Share

Chapter 12

Chapter 12

Did Mallory believe in love?

Iyan ang tanong na tumambay sa isipan niya. Matagal niyang tiningnan si Nigel. Gusto niya sanang magsalita pero nauubusan siya ng sasabihin. Hindi niya mahanap ang mga tamang bagay tungkol sa pag-ibig.

Ang tumatak lang ay ang alaala ng kahapon. Noong bata pa siya, lalo na nang nasa elementarya, paborito niya ang slambook. Ito iyong notebook na pinapasulatan sa kaibigan man o kaklase. Dapat naka-fill up doon ang name, age, nickname, favorites, likes, dislikes at may philosophical questions pa.

Kahit sa murang edad, natatagalan si Mallory sa pagsagot ng "What is Love?" Hindi niya mawari kung ano ang dapat maisulat. Nang tingnan naman niya ang mga dating pahina puro:

Love is blind

Love is a rosary. It's full of mystery.

Love moves in a mysterious way.

Love is when my crush is beside me.

At kung ano-ano pa.

Ang naisip niya nang mabasa ang mga iyon, "Ang daming alam."

Pero nang itapat niya ang ballpen sa papel, inisip ang taong pinakamamahal niya,
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
ۦۦۦ ۦۦۦ ۦۦۦ ۦۦۦ
ganda sana kaso wala ng update,
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status