Share

TMLO 14: Déjà Vu

KABANATA 14: DÉJÀ VU [Naranasan Na]

••• Julliana

Nagising ako mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang tila ilang kaluskos at pagbagsak ng ilang gamit. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Akmang tatayo ako nang makita ko ang tila may taong dumaan mula sa bintana.

Sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lumabas ng kuwarto. Wala doon si Dark pati na ang mga kaibigan nito. Mas dumoble ang takot na naramdaman ko.

Nasaan si Dark?

Nakarinig ako ng ilang ingay sa labas ngunit ubos na ang tapang ko para buksan ang pintuan. Mabilis akong nagtungo sa kusina saka kinuha ang kutsilyo. It's for my protection. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari sa labas. Nakakarinig ako ng tila mga nag-aaway. Madami sila at hindi lang iisa. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas.

"Oh, shocks. Lord, iligtas niyo po ako."

Muli akong bumalik sa kuwarto at isinara ang pinto sinabayan ko rin kaagad ng pag-lock. Pagkaharap ko sa kama ay nabitaw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
uy di sya madedead gagawin syang Reyna Dyan sa Mansion, daming name ni dark
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status