Share

Fearless 2

•FEARLESS 2•

ZIRCO RAIJANNER FROSTIER

Bumalik ako sa eskwelahan pagkatapos. Mukhang lunchtime ng mga estudyante dahil may mga paakyat- baba sa bawat hagdan na nakikita ko. Ang ilan sa kanila ay naghahabulan pa na parang hindi ako nakikita.

"Good afternoon Mr. Frostier."

"Hello po Mr. Frostier."

"Kyaaaah! Bakit ang gwapo ni Mr. Frostier?"

Haist. Mga babae nga naman.

Dumiretso na ako sa opisina ko.

Saktong pagka-upo ko ay siya namang ring ng telepono.

Chrysoprasus Raseil calling..

Tss. Sira-ulo tumawag pa.

"Frostier speaking."

"Hey Zirco- I mean Mr. Frostier nasaan ka?! Balita ko sinapak mo si Rasham?"

Bwisit na gago.

"Do you really want to die ha? Raseil."

"Hahaha! Pero bumalik ka na ba sa eskwelahan?"

"Yeah. Why?"

"Wala. Sige bye."

"Chrysoprasus Raseil-"

Binabaan niya ako ng telepono pagkatapos.

Badtrip ang sakit ng katawan ko.

|SOMEONE|

"Bakit ba hindi niyo magawang tapusin iyang Frostier na yan? Ha!? Nasa teritoryo niyo siya pero hinahayaan niyong magpakalat-kalat siya doon at siya ang maghari-harian."

Ang daldal at ang ingay ng p*ta. Sarap saksakin sa bibig ng manahimik na. Peste. Sagabal lagi, akala mo kung sinong boss kung mag-utos.

"At ikaw!" Turo niya sa akin. Tiningnan ko lamang siya ng masama.

"Kahit kailan inutil ka! Lagi mo ng kasama pero hindi mo man lang magawa ang pinag-uutos ko! Mga estupido! Ang dami-dami niyong laging nakabuntot sa bastardong iyon pero ni isa sa inyo ay walang makagawa ng iniuutos ko!" sigaw niya pa sa amin.

Nangigigil na talaga ako, konti na lang at mauuna siyang mamatay kay Frostier. Bobo. Tanga. Palibhasa walang kaalam-alam kaya inuuna ang galit. Tss.

"Pwede bang maghintay ka pa ng ilang buwan? May oras para diyan sa iniuutos mo. Wag kang mag-alala dahil kapag nangyari na ang gusto mo ako na mismo ang maghaharap sayo sa bangkay niya."

Gulat akong napalingon sa isa kong kasama. Ang tibay ng loob niyang sabihin iyon pero mukha naman siyang asong bahag ang buntot at ang amo-amo kapag kaharap si Frostier. Tss. Ewan ko na lang kung magagawa niya ang sinabi niya. Napangisi ako.

"3 months. Just give us three months para tapusin namin ang iniuutos mo. Pero sa ngayon hayaan mo na muna si Zirco. Isa pa kailangan pa siya ng eskwelahan."

Wika pa ng isa. Gusto kong humalakhak ng malakas sa mga naririnig ko ngayon. Saan ba nakuha ng mga ito ang pinagsasabi nila? Masyado silang matapang. Tss.

"At ikaw?! Wala ka bang balak na sundin ang inuutos ko at mukha kang tangang nakikinig lamang?!" sigaw sa akin.

"I'm not stupid like them. So I'm going to shut my mouth besides promises are meant to be broken," sagot ko nang nakangisi sa kanya.

"What the fuck are you talking about?!"

Nak ng. Tanga talaga.

Tumalikod na ako dahil naiirita na ako sa katangahan niya. Ang slow pa masyado.

"Hoy! Saan ka pupunta?!"

"I'm going. I want to sleep and get more energy and a patience too." huling lintanya ko at lumabas na ng silid na iyon.

|ZIRCO RAIJANNER FROSTIER|

What a very tiring day. Umuwi na ako isang oras pagkabalik ko sa eskwelahan.

*knock knock*

"Come in."

"Hey kuya!"

Nilingon ko ang kapatid ko. Mukhang may pupuntahan at bihis na bihis.

"Zerja."

"Kuya magpapaalam lang ako sayo. Hindi ako uuwi ngayong gabi kasi we will be having a sleep over sa house ni Kiarra. Her parents are out of town so siya lang mag-isa."

"Ilan kayong magsi-sleep over sa bahay ng mga Fuertaño?"

"Hmm... 8 kuya. 2 boys and 6 girls."

"Give me Kiarra's number," utos ko at mukha pa siyang nag-aalangang ibigay ang numero ng bestfriend niya.

"Pero kuya-"

"Now."

Dali-dali siyang kumuha ng papel at kinopya ang numero ng bestfriend niya, pagkatapos ay iniabot na sa akin.

"Here kuya."

"I'll call her later just to check you if you will stay there. Don't try to call her at sasabihin mong-"

"Kuya naman eh! Do'n talaga ang punta ko."

"Make sure Zerja."

"Psh. By the way hindi ba uuwi si Kuya Jed?"

"Nakita mo bang nandito siya?"

"Sabi ko nga wala. Tss. Alis na ako kuya! Byeeee!"

Sinundan ko na lang siya ng tingin paalis. Bumaba naman din ako pagkaalis niya. Dumiretso ako sa kusina.

"Manang may pagkain na po ba?" tanong ko sa katulong namin.

"Ay ser! Opo may pagkain na po rito."

"Sige po. Kakain ako."

"Ay okay po, magsasandok na ako."

"Sige."

|SOMEONE|

"May balak kang sundin ang utos ni Mr. President?"

Ibinaba ko ang hawak kong baso at inilapag iyon bago harapin ang kausap ko.

"Ikaw? May balak ka ba?"

"Ikaw ang tinatanong ko. Sayo lang kami susunod."

Napangisi ako. Mga pinanganak na talagang traydor tong mga taong to.

"Do you think I can do that?

Nah, mas gusto ko pang matulog maghapon kaysa ang traydurin si Mr.Frostier."

"Really? Ha? Hahaha! If I know gustong-gusto mong pabagsakin si Frostier."

"Nagbago na isip ko. Mahirap pabagsakin ang isang Frostier."

Tama. Ako lang naman ang magmumukhang tanga at katawa-tawa kung sakaling ituloy ko ang pagpapabagsak kay Mr. Frostier.

"What changes your mind? Don't tell me kinukuha mo lang ang loob niya? Then saka ka aatake? Right?"

Lumikha ng isang malakas na ingay ang ginawa kong paghagis ng wine glass na hawak ko at ibinato iyon sa pader. Tumahimik ang mga kausap ko.

"Hey! I was just kidding!"

Basag yung baso ng inihagis ko sa pader.  Natamaan siya ng mga bubog sa braso.

"Yeah. Shut the fuck up!" Asar kong sagot at nilayasan siya.

~Ring ring ring ring~

Bakit siya tumatawag?

"Hello."

"Where are you?"

"Unit ko." I lied.

"Pumunta ka sa Club House. May naghihintay sayo doon."

"Sino?"

"Pumunta ka na lang."

"Sige. Sige."

Mukhang may hindi magandang mangyayari doon. Dammit.

|ZIRCO RAIJANNER FROSTIER|

"Nakita mo na ba?"

Umiling ako.

"Hindi pa. Bakit? Para saan ba iyan?" tanong ko kunwari.

"Hindi ko rin alam. Pinadala lang iyan dito. Hindi ko nga alam kung paano nakapuslit ang mga iyan dito."

Umiling na lang ako. Nandito kami sa opisina ko at narito rin ang box.

"Open the box."

Gulat siyang napatingin sa akin.

"Mr. Frostier, are you sure? Hindi natin alam ang laman niyan. Mamaya mapahamak tayo."

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"O-okay."

Tanging sa box lang na iyon nakatutok ang paningin ko. Alam ko naman na kung ano ang laman niyon pero mas mabuti na ng masiguro ko rin.

[Flashback]

Kumakain ako ng mag-ring ang telepono ko. Unregistered number pero pinagkaabalahan ko pa ring sagutin.

"Frostier speaking,"  pagsagot ko sa tawag.

"Kamusta Zirco Frostier?"

Napahinto ako sa pagkain at sumandal sa upuan.

"Who are you?"

"Your Boss. Hahahahaha!"

Tsk. Parang demonyo lang kung tumawa.

"I am the boss," sagot ko.

"Hahahaha! Tsk. Tsk. Iba ka nga daw talaga Frostier."

Kabagot kausap badtrip.

"What do you need?" Asar kong tanong na binuntutan niya ng mala-demonyong tawa. Damn it. I already knew who the fuck is this fucking caller.

"Alam na alam mo na talagang may kailangan ako sayo ano? Hahaha!"

"I am asking you, you monster. What the fuck do you need?"

"Tsk. Tsk. Masyadong kang atat Mr. Frostier. Kalma lang."

"Why should I? Hindi ba dapat ikaw ang kumalma? Kilala mo naman na siguro kung anong klaseng tao ang kausap mo ngayon hindi ba? Aren't you scared? Mr. President?"

Napangisi ako nang tumahimik ang kabilang linya.

"At your Club House. May naghihintay sa iyong sorpresa doon. Hahaha!"

Pagkatapos ay nawala na ang linya.

End of Flashback

"Patay na lobo? Tapos may baril? Ano ito gaguhan? Sinong nagpadala niyan dito?!"

Boses ni Rasham ang narinig ko mula sa likuran ko kaya naman yumuko ako at kinuha ang baril na nasa loob ng box.

"What are you doing Mr. Frostier?"

Tiningnan ko nang mabuti ang baril at saka ako umupo ng hindi sayad ang pwetan ko sa may sahig. Hinawakan ko ang patay na lobo at binaligtad ang pagkakahiga nito at saka ko naman tinitigan ng mabuti.

"They didn't kill the fox using this gun,"

paliwanag ko sa kanila.

"Ha? Pero puro dugo ang baril Mr. Frostier tapos yung hayop ay patay na paano mo nasabing hindi nila binaril ang lobo. Ayan na ang ebidensiya."

Itinuro ni Rasham ang baril ganun din ang patay na lobo.

Sinipat ko ulit nangg mabuti ang patay na lobo. Lihim na lang akong napangiti sa hinala ko. Sabi na. Tama ako. Lalo na at may malaking mali sa lobong patay.

Kinuha ko ang maliit na kutsilyong nasa bulsa ko saka dahan-dahang hiniwa ang leeg nito. Sabi na.

"What is that?!" Si Cloryel. He widened his eyes and point out his finger to that poor thing.

"Don't tell me it's a-" Rasham

Hinawi ko ng malaki ang hiniwa kong leeg ng lobo at tumayo.

"See?" Nakangiti kong wika sa kanila. Namumutla ang dalawa sa nakita.

"S-sinong nagpadala niyan dito?! Tangina! Hindi tayo tapunan ng mga patay na bata!"

Oo. Tama ang hinala ko. Tao ang laman ng pekeng patay na lobo at bata ang nasa loob niyon. Mahigit sa apat o limang-taong gulang ang edad nito.

"Can we call a police and tell them that we received a body of a dead kid from someone we don't know?" tanong ni Rasham.

Umiling ako bilang sagot.

"No. Baka isipin nilang tayo ang may gawa niyan. Bigyan niyo ng maayos na libing ang bata. Ipaalam niyo sa lahat ng narito ang tungkol diyan," utos ko at tinalikuran na sila.

"Mr. Frostier, hindi kaya may traydor dito sa loob ng Club House at iyon ang nagpasok niyan dito? Ng hindi dumadaan sa security natin?" tanong ni Cloryel.

I sighed.

"May traydor o wala iisa lang ang gustong mangyari ng nagpadala niyan."

"Ano naman?"

"Ang pabagsakin ako," sagot ko at binuksan na ang pinto.

"Where are you going Mr. Frostier?" -Rasham

"I need to make things clean. Ayusin niyo na yan. Maayos na libing ang ibigay niyo sa bata."

Tuluyan na akong lumabas ng opisina ko.

Mr. President. What nice a codename you have. Hindi nababagay sa katulad mong mamamatay-tao.

|SOMEONE|

Pagkaalis ni Zirco ay saka rin ako umalis ng Club House. Hindi nila ako nakita pero alam ko kung anong nangyari sa loob ng opisina niya.

Kahit kailan ay isang malaking gago si Mr. President. Hindi ko alam kung bakit iyon ang dinala sa opisina ni Zirco. Nakakakilabot dahil isa itong bata. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Mr. President ang patay na bata.

Mr. President Calling

This monster again.

"Hello."

"How's my gift to Mr. Frostier? Hahahaha!"

I gritted my teeth out of frustration. Siya ang kausap ko kanina bago ako nagtungo sa Club House.

"Tila ang saya mo yata, Mr. President. Dahil ba sa regalo mo kay Zirco?"

"Hahaha! Oo naman. Ako pa ba? Wag kang mag-alala walang makakaalam na isa kang traydor sa kanila. Unless mapapatay mo si Frostier? Hahahahahaha!"

Tangina talaga. Nangagago na naman ang demonyong ito.

"Pupuntahan kita diyan Mr. President," wika ko pagkatapos ay pinatay na ang linya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status