Walang dinner date na naganap. Nang mapansin ni Kaizer ang luha sa mga mata ni Kryzell ay walang sabi-sabi siyang iniwan ng binata. Naiwan ang dalaga na tulala naman sa damit na dinala ni Tamara.
"Damn it! Ang laki kong gago! Hindi ako pwedeng magpadala sa drama ni Jade Fabian hanggang walang katiyakan na nagsasabi nga siya ng totoo," inis na sabi ni Kaizer habang tinutungga ang whiskey na halos mangalahati na.
"Boss, ano po ang gagawin sa ipina-set-up mo sa tabing dagat?" takot na tanong ni Ruel, isa sa mga magagaling na miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization.
"Kainin n'yo na ang lahat ng pagkain doon!" galit na sabi ni Kaizer.
Pagkatalikod ni Ruel ay agad na tinungga ni Kaizer ang alak na natitira. Bawat paghalik niya kasi sa babaeng nakakulong sa isang silid sa resort na pagmamay-ari n'ya ay nakadarama siya ng ka
"Teka, ano ang tawag mo sa akin?" kunot-noo na tanong ng dalaga nang makabawi siya. "Alam mo, sir, familiar ka talaga sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita."Si Kaizer naman ang hindi alam ang gagawin. Nakapamaywang na si Kryzell sa harapan niya kaya medyo dumistansya ang binata. Baka kasi atakihin na naman siya ng dalaga."Totoo kayang hindi ako matandaan nito?" bubulong-bulong na sabi ng binata sa sarili n'ya.Inilagay din ni Kaizer ang mga kamay niya sa kanyang baywang at pinatigas niya ang kan'yang mukha para hindi siya magmukhang talunan sa harap ni Kryzell."Ang dami mong tanong! Sa lugar na ito, ako ang boss at kapag sinabi kong akin ang isang babae, akin! Ikaw, akin ka na!"Gandang-ganda ka talaga sa mukha ko," matulis ang nguso na sabi ng dalaga. "Huwag kang mag
Nanginginig ang mga daliri ni Kryzell habang hawak ang baril ni Kaizer. Unang beses niyang nakahawak ng baril at hindi niya alam kung paano gamitin iyon ngunit hindi siya nagpahalata sa lalaking ngayon ay asawa n'ya na."Huwag mo akong pilitin na ipakita kung ano ang kaya kong gawin. Hindi mo tiyak magugustuhan iyon," sabi ni Kryzell.Umaarte siyang matapang na babae na hindi padadaig ngunit ang totoo ay nangangatog ang kan'yang tuhod. Sinamantala n'ya ang pagkatulala ni Kaizer para makalayo rito. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at tumakbo pabalik sa kan'yang silid. Panay ang dasal niya na sana ay huwag siyang parusahan ng lalaki.Dahil sa ginawa ni Kryzell ay lalong tumindi ang paghihinala ni Kaizer na bahagi nga ng ibang grupo ang asawa n'ya. Sa bilis nitong mang-agaw ng baril at sa galing humawak ay batid niya na sanay si Kryzell sa pakikipaglaban.
"Totoo ba talaga ito, boss? Sina Jade Fabian at Kryzell Torquero ay posibleng iisa?" hindi makapaniwalang tanong ni Mer kay Kaizer. Pabalik na sana ito ng Aklan ngunit sinabihan ni Kaizer na alamin muna niya ang totoo sa pagkatao nina Jade at Kryzell."Iyan ang nakuha kong impormasyon tungkol kay Kryzell kaya iyan ang alamin mo. Bumalik ka ulit ng Quezon at mula roon ay baka matapos ka na sa ipinagagawa ko sa iyo," inis na sabi ni Kaizer."Sige, boss. Exciting itong trabaho na ito. Kaya pala hindi ko mahanap si Kryzell o maging si Jade dahil iisa sila at kasama n'yo na," bulalas ni Mer.Habang nakikinig si Kaizer sa sinasabi ni Mer ay lihim niyang pinapanood ang ginagawang pagsanay ni Tamara kay Kryzell kung paano humawak ng baril."Umaarte lang ba siyang hindi marunong o sadyang wala talaga siyang alam?" wika ng binata.
Nagpupuyos sa galit si Kaizer habang pabalik sa kan'yang silid. Masakit ang noo at ilong niya. Alam niyang may pasa siya dahil sa lakas ng pagkakabangga niya sa pinto ng silid ng asawa. Buong akala pa naman niya ay maiisahan n'ya si Kryzell ngunit nagkamali siya. Magdamag na naglagay ng cold compress ang galit na mafia boss. Hindi siya masyadong nakatulog dahil sa inis at kirot na nararamdaman niya. Uminom si Kaizer ng isang basong alak pero hindi rin nakatulong iyon. Sa almusal ay mag-isang kumain si Kaizer. Ipinatawag niya si Kryzell pero tulog pa raw ito sabi ni Tamara. Batid niya na iniiwasan lang talaga siya ng asawa kaya hindi na siya nagpumilit. Wala kasi sa guhit ng palad n'ya ang magmakaawa sa babae. Bago dumating ang tanghalian ay dumating si Mer sakay ng isang chopper. Agad siyang nagbigay ng report sa kan'yang boss na tahimik lamang sa pakik
Parang babasagin na hiyas na ibinaba ni Kaizer si Kryzell sa kama ng katabing kwarto ng silid n'ya. Hindi talaga pumayag ang huli na madala siya ng asawa sa silid nito. Kinikilabutan kasi siya at parang sinasakal dahil hindi si Kaizer ang nakikita n'ya kun'di ang dating kasintahan na si Sean at si Hilda.Matalim ang mga tingin ni Kryzell sa asawa niya na sinasamantala naman ang sitwasyon. Nang ilapag kasi siya ni Kaizer ay agad nitong itinukod ang mga kamay sa kama sabay lapit ng mukha sa kan'ya. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito na nanuot sa kan'yang ilong."You're mine," sabi ni Kaizer sabay nakaw ng halik sa labi ng asawa n'ya.Naningkit ang mga mata ni Kryzell sabay tulak kay Kaizer ngunit hindi natinag ang huli. Pumikit lang ang lalaki sabay halik nito sa may punong-tainga niya. Kinilabutan ang nabiglang babae kaya napasigaw siya.&n
Napapikit si Kaizer at kahit hindi pa siya gaanong lasing ay sumuray siya. Napakapit din siya sa magarbo niyang upuan upang makakuha siya ng kahit kaunting lakas. Si Mer na nakatayo sa harapan n'ya ay maagap siyang inalalayan para makaupo."Damn it! Is she really the daughter of Don Matias?" tanong ni Kaizer sa kanang-kamay niya."Opo, boss," sagot ni Mer."Tanggalan n'yo siya ng kadena," utos ni Kaizer. "Utusan mo si Tamara na kalagan si Kryzell!"Mabilis na nawala si Mer. Si Kaizer ay naiwan. Matagal siyang nakatitig lang sa madulas na sahig. Blangko amg kan'yang isip. Hindi n'ya alam ang mararamdaman ngayong napatunayan n'yang nagsasabi nga ng totoo ang asawa n'ya.Samantala, sa silid ni Kryzell ay pulang-pula ang mukha ng babae. Naiihi na siya at hindi n'ya na matiis iyon. Laki
Mabilis na hinalikan ni Kaizer ang labi ng asawa n'ya. Kinabig n'ya ito sa baywang kaya ramdam niya ang malambot nitong katawan na nakadagan sa kan'ya. "I want to help you," paos na sabi ni Kaizer. "Tell me what happened at ako ang bahalang gumanti para sa iyo." Napalunok ng laway niya si Kryzell. Ang tono ng boses ng asawa n'ya ay nag-aanyaya na halikan n'ya rin ito bilang ganti sa ginawa nito. Subalit mas nanaig sa kan'ya ang kagustuhan na makalayo sa lalaki bago pa siya ipahamak ng sarili n'ya. "Bitawan mo ako," singhal ni Kryzell. "Honeypie, hindi ka ba nadadala sa eksena natin?" "Honeypie-in mo ang mukha mo! Bitaw!" Bumwelo si Kryzell para makalayo siya sa asawa n'ya pero bigla siyang pinihit ng lalaki dahilan para mapahiga siya sa couc
Sa sahig na naglatag si Kryzell para hindi niya makatabi ang asawa sa kama. Hindi siya sanay matulog na may katabing lalaki dahil kahit minsan ay hindi n'ya nakatabi matulog si Sean. Nang maalala ang dating kasintahan ay uminit ang ulo niya. Nai-imagine niya kung ano ang ginagawa nito at ni Hilda ng mga oras na iyon. Masama ang loob na bumangon si Kryzell at pinakatitigan ang asawa niyang kampante na natutulog sa kama na dapat ay higaan n'ya. "Mommy… mommy…" anas ni Kaizer. Tumaas ang kilay ni Kryzell. Gusto niyang sampalin ang lalaki para magising ito ngunit hindi niya ginawa. May awa kasing humaplos sa kan'yang puso. "Bakit n'ya kaya tinatawag ang nanay n'ya?" bulong ni Kryzell. Dahil tumahimik din agad ang lasing n'yang asawa kaya nakontento siya na pagmasdan lang ang l