Share

The Mafia Lord's Zillionaire Wife
The Mafia Lord's Zillionaire Wife
Author: Anjzel Ica

PROLOGUE

I THOUGHT fairytales really existed after I married Derson who was the love of my life, and the father of my baby that I’m carrying inside my womb, but I’m wrong, because that led me to suffer in hell. 

Akala ko ay tanggap na ako ng pamilya ng aking asawa kahit na gawin ko ang lahat. Ngunit hindi pala sapat iyon para sa kanila.

Halos mapasubsob ako sa palanggana na puno ng sabon at mga labada ng mga malalaking kobre kama at mga kurtina nang sipain ni Mommy ang kinauupuan ko. Mabilis akong napayakap sa aking sarili lalong-lalo na ang aking malaking baby bump. Napaigik ako sa sakit nang nanggigigil niya akong sinabunutan sa aking buhok. Pakiramdam ko ay matatanggal ang aking buhok mula sa anit ko dahil do’n.

“M-Mommy, tama na po, please? N-Nasasaktan na po ako,” umiiyak kong pagmamakaawa. 

“Talagang sasaktan kita dahil ang bagal-bagal mong inutil ka! Hindi porket pinakasalan ka ng aking anak ay magbubuhay reyna ka sa aking pamamahay! Kahit na bihisan ka pa ng ginto ay umaalingasaw pa rin ang baho at dumi kung saan ka nagmula!” matapobreng asik sa akin ni Mommy Dakota. Padaskol niyang binitawan ang aking buhok kaya’t muntik na akong sumubsob sa palangganang puno ng sabon at mga labada. “Hindi ko alam kung anong panggagayuma ang ginawa mo sa aking anak! Ang kapal ng mukha mo at talagang nagpabuntis ka para hawakan siya sa leeg at para kamkamin ang mga kayamanan namin! Hinding-hindi ko hahayaan na magtagumpay ka sa pangarap mo, Inutil!”

I didn’t love my husband, because he was rich and famous. I love him for who he was, and he loved me for who I am. 

Umiling-iling ako habang umiiyak. Nanginginig na rin ako sa takot at sakit  mula sa aking dibdib dahil kailanman ay hindi niya ako nagawang pakinggan. Lagi na lang masama ang iniisip niya sa akin kahit wala naman akong balak na gawin iyon. “H-Hindi po totoo iyan, M-Mommy. . . W-Wala po akong intensyon na kamkamin ang kayamanan ninyo dahil gusto ko lang po na makasama si Derson. H-Hindi ko rin po siya ginayuma. M-Mahal na mahal po namin ang isa’t-isa. S-Sobrang mahal na mahal ko po ang iyong anak kaya’t sana po matanggap mo po ako bilang asawa at ina ng kaniyang anak.”

Mommy scoffed in annoyance. “Aba! Sumasagot-sagot ka pang inutil ka! Kailanman ay hindi kita matatanggap sa pamilyang ito dahil umpisa pa lang ay hindi ka na nababagay para sa aking anak!” 

Tila nadagdagan ang galit niya sa akin dahil mas lalo niya akong sinabunutan. Nahihilo na ako. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang mga buhok ko mula sa aking anit. 

“Madam, pasensiya na po sa istorbo pero kailangan ka pong makausap ni Don Erson sa telepono,” singit ni Manang Goreng. 

“Don’t you ever dare to tell this to my son or else you would face my wrath. Tapusin mo na iyan! Oras na dumating ang aking anak at hindi mo pa natatapos ang inuutos ko sa iyo ay talagang malilintikan ka sa aking inutil ka,” pananakot niya at padaskol na binatawan ang aking buhok bago ako iniwan sa laundry room. 

Hindi ko napigilang lumuha habang ipinagpapatuloy ang paglalaba nang mano-mano kahit na mayro’n mga washing machine sa laundry room. Ayaw akong pagamitin ni Mommy dahil mas gusto niya akong maghirap na maglaba. Medyo metikulosa kasi siya kaya kahit mahirap ay sinusunod ko para hindi niya ako lalong pag-initan. 

Naaawang sumilip sa akin ang mga maids mula sa hamba ng pinto. Tipid ko lamang silang nginitian para ipahiwatig na ayos lamang ako. Bawal nila kasi akong tulungan dahil malalagot at sisisantihin sila ni Mommy.

Ilang oras ang nakalipas ay natapos din ako sa paglalaba. Halos mamanhid na ang aking likod pati na rin ang aking katawan dahil sa pagod. Nakahiga na ako sa kama sa silid naming mag-asawa para magpahinga. Ayaw din akong pababain ni Mommy at magpakalat-kalat sa mansyon. Dumating kasi ang kaniyang mga amiga para maglaro ng Mahjong sa gazebo. Baka raw malasin siya oras na makita ako at talagang magdidilim ang kaniyang paningin sa akin oras na mangyari iyon. 

Napadako ang aking tingin sa malaking portrait ng wedding picture naming dalawa ni Derson. Pareho kaming nakangiti at puno ng pagmamahal sa isa’t-isa ro’n. Suot ko rin ang isang simpleng wedding gown na sobrang maganda. Kahit biglaan at hindi natupad ang dream wedding ko ay masaya pa rin ako dahil ikinasal ako sa lalaking pinakamamahal ko. 

Actually, I unexpectedly got pregnant by my husband while I’m still studying in my third year of Nursing in Jullivere University. He was my long-time boyfriend for almost eight years. We were being married secretly, and lived together under the roof of his parents. I even stopped my studies, because that was what Mommy wanted. She didn’t want to be chased with any controversies spread about it which would definitely taint their precious name. 

Hinaplos ko ang aking five months old na baby bump. Hindi pa ako nakakapagpa-check-up dahil nag-migrate sa ibang bansa ang aking dating OB-Gynecologist ko na si Dra. Camille Obispo. Kaya naman ay naghahanap pa ang aking asawa ng bago kong OB-Gynecologist. Gusto rin niyang samahan ako sa aking check-up dahil malalaman na namin ang gender ng aming baby.

Medyo busy ang aking asawa sa pag-ha-handle ng kanilang family business na walang iba kung hindi ang Canlas Empire. Ito ay isa sa mga pinakasikat na Shipbuilding Industry sa Pilipinas kung saan nag-de-design at nag-pro-produce ng mga ships pati na rin ng mga cargo shipping vessels. 

“Kapit ka lang, Baby. Huwag na huwag mong iiwan si Mama, ha?” usal ko habang pilit na pinapatatag ang aking loob sa kabila ng mga nangyayari sa akin. 

Walang alam ang aking asawa sa pagmamalupit na nangyayari sa akin sa pamamahay na ito. Ayos lang naman sa akin ang tumulong kaso nga lang ay medyo nahihirapan ako lalo na’t buntis ako. Hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti akong nakatulog habang nakahiga ako sa kama.

***

NAALIMPUNGATAN ako nang mayro’ng mumunting mga halik ang dumadapo sa aking mukha lalong-lalo na sa aking labi. Napadilat ako at hindi ko napigilang ngumiti dahil nakauwi na ang aking pinakamamahal na asawa.

“I’m sorry if I disturb your sleep, Babe. Kailangan mo na kasing kumain ng dinner at baka nagugutom na ang baby natin,” malambing na turan ng aking asawa habang hinihimas ang aking malaking baby bump.

“Sorry, napasarap kasi ang tulog ko at nakalimutan ko na ang oras. Ni-hindi tuloy kita nasalubong at napagsilbihan agad,” paghihingi ko ng tawad. 

Inalalayan niya akong bumangon na ikinangiti ko.

He combed his fingers through my messy hair. “It was alright, Babe. Mas mabuting magpahinga ka dahil lumalaki na ang baby natin. Anyways, did you drink your vitamins, and eat your meals on time while I’m away? Sinabihan ko si Mommy na asikasuhin ka at bantayan dahil medyo busy ako sa Canlas Empire. Gusto ko kasi na bigyan kayong dalawa ng baby natin ng magandang future. At saka balak kong mag-leave ng ilang mga linggo bago ka manganak dahil gusto ko na magkasama tayong masisilayan ang ating anak.”

Hindi ko napigilang maging emosyonal nang dahil do’n. Kusang pumatak ang luha mula sa aking mga mata habang nakatitig ako sa kaniya. Wala siyang kaalam-alam na sa tuwing wala siya rito sa mansyon ay iba ang ipinapakita ng kaniyang ina at nagiging isang halimaw ito sa akin. Natatakot akong magsumbong sa kaniya dahil paniguradong magkakagulo silang mag-iina oras na malaman niya ang nangyayari sa akin dito. Ayaw kong dumating sa punto na magkakaro’n ng lamat ang kanilang pamilya nang dahil sa akin.

“Hmm. . . What’s wrong, Babe? Mayro’n bang masakit sa iyo?” nag-aalala niyang tanong habang pinapahid ang luha mula sa aking mga mata. “Please, tell me what bothered you.”

I smiled while looking at him lovingly. “M-Masaya lang ako, Babe. . . I’m so lucky to have you as my husband. Love na love mo kaming dalawa ng ating baby. I love you, Babe.”

He smiled widely, and leaned closer to peck me on my lips. “Of course, I would do my best for our own family. Also, I’m the luckiest of all, because you were my wife and the mother of my child. I love you so much, Babe.”

 My heart fluttered in delight, because of that. I really love my husband so much, and I couldn’t see myself living without him.

“Let’s go, Babe. I’m sure they were all waiting for us in the dining room,” anyaya niya sa akin.

Medyo nataranta naman ako nang dahil do’n. Ayaw kasi ni Mommy na hindi ako nakaayos tuwing dinner lalo na’t magkakasama kaming lahat. Nakalimutan kong mag-ayos at magpalit ng damit sa sobrang pagod. “Naku! Wait lang at magpapalit ako ng aking damit, Babe.” 

Inalalayan naman niya akong tumayo at pumunta sa aking closet. Hinayaan niya akong mamili ng maternity dress at flat shoes habang nayakap siya mula sa aking likod. Panay ang pagpugpog niya ng mga halik sa aking batok na sobrang ikinakikiliti ko. 

“Do you want me to help you change your clothes, Babe?” he asked mischievously.

My face flushed with his bluntness. “Babe, magagalit si Mommy kapag na-late tayo sa dinner.”

He chuckled, and started to caress my baby bump. “You were still innocently shy even though we made love countless times in different positions, and our baby was the proof of our love, Babe.”

Hinayaan ko lang na lambingin ako ng aking asawa. Ngunit agad naputol iyon nang mayro’ng sunud-sunod na kumatok nang malakas sa pinto ng aming silid kaya’t humiwalay siya sa akin para buksan iyon. Agad bumungad sa aking paningin si Mommy na malawak na nakangiti sa amin at hindi ko nakikitaan ng inis.

“Bakit hindi pa rin kayo bumababa? Dinner was already set. Alam ninyo naman kung gaano ko kaayaw na pinaghihintay ang pagkain, hindi ba? At saka naghihintay na ang lahat sa dining room,” maarteng turan ni Mommy habang nagpapaypay ng kaniyang gintong abaniko.

“I’m sorry, Mommy. Kagigising lang po kasi ng aking asawa at naglambingan pa po kaming dalawa lalo na’t miss na miss ko siya. Magpapalit muna po siya ng damit at bababa na rin po kami,” paliwanag naman ni Derson. 

I couldn’t help but to bite my lip in fear.

Mommy’s on-fleek brow arched in annoyance, but immediately replaced it with a smile. “Alright, we would wait for the both of you, and please make it fast, especially I really hate waiting.”

My husband just chuckled. “Sige po, Mommy. Tutulungan ko na pong magbihis ang aking asawa. Mauna ka na po sa baba at susunod na lang po kami.”

Mabilis na lumapit sa akin ang aking asawa habang hawak ko na ang aking pamalit na maternity dress at inalalayan niya akong pumasok sa aming comfort room pero hindi ko napigilang lumingon sa gawi ni Mommy. Kitang-kita ko ang nakakatakot na awra nito. Nakasimangot si Mommy habang matalim na nakatitig sa akin. 

“Okay ka lang ba, Babe?” pabulong na tanong ng aking asawa. “You were trembling. . .”

Mabilis akong napaiwas nang tingin kay Mommy at napabaling sa aking asawa. “Ah, oo. . . Ayos lang ako, Babe. . . Ahm. . . Medyo nagugutom lang ako.”

He sighed heavily, and caressed my baby bump softly. “Okay, tutulungan na kitang magbihis para makakain na kayong dalawa ng ating anak. Ayaw kong nalilipasan kayo ng gutom dahil love na love ko kayong dalawa.”

I couldn’t help but to smile, and kiss his cheek. “I love you, Babe.”

His lips crept into a wide smile. “I love you so much, Babe. I love you and our child.”

I really yearn to have a complete family, especially at the very young age I lived as an orphan. My parents died in an accident years ago, and with that, my Auntie Sabel took care and loved me like her own child even though it was hard for her to take care of five children as a single mom, but still, she never gave up for us. 

I’m willing to suffer hell just for love, especially that I love my husband so much. I would do everything to give my child a complete family even though I faced the wrath of my husband’s family without him even knowing it.

‘Kaya ko pa naman itago at tiisin ang mga sakit. . .  Kayang-kaya ko pa. . .’

Comments (219)
goodnovel comment avatar
Cristina Alejado
236.walang fairytoes na hindi naghirap
goodnovel comment avatar
Cristina Alejado
222 mag sasupper ka talga jan Jessa kapag magtagal ka pa
goodnovel comment avatar
Cristina Alejado
221.sana may time i surprised mo naman ang asawa mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status