Share

Kabanata 42

Bulong at Pagtakas

Sa bawat pagtakbo, paulit-ulit lang na lugar at pangyayari ang aking nakikita. Kung hindi ang Palasyo, o ang mukha ng hari, hinahabol din ako ng mga lumot ng nakaraan.

Paikot-ikot lang ang nangyayari. Sa loob ng mga usok, ibang senaryo, at pamilyar na tao. At katulad nga nang sabi ng kung sinumang mga nilalang na iyon, ang kanilang ilusyon ay pilit akong ikinukulong.

Nanghina ako at napasalampak sa pamilyar na lansangan ng Bayan ng Satrosa. Ilusyon ngunit animo'y totoo. Nakikita mula sa mga mata, nararamdaman mula sa pakiramdam. May pagkakataong basta na lamang ako naliligaw sa gitna ng taglamig.

Yakap-yakap ang sarili at walang maisip kung ano ang maaring gawin. Napapikit ako ng subukan kong alalahanin ang pinagmulan ng pagparito ko't bakit ako naririto. Kahit ang pangalan ko'y hindi ko na rin matandaan. Ngunit ang bawat taong nakasalamuha mula sa nakaraan ay kasing-linaw ng lawa.

Hindi ko makakalimutan ang mga mukha nila.

Subalit sa tuwing susubukan kong ala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status