"Totoo ba talaga ito, boss? Sina Jade Fabian at Kryzell Torquero ay posibleng iisa?" hindi makapaniwalang tanong ni Mer kay Kaizer. Pabalik na sana ito ng Aklan ngunit sinabihan ni Kaizer na alamin muna niya ang totoo sa pagkatao nina Jade at Kryzell.
"Iyan ang nakuha kong impormasyon tungkol kay Kryzell kaya iyan ang alamin mo. Bumalik ka ulit ng Quezon at mula roon ay baka matapos ka na sa ipinagagawa ko sa iyo," inis na sabi ni Kaizer.
"Sige, boss. Exciting itong trabaho na ito. Kaya pala hindi ko mahanap si Kryzell o maging si Jade dahil iisa sila at kasama n'yo na," bulalas ni Mer.
Habang nakikinig si Kaizer sa sinasabi ni Mer ay lihim niyang pinapanood ang ginagawang pagsanay ni Tamara kay Kryzell kung paano humawak ng baril.
"Umaarte lang ba siyang hindi marunong o sadyang wala talaga siyang alam?" wika ng binata.
Nagpupuyos sa galit si Kaizer habang pabalik sa kan'yang silid. Masakit ang noo at ilong niya. Alam niyang may pasa siya dahil sa lakas ng pagkakabangga niya sa pinto ng silid ng asawa. Buong akala pa naman niya ay maiisahan n'ya si Kryzell ngunit nagkamali siya. Magdamag na naglagay ng cold compress ang galit na mafia boss. Hindi siya masyadong nakatulog dahil sa inis at kirot na nararamdaman niya. Uminom si Kaizer ng isang basong alak pero hindi rin nakatulong iyon. Sa almusal ay mag-isang kumain si Kaizer. Ipinatawag niya si Kryzell pero tulog pa raw ito sabi ni Tamara. Batid niya na iniiwasan lang talaga siya ng asawa kaya hindi na siya nagpumilit. Wala kasi sa guhit ng palad n'ya ang magmakaawa sa babae. Bago dumating ang tanghalian ay dumating si Mer sakay ng isang chopper. Agad siyang nagbigay ng report sa kan'yang boss na tahimik lamang sa pakik
Parang babasagin na hiyas na ibinaba ni Kaizer si Kryzell sa kama ng katabing kwarto ng silid n'ya. Hindi talaga pumayag ang huli na madala siya ng asawa sa silid nito. Kinikilabutan kasi siya at parang sinasakal dahil hindi si Kaizer ang nakikita n'ya kun'di ang dating kasintahan na si Sean at si Hilda.Matalim ang mga tingin ni Kryzell sa asawa niya na sinasamantala naman ang sitwasyon. Nang ilapag kasi siya ni Kaizer ay agad nitong itinukod ang mga kamay sa kama sabay lapit ng mukha sa kan'ya. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito na nanuot sa kan'yang ilong."You're mine," sabi ni Kaizer sabay nakaw ng halik sa labi ng asawa n'ya.Naningkit ang mga mata ni Kryzell sabay tulak kay Kaizer ngunit hindi natinag ang huli. Pumikit lang ang lalaki sabay halik nito sa may punong-tainga niya. Kinilabutan ang nabiglang babae kaya napasigaw siya.&n
Napapikit si Kaizer at kahit hindi pa siya gaanong lasing ay sumuray siya. Napakapit din siya sa magarbo niyang upuan upang makakuha siya ng kahit kaunting lakas. Si Mer na nakatayo sa harapan n'ya ay maagap siyang inalalayan para makaupo."Damn it! Is she really the daughter of Don Matias?" tanong ni Kaizer sa kanang-kamay niya."Opo, boss," sagot ni Mer."Tanggalan n'yo siya ng kadena," utos ni Kaizer. "Utusan mo si Tamara na kalagan si Kryzell!"Mabilis na nawala si Mer. Si Kaizer ay naiwan. Matagal siyang nakatitig lang sa madulas na sahig. Blangko amg kan'yang isip. Hindi n'ya alam ang mararamdaman ngayong napatunayan n'yang nagsasabi nga ng totoo ang asawa n'ya.Samantala, sa silid ni Kryzell ay pulang-pula ang mukha ng babae. Naiihi na siya at hindi n'ya na matiis iyon. Laki
Mabilis na hinalikan ni Kaizer ang labi ng asawa n'ya. Kinabig n'ya ito sa baywang kaya ramdam niya ang malambot nitong katawan na nakadagan sa kan'ya. "I want to help you," paos na sabi ni Kaizer. "Tell me what happened at ako ang bahalang gumanti para sa iyo." Napalunok ng laway niya si Kryzell. Ang tono ng boses ng asawa n'ya ay nag-aanyaya na halikan n'ya rin ito bilang ganti sa ginawa nito. Subalit mas nanaig sa kan'ya ang kagustuhan na makalayo sa lalaki bago pa siya ipahamak ng sarili n'ya. "Bitawan mo ako," singhal ni Kryzell. "Honeypie, hindi ka ba nadadala sa eksena natin?" "Honeypie-in mo ang mukha mo! Bitaw!" Bumwelo si Kryzell para makalayo siya sa asawa n'ya pero bigla siyang pinihit ng lalaki dahilan para mapahiga siya sa couc
Sa sahig na naglatag si Kryzell para hindi niya makatabi ang asawa sa kama. Hindi siya sanay matulog na may katabing lalaki dahil kahit minsan ay hindi n'ya nakatabi matulog si Sean. Nang maalala ang dating kasintahan ay uminit ang ulo niya. Nai-imagine niya kung ano ang ginagawa nito at ni Hilda ng mga oras na iyon. Masama ang loob na bumangon si Kryzell at pinakatitigan ang asawa niyang kampante na natutulog sa kama na dapat ay higaan n'ya. "Mommy… mommy…" anas ni Kaizer. Tumaas ang kilay ni Kryzell. Gusto niyang sampalin ang lalaki para magising ito ngunit hindi niya ginawa. May awa kasing humaplos sa kan'yang puso. "Bakit n'ya kaya tinatawag ang nanay n'ya?" bulong ni Kryzell. Dahil tumahimik din agad ang lasing n'yang asawa kaya nakontento siya na pagmasdan lang ang l
Namimilipit si Kaizer habang naiwan mag-isa sa basement. Inisahan na naman kasi siya ni Kryzell. Tinuhod ng kan'yang asawa ang alaga n'ya bago ito lumabas ng silid."Mababaog ako sa iyo, Kryzell. Naku, kung iba-iba ka lang…"Pulang-pula ang mukha niya dahil sa galit. Gusto n'yang ilabas ang kan'yang pangil sa asawa ngunit dahil sa alaala ni Don Matias kaya nagdadalawang-isip siya. Hindi n'ya rin maitatanggi ang matinding atraksyon na matagal n'ya ng nararamdaman kahit napakataray ni Kryzell.Nang makabawi ay ngpalipas muna ng dalawang oras bago sinundan ni Kaizer ang asawa n'ya. Tinanong n'ya ang kusinera kung nasaan ito dahil hindi n'ya makita at napag-alaman niyang tumungo ito sa isang bahagi ng isla kasama si Ruel. Hindi niya nagustuhan iyon dahil kilala rin ang lalaki sa pagiging babaero nito.Salubong ang mga kilay,
Kahit anong paliwanag ni Kaizer ay balewala iyon kay Kryzell. Sunod siya ng sunod sa asawa pero wala itong pakialam sa mga sinasabi n'ya. Bonus na lang na tumulong s'ya sa mga tauhan n'ya dahil kahit paano ay natuwa ito.Makalipas ang isang buwan, maraming nagbago kay Kaizer. Kung dati-rati ay seryoso ito palagi, ngayon ay madalas na itong nakangiti lalo na kapag pinapanood niya ang asawa sa tuwing nag-eensayo ito. Naging mas maalaga pa siya sa mga tauhan at nabawasan na rin ang mga operasyon nila dahil pumapasok na sila sa iba't-ibang negosyo."Huwag mo akong titigan na para ba akong pagkain na nakahain sa mesa," mataray na sabi ni Kryzell habang pinagmamasdan niya itong nagsasanay kung paano ang tamang pagsangga ng suntok ng kalaban."Masarap ka kasi…""Mas masarap ka!"Na
Excited si Kaizer na makabalik ng isla. Tapos na siya sa mga naka-schedule niyang lakad. Masayang-masaya rin siya na maayos siyang kinausap ng mga magulang ng kan'yang asawa pero ang Kuya Samuel nito ay talagang hindi siya pinakinggan man lang. Matindi ang galit ng lalaki sa kan'ya.Si Tamara ay inutusan ni Kaizer na pansamantala munang mamalagi sa Baguio para may magbabantay sa pamilya ni Kryzell. Batid niya na gustong tumutol ni Tamara sa panibagong misyon nito dahil sa away-bati na relasyon nito kay Samuel subalit hindi magawang magsalita ng babae dahil sa takot.Bago umalis ng Baguio ay namili siya ng maraming pasalubong para kay Kryzell at sa mga kasama sa isla. Pauwi na sana siya ng isla nang napag-alam niya mula sa tauhan nila na nasa mansion ng mga Torquero na bumalik na si Hilda kasama ang karelasyon nitong si Sean.Agad na nagdesisyon si Kaizer n