil ang iniisip ko sa ngayon ay kung saan kami tutuloy ni mama. Kung saan kami matutulog.

I'm walking through the street. I wish I could not stay here longer.

Nothing easier ever, worst time always happen in my life.

Is this our destiny? Our fate?

Ito ang ayaw kong mangyari pero nagaganap. Ito ba ang tinatawag na tadhana? Oh kay lupit naman.

Napaupo ako sa bench. Malapit sa may Jollibee at doon na ako napahagolgol sa iyak. Ang sakit sakit lang kasi sa apdo na palagi na lang ganito ang buhay ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Magiging pagal-gala na rin kaya ako sa tabi ng kalsada!

Marami naman doon ang natutulog at masayang kasama. Walang N*****x pero ang kwento ng buhay ay parang nasapelikula.

Napamasid ako sa madungis kong sapatos at sira-sira na. Na siyang nagsasalamin nang kapalaran ko.

Kung i-kuwento ang buhay ko sa drama ay parang korean nobela. Kawawa naman ang gaganap na artista. Magiging pulubi at walang pera tapos matutulog pa sa tabi ng kalsada.

Lagi na lang ganito. Kasing pait ng ampalaya ang buhay ko. Sana bukas maka-candy man lang.

Mabuti pa si Jollibee. May burger at masaya, samantalang ako. Ikaw lang ang mayroon ako tapos iniwan mo pa. Ngayon butas-butas na lang sapatos ang mayroon ako na siya kong kasa-kasama.

Akala ko ba. One for all. All for one? Tapos walang iwanan.

Bakit masaya ka? Malungkot ako?

Bakit may pera ka? Butas ang bulsa ko?

Ngayon nasaan ang hustisya?

All I need is someone who will listen to all my dramas and grievances.

I need a shoulder to cry on. Someone who's willing to shed my tears and tell me that everything will be alright. But I have no one but only myself.

Pinuntahan ko si mama. Wala akong pakialam kung nagtatrabaho si mama sa mansion ng tagapagmanang iyon.

Nakita kong palabas si mama ng gate may dalang garbage bag. For sure magtatapon siya ng basura.

"Oh anak. Ba.." Natigilan si mama sa kaniyang sasabihin nang makita niya ako at ang dala kong maleta.

"Ma. P-pinaalis na po tayo sa apartment." utal kong sabi.

"A-ano?" Kunot noong tanong ni mama. Hindi siya makapaniwala.

"Dahil hindi raw po tayo nakabayad ng renta."

"Bakit naman nila ginawa iyon anak. Sinabi ko naman na magbabayad tayo ng renta." paliwanag ni mama.

"At nai-offer na daw po yung bahay sa iba." Pagpapaliwanag ko.

"Sandali." sabi ni mama at tuluyang itinapon ang garbage bag sa bin.

"Hali ka anak. Mag-aadvance ako para makuha ulit natin ang apartment." At pumasok kami ni mama ng mansion.

Nadatnan namin ni mama ang isang babaeng sophisticated. Sa tingin ko siya ang mom ni Prince.

"Oh Aina." sambit nito sa pangalan ni mama.

"Hmm. Ma'am. Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Pwede po ba akong mag-advance. Pang bayad lang po namin ng apartment. Pinaalis na po kasi kami dahil wala na po kaming pangbayad." paliwanag ni mama.

"Aina. Hindi mo kailangan mag-advance. Dahil pwede kayong tumuloy dito at napag-usapan na namin ito ng asawa ko ang tungkol dito." sagot niya kay mama.

"Nakakahiya na naman po sa inyo ma'am."

"Ano ka ba. Huwag mong isipin yan. Tsaka it already 5:PM. Kaya dito na muna kayo tumuloy." pagkumbinsi nito kay mama.

"Kung ganoon po. Papayag po ako na mag stay rito pero pansamantala lang." sabi ni mama.

"Oh sige. Kung yan ang decision mo. Pero ang bahay na ito ay handang tumanggap sa inyo kahit anong oras." paliwanag niya kay mama.

Ang bait naman pala ng mommy ni Prince. Sana ang lahat na tao ay kagaya niya.

"Bago pala ang lahat. Ako si Jessica at ang asawa ko si Allan." Pagpapakilala nito.

"Mom si Dad po." tanong ni Prince habang pababa ito ng hagdan.

Nakatingin siya sa akin.

"May pinuntahan ang daddy mo about business but don't worry. Dahil darating na 'yon Prince." Sagot ng mommy ni Prince at dumating na mga ang asawa niya.

"Oh. Ayan na pala ang daddy mo." pansin ng mommy ni Prince nang makita nito ang asawa niya.

"Oh hon. Pumayag na ba sila na mag-stay rito?" tanong ng dad ni Prince nang makita kami ni mama. Kakapasok lang nito ng mansion .

"Actually. Pumayag na siya pero pansamantala lang daw."

"Mabuti naman kung ganoon." sagot ng daddy ni Prince.

"Pero bago ang lahat. Hali kayo Aina." At sumunod naman kami ni mama sa mommy ni Prince.

"Mula ngayon. Ito ang magiging kwarto niyo." Sabi ng mom ni Prince matapos kaming samahan.

"Salamat po talaga ma'am." pagpapasalamat ni mama.

"So pasok na kayo para makapag umpisa na rin kayo."

Pumasok na kami ni mama sa kwarto at inwan na kami ng mommy ni Prince.

Hindi ko tuloy maisip na maninirahan kami ni mama sa ganito kalaking bahay. Parang isang panaginip.

Kinaumagahan. Kasalukuyan nasa klase kami ngayon. Tahimik ang buong classroom.

Madalas akong sulyapan ni Rain. Bakit ang weird niya? Hindi ko alam kong bakit madalas niya akong i-check out. Ang weird niya talaga.

Bakit ganoon napapatingin din sa amin si Prince?

"Good morning sir. Pinatatawag po si Ms. Sheena Castillo at Prince sa office." Sabi ng isang student na babae nang dumating ito.

"Sheena and Prince. You can go." Sabi ng professor namin.

Napalingon ako kay Rain. Base sa kaniyang tingin. Para siyang nag tatanong kung ano ba ang  mayroon sa amin ni Prince.

Sa point na iyon parang makiramdam ko nagseselos siya.

Selos? At bakit naman siya magseselos eh wala naman kami.

Lumabas navlang kami at pumunta ng office.

"Mom. Dad. Bakit niyo po kami pinatawag?" Tanong ni Prince nang dumating kami ng office.

Nandito kasi ang parents ni Prince dahil sa kanila ang University na ito. Kaya baka nagbisita lang sila dito.

"Naisip kasi namin ng daddy mo na wala ka pang P.A. So pinatawag namin kayo dahil napag-usapan namin. Na si Sheena will be your P.A son."

Ano? Tama ba ang narinig ko? Magigi akong P. A ni Prince.

Oh no.

"What? P. A? Mom I'm not child anymore para bigyan niyo ako ng PA." kunot noong sabi ni Prince.

"Prince College life is not easy. I hope you understand para naman may ka tulong ka sa school matters mo." paliwanag ng dad niya.

"But Dad." hindi na naituloy ang sasabihin ni Prince dahil sumagot na ang mommy niya.

"Prince sige na. Ginagawa namin ito for your own good dahil babalik na kami ng America ng daddy mo."

Napailing-iling nalang si Prince sabay walked out.

What's wrong?

"Sheena. Are you willing that you'll be a P.A of our son?" tanong ng mommy ni Prince.

Hindi ako makadiriktang makasagot dahil nagulat talaga ako ng tanong na iyon.

"But don't worry. It will be your extra-curricular at alam na ito ng mama mo ang tungkol dito. Dahil kinausap na namin siya kanina nang umalis kami."

Ano? Pati ba naman si mama pumayag. Oo parents knows best pero bakit pumayag si mama?

"Hmm. Kung ganoon po. Okay lang naman po iyon sa akin."

Sumang-ayon ako dahil baka kapag hindi ako pumayag. Baka i-cancel nila ang scholarship ko. Tapos hindi na ako makakapag-aral sa ganitong isang exclusive University sa Pilipinas.

Pagkatapos na mag-usap kami ng mommy ni Prince ay bumalik na ako ng room. Nakasalubong ko si Rain.

"Sheena sabay na tayong pumunta ng Cafeteria." Yaya niya.

"Hmm. Sige." sagot ko.

Pagdating namin ng cafeteria. Walang bakanting table kundi sa table na kinaroroonan ni Prince. Kaya doon ako niyaya ni Rain at umupo.

"Malungkot ata ang bestfriend ko." tugon ni Rain sabay tapik sa balikat ni Prince.

"By the way. Sheena si Prince Childhood bestfriend ko until now." pakilala ni Rain.

Nagkatinginan naman kami ni Prince dahil magkakilala na kami.

"Actually. Magkakilala na kami." tugon ni Prince.

"Ano? Magkilala na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rain at napatango na lang ako dahil doon.

"Hmm. So pwede ba. Mula ngayon magkakaibigan na tayo." sabi ni Rain.

"Okay fine. I have to go." tugon ni Prince at umalis na ito.

"What's wrong?" napasimangot na lang si Rain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status