Share

Chapter 7

“Pasok.” Si Mariya nang may kumatok mula sa pinto ng kaniyang opisina. “’Nay Rosela,” ngiting bigkas niya nang makita ang ina-inahan.

“Pinadalhan kita ng kape at paborito mong mammon bread. Alam ko kasing hindi ka pa nag-agahan.” Umupo si Rosela sa sopa ng munting sopa set sa loob ng opisina ni Mariya. Nilapag niya sa glass table na kuwadrado ang dala-dalang tray.

Sinara ni Mariya ang laptop at tumayo. Umupo siya sa isahang upuan na katabi ng inuukupahan ng kaniyang Nanay Rosela.

“Salamat ho. Nag-abala pa ho kayo. Lalabas naman ako. Tatapusin ko lamang ang ginagawa ko.” At kaagad na humigop ng kape. Doon niya lang din napansin na kumikirot na rin pala ang kaniyang sikmura dahil sa nalipasan na naman siya ulit ng gutom.

“Naku! ’Wag mong sabihin ’yan. Tungkulin ko rin na ina n’yo ang alagaan kayo lalo ka na, nakakalimutan mo nang kumain dahil sa katututok mo d’yan sa trabaho mo.”

“Salamat ho ’nay, ha. Simula nang kinupkop mo ako at tanggapin maging si Bennett na nasa sinapupunan ko pa l
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status