PROLOGUE
“Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan, Ate Ira?”
Napahinto ako sa pag-iimpake ng aking mga gamit nang biglang magsalita ang bunso kong kapatid na si Ismael. Kanina ka pa siya nakamasid sa akin, ang buong akala ko ay tatahimik lang siya habang inaayos ko ang mga gamit ko.
Marahan akong tumango at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
“Kailangan kong umuwi. Malapit na magsimula ang kampanya para eleksiyon. Kailangan ako ni Kuya Isaac sa pangangampanya.” sagot ko naman.
“Sigurado ka bang iyon lang ang dahilan?” may bahid ng pagsisiyasat niyang tanong.
Nang matapos ko ang pagsasalansan ng gamit ko sa maleta ay tumayo na ako para magtungo sa kuwarto ng anak ko. Nang pumasok ako ay nakita ko sila ng kaniyang yaya na masayang naglalaro sa kama. Sumunod pa rin sa akin ang kapatid ko. Alam kong kukulitin niya ako tungkol sa bagay na iyon. Humarap ako sa kapatid ko at tipid na ngumiti.
“Masaya naman kami rito sa New York, Ismael. Pero ayokong ikulong si Archer dito. My son is growing old. He deserves to get to know our family especially his grandparents and his cousins.”
Napatitig sa akin ang kapatid ko.
“Paano kapag nakita ni Sandro ang bata? Paano kapag nalaman niyang anak niya ‘yan?”
Alam kong nag-aalala sila tungkol sa bagay na iyan. Pero apat taon na ang nakakalipas. Sandro won’t even remember me. Kapag nakita niya ang bata, puwede namang magpalusot na anak ko iyon sa ibang lalaki.
“Malawak ang Ilocos Norte, Ismael. Hindi naman sila magkikita kung nasa bahay lang si Archer. Don’t worry, I’ll take good care of my son.”
Wala itong nagawa kundi tumango.
Nagtungo ako sa closet ng anak ko at sinimulan nang ayusin ang kaniyang mga gamit.
“Where are we going Mommy? Yaya said that we’re leaving, is that true?”
Bumaling ako sa anak ko at saka tumango.
“Yes, baby. We’re going to go back in the Philippines.”
Natigil ito sa kaniyang ginagawa at kumunot ang noo.
“Philippines? That’s the place where Daddy lives right?”
Napalunok ako sa narinig ko. I thought he wouldn’t be able to remember that. The last time we talked about his Dad was when he is two years old. Ngayon, three and a half years old na siya. While he is growing up, I realized that my son has an exceptional memory skill. Iyong kaya niyang maalala ang mga bagay na matagal nang sinabi at nangyari. He really got his father’s gift. I remember, Sandro is like that too.
Kinuha ko ang kamay ng anak ko at tumango.
“Yes, anak. Philippines is where Daddy lives.”
Tumayo ito sa kama at tumalon-talon. Halatang tuwang-tuwa sa kaniyang nalaman.
“Are we going to see him, Mommy?”
Ngumiti ako sa kaniya.
“Only if you’ll behave once we get there.”
Huminto siya sa kaniyang ginagawa at lumapit sa akin. Ipinalibot niya ang kaniyang maliliit na braso sa aking leeg at hinalikan ako sa pisngi.
“Okay Mommy. Archer Louie will behave.”
Tumingin ako sa kaniyang maamong mukha at marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi.
“I miss Daddy. I want to see him.” mahinang sambit nito.
Napangiti ako nang mapait. He never sees his father yet pero namimiss niya ito. He kept on telling me that when turned two years old up until now.
“I know. I miss Daddy as well.” saad ko habang hinahaplos ang buhok ng anak ko.
Ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng anak ko. Kinabukasan ang alis namin. Hindi ko alam kung anong mangyayari, hindi ko alam kung anong buhay ang sasalubong sa amin ng anak ko sa Pilipinas. We’ve been living here for years. New York has become our safe haven. I know that it will be hard for us to leave this place.
Nang gabing iyon ay natulog ako sa tabi ng anak ko. As I was combing his hair using my fingers, I realized that for the past years, I’ve been suppressing myself to miss Alexander. Noong umalis ako ng Pilipinas nang malaman kong ipinagbubuntis ko si Archer, agad kong pinutol ang ugnayan namin sa isa’t isa. Without saying anything, I left him. My parents were mad at me for leaving like that. But they understood my reasons years after.
“Nakausap ko na yung firm na pinagtatrabahuhan ng girlfriend ko ate, she’s willing to recruit you kapag nakauwi ka na.”
Tumingin ako sa kapatid ko at hinawakan ang kaniyang balikat.
“You’ve done so much for us, Ismael. Yung paghahanap ng trabaho, ako na roon. I’ve earned enough experience in the Philippines and in here for the past years. Alam kong magkakaroon ako ng trabaho sa Pinas.”
Tumango naman ito. Dahil hindi naman traffic ay maaga kaming nakarating sa airport. Maraming tao sa paligid kaya mahigpit kong ibinilin sa yaya ni Vincent na huwag niya itong bibitawan. Iniwan namin sila ni Ismael para kumuha ng ticket sa counter. Nang bumalik kami sa puwesto namin ay umiiyak na lumapit sa akin ang yaya ni Archer.
Kumunot ang noo ko at agad binundol ng kaba ang aking d****b nang agad na ma-realize kung ano ang nangyari.
“Ma’am Ira, sandali lang po talaga akong bumitaw sa kaniya dahil nanghihingi siya ng pagkain. Hindi ko naman po alam na…”
Hinawakan ko ang balikat ng yaya.
“Shhh. Stop crying. Wala namang may gustong mangyari ang bagay na ito. Mas mabuti kung maghahanap tayo agad sa paligid. I’m sure hindi pa nakakalayo ang anak ko.” I said calmly.
I had to be calm in times like this. Hindi naman makakatulong kung magagalit pa ako sa yaya ng anak ko. I instructed my brother and my son’s nanny to separate place. Mas makabubuti kung sa iba-ibang lugar kami ng airport maghahanap. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Habang tumatakbo ako sa paligid ay pakiramdam ko maiiyak na ako.
Kung kailan naman pauwi na kami ng Pilipinas, saka pa ito nangyari.
“Mommy!”
Napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ang pamilyar na boses ng anak ko. Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko ang anak kong nakangiting kumakaway sa akin. Akmang maglalakad na sana ako patungo sa kaniya ngunit nang mag-angat ako nang tingin sa taong may hawak sa kaniyang kamay ay bigla akong napahinto sa aking kinatatayuan at ilang beses na napalunok ng aking sariling laway.
Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay natulos ako sa aking kinatatayuan. Nang makita niya rin ako ay bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Of all places, bakit dito pa kami nagkitang muli?
It took him minutes to finally walk towards me.
“Long time no see, Ira.”
Hindi ko alam kung ngingiti ako. Hindi ko alam kung kaya ko bang umakto nang normal sa harapan niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
“Mommy, this man helped me when I was lost.”
Nakahawak pa rin ang anak ko sa kamay ni Sandro. Seeing them together in proximity, hindi maipagkakailang mag-ama silang dalawa. Pilit na ngumiti ako kay Sandro at saka marahang kinuha sa kaniya si Archer.
“Thank you, Sandro.”
He didn’t respond. Nakatitig lang siya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ang ekspresyong ng aking mukha. Umiwas naman ako nang tingin sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa aking anak na matamang nakatingin kay Sandro. Archer is smiling from ear to ear.
Kinalabit ako ng anak ko at sinenyasang umupo ako dahil may sasabihin siya. Bahagya naman akong yumuko at inilapit ko ang aking mukha sa anak ko.
“He looks familiar, Mommy.”
Sandali akong bumaling kay Sandro na alam kong nakikinig sa amin ng anak ko. Alanganin akong ngumiti kay Archer at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi.
“How so? Ngayon mo lang siya nakita hindi ba?”
From that exact moment, wala akong ibang gustong gawin kundi umalis sa harapan ni Sandro.
“No, Mommy. This is not the first time I saw him. I saw his picture on your phone.”
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sandro. And with that, mabilis kong hinawakan ang kamay ng anak ko at hinila siya palayo kay Sandro.
Ngunit nakakailang hakbang palang kami nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Kumabog nang malakas ang d****b ko nang makitang si Alex iyon.
Pero agad siyang umupo para mapantayan si Archer. That’s when I realized that it wasn’t me he wants to talk with.
“You saw me on your mom’s phone?”
Ngumiti ang anak ko at paulit-ulit na tumango.
“Yeah, and you know what…” huminto ang anak ko sa pagsasalita at tumingin sa akin.
“Mommy, he really looks Daddy, isn’t he?”
Sa pagkakataong iyon, gusto ko na lang na maglaho. Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Sandro sa kaniyang narinig.
“Ira…”
Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Sandro. Umiwas ako nang tingin sa kaniya.
“Is that true?” seryosong tanong niya sa akin.
Seryoso at mabibigat ang kaniyang titig sa akin. Kahit na nahihirapan at kinakabahan, pilit kong sinalubong ang kaniyang mga tingin. Pasimple akong humugot ng malalim na hininga at sa naglakas loob na sagutin ang tanong niya.
“Hindi. Archer’s Dad isn’t you.” I said in a firm voice.
Pagkasabi ko niyon ay mabilis akong tumalikod habang hawak ang kamay ng anak ko.
“Congratulations for winning my case, Attorney. Mabuti nalang po at kayo ang kinuha kong abogado sa kasong ito. Totoo pa lang kahit bata pa kayo ay magaling kayo sa inyong trabaho.” saad ng aking kliyente.Ngumiti ako rito at saka tumango.“Trabaho ko po ang ipagtanggol kayo sa korte. Wala po kayong dapat na ipagpasalamat.”Tumango-tango ito.“Hindi ka lang magaling Attorney Fortalejo, mabait at maganda ka rin.”Sa totoo lang, gusto ko nang takpan ang tainga ko dahil napakaraming sinasabi ng kliyente kong ito. Pati paghikab ko ay pinipigilan ko dahil ayaw kong magmukhang bastos sa harapan niya. I’ve prepared so much in his case at halos ilang linggo akong walang tulog. Pinapanalangin ko lang na sana ay umalis na siya.“Naku salamat po sa papuri.”Ngumiti muli sa akin ang matandang lalaki.“Naku, paniguradong napakarami mo pang gagawin, ako’y mauuna na Attorney.&r
Kung nagulat ang matandang lalaki sa kaniyang narinig, mas lalo naman ako. Maang lang akong nakatitig sa guwapo nitong mukha. Nang tumingin siya sa akin saka lang ako natauhan. He gave me a kind of look that tells me to pretend that I am his girlfriend. “Ano Sir, ipapapulis niyo pa ba ako?” tanong ng lalaking katabi ko. Agad namang umuling ang matandang lalaki at mabilis na tumakbo papalayo sa amin. Pati ang asawa niyang nagmukhang kawawa dahil sa pag-iyak ay iniwan niya. That was the time when I looked at the man beside me. “You don’t have to do that, you know.” saad ko saka pinagpag ang coat ko na hinawakan ng lalaki kanina. “If I didn’t do that, paniguradong sinaktan ka na noon nang tuluyan.” aniya saka naglakad pabalik sa push cart na may lamang mga groceries na pinamimili niya. May nakita ako roong mga milk formula ng bata. Napasimangot naman ako sa sarili ko. Mukhang may anak na yata. But he looks so young to have a baby. Sayang naman!
The truth is, I was shocked hearing that news from my brother. I didn’t even expect that the Congressman of Ilocos Norte is that young and handsome. Sa totoo lang naman kasi, bihira talaga ang pulitiko na guwapo. Iilan nga lang iyong kilala ko.Nang makabalik ako ng aking upuan ko ay napatingin ako sa isang folder sa aking lamesa. Kumunot ang noo ko at agad na kinuha ito. Nang basahin ko iyon ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Wala naman ito kanina rito ah. Sino kaya ang naglagay? Sandali lang akong umalis para sagutin ang tawag ng kapatid ko, tapos pagbalik ko mayroon ng ganito?Bumaling ako agad kay Leona para magtanong pero hindi rin nito alam kung sino ang naglagay noon sa lamesa ko dahil pag-alis ko kanina ay umalis din daw siya para mag-yosi break. Nagtanong din ako kay Dean pero kibit-balikat lang ang sinagot nito. Mukhang busy rin ito sa kaniyang ginagawa. Ni hindi ito makaharap sa akin para sagutin ang tanong ko. Sa pagkak
Pakiramdam ko ay natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Anong ginagawa niya rito? Bakit kung kailan ganito ang hitsura ko, saka pa kami magkikita? Dahan-dahang bumaba ang aking paningin sa aking suot na pantulog. I was just wearing my button-down pajamas and my hoodie. And for Pete’s sake, naka-tsinelas lang ako! Tapos siya ang ganda ng suot. Iyong tipong a-attend ng isang semi-formal event. He’s wearing a dark blue longsleeves partnered with black pants. Bahagyang naningkit ang aking mga mata nang makita ko ang kaniyang suot na buckle belt. Even his belt screams elegance. Louis Philippe brand huh?“So, you’re living here?”Agad naman akong napaangat ng tingin sa kaniya. I put my left hand on my nape. My mannerism when I’m nervous and I don’t know what to say.“Ah, yeah. Dito ako nakatira.”Bumaling siya sandali sa pinto ng unit ko at saka muling tumi
Pasara na ang pinto ng elevator nang bigla niyang iharang ang kaniyang paa, dahilan para bumukas itong muli.Nanatili pa rin ang kaniyang ngiti sa akin habang naglalakad siya papasok ng elevator. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap. Isiniksik ko nalang ang sarili ko sa left wall para lang magkaroon kami ng sapat na distansiya.“I was wondering…”Napaangat ako ng tingin nang marinig ko siyang magsalita.“I just heard a while ago that you’re a Fortalejo.”Umayos ako sa pagkakatayo at ipinag-ekis ang aking mga braso.“If you’re wondering if I am a part of Fortalejo clan in Ilocos, tama ka.”Dahil sa sinabi ko ay napatingin siya sa akin nang diretso kaya nagsalubong ang aming paningin. Hindi ko napigilang hindi pagmasdan ang kaniyang mukha. Napakaamo ng mukha nitong lalaking ito. Nang mahuli ko ang aking sarili sa ginagawa ay agad akong umiwas nang tingin. Sakto namang bum
Maaga akong nagising kinaumagahan para pumasok. Kailangan kong makausap ang boss ko tungkol sa kasong ibinibigay niya sa akin. I can’t accept it. Kahit pa sabihin niyang malakas ang laban naming defense counsel sa hearing, ayoko pa ring tanggapin. Kapag tinanggap ko iyon ay para na rin akong nag-suicide.Froilan Dela Vera is my ex-boyfriend way back in college. We’ve been together for almost two years but eventually, we broke up because we have to focus on our studies. Back then, I thought we still have a chance to get back together pero nagulat na lang ako na may iba na pala siyang dini-date. To make the story short, nasaktan ako. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari, hindi-hinding na ako makikipag-usap sa kaniya.Pagdating ko sa opisina ay agad kong tinanong kay Dean kung nariyan na ba si Boss. Tumango naman ito sa akin. Gaya kahapon ay hindi ako nito nilingon. Mukhang abala pa rin siya sa ginagawa niya.
“What would you like to order, Ma’am?” tanong agad ng waiter pagkaupo ko sa malambot na upuan ng café na pinasukan ko.Inilapag ko ang aking bag sa lamesa at saka inabot ang hawak nitong menu.“Three shots of espresso please.” sabi ko sa waiter at saka inabot pabalik sa kaniya ang menu. Mataman itong nakatitig sa akin at mukha siyang naguguluhan base sa kaniyang ekspresyon.“What? Did I say something wrong? May mali?” I asked. I feel so clueless about his reaction.Umayos naman siya sa pagkakatayo saka ngumiti sa akin nang pilit.“Sigurado po ba kayo na three espresso shots?”Wait, what? Is he really asking me that? What’s that supposed to mean?“Yes, can you make it three long shots?” saad ko sa waiter na mas lalong nagpabago ng kaniyang hitsura.“Ma’am sorry po ha. But espresso long shots are way bitter than the normal esp
Matagal siyang napatitig sa akin at saka umiling.“I’m not joking nor kidding or whatever you call it.”And I’m pretty sure I wasn’t nervous at all a while ago. Pero ngayon, hindi ko na alam. My heart just suddenly beats faster than normal. Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko ay napatitig nalang ako sa kaniya.“So, you not remember me at all? We’re classmates in St. Joseph Parish Kindergarten & High School.”In the back of my mind, iniisip ko kung kilala ko ba siya o kung nagkaroon man lang ba kami ng interaction noong mga bata pa kami. When I was studying kindergarten, wala akong gaanong kaibigan dahil ang sabi ni Mommy, hindi ko naman daw kailangan ng kaibigan kapag lumaki na ako. All I need is myself so I don’t have to make an effort to befriend my classmates. I used to be aloof with other people. But then there’s a little boy who has the same as my age that time, used to si