"365 po lahat ma'am," sabi ng cashier at agad ko namang inabot ang 500 peso bill ko. Nandito ako sa isang store para bumili ng 6 beer in can at junkfoods. hapong-hapon na pero heto ako, bumili ng beer para uminom. Hindi ko naman talaga ito gawain ngayon, siguro nahawa lang ako ni Amalia dahil noong klasmet kami dati lagi niya akong niyaya na uminom. At saka, i will never do this without a reason. "Keep the change." agad kong dinukot ang plastic at nagsimula nang maglakad pauwi... ay mali pala. doon sa puwesto ko kahapon, gusto ko lang ulit masaksihan ang paglubog ng araw. Maaga pa naman para umuwi at magtataka lang si yaya kung bakit ang aga ko, baka malaman niyang nag-cut ako ng class. Umupo na lang ako sa malaking ugat ng kahoy at hinihintay ang paglubog nga araw. kinuha ko ang isang beer at binuksan ito at saka 'yung junkfoods na binili ko kanina. Ang boring kasi ng buhay ko, school at bahay lang tapos kung gusto kong gumala pipigilan lang. kung gusto ko naman i-pursue iyung gus
Nagising na lang ng 5:30 am in the morning kaya dumeritso ako sa banyo para maligo kahit sobrang lamig ang tubig ay pinilit ko na lang para makaligo ako. Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na ako at inayusin ang sarili ko. Ginawa ko kong ano ang kinaugalian kong gawin araw-araw bago pumasok sa school. habang ginawa ko ang morning routine ko, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang nangyari kagabi. Nasa kusina ako ngayon kasalukuyang nagtitimpla ng kape. Sabi ni yaya sa akin, si Spencer daw ang naghatid sa akin sa kuwarto at nag-asikaso sa akin. Hindi ko naman maipaliwanag kung bakit iyon nangyari dahil nandoon nga ako sa tambayan at hindi niya naman iyon alam. "Coollen, baka lumalamig na iyang kape kapag titigan mo lang iyan, " sigaw ni yaya sa akin dahilan para mabaling ko ang aking atensyon sa kape na nasa aking harapan. I took a sip sa kape and keep on thinking, hindi ko talaga mapigilang hindi magtaka. After kong maubos ang kape sa maliit na tasa ay nagpaalam na ako ni yaya na p
"Akin na," agad naman nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi. Nandito na kami sa rooftop at isang metrong pagitan naming dalawa. Wala kasi akong ideya sa kaniyang sinabi. Kung tutuusin nga siya pa nga may utang sa akin dahil sa pan-trip niya. "Ang ano?""Iyang nakasabit sa bag mo? " napatingin naman ako sa nakasabit sa zipper ng aking bag. Ito iyung napulot ko noong nakaraang araw. So, ibig sabihin, siya iyung lalaki na nahagip ng aking camera at pinagkamalan nila Amalia na secret boyfriend ko raw. "What a coincidence?""Bakit?" sabi ko sabay taas ng kilay. "Akin na nga!" Napangisi naman ako sa aking naisip. kinuha ko ang ang bagay na hinanap niya nasa sa zipper ng aking bag at ito'y pinakita sa kaniya. "Sa iyo ba ito?" sabi ko sabay taas ng aking kanang kamay at pinagdidiinan ang bagay. "oo,""May pangalan ba sa iyo?" bigla kong tanong. "Babaeng tanga, hindi ako nakikipaglaro sa iyo!" sabi niya at napangiti naman ako dahil ang sarap niyang asarin ang dali niyang mapiko
Friday ngayon at nasa school ako. na-late ako sa klase dahil matagal akong nagising. Doon kasi natulog si Amalia sa bahay namin dahil ayaw niyang umuwi, nais niya pa raw na makasama ako nang matagal. Iba talaga maglambing si Amalia. Nanonood lang naman kami ng movies kagabi, nakipagdal-dalan about sa school niya. Ang dami ko ngang tawa kagabi dahil sa kalukuhan niya. Hindi pa kasi umuwi si mom galing business trip kaya malaya akong gawin ang mga bagay na gusto ko. "Coollen!" napalingon ako nang tinawag ako ni Rain. Nakaupo ako sa may hagdananan. Nakita ko naman si Rain na naglalakad lang patungo a akin"bakit?""Kanina pa kita hinanap, nandito ka lang pala, "sabi niya at umupo sa tabi ko. "Balik na tayo sa room, baka nandoon si Ma'am, di ba ngayon ibigay ang result ng quiz?" tanong niya sa akin. "You toke up the quiz?" tanong ko rito. Hindi kasi sila nakasali sa quiz dahil sa pinagawa ni Ma'am Alvarez. "Yes, After namin naglinis ng Cr. Nag-take kami ng quiz kaya gabi na kami
Agad kong kinuha ang aking cellphone nasa ibabaw ng center table nang nakita ko itong umilaw at nag-vibrate. Sabado ngayon at wala akong masyadong ginagawa kaya nanood lang ako mga palabas sa tv. Kinuha ko rin ang aking cellphone sa ibabaw ng mesa para tinignan kung sino ang nag-text sa akin, At ngayon ko lang naalala na may usapan pala kami ni Minchie. Nawala kasi sa aking isipan; kung hindi siya nag-text sa akin, hindi ko maalala.She texted me na magkita daw kami sa isang coffee shop and she also send me the address. Sa totoo lang hindi ko siya kilala, kaya ako pumayag na makipagkita sa kaniya para mas lalo ko siyang makilala, gusto ko rin magkaroon ng maraming kaibigan, at sa nakita ko ngayon, wala naman akong nakitang dahilan para umayaw. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nagsimula nang ihakbang ang aking mga paa patungo sa kuwarto para maligo at magbihis na rin. After kong maligo, nagsout lang ako ng simple na kasuotan. Wala akong masyadong alam when it comes in fashion,
Tapos na akong magbihis at kumain, nagpaalam na rin ako ni yaya na pumasok na sa school. Hinatid lang ako ni mang Rudy sa school. Pagkadating ko sa school ay agad akong bumaba ng kotse at tuluyang pumasok sa loob.Wala naman nagbago sa view ng school namin, ganoon pa rin pati ang tingin ng mga estudyante sa akin. Isang attention seeker at fame whore.Naglalakad ako papuntang room, nang dumaan ako sa hallway, narinig ko na naman ang kaniyang bulung-bulungan. Hindi ko naman iyang pinapansin dahil sanay na ako at nakakapagod na ring pumatol mas lalo ka pang gagawing masama. Dumeritso na lang ako sa loob ng aming room. Agad ko namang nilapitan si Rain nang nakita ko siyang mag-isa at kasalukuyang nagbasa ng libro. Tumabi ako sa kaniya and I lean my head in her shoulder. Nagulat siguro siya sa aking ginawa dahil isinirado niya ang kaniyang libro at pinansin ako. "Are you okay?" she asked while tapping my shoulder. "I'm okay, " tipid kong sagot. "Bakit ang tamlay mo?" Tanong niya ka
Niyaya ako ni Rain na kumain sa Canteen, tapos na kasi ang klase namin. Wala naman talaga akong planong kumain ngayon dahil hindi pa ako nagugutom, pero itong si Rain hindi ko matangihan. Pagkatapos naming mag-order ng pagkain ay agad kaming umupo sa aming puwesto."Nasaan pala si Spencer?" biglang tanong ni Rain at palinga-linga pa siya. Hindi pa nakasagot si Rain ngunit nagulat na lang ako nang may biglang humawak sa aking balikat. "Can I set beside you?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa aking gilid at nang nag-angat ako ng tingin nakita ko si Archie na may dalang tray. I'm speechless, hindi ko akalain na magagawa niya ito. "No, the seat is taken, " sabi ko at bumalik sa pagkain. P'westo kasi iyan ni Spencer kaya taken na iyan. Nandito kasi ako sa canteen kumain ng tanghalian kasama si Rain, kahit mismo si Rain ay nagtaka dahil sa biglaang pagbabago ni Archie. Napatingin din si Rain sa akin saying, 'what's going on?'Umiling na lang ako at nakita ko naman si Archie n
Kinabukasan, bumangon ako ng maaga para makapaghanda na para pumasok sa School. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis ang inis nararamdaman ko simula kahapon. "Kung makita lang kita ngayon sa field babatukan kita talaga."Nagsimula na akong maligo at nagbihis para bumaba na ng kuwarto. Hindi na ako kumain ng agahan dahil wala akong gana. Nagpapahatid na lang ako ni Mang Rudy sa school, at nang nakarating na kami ay agad rin naman akong bumaba nang sasakyan at dumeritso ako sa feild. Bakit ko alam na nasa field siya? palagi ko siyang nakikita doon para magbasa lang ng libro. "Hoy!" sigaw ko mula sa kalayuan nang makita ko si Archie na nakaupo sa isang bench. Nakaramdam naman ako ng inis nang hindi niya ako tinapunan ng tingin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis nang hindi niya ako pinansin. "Hoy, Mr. Diverson!" muling kong sigaw sa kaniya ngunit hindi man lang ako pinansin at patuloy pa rin siyang nakatingin sa kaniyang libro. "Archie Gabriel Diverson!" nilapitan