Share

Kabanata 8

Hari

Kung may maikukumpara lamang ako, iyon ay ang nangyayari sa akin ngayon. Magmula nang magising ako ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin, lalo pa at ilan na ang mga tao ang pumasok sa silid. Wala rin akong ideya kung nasaan ako at kaninong panuluyan ito.

Basta't natagpuan ko na lamang ang sarili na sinisilbihan na ng tatlong serbidora. Sila'y pinaliguan ako sa mahalimuyak na amoy rosas na tubig sa malaking batya na kahoy.

Pinababad din nila ako sa isang batya ng gatas at ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng malaking salamin—na halos kayang makita ang kabuuan ko—kasama ang mga babaeng serbidora na tinutulungan akong magpalit ng damit.

Halos hindi ko na makilala ang sarili nang muli tingnan ko ang repleksyon sa salamin. Nakaupo na ako ngayon, sinusuklayan nila ang mahaba at may maalon kong buhok.

H

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status