"You can't escape your conscience. Hindi lahat nang ibinaon mo sa limot ay mababaon nang tuluyan. Sisingaw at sisingaw pa rin ang baho kahit na tabunan pa ito ng sangkatutak na pabango."THIRD PERSON POV“Yaya, bantayan mo nang maayos si Rianne ha. Don’t let her eat junk foods and chocolates. Also, please stop hugging and kissing her, okay? Kapag nagkasakit ‘ang anak kong ‘yan, ikakaltas ko sa sahod mo ang lahat ng magagastos niya sa pagpapagamot. Maliwanag ba?” mataray na sabi ni Joanne sa kanilang katulong.“Masusunod po, madam,” nakayukong sagot ng katulong.“Honey, masyado ka namang harsh kay manang. Siya ang nagpalaki sa akin kaya sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak natin. Stop stressing yourself too much. Tingnan mo, nagkaroon ka na ng wrinkles. Ikaw rin, mababawasan ang ganda mo,” pabirong sabi ni Ricci.“Ah basta! Ayokong makikitang kumakain ng hindi masustansyang pagkain si Rianne,” giit ni Joanne bago siya tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.Ngayong araw ay may
"The greatest revenge is to become successful than your foes."THIRD PERSON'S POVSLAP!Napahawak si Ricci sa kaniyang magkabilang pisngi nang bigla na lamang siyang salubungin ng sampal ng isang matandang lalaki."You're a disgrace to this family! How could you enter such dirtiest businesses? You and your father are the same! Mga inútil!" sigaw ng matandang lalaki."L-lolo? B-buhay pa po kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ricci. Kung may kinatatakutan man siya, iyon ay walang iba kung hindi si Rivero Costa…ang kaniyang lolo."Tarantàdo! Anong gusto mo? Mamatay na ako? Malamang buhay na buhay pa ako. Kung hindi dahil kay Xenon ay hindi ko pa malalaman ang mga kagaguhan mo! Hindi pa sana ako uuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa'yo!" Kitang-kita ang galit sa mukha ni Rivero habang titig na titig ito kay Ricci."Sino pong Xenon?""Hindi na iyon mahalaga. Ang importante sa ngayon ay kailangan mong bumaba sa lahat ng posisyon mo." Nanigarilyo si Rivero.Walang imik na nakikinig sa k
"Lahat nang ginawa mong masama, babalik at babalik sa iyo. Hindi man agad-agad pero sigurado."KLEA FRANCINE'S POVShocked. Disappointed. Dismayed. Irked. Those emotions were clearly painted on their faces while here I am, raising my chin while slowly putting a beautiful smile on my fúcking pretty face."Aren't you going to kneel before me? Joanne?" I averted my gaze to that bítch and then to her husband. "Ricci?"I clearly saw how Joanne smirked at me. She still has the audacity to do it despite their current situation."Diyos ka ba para luhuran?" sambit ni Joanne."Hindi ka pa rin nagbabago," bulong ko sabay tawa."How did you do it?" Joanne asked."Did what?" I want to provoke her even more."Huwag na tayong maglokohan dito, Klea. Sinadya mo ang lahat, 'di ba? You hid yourself at the back of other people. Gano'n ka ba kaduwag?" ani Joanne."Ako? Duwag? Ha! Alam mo ba ang salitang STRATEGY, JOANNE? Kung nagpakilala ako bilang Miss KF sa inyo, sa tingin mo ba papayag kayong tulungan
Iniwan ko muna sa loob ng penthouse si Xynon at si Tito Wensley. Yes, my father-in-law is my biggest surprise to my husband. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang papa. He even paid a fortune para lang ipahanap ito pero nabigo ang mga tao niya."My husband is crying because of joy. I loved seeing him genuinely happy," I murmured."Ma'am Klea, paano niyo po nahanap si Sir Wensley?" usisa ng sekretarya ko.Nginitian ko siya. "It's a secret."Bumalik sa isip ko ang nangyari. Isang araw, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Tito Wensley. Akala ko minumulto niya ako dahil sa pagsusungit ko nang sunod-sunod na araw sa anak niya! Buong akala namin ay napaslang na siya nina Emil! He fought my securities to penetrate my place dahil ayaw siyang papasukin ng mga tauhan ko. Hindi ko naman siya nakilala agad dahil sa hitsura niya. Sobrang dungis niya tapos sobrang lago na ng mga buhok, bigote at balbas niya! Nangangamoy kanal rin siya noon. Natakot pa nga ako pero noong
"I hate my life even though I have all the things I need. At my age, I am not a believer of LOVE and LUCK." Klea Francine's POV **Flashback** KABABALIK ko lang from the States last week and a lot of things upset me already. Nakita ko na namang palihim na umiiyak si Mama habang nagluluto ng almusal. We have maids but she loves to cook our food. Lumakad ako ng dahan-dahan palapit sa kanya. I give her a back hug. Napansin kong pinunasan niya ang kanyang mga luha bago humarap sa akin ng nakangiti. "Ma, you don't have to pretend in front of me. I know you're not fine. Si Papa na naman ba?" Mahinahon kong tanong habang hinahagod ang kanyang likod. Tumango lang siya ng nakangiti. Pinipigil pa rin niya ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Why don't you leave him? We can go back to the States together if you want." Suhestyon ko bilang nagmamalasakit na anak. "Kung iiwan ko ang Papa mo, matagal ko na sanang ginawa anak. Mahal ko siya kahit na…" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya a
"Sleeping becomes an escape for me and annoying people around me becomes my key to survival." Klea Francine's POV MAG-IISANG linggo na ang lumipas buhat nang mamatay si Shana. Isang linggo na rin akong puro tulog. Hinang-hina ang katawan ko dahil wala akong ganang kumain. Nang mawala si Mama, ilang beses ko nang tinangkang magpakamatay. Si Shana lang ang tanging dahilan kung bakit buhay pa rin ako ngayon. Pinahalagahan at minahal niya ako sa mga araw na hindi ako kamahal-mahal. Binabalot ang buo kong pagkatao ng matinding kalungkutan. May paulit-ulit na mga tanong na tumatakbo sa aking isipan. Bakit siya nagpakamatay? Suicide ba talaga ang nangyari? May kinalaman ba si Xynon sa pagkamatay niya? Agad kong pinahid ang mga luha ko nang pumasok si Papa sa aking kwarto. Ilang araw na siyang pabalik-balik dito pero hindi ko siya pinapansin. May pakialam pa rin pala siya sa akin. "Anak, date tayo. Namimiss ko na 'yong bonding time nating dalaw," seryosong wika ni Papa. Tinalikuran ko s
"Handa akong panatilihing sariwa ang sarili kong mga sugat para lang maipaghiganti ang pagkamatay ng matalik kong kaibigan na itinuring akong isang kapamilya." Klea Francine's POV MAKALIPAS ang isang buwan ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung saan makikita ko ang pagpatak ng kauna-unahang luha ni Xynon na bunga ng paghihiganti ko. Bago pa man magsimula ang seremonya ng kasal nina Xynon at Joanne ay palihim kong tinagpo ang bride sa kanyang silid. Tamang-tama lang ang pagpasok ko dahil siya na lamang ang tao sa kwarto. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng kanyang sarili. "Saan kaya nagpunta si bakla? Hindi pa tapos ang makeup ko nilayasan na agad ako," saad ni Joanne habang nag-aayos ng kanyang mukha. Inutusan ko kasi Axie na landiin ang makeup artist ni Joanne kaya eto ang kinalabasan. "Oh Klea anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Joanne. Napakaganda niya. Bagay na bagay sa kanya ang puting wedding gown na suot niya at kitang-kita ang hubog ng kan
"When I express affection towards a man, he is at a disadvantage." Klea Francine's POV PAGKATAPOS ng kasal namin ni Wade, samut-saring alegasyon ang sinagot ko sa harap ng kamara. Well, I am Klea Francine Singrimoto and nothing scares me now. Matapang kong tinuldukan lahat ng mga katananungang ibinato sa akin and everything went well according to my plan. Kinausap naman ng masinsinan ni Tito Wensley si Wade pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na iniwan siya ng babaeng pinakamamahal niya sa araw mismo ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa halip na maawa siya kay Joanne ay kinasuklaman pa niya ito dahil sa kasinungalingang sinabi sa kanya ng sarili niyang ama. I love how money and power blinded his Dad. Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit namin ni Wade at ngayon ay nasa kitchen naman ako para ayusin ang mga cooking at eating utensils. Kakalipat lang namin ng bahay. My Dad gave us a house and lot as his present while Tito Wensley advised us to have a child already. I