Share

Chapter 6

IMPOSIBLE

Erille's POV

"Cellphone ko?" bulong ko habang pinipilit tumayo, sobrang sakit ng ulo ko, at ang bigat ng pakiramdam ko, bakit ba naman kasi ngayon pa nagkasakit.

Sinubukan kong hanapin ang cellphone ko sa side table ng kama pero mukhang na iwan ko ata ito sa sofa. Hindi ko maiwasang mapangiwi sa kirot ng ulo ko, kahit tumayo mula sa kama at hindi ko magawa.

Hindi lang ang sakit ng ulo ko ang inaalala ko, nagaalala ako kay Louen baka may hindi magandang mangyari pag siya lang mag isa ang pumasok, pero ano pa ang magagawa ko nandon na siya pero gusto kong tawagan si Ma'am Cherille.

Ipapaalala ko ang usapan namin,

One week ago after Louen's audition

"Ang galing mo Louen!" I said and follow Ma'am Cherille inside the staff room, "Papasukin mo na siya mamaya, siya ang unang sasayaw sa main stage" sabi nito habang inaayos ang papeles sa table niya dito sa loob ng staff room.

"Mamo sasayaw lang si Louen hindi siya pwedeng bayaran ng kahit na sino para maikama" agad niya akong tiningnan ng nakakunot noo kaya ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanyang lamesa at nginitian siya.

"Hindi pwede yon, alam mo ang takbo ng mga entertainers natin dito Erille" sambit niya, pinagkrus ko ang aking kamay bago nagsalita, "Alam ko po yon, at alam ko rin ang laki ng tinulong ko sa club na ito, hindi kita iniwan nong nawalan ka ng mga dancer dahil sa hindi mo pagpapasweldo, ngayon lang ako humihingi ng pabor sayo, ayaw kong masira ng tuluyan ang buhay ng kaibigan ko sa pagpasok niya sa trabahong ito, dahil alam ko kung gaano kadumi ang lugar na ito" sambit ko.

"Alam ko naman ang tinulong mo sa akin Erille pero sana hindi mo nalang siya pinasok dito kung ayaw mo palang masira ang buhay niya" napaiwas ako ng tingin sa kanya at napakamot ng braso.

"Eh gusto niyang kumita at magaling siya sa pole dancing, sige na naman na Mamo, sasayaw lang siya at ang sweldo niya lang ay galing sa pagsasayaw niya, hindi siya pwedeng bilhin at bayaran na kahit na sino"

"Oo na" sambit niya na parang wala na siyang choice kaya napangiti ako at niyakap siya, "Thank you Mamo"

Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ang mga tuhod, lumabas ako ng kwarto at hinanap ang aking cellphone sa sofa, kinuha ko ito at nang idadial ko na ang number ni Mamo para kamustahin si Louen doon sa club ay biglang may kumatok kaya natigilan ako.

"Louen?" tanong ko at dinalo ito kahit nagiging dalawa na ang paningin ko, nang buksan ko ito ay dahan-dahan kong naibaba ang cellphone ko at kunot noo itong tinignan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, imbis na sumagot ay binuksan niya ang pinto at pumasok ng tuluyan. "Pinapunta ako dito ni El para dalhin itong gamot mo at prutas, eh tapos naman na shift ko ngayong araw kaya nagmabuting loob na ako baka mamatay ka eh" padabog kong sinara ang pinto at tinignan siya ng masama.

"Oh, talaga kung ikaw kaya ang patayin ko?!" singhal ko at tinignan siyang ayusin ang mga prutas sa lamesa at maglabas ng tubig para sa pag inom ko ng gamot.

"Di pwede liligawan ko pa si El" nakangiting sambit niya kaya natigilan ako, "Gusto mo si Louen?" tanong ko. Tinignan niya ako bago ngumiti at kumindat, ganyan na ganyan si Six pag seryoso siya sa babae.

"Kaya ba binibigyan mo siya ng chocolates?" tanong ko at gaya ng kanina ngumiti siya lalo at tumango, "Bagay kami diba?" malokong tanong niya at nagpogi sign pa, "Oo, princess and the frog ang peg" sagot ko at tinalikuran siya at sinubukan maglakad papunta sa kwarto dahil ang sama lalo ng pakiramdam ko.

"Oo tapos ikaw yong crocodale don" sambit niya pero hindi ko na siya pinansin ang nagpatuloy sa paglalakad, nang malapit na ako sa pinto biglang sumakit lalo ang ulo ko at nawalan ako ng balanse.

"Opss" pero bago pa ako matumba anga agad akong binuhat ni Six na parang bagong kasal at dinala ako sa loob ng kwarto. "Ang sakitin mo talaga" bulong niya ng ibaba niya ako sa kama at kinumutan.

Binasa niya din ang towel sa side table at nilagay ito sa aking noo matapos pigain, "Lagi na lang akong nagaalaga sayo pagmay sakit ka" bulong niya.

Tinignan ko siya ng masama at tinanggal ang kanyang kamay sa aking noo, "Sino ba kasing nagsabi na alagaan mo ako" singhal ko, hindi ko naman siya pinipilit alagaan ako, kaya ko ang sarili ko.

"Si Louen nagsabi" sambit niya, "Ang sabi ni Louen dalhin mo lang yan dito, tapos na nadala mo na umalis kana" sambit ko bago siya tinalikuran at ipinikit ang aking mga mata.

"Sa tingin mo iiwan kitang ganyan ka kahina?" tanong niya kaya iminulat ko ang aking mga mata pero hindi siya hinarap. Narinig ko ang hakbang niya palabas ng kwarto at maya-maya lang ay bumalik siya at hinawakan ang aking kamay. "Alam kong gising ka pa, inumin mo itong gamot mo" sambit niya at pinaharap ako sa kanya pero pinanindigan ko ang patutulogtulugan ko.

"Ayaw mo ah sige hahalikan kita" sambit niya, "Kaya mo?" tanong ko kahit nakapikit pa rin, tumawa siya, "Hindi hahaha" that makes me smile bitterly and open my eyes, "Pagkatapos nito umalis kana ah" sambit ko.

"Oo na, inumin mo na ito dali" sambit niya at pinainom sa akin ang gamot na binili ni Louen at inalalayan ako sa paginom ng tubig,

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay inalalayan niya ako sa paghiga at binasa muli ang towel sa aking noo bago ito piniga ng maigi at inilagay sa aking noo. "Gumaling kana" he said and smiled.

Tumango ako bilang sagot at pinanood siyang lumabas ng kwarto at umalis, Ipinikit ko na ang aking mga mata.

"May bago ka nanamang tinitignan samantalang nandito lang ako sa tabi mo, tss" bulong ko bago hilahin ng antok at tuluyan na ng nakatulog.

Kinabukasan ay nagising ako ng magaan na ang pakiramdam ko, umupo ako sa kama at tiningnan ang aking cellphone para sa oras.

"5:30 am palang?" bulong ko at tumayo na mula sa kama, naglakad ako papunta sa banyo at naghilamos ng mukha, pagkatapos ay naglakad ako papunta sa pinto at ng buksan ko ito agad akong natigilan ng makitang natutulog si Six sa sofa.

Akala ko ba umalis na siya kagabi?

Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya, hindi ko mapigilan ang pagngiti ng makitang nakanganga siya ng konti at tila parang mahimbing ang tulog.

Inayos ko ang bagsak nitong buhok na nakaharang sa kanyang mga mata at hinawakan ang kanyang mahahabang pilik mata, "Daig mo pa ako sa haba ng pilikmata mo" bulong ko at ngumiti lalo, hinaplos ko rin ang matangos nitong ilong.

I've been friends with him for almost 5 years, and I've been hiding my feelings for him for almost 5 years. Pinaparamdam ko naman na gusto ko siya pero sadya atang bulag at manhid ito dahil sa malayo tumitingin.

"Ang tanga mo" bulong ko at pinisil konti ang kanyang ilong, pero biglang bumukas ang pinto kaya agad akong napatayo at lumayo kay Six. "Louen!" sambit ko ng pumasok ito at mukhang tinakasan ng kaluluwa sa katawan.

Nagising si Six ng sabihin ko ang pangalan ni Louen kaya tinignan ko siya ng masama at sinipa sa hita, "Bakit nandito ka pa! Diba pinaalis na kita kagabi pa?!" singhal ko.

"Good morning Louen" imbis na pansinin ang sinabi ko ay mas pinili niyang tignan si Louen at binati ito ng may magandang ngiti. Naglakad na lang ako papunta sa kusina at uminom ng tubig.

"Salamat sa pagalaga kay Erille, Six" sambit ni Louen kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko, hindi ko naman kailangan alagaan ako ni Six eh!

"Louen bakit na late ka ng uwi dapat kanina ka pang 1 ah?" tanong ko, tinignan ako ni Louen at si Six, naramdaman ata ni Six na may gustong sabihin sa akin si Louen kaya tumayo na siya at inayos ang buhok.

"Mauna na akong umuwi El total buhay naman si Erille" he said and tease me with those playful smirk, I just bite my lips out of irritation and throw the tissue roll on him, pero sinalo niya ito at nilagay sa lamesa bago umalis at nginitian si Louen.

"Tss" I haze, at tinignan si Louen, "So, bakit ka nalate ng uwi?" tanong ko at umupo kaming dalawa sa sofa. Huminga siya ng malalim bago naglabas ng pera sa bag niya. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang malaking halaga ng pera sa kanyang bag.

"Ano yan?!" nakaramdam ako agad ng hindi maganda sa perang iyon kaya hinawakan ko ang kanyang magkabilang braso bago siya pinaharap sa akin. "Saan galing yan?!" tanong ko.

"P-pumunta ako ng VIP r-room"

"ANO!!!!" sigaw ko sa sobrang gulat, sabi ko na nga ba hindi maganda na hayaan siyang pumasok magisa kagabi! Ang kulit kasi ih!

"Anong nangyari sa VIP room?" tanong ko, shit kahit alam ko na ang nangyayari sa VIP room nais ko pa rin tanungin. "Tinanong ng lalakeng iyon ang pangalan ko" she said and look at me in the eyes.

Naghintay pa ako ng susunod niya na sasabihin pero tinignan niya lang ako, "Yon lang?" tanong ko, impossible..

Tumango siya bilang sagot kaya halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya, seryoso? "At yang pera na yan?" tanong ko sabay turo sa pera na hawak niya.

"Ito yong bayad" sambit ni Louen, "Pero kahit na malaking pera at hindi ka ginalaw nong costumer, una sa lahat hindi ka dapat na punta doon!!!" sambit ko, hindi tumupad sa usapan namin si Mamo!

Pumasok kami sa university at nagmadaling umuwi pagkatapos dahil hindi ako papayag na hindi ko makakausap si Mamo!

"Erille calm down," sabi ni Erill at hinawakang ang braso ko ng papasok na kami sa club, "Hindi! Naiinis ako!" sambit ko at binuksan ang pinto, "Ay palaka!" nagulat ako ng agad sumulpot si Six sa harapan namin at hinila ang kamay ni Louen papunta sa kabilang pinto ng club.

"Huh?" bulong ko at tinignan ko ang loob ng club, nanlaki ang mata ko ng makitang ang daming customers sa front desk ng club. Pati si Mamo nandon tila nahihirapan i handle ang mga customer.

"Anong nangyayari?" tanong ko, bago sila nilapitan at tumabi kay Mamo.

"BAKIT SA AMIN HINDI PWEDE SI EL, MAGBABAYAD NAMAN KAMI NG MALAKI PARA SA KANYA AH!"

"NARINIG NAMIN NADALA SI EL KAGABI SA VIP ROOM, I'M WILLING TO PAY FOR HER!!!"

"30K ANG IBABAYAD KO PARA KAY EL!!!"

"Anong nangyayari?" tanong ko at tinignan ako ni Mamo at bumulong, "Nalama nila na pumunta si El kagabi sa VIP room kaya gusto nilang bilhin siya ng isang gabi, sabi ko hindi pwede dahil dancer lang ito dito" sabi ko na nga ba eh! Naging malaking gulo pa tuloy.

"Sandali lang ho wag po tayong magkagulo Sir----aray" sinubukan ko silang pakalmahin ng masiko ang ng isa sa kanila dahilan para matumba ako.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa akin likuran at agad akong itinayo ni Six, "Ilang palaka na huli mo?" nakangiti niyang bulong, tiningnan ko siya ng masama at sumagot, "Isa, pangalan Six" singhal ko, he chuckled and put me behind him and talk to the customers.

Isang paliwanag niya lang at natapos na ang gulo sa loob, napaintindi niya ng maayos sa mga ito ang position ni Louen sa club at naging ok naman sa mga costumers.

Sinundan ko naman sa loob ng staff room si Mamo at sinabi, "BAKIT MO NAMAN KASI HINYAAN PUMUNTA NG VIP ROOM SI LOUEN! DIBA ANG USAPAN KAHIT GAANO KALAKING PERA DANCER LANG DITO SI LOUEN YON LANG!, HINDI SIYA PWEDENG BAYARAN NG KAHIT NA SINO MAMO!!!" galit kong sambit, naiinis ako dahil doon nagkagulo sa club at gusto ng bilhin ng mga lalake si Louen.

"Malaking pera kasi ang binayad para sa kanya Erille saya---" hindi ko siya pinatapos magsalita.

"Hindi ka tumupad sa usapan Mamo!" tumango siya na tila aminado sa ginawa.

"Hindi na mauulit" sambit ni Mamo, "TAGALANG HINDI NA!!" singhal ko at nilapitan si Louen. "Ok ka lang?" tanong ko, tumango siya.

"I'll just change my clothes" tumayo si Louen at pumunta sa changing room, napahinga ako ng malalim at nagsimula na ring mag-ayos.

"Pineapple juice ka muna" napatingin ako kay Six ng maglagay siya ng pineapple juice tabi ko.

"Nakakatakot ka talagang magalit kaya naawa ako sa magiging asawa mo pagdating ng panahon" natatawa niyang sambit.

Seryoso ko siyang tinignan sa repleksyon ng salamin sa harapan ko habang nakatayo siya sa likuran ko. "Paano kung ikaw yon?" tanong ko.

Hindi niya ako tinignan at mas lalong natawa, "Imposible" sagot niya at agad nilapitan si Louen ng lumabas ito ng changing room.

I smile bitterly and whisper.

"Oo nga imposible"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status