Hindi siya halos makatayo at pakiramdam niya ay umiikot ang kaniyang paligid. Gusto niyang bumangon pero hindi niya magawa kaya't nanatili na lamang siya sa hinihigaan. Dim light lang ang paligid at hindi gaanong maliwanag kaya wala siyang masiyadong maaninag.
“T-Tulong po. Kung may tao man diyan!” Nanghihina ang kaniyang boses.Akmang tatayo siya nang mamalayan niyang may kamay na humahawak sa kaniyang hita. Hindi siya makapagprotesta nang bigla itong sumampa sa ibabaw niya. Akma siyang sisigaw pero mabilis na natakpan ng matigas nitong kamay ang kaniyang bibig.Kahit nanlalabo ay naaninag niya ang hulma ng katawan ng lalaking nasa ibabaw niya. Malaki ang pangangatawan nito kung ikukumpara sa kaniya. Isang suntok lang nito ay paniguradong hihimatayin siya.Hindi siya makagalaw dahil sa bigat nito at pakiramdam niya ay mas dumoble ang lakas nito gayong nanghihina siya.“Shh, I hate noise,”masuyong bulong nito sa kaniyang tainga.Kinilabutan siya dahil doon. Kahit kailan ay wala pang kahit na sinong lalaki ang nakakahawak sa katawan niya.Wala pa siyang kahit isang nakarelasyon dahil nakapukos ang atensyon niya sa pag-iipon upang makasama niya ang nakababatang kapatid. Ang pinangarap niya lang naman ay makauwi na ito at hindi na sila maghihiwalay pa.Pero noong tawagan siya nito at papuntahin sa syudad ay ito ang nangyari sa kaniya. Matapos siyang sumama sa pinagkatiwalaang kaibigan ng kapatid niya ay nagising na lang siya sa ganitong sitwasyon.Hindi siya makapagsalita dahil nakatakip ang kamay nito sa bibig niya. Wala na itong saplot at nararamdaman niyang maging siya ay wala na rin. Bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg at mas kinilabutan siya nang umabot iyon sa kaniyang hinaharap.Gusto niya itong itulak ngunit para lamang siyang nagtutulak ng pader dahil sa tigas ng katawan nito. Humagulhol siya ngunit tila wala rin sa sarili ang lalaking kasama niya dahil hindi man lamang nito pinakinggan ang mga hikbi niya.Ilang saglit ay nagsimula na siyang mataranta nang simulan nitong ihiwalay ang kaniyang binti. Napasigaw siya sa takot ngunit nakulong lang ang mga sigaw na iyon sa palad ng lalaki.“Stay,”anito sa baritunong boses. Kahit nahimigan niya ang banta sa boses nito ay hindi pa rin siya nagpaawat doon.Isang kamay lamang ang gamit nito upang itaas ang dalawang braso niya sa kaniyang ulohan. Ganoon ito kalakas.At hindi niya inakalang mas lalakas pa ang sigaw niya nang tuluyan siya nitong maangkin. Walang ingat ang lahat ng kilos nito ni hindi nito inisip na sobra siyang nasasaktan. Para siyang hinahati sa dalawa dahil sa naramdamang sakit.Dahil sa halo-halong nararamdaman ay biglang nagdilim ang kaniyang paningin at wala na siyang alam sa mga sumunod na nangyari.Nagising siya sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang nakasarang mga mata. Nanghihina man at nanginginig ay sinikap niyang kumilos at nagulat na lamang nang makitang katabi pa rin niya ang lalaking gumawa ng kahayupan na iyon sa kaniya kagabi.Kung kagabi ay malabo ang itsura nito, ngayon ay kitang-kita niya na ang buong mukha ng lalaki. Hindi maitatanggi na nakakamangha ang itsura ng lalaki. Mamasel ang katawan at malapad ang dibdib at likuran nito. Mukha itong banyaga. Ngunit hindi mabubura ng maganda nitong mukha ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kaniya kagabi.Kahit naiinis siya dito ay hindi niya ugali ang manakit ng tao. Hindi siya ganoon kabayolente. Kaya kalaunan ay pinili niya na lang na pulutin isa-isa ang mga damit na nagkalat sa lapag at nang masulyapan niya ang dugo sa bedsheet ay bigla siyang nakaramdam ng kahihiyan sa sarili. Isinuot niya ang damit kalaunan at labag man sa loob ay tulala na lumabas siya ng silid na yun.Ngunit hindi niya inasahang makakasalubong niya ang nakababatang kapatid sa pinto ng mismong silid. Nagsimula na naman siyang humagulhol ng iyak at niyakap ito.“Huwag dito. Tara usap tayo sa ibang lugar.” Hinila siya ng kapatid.Humantong sila sa isa pang silid sa kabilang pinto lamang mula sa pinanggalingan niya.“Agnes, tulungan mo ako! Tulungan mo ako, pakiusap!” Nagpa-panic siya habang nagsasalita.Ngunit hindi niya napansin ang kakaibang kalma sa mukha ng kaniyang kapatid na parang walang nangyaring masama sa kaniya.“Relax lang, okay?” Hinawakan pa siya nito sa balikat.Doon siya natigilan nang sabihin nito iyon.“R-Relax? A-Alam mo ba ang nangyari sa akin? Ginahasa ako, Agnes! Ginahasa ako!”Gusto niyang isampal dito ang nangyari sa kaniya. Kasi kung maka-react ito ay parang normal lang ang mga nangyayari. Parang wala itong pakialam sa mga nangyari sa kaniya.“Nandoon na tayo, Ate. Kaya relax!”Natulala siya sa sunod nitong sinabi. Napaatras siya dahil hindi siya makapaniwala at tila hindi niya na kilala ang babaeng kaharap.“Hindi mo ba alam na sobrang yaman ng lalaking iyon? Kapag binayaran niya tayo ngayon siguradong uuwi kang may lilibuhin sa pitaka mo. Ayaw mo noon? Tapos hati naman tayo dito, e.” At ngumisi pa sa kaniya.“Alam mo?” Wala sa sarili niyang tanong. Nagsimula na namang manginig ang kaniyang mga daliri.“Ano ka ba, Ate? Virginity lang iyon. Kapag nagkapera ka pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo.”Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi siya bayolenteng tao ngunit ang lahat ng narinig niya sa kapatid ay dahilan ng paglipad ng kaniyang kamay sa pisngi nito.Nanlaki ang mata nito na napahawak sa kabilang pisngi.“Virginity lang? Alam mo ba ang mga sinasabi mo? Nahihibang ka na ba talaga, Agnes?!” Binuhos niya lahat ng lakas sa sigaw niyang iyon.Kahit sa pagsigaw man lamang ay mailabas niya lahat ng mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib. Dahil tila pasan niya ang mundo sa bigat niyon.“Alam mo ba ang mga sakripisyo ko Agnes para lang makasunod sa iyo dito? Hindi mo alam ang lahat ng hirap na dinaanan ko para lang masundan ka dito dahil inakala kong pinapunta mo ako dito dahil—”“Ano? Dahil akala mo mayaman na ako? Na akala mo marami na akong pera?”putol nito sa sasabihin niya at nagbitiw ito ng hilaw na tawa. “Wala akong pakialam kung anong mga sakripisyo iyang sinasabi mo! Ang importante ay mabayaran ko ang dealer ng shabu na pinagkukuhanan ko!”Nagulantang siya sa narinig.“Ano?!”“Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng hindi mo nakukuha ang mga gusto mo. Mababaliw na ako kakaisip alam mo ba?!” Nanlilisik ang mga mata ng kaniyang kapatid.Bumuhos ang luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang kapatid. Tila gusto niya itong kaawaan at saktan dahil sa mga pinanggagawa nito sa buhay. Ngunit kilala niya si Agnes. Hindi ito ganoon dati. Marami itong pangarap noon, hindi ganito ang Agnes na nakilala niya."Sumunod ako dito dahil inakala kong sasama ka na sa akin. Inakala kong uuwi ka na at magkasama na tayong titira sa probinsiya. Maayos na ang buhay ko doon at kaya na kitang pag-aralin.” Nilapitan niya ito at balak na hawakan sa braso ngunit agad itong pumiksi at tila takot na magpahawak sa kaniya.“Hindi! Hindi ako uuwi sa probinsya! Hindi ako sasama sa iyo. Dito lang ako!”malakas nitong sigaw na pumuno sa buong silid.Gusto niyang lumuhod sa harap ng kapatid upang sumama ito sa kaniya. Nakikita niyang hindi maganda ang dulot ng pagpunta nito sa syudad. Hindi kaya ng kunsensya niyang iwan ito doon mag-isa. Lalo na sa ganitong kalagayan.“Hindi pa huli ang lahat, Agnes. Umuwi na tayo pakiusap. Pangako, gagawin ko ang lahat para di ka na bumalik sa syudad para magtrabaho.” Hinawakan niya ito sa braso ngunit agad itong pumiksi.“Hindi!”Nang akma siyang lalapit ulit dito ay bigla siya nitong tinulak. Natumba siya at napasubsob sa makintab na sahig ng hotel room.“Nakikita mo ba ang paligid mo?” Iminuwestra ni Agnes ang buong silid. “Nakakatulog ako sa mamahaling hotel, at mga mamahaling pagkain at hindi kamoteng kahoy ang kinakain ko dito. Gusto mo akong bumalik sa probinsya?”Bigla itong nagbitiw ng nakakainsultong tawa.“Hello? Ayokong maging katulad mo, no! Tingnan mo nga ang sarili mo. Halos hindi ka pa makabili ng bagong damit. Wala ka pang anak pero mukha ka nang nanganak ng sampu,”patuloy nito.Hindi siya makatayo sa panghihina. Nakakapanghina ang lahat ng mga ginawa at naririnig niya kay Agnes ngayon. Hindi niya na masabi kung may puwang pa ba siya sa puso ng kapatid.Napasinghap siya nang sapilitan siyang itinayo ng kapatid. Walang ingat siyang hinawakan nito sa braso.“Umuwi ka na. Huwag mo akong ipahiya dito.”Anito lalo pa at humahagulhol na siya sa harapan nito. Ngayon niya lang namalayang may nag-doorbell pala at mukhang ayaw nitong makita ng bisita nito ang eksena sa pagitan nila. Napilitan siyang tumayo kahit pa nananakit pa ang katawan.Iniwan siya doon ni Agnes at nagtungo sa pinto. Isang Japanese ang pumasok at nakangiti nang kausap ito ng kaniyang kapatid. Biglang nagbago ang emosyon nito sa mukha na parang hindi ito nakipag-away sa kaniya.“Oh! Who's here?”puna ng Japanese nang makita siya.Napansin niyang naalarma ang kapatid niya sa naging tanong ng Japanese na lalaki.“Uh... m-my maid. Yes! She's just my maid. She bring my stuffs from the house.”Napanganga siya sa sinabi nito. Inakala niyang ipapakilala siya nito bilang kapatid. Pero isang maid? Isang maid na lamang ang pakilala ni Agnes sa kaniya ngayon? Parang pinagpiraso ang kaniyang puso sa lahat ng narinig. Hindi niya na kinaya ang lahat.Masakit sa loob na agad siyang tumalikod at umalis sa room na iyon. Hindi maampat ang mga luha sa kaniyang mga mata habang naglalakad sa kalsada. May natitira siyang pera ngunit kakaunti na lamang. Sakto lang iyon pabalik ng probinsya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Hindi niya kabisado ang syudad pero k
“Huwag maawa ka!”sigaw ni Salome at agad napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis na niyakap niya ang sarili. Nananaginip na naman siya. Simula noong makabalik siya sa probinsya mula sa syudad ay parati na lang siyang dinadalaw ng masamang panaginip na iyon. Si Treous Elagrue ang parating laman ng mga bangungot niya.Alas kwatro na ng umaga kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang bumangon na lang at mag-ayos ng sarili. Isang buwan na ang dumaan pero tila sariwa pa rin sa utak niya ang mga nangyari. Napatingin siya sa kalendaryo at sa petsa. Magdadalawang buwan na pala simula noong umuwi siya galing sa syudad. At mukhang magtatapos na naman ang buwan na ito na hindi siya dinadalaw ng kaniyang monthly period.Nagpatuloy siya sa pagkain. Naisip niya baka may abnormalities lang ang cycle ng kaniyang menstruation ngayon. Nagmamadali na siya at kailangan niyang agahan ngayon dahil may pasok pa siya sa isang karenderya. Kaya lang akmang tatayo na siya nang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura.
Magkakaroon ng pagawaan ng baril sa San Luis at nakipagkasundo ang mayor doon. Ini-offer nito ang lugar sa kaniya para gawing hide-out ng mga ilegal nilang transaksyon. Ang kapalit ay tutulongan niya ito sa paparating na eleksyon. Ganid sa kapangyarihan ang mayor kaya ginagawa ang lahat upang hindi makababa sa pwesto.Bumyahe sila ng ilang oras tungo sa San Luis. Dumaan sila sa sentro ng bayan. Nagkalat ang mga taong abala sa pamimili at ganoon din ang mga nagbebenta ng street foods. Pinagmasdan ni Treous ang kaganapan sa labas ng mamahaling sasakyan. At may nakita siyang babae na may hawak na bata sa kabilang braso habang hirap na bitbit din sa kabila ang malaking supot ng mga pinamili nito. Kung maaga sana siyang nakabuo ng bata sa mga baby maker niya ay baka ganoon na rin kalaki ngayon ang kaniyang anak. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang bagay na iyon ay saka naman pinagkait sa kaniya. Humarap ang babae sa gawi niya at tila may pamilyar na sceneryo siyang naalala noong
Hindi agad nakakilos sa kinatatayuan niya si Salome. Tila nag-ugat ang mga paa niya. Kahit gusto niya mang utosan ang sariling kumilos ay hindi naman siya sinusunod ng kaniyang katawan. Nakaawang ang bibig niya habang sinusundan ng tingin ang lalaking nasa likuran ng kotse. Lumingon ito sa gawi nila at nagtama ang mga mata nila ng lalaking iyon. Ang ama ni Daniel. Nakita sila ng ama ni Daniel! Sigaw ng kaniyang isipan. At abut-abot ang kaba sa kaniyang dibdib nang mamalayang huminto ang sasakyan. Para siyang binuhusan ng isang balde ng yelo dahil sa nakita. Nakilala ba siya nito? Namukhaan ba ng lalaki ang kaniyang anak? Kukunin ba nito si Daniel sa kaniya? Kung anu-anong tanong ang agad bumuhos sa utak niya. Sa pangalawang beses ay nagtagumpay siyang kumilos at lumayo sa sasakyan ngunit isang boses ang nagpatigil sa kaniya.“Miss!”Tagaktak ang pawis niya at para siyang sumalang sa marathon dahil sa bilis ng pagkabog ng kaniyang dibdib. “Sa inyo na itong chocolate,”ani driver. Ito
“Kain ka pa,”aniya sa anak habang sinusubuan ng tinapay. Mabuti na lang at sakto para sa paupahang bahay ang bitbit niyang pera.“Kapatid mo?”aning babae na may bitbit na eco bag. Mukhang naghihintay ng masasakyan. Umiling siya sa babae. Mga bandang alas 10 na sila nakarating sa syudad. Kaya ngayo'y pinapa-snack niya na muna ang bata.“Anak ko po.”Medyo nagulat pa ang babae sa sinabi niya.“Akala ko kapatid mo. Mukhang ang bata mo pa para magkaanak.”Ngumiti siya. “23 na po ako.”Tumango-tango ang babae. Pinahid niya gamit ng panyo ang bibig ng anak. Napangiti siya nang mapansin na naaaliw ang anak niya sa panonood sa mga sasakyang dumadaan.“Itong address na ito ang ibigay mo sa taxi. Mag-taxi kayo, ha. Kahit mahal pa iyan ang importante ay matunton niyo agad ang location ng agency at makahanap agad ng mauupahang bahay,”ani Angie sa kaniya. May binigay itong papel.Kahapon ay nakipagkita agad siya kay Angie. Sabi ni Angie ay may kaibigan din itong nagkapagtrabaho sa hotel sa syudad.
Natapos na ni Salome ang apat na silid. Sa isang palapag ay dalawa lang ang room girl na naka-assign. Sila ni Evangeline ang magkasama sa fifth floor. At nasa fifth floor din ang stock room na madalas tambayan nilang mga staff kapag tapos na sila sa paglilinis. “Hoy, Salome!” Tinawag siya ni Roda. Matangkad at malaking babae si Roda. Hanggang leeg lang ni Roda si Salome. Siya kasi ang maliit sa kanilang lahat. “Oh, bakit?” “I-pull out mo iyong room six.” Kinakalikot pa ni Roda ang kuko. Iyong room six ay sa palapag iyon ni Roda. Kapag nandiyan siya ay nang-uutos itong si Roda sa kaniya.“Ha? Ah, e, may lilinisan pa ako dito sa palapag namin Roda, e. Mamaya na lang siguro?” Nagkamot siya ng ulo. Paano niya ba kasi pagsasabayin iyong paglilinis sa dalawang silid?“Kailangan ngayon na. Ano ba? Gagamitin na ngayon iyon!”bulyaw ni Roda.Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Bigla-bigla na lang kasing naninigaw itong si Roda. Bakit ba ayaw siyang intindihin ng babaeng ito? “Aba! Ang ka
Mapapagalitan ba siya? O baka mapatalsik pa? Sinisikap niyang huwag ma-late at sobrang aga niyang mag-in araw-araw. Dahil natakot siyang baka matanggal siya. Tapos iyong tungkol lang pala sa elevator ang magpapahamak sa kaniya. Tama nga si Evangeline. Ang tanga-tanga niya nga talaga.Dapat sumunod na lang siya sa mga utos ng kaibigan. Sana nakinig na lang siya. Di bale nang mahuli siya. Napapailing si Vange sa tuwing nagkakasulubong sila. Problemadong mukha ang nakapaskil parati sa kaniya habang nagtatrabaho. Sana man lang umabot siya ng kinsenas para may makuha naman siya kahit kaunti sa pinagsikapan niya. Para may magamit pa siyang pera kapag nag-apply siya sa iba.“Patay kang bata ka. May kasalanan ka pala!” Humalakhak si Roda nang magkita sila.Sobrang tuwa pa ni Roda sa nabalitaan tungkol sa nangyari kahapon. Ito malamang ang unang bubunghalit ng tawa kapag napatalsik na siya mamaya. Panay na lang siya lingon sa gawi ng manager nila tuwing bababa siya para ihatid ang laundry sa
“Hoy! Ayos ka lang?” Siniko siya ni Evangeline. Medyo nagulat siya dahil sa lalim ng iniisip.“Oo, Vange.” Sabay tango. Namamalikmata lang siguro siya. Imposibleng hanggang dito sa hotel na pinagtatrabahuan niya ay makakasunod pa si Treous dito. Pero baka guest din dito sa hotel!Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Baka biglang magkita ulit sila ng lalaking 'yon. Hindi niya naman pinaalam dito ang tungkol sa anak nila. Pero dahil guilty siya kaya ganito na lang siya mag-react ngayon.Atsaka, may pakialam ba si Treous sa bata? Hindi niya alam. Mayaman si Treous pero wala siyang balak na lapitan ito para hingan ng sustento. Kaya niya namang buhayin ang anak niya. At sa uri ng buhay na mayroon ito, hinding-hindi niya hahayaan ang anak niyang makalapit sa mga ganitong uri ng tao. Gaya ng ama ng anak niya. Mabubuhay ang anak niya sa paraan na gusto niya kahit wala itong kilalaning ama.Natigilan siya nang makita ang pulang dugo sa bedsheet ng silid na nililinisan niya. Agad na bumuhos ang