Share

Chapter 5

You need to be productive everyday despite of struggles and hardships in life. Nagising si Brylly dahil sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock. Ibig sabihin lamang noon ay kailangan niya ng gumising at ipakita sa lahat na ang isang Arnulfo Brylly Montañez III ay hindi magpapatalo sa kahit ano mang hamon ng buhay. He was known as the famous billionaire businessman that everyone was afraid of. Even if his father is not impressed with him, that is not a reason to waste the title he worked for. Lalabas at lalabas siyang hinahangaan at tinitingala ng lahat. Ipapakita niya sa kaniyang ama na kahit wala ang suporta nito, mas hihigitan niya ang hindi nito inaakala. That he doesn’t need someone to upbrighten him to become a well-known person in the world, like his dad. Kayang-kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Kahit na may hang over pa nang nakaraang gabi ay malinis at may husay niyang inihanda ang sarili para sa araw na ito. He’s wearing a khaki business suit that made him more respectable and powerful man. Other than that, he looks like a living god because of his elegance and good looks. Women are sure to drool over him again.

Mula sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagpasok niya sa opisina ay halos gawin siyang diyos ng lahat. Walang humpay na pagbati at pagyuko. Walang sawa sa paghanga at pagkamangha. Halos lahat ay umaatras sa presensiya niyang puno ng awtoridad.

“Good morning, Sir. You have a scheduled meeting with Montanos at nine o'clock in the morning and Miss Bruce at one o'clock in the afternoon,” paalala sa kaniya ng nerd niyang sekretarya na babae. Brylly prefers this sight than to women who almost stick out their breasts just to get his attention. Brylly is elusive to women and is known as a clean man. He never had an issue or affair with women. Because for him, it’s just a headache and he doesn’t have time for it. 

“Okay. Thanks,” tugon niya at umalis na ang kaniyang sekretarya pagkatapos noon.

“MR. MONTANOS, did I make you wait for a while? I apologize, I thought our meeting is exactly nine o'clock,” paghingi ni Brylly ng paumanhin nang makita ang ka-meeting sa lugar na kanilang pinag-usapan. Mas maaga nga siyang dumating upang walang masabi sa kaniya ang beteranong Don, ngunit nagulat siya nang mas mauna pa rin ito sa kaniya.

“No. It's okay. Sinadya ko talagang maging maaga rito para matikman at mapag solo ang kapeng paborito ko,” ayon kay Mr. Montanos. 

Marahang napabuga ng hangin si Brylly at naupo sa kabilaang upuan na katapat ni Mr. Montanos. Tila nabunutan siya ng tinik. Mr. Montanos is not just an ordinary businessman. Kaya maingat siya sa bawat ikinikilos niya sa tuwing nasa harapan niya ito. Nang buong akala niya’y nahuli siya sa kanilang tagpuan ay inaasahan na niyang pagsasabihan siya nito. May kasabihan kasing pinanghahawakan ang Don patungkol sa pagiging maagap lalo na sa larangan ng pagnenegosyo. Isa ang Don sa pinakapipitagang negosyante sa buong mundo na kung magiging kasosyo mo ay panigurado mas sisikat ka at maging kilala.

“Did you enjoy it?” naitanong ni Brylly. Para sa akmang pagsisimula ng magandang komunikasyon sa Don. 

“Yes, of course. I almost returned to this coffee shop because of their coffee,” Mr. Montanos responded with humor. Don is in his fourthies and it's not obvious with his physical appearance. Iba nga talaga ang nagagawa ng aktibo ka sa mga physical activities. “Okay, tutal narito ka na rin. Let's start our meeting.”

Pinag-usapan nila ang patungkol sa bagong proyekto kung saan kauna-unahang magsasanib puwersa ang Montañez Corporation at Black Diamond Corporation. Panigurado ng hahatakin ng bawat panig ang isa’t isa sa industriya ng pagnenegosyo. Papasukin ni Brylly ang mundo ng mga alahas dahil iyon ang negosyo at doon kilala ang BD Corp. Samantala’y papasukin naman ng Don ang beaches and resort at hotel and restaurant dahil doon naman kilala ang Montañez. Their new project as a new partnership is not ordinary. Siguradong tatatak ito sa buong mundo.

“Mr. Montanos. Excuse me, Sir. Kailangan n’yo na pong umalis,” pagsingit ng bodyguard nito at may pinakita sa cellphone na hawak. Nagtaka si Brylly nang magka salubong ang dalawang makakapal na kilay ng Don. Kababakasan din ito ng inis at pag-aalala.

Nagkunwari siyang walang napansin nang ibaling sa kaniya ng Don ang atensyon nito. “Excuse us. I need to go.”

“Walang problema, Sir. It's nice meeting with you. I enjoy our little chit chat while planning the project.” Tumayo si Brylly at inaabot ang kanang kamay sa Don.

“Same.” At nakipag-daop palad ang dalawa.

Tipid siyang ngumiti at bahagyang yumukod sa Don bago ito umalis nang may halong pagmamadali. Inaayos niya ang suot na suit at muling umupo. Sandali siyang napaisip kung ano nga ba ang mayroon sa cellphone’ng ’yon kung bakit ganoon na lang ang naging ekspresyon ng mukha ng Don at nagkaganoon ang kaniyang reaksyon. Kung ano man iyon ay privacy na iyon ng Don. Nang humigop siya ng kape ay napansin niyang may umupo sa upuang inalisan ng Don. Napatingala siya. And to his surprise, he just raised his eyebrow.

“Mamaya pa ang meeting natin,” aniya pagtapos lunukin ang nahigop na kape.

“Yup. I just saw you with Mr. Montanos, kaya nang umalis siya sumingit na lang ako. Tutal nag-iisa ka naman,” she responded. May balbal ang paraan ng kaniyang pananalita. Palibhasa’y kalahating Amerikana at Filipino. She and her family have stayed in the Philippines since she was a kid but still the language they used when she’s at home was their native language. “When will you start our project in Tagaytay? Kinailangan ko pang magpa-appoint sa ’yo to asked this question,” dagdag nito na puno ng sarkasmo.

Napangisi si Brylly dahil sa inasta ng babae. “Don’t worry, Miss Bruce, by next week I will visit the site.”

“Dapat lang, Mr. Montañez. Matagal na iyon at mukhang natingga na. Do not include our personal life here.”

“You think that is the reason?” Pagtaas niya ng kanang kilay.

“Why not? Kasi simula no’n, naging mailap ka na sa akin. It was like kasalanan pa ng nararamdaman ko kaya pati business natin naaapektuhan. Dati-rati naman isang tawag lang ay nakakausap na kita, pero ngayon—”

“Hindi kaya’t nagiging assuming ka lang, Miss Bruce?” Pagpapatigil niya sa pagngangawa ng babaeng kausap. Wala sa kausap ang kaniyang buong atensyon kundi sa kapeng iniinom. Halos hindi naman makapaniwalang napabuga ng hangin si Miss Bruce.

“You are so unbelievable, Bryl! You're really a different man now. Kung dati cold man ka lang, ngayon you are sarcastic and arrogant man na!” halos singhal na ng babae.

“Thanks for informing, Shane. It can help for my betterment everyday.”

Dahil sa kaniyang tinuran ay mas nainis si Miss Bruce o Shane na kaniyang pangalan. Walang pakialam si Brylly sa paraan ng pagtitig sa kaniya ni Shane. Nang mapansin ng dalaga ang walang kibo o walang pakialam na si Brylly ay padabog siyang umalis. Muli ay sumimsim ng kape si Brylly na tila ba walang nangyaring pag-uusap sa pagitan nilang dalawa.

Napatingin na lang si Brylly sa cellphone na nakapatong sa itaas ng mesa nang tumunog iyon. 

“Yes?” He picked it up.

“Sir, I have a good news,” ayon sa kabilang linya na halos ikinabuhay ng dugo niya. Ito lang naman ang gusto niyang marinig mula sa taong tumawag.

“I SAW YOU with a man yesterday. And I'm sure he is your father because the joy I saw in your eyes was different. It's happier than the way you talk about your father.”

Mabilis na pinigilan ni Yanie ang paggalaw ng kaniyang sinasakyang duyan at binalingan ang kaibigan. “Really? Bakit hindi ka lumapit? Ipakikilala sana kita sa kaniya kasi no’ng pumunta kami sa bakeshop n’yo wala ka raw. Sumama ka raw kay ’Nay Rosela sa market.” Pagnguso ni Yanie.

 

Nasa playground sina Yanie at Bennett. Puno ng mga bata ang palaruan dahil weekend. May naghahabulan na dumadaan pa sa kanilang harapan, may naglalaro ng seesaw, sa may padulasan at iba pa.

Tumango si Bennett. “Alam ko kasing pupuntahan mo ako at ipakikilala ang daddy mo,” may lungkot na bigkas nito. Mahina lamang iyon, ngunit tama lamang sa pandinig ni Yanie 

“Bakit? Hindi ba iyon naman ang matagal nating hinihiling? Ang makita ang mga tatay natin?” 

Nanlaki na lamang ang mga mata ni Bennett, kaya huminto siya sa ginagawang marahan na pagduyan at binalingan si Yanie. Nakatingin ang batang babae sa lupa.

“Hey! Don't be sad. I’m sorry. Hindi ka dapat malungkot, dapat masaya ka.”

“Ikaw kasi mukhang hindi ka masaya na nakita ko na ang daddy ko,” mabilis na sagot ng kaibigan sa tanong niya. 

“Masaya ako, Yanie. Masaya ako para sa ’yo. Sorry na kung hindi ako nagpakita sa ’yo kahapon. Hindi lang ako handa. Kasi ikaw nakita po na ang daddy mo, samantalang ako naghihintay pa rin sa balita ni nanay kung uuwi pa ba si tatay sa amin.” Pagbuntong-hininga niya. Siya naman ang napatingin sa lupa nang itaas ni Yanie ang tingin nito sa kaniya.

“Ano ka ba! Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Kagaya ni daddy uuwi rin ang tatay mo sa inyo.” Ngayon ay si Yanie naman ang nagbibigay lakas-loob sa kanilang dalawa. “Pakiramdam ko ay malapit na.” Ngumiti si Yanie para buhayin ang pag-asang nawawala sa kaibigan. Hindi lang iyon, dahil alam nilang pareho na malakas ang instinct ni Yanie.

Hindi naman nabigo si Yanie dahil ngumiti nang pagkalawak si Bennett. “Talaga?”

Tumango-tango si Yanie habang nakapaskil pa rin ang abot taingang mga ngiti.

“Mamaya pagdating nina daddy at mommy, ipapakilala kita kay daddy.”

“Hah? Bakit saan ba sila pumunta? Hindi ka sumama?”

Umiling si Yanie. “Gusto kong magkaroon ng bonding sina mommy at daddy. Hindi nila iyon ma-e-enjoy kapag kasama nila ako. Alam kong ’gaya ko ay miss na miss na ni mommy si daddy. At maliban doon gusto ko na ring magkaroon ng kapatid.”

Nagkatinginan ang dalawang bata na akala mo ay eksperto na sa pamamalakad ng mundo. Kapuwa sila nagtawanan.

“By the way, Yanie. Paano mo pala nakilala ang daddy mo? And I heard that a soldier friend was with him,” kunot-noong tanong ni Bennett.

Masayang ibinahagi at kinuwento ni Yanie kung paano niya nakilala ang kaniyang daddy pagkatapos ng anim na taong hindi niya ito nakita, maski sa larawan. Halos mapa-wow si Bennett at sa isip-isip niya ay iyon din ang gagawin niya para makilala ang kaniyang tatay.

“GOOD EVENING, hon. Nakakain ka na?” masayang salubong ni Beatrice sa kaniyang asawa na kauuwi pa lamang mula sa gala na naman nito kasama ang kaibigan. Simula kasi nang magretiro si Mr. Montañez ay wala na itong ginawa kundi ang enjoy-in ang buhay.

“Yes,” tipid na sagot ng asawa na para bang hangin na dumaan lang sa kaniyang harapan.

“Ahm… are you tired? Gusto mo bang i-massage kita?” Mabilis niya itong sinundan.

“No. I don't need it.” Dire-diretso lang ito sa paglalakad papasok ng bahay.

“What do you like? May request ka—”

“Stop being a concerned wife, Beatrice!” Pagharap sa kaniya ng asawa pagtungtong nito sa unang palapag ng hagdan. Hinagod din ng tingin ang kaniyang kabuuan, na para bang isa siyang payasong nagbabalat-kayo sa harapan nito. “And stop following me,” dagdag pa nito bago siya iniwan.

Walang nagawa si Beatrice kundi kimkimin ang sakit na nadarama mula sa pagtrato sa kaniya ng asawa. Hindi naman siguro masamang magmahal at umasa na mamahalin din pabalik ng taong kahit kailan ay hindi ka pinili? Napapahid na lamang siya ng luhang biglang tumakas sa kaniyang mga mata. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status