Iniwan siya doon ni Agnes at nagtungo sa pinto. Isang Japanese ang pumasok at nakangiti nang kausap ito ng kaniyang kapatid. Biglang nagbago ang emosyon nito sa mukha na parang hindi ito nakipag-away sa kaniya.
“Oh! Who's here?”puna ng Japanese nang makita siya.Napansin niyang naalarma ang kapatid niya sa naging tanong ng Japanese na lalaki.“Uh... m-my maid. Yes! She's just my maid. She bring my stuffs from the house.”Napanganga siya sa sinabi nito. Inakala niyang ipapakilala siya nito bilang kapatid. Pero isang maid? Isang maid na lamang ang pakilala ni Agnes sa kaniya ngayon? Parang pinagpiraso ang kaniyang puso sa lahat ng narinig. Hindi niya na kinaya ang lahat.Masakit sa loob na agad siyang tumalikod at umalis sa room na iyon. Hindi maampat ang mga luha sa kaniyang mga mata habang naglalakad sa kalsada. May natitira siyang pera ngunit kakaunti na lamang. Sakto lang iyon pabalik ng probinsya.Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Hindi niya kabisado ang syudad pero kailangan niyang sumugal upang makauwi. Ginabi siya sa daan naglalakad lamang siya dahil wala rin siyang pamasahe sa jeep at kanina pa kumukulo ang kaniyang tiyan dahil sa gutom.Ilang saglit ay biglang may lumapit sa kaniya at may naramdaman siyang malamig na bagay na dumaiti sa kaniyang leeg.“Huwag kang gagalaw, ibigay mo ang pera mo,”anang lalaki na pinigilan pa siya sa braso niya upang hindi siya makakilos.“P-Po?”Nanginginig na nilingon niya ito pero idiniin nito ang patalim sa kaniyang leeg.“Ibigay mo na ang pera, dalian mo!”“Pero pamasahe ko na lang to pauwi sa amin, e. Wala na akong ibang pera.”“Wala akong pakialam!”Naramdaman niyang sumakit ang leeg niya nang idiin na naman nito ang patalim. Nataranta siya kaya agad niyang kunuha ang pera sa luma niyang pitaka upang ibigay dito. Pero kahit naibigay niya na ang gusto nito ay tinulak pa rin siya ng lalaki sabay takbo. Natumba siya sa kalsada dahil sa malakas na pagkakatulak at nanlaki na lang ang mga mata niya nang makitang may paparating na sasakyan.Hindi siya agad nakagalaw dahil sa pagkagulat at takot. Mabuti na lang at nagawa pa nitong mag-break at hindi siya tuluyang nadisgrasya.“Ineng, ayos ka lang? Hindi ka ba nasaktan?” Isang matandang driver noong sasakyan ang lumabas agad sa minamanehong itim na kotse.Tulala pa rin siya. Kalaunan ay napaiyak siya. Nataranta na inalo siya ng matandang driver.“May masakit ba sa'yo? Tinamaan ka ba?”Umiling siya. “Hindi naman po.”“Gabing-gabi na saan ka ba pupunta?”“S-Sa bus terminal po.”Nagsalubong ang kilay ng matanda. “Naglakad ka lang?”Tumango siya. Hindi makapaniwala ang matanda sa sinabi niya. Medyo distansya rin ang bus terminal.“Tara na. Ihatid na lang kita. Pero bago yun dadaan muna tayo sa amo ko kasi may ihahatid pa ako.”Kahit papaano ay ipinagpasalamat niyang nakita siya ng matanda kundi baka uumagahin siya sa paglalakad patungo sa terminal ng bus. Nakatulog na siya sa byahe at naalimpungatan na lang nang mapansin na huminto na sila. At nang tingnan niya ang paligid ay napansin niyang nasa harapan sila ng isang itim at napakalaking gate. Lumabas siya sa kotse at napuno ng katanungan ang utak niya kung nasaan na sila ngayon.“Oo, may operasyon kami ngayon. Ayaw niyang may papalpak sa inyo kundi baka bala ng baril niya ang babaon sa ulo niyo.”Napasinghap siya at agad nagtago sa gilid ng sasakyan. Isang lalaking may sukbit na mataas na kalibre ng baril ang nasa may gate ngayon. May kausap ito sa cellphone.“Ayusin niyo ang mga pack ng droga diyan. Isalansan niyo ng maayos, mitikuloso ang katransaksyon namin ngayong gabi.”Napatakip siya ng bibig nang marinig ang sinasabi nito. Napatingin siya sa malaking gate na kulay itim at sa loob ng gate ay matatanaw ang napakalaking mansion na kulay puti. Ibig sabihin ay isang sindikato ang may-ari ng property na ito? At kitang-kita na hindi basta-basta ang sindikatong ito. Yumaman ang mga ito sa pagbibinta ng ilegal na droga.Ilang saglit ay nagbukas ang gate. At sunod niyang nakit ay ang tatlong mga kotseng itim na lumabas. Sumakay iyong lalaking may kausap sa phone kanina at kasunod niyon ay lumabas na rin ang matandang lalaki na maghahatid sa kaniya sa terminal ng bus.Kumaway ito sa mga kotse na lumabas mula sa gate. Ngunit ang panghuling sasakyan ay huminto at nagbukas ang glasswindow niyon. At para siyang binuhusan ng isang baldeng tubig nang makilala ang lalaking dumungaw sa bintana ng mamahaling sasakyan. Lumapit doon ang matanda at kinausap ito saglit.Nang humiwalay sa sasakyan ang matanda ay saktong nagtama ang mata nila ng lalaking iyon. Siya ang lalaking gumahasa sa kaniya. At parang gustong bumigay ng kaniyang tuhod nang magtama ang kanilang mga mata. Nanginig ang kaniyang mga daliri sa kamay at hindi maalis ang tingin sa lalaki. Hanggang sa tuluyang nagsara ang glasswindow at umalis na rin ang sasakyan.Naglaho sa paningin niya ang lalaking iyon.“Kulang pa ng katulong ang mansion kaya inirekomenda ko ang kapatid kong babae sa kanila. Iyong kausap ko, iyon ang may-ari ng mansion. Isa siya sa pinakamayamang tao sa syudad na ito,”kwento ng matanda habang nasa byahe sila.Tulala siya at nanatili ang atensyon niya sa labas. Napaisip siya, sabi ng matanda ay mayamang tao si Mr. Elagrue. Halata naman at sa laki ng mansion ay kayang tumira ng isang daang libong tao doon. At mukhang kaya naman nitong mag-bayad ng babaeng willing na magpakama dito pero bakit siya pa?“Ano ho ba ang pangalan ng amo ninyo?”Tumigil saglit sa pagkukwento ang driver at nilingon siya.“Treous Elagrue, iyon ang pangalan niya.”Lumunok siya at ibinalik ang tingin sa labas. Kung magsusumbong siya sa mga police, aaksyunan kaya agad ng mga ito? Mayaman si Mr. Elagrue samantalang ordinaryong mamamayan lang siya. Walang makukuha ang mga police kapag siya ang pinili ng mga itong tulungan.May pait sa mga mata nang natawa siya sa naisip. Siguro kung ang kapatid niya ang isusumbong niya ay paniguradong makukulong iyon. Dahil katulad niya, hindi naman mayaman ang kapatid niya. Pero ang mga taong risponsable ng lahat ay malaya pa ring nakakapagbenta ng ilegal na droga sa labas ng rehas katulad ni Treous Elagrue. Sabi nga nila, ang hustisya ay para lang sa mga mayayaman.Wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang manahimik na lang at magpakalayo-layo. Dahil tila inalisan na siya ng karapatang magreklamo ng mga taong mas makapangyarihan kaysa sa kaniya.“Bakit ka nga pala naglakad lang kanina noong nakita kita, Ineng?”Bumuntong hininga siya. “Wala po akong pamasahe para sa jeep at ninakawan pa ng mandurukot.”Napapailing ang driver. Doon lamang siya natauhan nang maalalang wala nga pala siyang maibibigay sa matanda.“T-Tatay, huwag mo na lang pala akong ihatid. Wala rin naman akong pamasahe. Dito na lang po ako sa tabi.”Sinulyapan siya ng matanda sa salamin sa unahan. “Ano ka ba naman? Gabi na at nagkalat ang mga masasamang loob. Ihahatid na kita sa pupuntahan mo at may kakaunti pa naman akong pera dito. Iyon na lamang ang ipamasahe mo.”Gusto niyang maiyak sa narinig. Inakala niyang tuluyan na siyang mamalasin sa araw na iyon. Mas lalo siyang nahiya noong mag-abot ito ng tatlong daan at isang supot ng pandesal na anito'y iuuwi sana ng matanda sa bahay nito. Pero kanina pa naririnig ng matanda ang pagkalam ng kaniyang sikmura kaya inisip ng matanda na nagugutom siya.Wala sa sarili na nakatulala siya sa labas ng bus habang binabagtas ng sasakyan ang kahabaan ng public highway. Ang mga nangyari sa kaniya ay tila magiging bangungot pa yata na babaunin niya pabalik sa probinsya na pinanggalingan niya.“Huwag maawa ka!”sigaw ni Salome at agad napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis na niyakap niya ang sarili. Nananaginip na naman siya. Simula noong makabalik siya sa probinsya mula sa syudad ay parati na lang siyang dinadalaw ng masamang panaginip na iyon. Si Treous Elagrue ang parating laman ng mga bangungot niya.Alas kwatro na ng umaga kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang bumangon na lang at mag-ayos ng sarili. Isang buwan na ang dumaan pero tila sariwa pa rin sa utak niya ang mga nangyari. Napatingin siya sa kalendaryo at sa petsa. Magdadalawang buwan na pala simula noong umuwi siya galing sa syudad. At mukhang magtatapos na naman ang buwan na ito na hindi siya dinadalaw ng kaniyang monthly period.Nagpatuloy siya sa pagkain. Naisip niya baka may abnormalities lang ang cycle ng kaniyang menstruation ngayon. Nagmamadali na siya at kailangan niyang agahan ngayon dahil may pasok pa siya sa isang karenderya. Kaya lang akmang tatayo na siya nang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura.
Magkakaroon ng pagawaan ng baril sa San Luis at nakipagkasundo ang mayor doon. Ini-offer nito ang lugar sa kaniya para gawing hide-out ng mga ilegal nilang transaksyon. Ang kapalit ay tutulongan niya ito sa paparating na eleksyon. Ganid sa kapangyarihan ang mayor kaya ginagawa ang lahat upang hindi makababa sa pwesto.Bumyahe sila ng ilang oras tungo sa San Luis. Dumaan sila sa sentro ng bayan. Nagkalat ang mga taong abala sa pamimili at ganoon din ang mga nagbebenta ng street foods. Pinagmasdan ni Treous ang kaganapan sa labas ng mamahaling sasakyan. At may nakita siyang babae na may hawak na bata sa kabilang braso habang hirap na bitbit din sa kabila ang malaking supot ng mga pinamili nito. Kung maaga sana siyang nakabuo ng bata sa mga baby maker niya ay baka ganoon na rin kalaki ngayon ang kaniyang anak. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang bagay na iyon ay saka naman pinagkait sa kaniya. Humarap ang babae sa gawi niya at tila may pamilyar na sceneryo siyang naalala noong
Hindi agad nakakilos sa kinatatayuan niya si Salome. Tila nag-ugat ang mga paa niya. Kahit gusto niya mang utosan ang sariling kumilos ay hindi naman siya sinusunod ng kaniyang katawan. Nakaawang ang bibig niya habang sinusundan ng tingin ang lalaking nasa likuran ng kotse. Lumingon ito sa gawi nila at nagtama ang mga mata nila ng lalaking iyon. Ang ama ni Daniel. Nakita sila ng ama ni Daniel! Sigaw ng kaniyang isipan. At abut-abot ang kaba sa kaniyang dibdib nang mamalayang huminto ang sasakyan. Para siyang binuhusan ng isang balde ng yelo dahil sa nakita. Nakilala ba siya nito? Namukhaan ba ng lalaki ang kaniyang anak? Kukunin ba nito si Daniel sa kaniya? Kung anu-anong tanong ang agad bumuhos sa utak niya. Sa pangalawang beses ay nagtagumpay siyang kumilos at lumayo sa sasakyan ngunit isang boses ang nagpatigil sa kaniya.“Miss!”Tagaktak ang pawis niya at para siyang sumalang sa marathon dahil sa bilis ng pagkabog ng kaniyang dibdib. “Sa inyo na itong chocolate,”ani driver. Ito
“Kain ka pa,”aniya sa anak habang sinusubuan ng tinapay. Mabuti na lang at sakto para sa paupahang bahay ang bitbit niyang pera.“Kapatid mo?”aning babae na may bitbit na eco bag. Mukhang naghihintay ng masasakyan. Umiling siya sa babae. Mga bandang alas 10 na sila nakarating sa syudad. Kaya ngayo'y pinapa-snack niya na muna ang bata.“Anak ko po.”Medyo nagulat pa ang babae sa sinabi niya.“Akala ko kapatid mo. Mukhang ang bata mo pa para magkaanak.”Ngumiti siya. “23 na po ako.”Tumango-tango ang babae. Pinahid niya gamit ng panyo ang bibig ng anak. Napangiti siya nang mapansin na naaaliw ang anak niya sa panonood sa mga sasakyang dumadaan.“Itong address na ito ang ibigay mo sa taxi. Mag-taxi kayo, ha. Kahit mahal pa iyan ang importante ay matunton niyo agad ang location ng agency at makahanap agad ng mauupahang bahay,”ani Angie sa kaniya. May binigay itong papel.Kahapon ay nakipagkita agad siya kay Angie. Sabi ni Angie ay may kaibigan din itong nagkapagtrabaho sa hotel sa syudad.
Natapos na ni Salome ang apat na silid. Sa isang palapag ay dalawa lang ang room girl na naka-assign. Sila ni Evangeline ang magkasama sa fifth floor. At nasa fifth floor din ang stock room na madalas tambayan nilang mga staff kapag tapos na sila sa paglilinis. “Hoy, Salome!” Tinawag siya ni Roda. Matangkad at malaking babae si Roda. Hanggang leeg lang ni Roda si Salome. Siya kasi ang maliit sa kanilang lahat. “Oh, bakit?” “I-pull out mo iyong room six.” Kinakalikot pa ni Roda ang kuko. Iyong room six ay sa palapag iyon ni Roda. Kapag nandiyan siya ay nang-uutos itong si Roda sa kaniya.“Ha? Ah, e, may lilinisan pa ako dito sa palapag namin Roda, e. Mamaya na lang siguro?” Nagkamot siya ng ulo. Paano niya ba kasi pagsasabayin iyong paglilinis sa dalawang silid?“Kailangan ngayon na. Ano ba? Gagamitin na ngayon iyon!”bulyaw ni Roda.Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Bigla-bigla na lang kasing naninigaw itong si Roda. Bakit ba ayaw siyang intindihin ng babaeng ito? “Aba! Ang ka
Mapapagalitan ba siya? O baka mapatalsik pa? Sinisikap niyang huwag ma-late at sobrang aga niyang mag-in araw-araw. Dahil natakot siyang baka matanggal siya. Tapos iyong tungkol lang pala sa elevator ang magpapahamak sa kaniya. Tama nga si Evangeline. Ang tanga-tanga niya nga talaga.Dapat sumunod na lang siya sa mga utos ng kaibigan. Sana nakinig na lang siya. Di bale nang mahuli siya. Napapailing si Vange sa tuwing nagkakasulubong sila. Problemadong mukha ang nakapaskil parati sa kaniya habang nagtatrabaho. Sana man lang umabot siya ng kinsenas para may makuha naman siya kahit kaunti sa pinagsikapan niya. Para may magamit pa siyang pera kapag nag-apply siya sa iba.“Patay kang bata ka. May kasalanan ka pala!” Humalakhak si Roda nang magkita sila.Sobrang tuwa pa ni Roda sa nabalitaan tungkol sa nangyari kahapon. Ito malamang ang unang bubunghalit ng tawa kapag napatalsik na siya mamaya. Panay na lang siya lingon sa gawi ng manager nila tuwing bababa siya para ihatid ang laundry sa
“Hoy! Ayos ka lang?” Siniko siya ni Evangeline. Medyo nagulat siya dahil sa lalim ng iniisip.“Oo, Vange.” Sabay tango. Namamalikmata lang siguro siya. Imposibleng hanggang dito sa hotel na pinagtatrabahuan niya ay makakasunod pa si Treous dito. Pero baka guest din dito sa hotel!Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Baka biglang magkita ulit sila ng lalaking 'yon. Hindi niya naman pinaalam dito ang tungkol sa anak nila. Pero dahil guilty siya kaya ganito na lang siya mag-react ngayon.Atsaka, may pakialam ba si Treous sa bata? Hindi niya alam. Mayaman si Treous pero wala siyang balak na lapitan ito para hingan ng sustento. Kaya niya namang buhayin ang anak niya. At sa uri ng buhay na mayroon ito, hinding-hindi niya hahayaan ang anak niyang makalapit sa mga ganitong uri ng tao. Gaya ng ama ng anak niya. Mabubuhay ang anak niya sa paraan na gusto niya kahit wala itong kilalaning ama.Natigilan siya nang makita ang pulang dugo sa bedsheet ng silid na nililinisan niya. Agad na bumuhos ang
Hindi siya nakatulog kagabi. Hindi siya pinatulog ng nangyari kagabi. Hindi niya inasahan na ganoon kalaki ang makakapa niya. Napasapo siya sa mukha dahil sa mga pumapasok na naman sa isipan niya. “Huwag mo nang isipin 'yon. Dyusko! Kalimutan mo na iyon, Salome.” Mahina niyang kinakausap ang sarili na parang nahihibang. Umaga mga bandang alas 8 papunta silang kusina para sa break nila. Dumaan muna sila sa bulletin board na nakadistino sa mismong locker ng mga staff. “Night shift na tayo sa susunod na buwan. Nilipat na tayo. Magbabago na raw ang rotation simula ngayon. Isang buwan tayong day shift at isang buwan na rin sa night shift. Nagrereklamo na siguro ang night shift,”ani Evangeline habang abala sa pagtingin tingin sa listahan ng bagong schedule sa taon na iyon.Hindi niya na masiyadong nasundan ang mga pinagsasabi ni Evangeline. Abala ang utak niya sa pagkumbinsi sa sarili na kalimutan na ang malaking ahas na nakapa niya kagabi. “Kaya pala masakit,”aniyang wala sa sarili. Naa