Share

Fearless 6

•FEARLESS 6•

|ZIRCO RAIJANNER FROSTIER|

"Ikaw ang bahala Zirco, hangga't maaari ay kailangan mo ng makuha sa kanila si Rojainnah. Hindi lang naman ikaw ang may nais na makuha siya. Marami kayo rito ngayon hindi mo lang alam pero mukhang magpapaunahan kayo."

Marahan akong tumango.

"Naiintindihan ko Mr. Sandoval. Pansin ko nga rin."

"T-teka.. Hindi ka ba natatakot sa maaaring mangyari sa asawa mo?"

Bakit? Anong dahilan para matakot ako? Mukhang hindi pa nga nila ako kilala. Sayang. Psh.

Umiling ako bilang sagot.

"Hindi naman laruan o bagay ang asawa ko para magpaunahan kami sa pagkuha sa kanya Mr. Sandoval. Wala rin naman silang mapapala sa akin at kay Rojainnah kung sakaling gawin nila ang pakay nilang lahat rito. It's just that, I know how to fool them and make them fall on my trick."

"Tsk. Tsk. Walang duda isa ka nga talagang Frostier. Hindi na ako magtataka kung isang araw tawagin ka ng Great Pretender at Fool Killer. Kung may ganon nga."

Napangisi ako sa sinabi niya. Fool Killer? Stupid.

"So, paano Mr. Sandoval, I need to go na. Baka hinihintay na rin ako ni Raseil at Scheiner."

"Ohh.. So you're with them."

"Yeah. Kailangan rin namang makita ni Rasham ang kapatid niya Mr. Sandoval."

"Hmm.. O siya. Let's talk some other time Zirco Frostier."

"Okay."

Tumayo na ako at naglakad na palabas ng bahay niya. Si Mr. Sandoval ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko noon pero hindi ngayon. Dahil alam ko naman ang mga kilos niya. Tsk. Hindi ko na alam kung sinong dapat kong pagkatiwalaan dahil halos lahat ng nasa paligid ko ay mga traydor. Maliban kay Rasham at Chrysoprasus. Sila na lang ang mga totoong kaibigan ko. Nawala pa ang isa.

Mag-isa kong minamamaneho ang dala kong sasakyan pabalik ng Hacienda. Hindi ko talaga isinama ang dalawa dahil masyadong magiging kumplikado ang problema ko ngayon. Kaming dalawa lang ni Mr. Sandoval ang nakakaalam at sana ay gawin rin niyang sikreto iyon dahil kung hindi ay ako na ang gagawa ng paraan para matahimik siya.

Ipinarada ko na ang sasakyan at bumaba na rin kaagad saka dumiretso sa loob ng bahay. Sumalubong sa akin si Nanay Elena pagpasok ko.

"Señorito, kararating niyo lang ho ba?"

"Opo 'nay. Nasaan po sila Rasham?"

"Parehong umalis ang dalawa, hindi ko alam kung nasaan. Si Rasham lang kasi ang nagpaalam sa akin na aalis raw muna."

Napatango na lang ako. Saan na naman nagpunta ang dalawang iyon?

"Nay, kapag po bumalik na yung dalawa pakisabi nasa kwarto ako."

"O siya sige."

"Okay po."

Tsk. Ano na naman kayang pinaplano ng dalawang iyon? Sabay pang nawala.

|CHRYSOPRASUS RASEIL|

Nakita na namin si Rojainnah. Pero may mali sa nakita namin. May malaking pagkakamali. She has an affair. Dammit.

Flashback...

Naglalakad ako para hanapin si Zirco. Hindi naman sinadyang mapatingin ako sa isang bahay na napapaligiran ng mga iba't ibang klase ng bulaklak. Naalala ko bigla si Rojainnah dahil mahilig siya sa iba't-ibang klase ng bulaklak. Out of curiousity ay kumatok ako then someone came out from that house.

"Sino ho sila?" Isang may-edad na babae ang bumungad sa akin.

"May hinahanap lang po kasi ako," sagot ko rito at ngumiti.

"Naliligaw ka ba iho?"

Ngumiti ako at tumango pero sa totoo lang ay hindi ako naliligaw. I just find the house weird and there is something inside of that. I don't know pero parang may importante akong makikita. Masyado rin sigurong malakas ang pakiramdam ko sa mga ganiton bagay. Bukod pa roon ay tila kabado ang ginang na nagbukas sa akin ng pinto. Pinagpapawisan ito at ilang beses napalunok at palinga-linga sa labas.

"Ganun ba iho? Halina pumasok ka muna sa loob at magmiryenda, tapos ay ihahatid kita sa kung saan ka paroroon."

"Salamat po."

Pinatuloy ako ng matandang babae sa bahay niya. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na ang isang hindi inaasahang tao na hindi ko alam na makikita ko ulit.

Napakabilis ng pangyayari. Wala pang isang araw ang nakalipas ngunit heto at nasa harap ko na siya.

"Tara, maupo ka. Naku pagpasensiyahan mo na ang bahay namin at medyo maliit lang."

"Ayos lang po."

Nanatiling sa kanila ako nakatingin. Sa lalaki at kay Rojainnah. Mukhang masayang-masaya sila.

"Kayo ho yung isa sa mga tumulong sa akin hindi ba? Ako po yung nasiraan ng truck kanina Sir," saad ng lalaki. Tiningnan ko lang siya pagkatapos ay tumingin kay Rojainnah.

"Siya nga po pala, si Rojainnah asawa ko."

Asawa ko?

"Your wife? I didn't know you have a wife. By the way I'm Chrysoprasus," pakilala ko sa kanila. Ngumiti lang sa akin si Rojainnah. Iyong lalaki naman ay tinanguhan lang ako.

"O ito na, mag miryenda na kayo."

Nilapag ng matandang babae yung pagkain. Hindi ako kumuha. Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Rasham.

To: Rasham S.

Message: Hey. Track my location. I found someone and you need to see it. Something's bad.

"Kasama niyo ho ba yung Señorito?" tanong sa akin nung matandang babae.

"Opo."

"Nasaan siya ngayon? Hindi ba siya bibisita sa mga magsasaka ng Hacienda?"

Umiling ako bilang sagot. Geez. Bakit ganito ang dinatnat namin na Rojainnah?

"I don't know. Maybe he's busy on something."

"Sir, matanong ko lang po kamusta na ang hinahanap ni Señorito Zirco?"

Alam kaya nila kung sino yung hinahanap ni Zirco?

"Hindi ko po alam kung ayos na. Hmm.. Bakit niyo pala natanong?"

"Ay, wala naman ho sir, ang alam namin ay yung asawa niya ang hinahanap ni Mr. Frostier."

Napatango na lang ako.

Alam na nga nila.

"Sir kilala niyo ho ba yung asawa ni Mr. Frostier?" -yung matandang babae

Tumango ulit ako at yumuko.

"But I didn't know where to find her. Kilala ko lang siya sa pangalan pero hindi sa mukha," pagsisinungaling ko at habang nagsasalita ay kay Rojainnah ako nakatingin.

"Nakakaawa naman po-"

Napahinto sa pagsasalita yung lalaki nang marinig naming may tumatawag mula sa labas ng bahay nila. Rasham Scheiner. Ang bilis naman ng isang iyon?

"Tao po! Hey! Are you there Chrysoprasus?"

"Naku sir mukhang ikaw yata ang hinahanap nung lalaki."

Sumunod ako sa matandang babae na lumabas ng bahay nila. Nakita ko si Rasham na nakasandal sa gate.

"What is it? Who is this someone? Do I know that someone?" Dire-diretso niyang tanong kaya sumenyas na lang ako na nasa loob ang sinasabi ko.

"Can we go inside?" Napailing na lang ako sa tanong niya sa matandang babae.

"B-bakit ho sir? M-may kailangan po ba kayo sa loob ng bahay namin?"

"I just need to check on someone. May sinasabi kasi itong nagpapunta sa akin rito."

"P-po? N-naku wala ho yun sir. B-baka nagkataon lang at-"

"So you know what I mean."

Tsk. Harsh ang gago.

"Sir?"-yung matandang babae na namumutla na dahil siguro sa takot. Kamusta na lang kaya kung si Zirco ang nandito sa harap niya?

"You know what I am talking about. Your family is hiding someone we treasure most. You know what? I maybe that kind person but once you messed up with me.. I become a monster."

"Rasham! Stop threatening her. She's older than you, you jerk! Tss." Inis kong bulong sa kanya nang makita kong maiiyak na yung matanda.

"Tss."

"Pasensiya na po pero pwede ho bang pumasok na kami sa loob?"

Hindi sumagot yung matandang babae kaya dumiretso na kami sa bukana ng bahay pero hindi pa man nakakatapak ang mga paa namin sa pintuan ay nagsalitang muli ang matandang babae.

"S-si Rojainnah ang nawawalang asawa ni Señorito Zirco hindi ba?"

Tiningnan ko si Rasham at nagbabago na naman ang expression ng mukha niya. Tsk. The Old Rasham is back. Dammit!

"She's my sister."

Tanging iyon lang ang sinabi niya pero ramdam mo ang galit sa tono ng kanyang boses.

End of Flashback...

Nandito na nga kami sa loob ng bahay ng mga inakalang pamilya ni Rojainnah. Nakita ko ang pagtiim-bagang ni Rasham sa nakita niya. Katabi nito ang 'asawa' daw ng kapatid niya.

"It's been years."

Si Rasham. Napatayo yung dalawa at gulat ang makikita mong nasa mukha ng lalaki.

"S-sino ba kayo? H-hindi ba kasama kayo ng Señorito? A-ano bang kailangan niyo sa pamilya namin?"

May bahid ng takot ang lalaki habang nagsasalita. Tiningnan lang siya ni Rasham bago muling tumingin kay Rojainnah.

"S-sir wag niyo pong sasaktan ang asawa ko."

Patay.

Muling nabalutan ng galit ang mukha ni Rasham sa narinig niya mula sa kapatid niya.

"What? Asawa mo?!"

"S-sir.."-Rojainnah

"Rasham watch your actions. Baka may mangyari sa kapatid mo," bulong ko rito pero hindi niya ako pinansin.

"Nil sè do fhear cèile Rojainnah Arkiniah Scheiner Frostier."

(Translation: He's not your husband- Irish languange)

"H-hindi kita maintindihan Sir. Ano po bang sinasabi niyo?"

"Tatawag ako ng pulis kapag hindi kayo umalis sa pamamahay namin. Mga dayo!"

Mula sa kung saan ay lumabas ang matandang babae at may hawak na telepono. Mukhang tatawag nga ng parak. Tss.

"Aalis kami pero isasama ko ang babaeng ito," wika ni Rasham at hinila na si Rojainnah na katabi ng lalaking tinulungan namin at ang nagpakilalang asawa nito.

"Sir! Bitiwan niyo po ako!"

"Hindi niyo isasama si Rojainnah!"

Anak ng nakisali pa 'tong matandang babae.

"Hindi niyo pwedeng kunin na lang ng basta-basta si Rojainnah. Asawa ko siya!"

Tss. Eh kung sapakin ko na lang kayang pareho itong mag-inang to? Kaso hindi ako pumapatol sa babae.

"Really? You're claiming her as if you own her? Are you fucking kidding me? Do you know who is she? Do you know who am I para pagbawalan mo akong kunin siya? Ha?"

"Sir! Please wag niyo pong sasaktan si Jason! Asawa ko siya!"

M****a. Ano bang pinakain ng mga 'to kay Rojainnah para magsalita ng ganito?

"Let's go Chrysoprasus."

Sumunod ako kay Rasham palabas ng bahay habang mahigpit niyang hawak si Rojainnah sa braso nito at nagpupumiglas naman ang huli.

"Sir! Ano po bang problema niyo?! Bakit niyo po ba kami ginugulo?"

Sir? What the fuck.

"Hindi niyo pwedeng kunin sa akin si Rojainnah. Wala kayong karapatan sa kanya."

Napahinto kami sa paglalakad nang magsalita yung lalaki.

Nagulat na lang ako lalo na si Rojainnah nang makita naming nasa lapag na yung Jason at umiiyak yung matandang babae. Tsk. Dumudugo ang ilong nito ganun din ang labi na sinuntok ni Rasham.

Sana lang hindi pa muna makarating ito kay Zirco.

"Jerk! I have the rights to bring her back on her real world. She's my sister! You motherfucker!"

Woooh! Paano ba pakalmahin to? Badtrip.

|ROJAINNAH ARKINIAH SCHEINER FROSTIER|

Hindi ko alam ang sasabihin. Natatakot ako sa mga sinasabi ng mga lalaking kasama ko ngayon. Nakuha nila ako sa asawa ko at hinayaan nilang may sugat at galos si Jason. Gusto kong magwala pero walang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Natatakot ako sa maaaring kahinatnat ko sa mga ito.

"Nil do fhear cèile Rojainnah Arkiniah Scheiner Frostier."

"Jerk! I have the rights to bring her back on her real world. She's my sister! You motherfucker!"

Yung mga sinabi nila kanina. Totoo ba? Bakit ko naiintindihan yung sinabi ng taong ito? Kapatid niya ako?

"Babalik ba tayo sa bahay ni Zirco?"

"That's the right thing to do Raseil. Besides mas may karapatan si Zirco sa kanya."

Nakikinig lang ako sa pag-uusap nilang dalawa.

Hindi. Hindi ka dapat maniwala sa kanila Rojainnah. Baka isa lang sila sa mga may galit kay Jason at gusto lang nila akong kunin.

"Ano sa tingin mo ang maaring gawin ni Zirco pag nalaman niya yung ginawa nung Jason?"

"I don't know and I don't have any idea. Hindi natin alam ang takbo ng utak ni Frostier."

May gagawin ba sila sa asawa ko?

"Wag niyong sasaktan si Jason. Wag ang asawa ko. Hindi niyo alam kung gaano ko siya kamahal-"

Lumingon sa akin yung lalaking nagpakilalang kapatid ko at mukhang galit siya.

"He's not your husband. Dammit!"

"Hindi ko kayo maintindihan ano po bang kailangan niyo sa amin?"

SILENCE...

SILENCE...

SILENCE...

Panay ang agos ng mga luha ko nang makarating kami sa tahanan ng mga De Silva. Ayokong may mangyari sa pamilya ko dahil sa kanila.

"Bumaba ka na Rojainnah," utos sa akin ng lalaking nagpakilalang kapatid ko.

"Wag kang tatakbo palayo."

Mukhang alam pa yata nila ang balak ko. Lumabas na ako ng kasunod sila. Nauna ng pumasok sa loob ng bahay yung kasama niya kaya dalawa na lang kaming nasa labas.

"Hindi ko maintindihan ano bang dahilan mo at pinagpipilitan mo kong kapatid mo?"

"Bakit? Kapag ba pinaliwanag ko sayo pakikinggan mo ko? Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon Rojainnah. Wala ka ng nalalaman pa sa kung anong nararamdaman ko ngayon."

"Pwes ipaliwanag mo! Sabihin mo sa akin ang lahat. Yung sinabi mong kapatid kita? Kailan ako nagkaroon ng kapatid? Wala akong maalala at mas lalong hindi kita kilala. Ilang taon na akong walang pamilya bukod sa pamilya ng asawa ko!"

Napapikit ako ng akala ko ay susuntukin niya ako pero hindi pala dahil yung bintana ng sasakyan ang nabasag.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa nakalipas na walong taon Rojainnah. Kung bakit ganiyan ka o kung bakit iniisip mong asawa mo yung lalaking iyon. Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi mo? Hindi mo ko matandaan. Kapatid mo ako Rojainnah. Kuya mo ako. Ako na ang tumayong ama at ina sayo nung mga panahong itinakwil ka ni Mommy at Daddy pero ngayon hindi mo ko maalala man lang? Masakit sa parte ko iyon bilang kapatid mo.."

Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa likuran ko.

"Mas masakit nga lang sa parte ko. Sobra."

Lumingon ako sa boses na narinig ko. Nakita ko yung lalaking kasama namin at sa tabi nito ay ang isa pang lalaki na hindi ko kilala.

"At sino ka naman? Ano? Ipagpipilitan mo rin bang kapatid kita o kamag-anak kita?"

Umiwas ng tingin yung lalaki bago muling humarap sa akin.

"Mas higit pa doon Rojainnah. Hindi mo lang ako kapatid o kamag-anak.. Asawa mo ako."

Natahimik ako.

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Ikaw asawa ko? Wala akong matandaan pasensiya na. Hindi nga kita kilala tapos sasabihin mong asawa mo ko? Si Jason Natividad ang asawa ko. Siya lang kaya kung pwede lang sana ibalik niyo na ako sa kanya."

"Aren't you remember me Rojainnah? I am your husband. I am Zirco Frostier hon. Please. Tell me you're just making a prank."

Ano bang pinagsasabi nila? Saka..

"T-teka bakit ka lumuluhod? Ikaw si Señorito Zirco?"

Ang lalaking ito na tinatawag nilang Zirco Frostier ay asawa ko?

"Please. I am begging you to remember me Hon."

"S-sorry.. Hindi talaga kita maalala."

Tumalikod ulit ako at humarap sa lalaking nagpakilalang kapatid ko.

"Bigyan niyo ako ng magpapatunay na kapatid kita at asawa ko siya," turo ko kay Mr. Frostier.

"Kung iyan ang gusto mo, sige. Pruweba ang kailangan mo.. Ibibigay ko sayo.. Pero sasama ka sa amin sa Maynila pagkatapos ng dalawang linggo," sagot sa akin nung nagpakilalang kapatid ko. Umiling ako sa sinabi niya.

"Hindi naman pwede ang ganon. Ayokong iwan ang asawa at ang pamilya niya rito."

"It's okay they will come with us Rojainnah. Gusto kong maalala mo ako, kaming lahat kaya dadalhin ka namin sa Maynila to have a test and check-up. I want to know why you can't remember me. Us.  But for now let your heart remember who I am in your life. Subukan mong pakinggan yang puso mo. Kung anong itinitibok niyan, baka sakaling sa loob ng maraming taon na nahiwalay ka sa akin ay maalala ako niyan."

Parang gusto kong umiyak nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Mr. Frostier. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Ang gulo. Kung anong paniniwalaan ko, naguguluhan ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status