Share

53- Luis' motive

'Tay.

Ang Tatay ko.

Ang tanging tao na nagpalaki sa akin simula nang mamatay ang Nanay ko, sinuportahan lahat ng gusto ko simula bata pa ako, at ang taong laging nagliligtas sa akin sa bingit ng kamatayan sa tuwing nalalagay ako sa piligro ay ngayon wala na.

Hindi maaari ito.

Mabilis kami pumunta sa pinakamalapit na hospital kung saan dinala ang parents namin pareho ni Neil, at tulad ng inaasahan ko, dahil naaksidente ang dating hari at reyna ay maraming reporters ang nakapalibot kaagad pero mabuti na lang at marami rin guards ang nakapalibot para protektahan ang privacy namin. At dahil kasama namin ang mga bata ay tinakpan namin ang kanilang mga mukha pansamantala para hindi kami pag-piyestahan ng mga ito. Kahit na masikip at maraming tao ay nagawa namin makapasok para malaman kung ano ba ang totoong nangyari nang makita ko si Luis na nakatayo at kinakausap ang isang pulis kaya nilapitan ko siya since siya ang tumawag sa amin at naghatid ng balita.

"Luis," tawag ko at binigay ko si Ga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status