"Akin na," agad naman nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi. Nandito na kami sa rooftop at isang metrong pagitan naming dalawa. Wala kasi akong ideya sa kaniyang sinabi. Kung tutuusin nga siya pa nga may utang sa akin dahil sa pan-trip niya. "Ang ano?""Iyang nakasabit sa bag mo? " napatingin naman ako sa nakasabit sa zipper ng aking bag. Ito iyung napulot ko noong nakaraang araw. So, ibig sabihin, siya iyung lalaki na nahagip ng aking camera at pinagkamalan nila Amalia na secret boyfriend ko raw. "What a coincidence?""Bakit?" sabi ko sabay taas ng kilay. "Akin na nga!" Napangisi naman ako sa aking naisip. kinuha ko ang ang bagay na hinanap niya nasa sa zipper ng aking bag at ito'y pinakita sa kaniya. "Sa iyo ba ito?" sabi ko sabay taas ng aking kanang kamay at pinagdidiinan ang bagay. "oo,""May pangalan ba sa iyo?" bigla kong tanong. "Babaeng tanga, hindi ako nakikipaglaro sa iyo!" sabi niya at napangiti naman ako dahil ang sarap niyang asarin ang dali niyang mapiko
Friday ngayon at nasa school ako. na-late ako sa klase dahil matagal akong nagising. Doon kasi natulog si Amalia sa bahay namin dahil ayaw niyang umuwi, nais niya pa raw na makasama ako nang matagal. Iba talaga maglambing si Amalia. Nanonood lang naman kami ng movies kagabi, nakipagdal-dalan about sa school niya. Ang dami ko ngang tawa kagabi dahil sa kalukuhan niya. Hindi pa kasi umuwi si mom galing business trip kaya malaya akong gawin ang mga bagay na gusto ko. "Coollen!" napalingon ako nang tinawag ako ni Rain. Nakaupo ako sa may hagdananan. Nakita ko naman si Rain na naglalakad lang patungo a akin"bakit?""Kanina pa kita hinanap, nandito ka lang pala, "sabi niya at umupo sa tabi ko. "Balik na tayo sa room, baka nandoon si Ma'am, di ba ngayon ibigay ang result ng quiz?" tanong niya sa akin. "You toke up the quiz?" tanong ko rito. Hindi kasi sila nakasali sa quiz dahil sa pinagawa ni Ma'am Alvarez. "Yes, After namin naglinis ng Cr. Nag-take kami ng quiz kaya gabi na kami
Agad kong kinuha ang aking cellphone nasa ibabaw ng center table nang nakita ko itong umilaw at nag-vibrate. Sabado ngayon at wala akong masyadong ginagawa kaya nanood lang ako mga palabas sa tv. Kinuha ko rin ang aking cellphone sa ibabaw ng mesa para tinignan kung sino ang nag-text sa akin, At ngayon ko lang naalala na may usapan pala kami ni Minchie. Nawala kasi sa aking isipan; kung hindi siya nag-text sa akin, hindi ko maalala.She texted me na magkita daw kami sa isang coffee shop and she also send me the address. Sa totoo lang hindi ko siya kilala, kaya ako pumayag na makipagkita sa kaniya para mas lalo ko siyang makilala, gusto ko rin magkaroon ng maraming kaibigan, at sa nakita ko ngayon, wala naman akong nakitang dahilan para umayaw. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nagsimula nang ihakbang ang aking mga paa patungo sa kuwarto para maligo at magbihis na rin. After kong maligo, nagsout lang ako ng simple na kasuotan. Wala akong masyadong alam when it comes in fashion,
Tapos na akong magbihis at kumain, nagpaalam na rin ako ni yaya na pumasok na sa school. Hinatid lang ako ni mang Rudy sa school. Pagkadating ko sa school ay agad akong bumaba ng kotse at tuluyang pumasok sa loob.Wala naman nagbago sa view ng school namin, ganoon pa rin pati ang tingin ng mga estudyante sa akin. Isang attention seeker at fame whore.Naglalakad ako papuntang room, nang dumaan ako sa hallway, narinig ko na naman ang kaniyang bulung-bulungan. Hindi ko naman iyang pinapansin dahil sanay na ako at nakakapagod na ring pumatol mas lalo ka pang gagawing masama. Dumeritso na lang ako sa loob ng aming room. Agad ko namang nilapitan si Rain nang nakita ko siyang mag-isa at kasalukuyang nagbasa ng libro. Tumabi ako sa kaniya and I lean my head in her shoulder. Nagulat siguro siya sa aking ginawa dahil isinirado niya ang kaniyang libro at pinansin ako. "Are you okay?" she asked while tapping my shoulder. "I'm okay, " tipid kong sagot. "Bakit ang tamlay mo?" Tanong niya ka
Niyaya ako ni Rain na kumain sa Canteen, tapos na kasi ang klase namin. Wala naman talaga akong planong kumain ngayon dahil hindi pa ako nagugutom, pero itong si Rain hindi ko matangihan. Pagkatapos naming mag-order ng pagkain ay agad kaming umupo sa aming puwesto."Nasaan pala si Spencer?" biglang tanong ni Rain at palinga-linga pa siya. Hindi pa nakasagot si Rain ngunit nagulat na lang ako nang may biglang humawak sa aking balikat. "Can I set beside you?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa aking gilid at nang nag-angat ako ng tingin nakita ko si Archie na may dalang tray. I'm speechless, hindi ko akalain na magagawa niya ito. "No, the seat is taken, " sabi ko at bumalik sa pagkain. P'westo kasi iyan ni Spencer kaya taken na iyan. Nandito kasi ako sa canteen kumain ng tanghalian kasama si Rain, kahit mismo si Rain ay nagtaka dahil sa biglaang pagbabago ni Archie. Napatingin din si Rain sa akin saying, 'what's going on?'Umiling na lang ako at nakita ko naman si Archie n
Kinabukasan, bumangon ako ng maaga para makapaghanda na para pumasok sa School. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis ang inis nararamdaman ko simula kahapon. "Kung makita lang kita ngayon sa field babatukan kita talaga."Nagsimula na akong maligo at nagbihis para bumaba na ng kuwarto. Hindi na ako kumain ng agahan dahil wala akong gana. Nagpapahatid na lang ako ni Mang Rudy sa school, at nang nakarating na kami ay agad rin naman akong bumaba nang sasakyan at dumeritso ako sa feild. Bakit ko alam na nasa field siya? palagi ko siyang nakikita doon para magbasa lang ng libro. "Hoy!" sigaw ko mula sa kalayuan nang makita ko si Archie na nakaupo sa isang bench. Nakaramdam naman ako ng inis nang hindi niya ako tinapunan ng tingin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis nang hindi niya ako pinansin. "Hoy, Mr. Diverson!" muling kong sigaw sa kaniya ngunit hindi man lang ako pinansin at patuloy pa rin siyang nakatingin sa kaniyang libro. "Archie Gabriel Diverson!" nilapitan
Nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi at biglang nag-init ang aking pisngi. Ang lakas ng epekto ng mga salita niya. "Hala! may nakain ka bang maanghang, Bakit sobrang pula ng pisngi mo?" Para akong binuhusan na malamig na tubig sa katagang iyon. Napahawak na rin ako sa aking mukha, nang nakita kong nagtangkang hawakan ni Archie ang aking pisngi ay agad kong siyang sinaway at pinigilan. "Huwag mo akong hawakan, baka Allergic ako sa 'yo," sabi ko sa kaniya at pinaypayan ko ang aking mukha gamit ang aking kamay. Patuloy pa ring nagwala ang aking puso sa hindi malaman ang dahilan. "Dapat ba akong lumayo sa iyo?" parang gusto kong matawa sa pinangagawa niya. Naniwala talaga siya na Allergic ako sa tao? kung gano'n, uto-uto siya. "Ang lupit naman ng Joke mo Arc," sabi ko sa kaniya. Ang lupit kasi ng Joke niya, niyanig niya pati ang puso ko. Napaisip pa rin ako hanggang ngayon, joke ba iyon? bakit ako kinikilig? "Tapos ka nang kumain?" napatingin ako sa kaniya at tumango lang
Nagdaan ang mga araw na madalang na akong pinapansin ni Spencer, hindi niya na rin ako dinadalhan ng pagkain. Wala na ring kumukulit sa akin kapag sinubsob ko ang mukha ko sa desk, kapag magkatabi kami hindi niya ako tinitignan at kinakausap gaya nang dati. Mas naging close kami ni Archie, palagi na namin siyang kasama ni Rain sa anu mang gawain sa School. Naninibago naman ako sa routine, hindi kasi ako sanay na walang mukha ni Spencer ang sisira sa araw ko at gugulo sa buhok ko. Kasalukuyan akong na room ngayon at nakikinig sa aming guro. Ngayong araw ay Nag-quiz lang kami ng 1 to 10 at 6 lang ang nakuha ko out of 10. Nang ibaling ko naman ang aking tingin ni Rain ay nakasilay naman ang malaking ngiti sa kaniyang labi kaya alam kong perfect siya sa pasulit na ito. Hindi lang naman ako nagtaka sa nakuhang score dahil hindi naman ako nag-aral nang mabuti. "Ang tahimik mo yata ngayon? " binalingan ko ng tingin si Archie. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi ko sinagot ang kaniyang ta