Share

TIW 8. Ganti number one

"So, hindi nga close sina Bobby at Wallace sa isa't isa," ani Margarette.

Limang taon lang ang agwat ng edad ng magtiyuhin. Kung tutuusin, dahil tumira naman sila sa iisang bahay, dapat ay malapit ang loob ng mga ito sa isa't isa.

Pero hindi gano'n ang nangyari. Kung ano ang dahilan kaya malayo ang loob ng mga ito sa isa't isa, wala silang ideya. Hindi detalyado sa parteng iyon ang report ni Gilbert. Naiintindihan naman niya dahil personal na iyon.

Ang nakapagtataka, limang taong kasintahan ni Margarette si Bobby. Pero wala siyang kamalay-malay na pamilya nito ang may-ari ng sikat na primyadong hotel brand. Gano'n ba siya ka-busy para hindi maitanong ang ilang personal na bagay sa buhay ng ex-boyfriend niya?

O sadyang hindi sinabi ni Bobby?

At muntik na pala siyang magpakasal sa lalaking hindi niya gaanong kilala. Paanong hindi man lang niya alam na Soh ang middle name ni Bobby?

"Yes, Ms. Vega. Nasa report na sa States nag-aral si Mr. Soh samantalang nanatili dito sa Pilipinas si Mr
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jie BAC
hmmp. buti sayong higad ka hmmp.. kapal my pa demand2 pa tsskk
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status