Nang sumunod na linggo ay naging abala na ang mga tao sa bahay. Ang mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang inaasikaso, ganoon din si Sandro kaya palaging wala ang mga ito sa bahay. Si Mommy naman ay laging nakasunod kay Kuya Isaac, kaya kadalasan ang naiiwan sa bahay ay kami ng anak ko, ang yaya niyang si Faye, ang iba pang helper sa bahay at si Dad. Tuwing MWF, palagi akong nasa opisina. Pag sumapit naman ang TTh ay sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi kasi sanay si Archer na lagi akong wala sa bahay. Masyado siyang naging dependent sa amin ni Sandro sa mga nakalipas na araw. Sinulit din kasi ni Sandro ang pananatili niya sa bahay bago nagsimula sa pangangampanya.
“Anak, may ginagawa ka ba?”
Mabilis kong tinapos ang aking pag-inom ng tubig ay saka bumaling kay Dad na nakatayo sa pintuan ng dining room.
“Wala naman po, katatapos ko lang. Bakit Dad, may iuutos po ba kayo sa akin?”
Umiling naman siya.
“Tinatanon
Medyo madilim na nang magdesisyon kami ni Dad na umuwi na. Saktong naglalakad kami pabalik ng sasakyan nang tumawag ang kapatid kong si Ismael sa kaniya. Ang sabi nito ay umuwi na kami dahil pareho na kaming hinahanap ni Mommy. Habang nasa biyahe pauwi ay pareho kaming tahimik na nakikinig sa kanta na nagpe-play sa music player ng kaniyang sasakyan. Kapag nagkakatinginan kami ni Dad ay sabay kaming napapangiti.Habang nakamasid ako kay Dad, na-realize kong masuwerte pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Masuwerte ako kasi kahit na ilang taon kaming hindi ganoon ka-okay, nagkaroon pa rin kami ng pagkakataon na magkaayos. Yung totoong magkaayos. Bumaling ako sa labas ng sasakyan at nakangiting pinagmasdan ang mga puno na aming nadaraanan.Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Kumunot agad ang aking noo nang makitang lahat ng ilaw sa aming bahay ay nakapatay. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalong kumunot ang aking noo nang
Ten years later… “Why are you always late, Papa? Alam mo namang graduation ko ngayon pero hindi ka pumunta.” reklamo ni Archer pagkarating ng kaniyang ama. Sandro looked at me. I gave him a small smile and went back again to the kitchen were all of the food are currently in preparation. Graduation event ni Archer ngayong araw. Maya-maya lamang ay darating na ang buong pamilya nina Sandro at ang pamilya ko para sa aming family dinner kaya ngayon ay naghahanda na kami. Ang problema, nangako si Sandro sa anak niya na pupunta siya sa school at sasamahan ako sa pagsasabit ng medal sa kaniyang anak na gumraduate bilang top student pero hindi niya nagawang makarating dahil marami siyang lakad na biglaan ngayong araw. It's been ten years after our wedding. I am now officially a Romualdez, ang maybahay ni Sandro Romualdez na nananatili pa ring Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte. And Archer, he’s not a small kid anymore. Hindi
PROLOGUE “Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan, Ate Ira?” Napahinto ako sa pag-iimpake ng aking mga gamit nang biglang magsalita ang bunso kong kapatid na si Ismael. Kanina ka pa siya nakamasid sa akin, ang buong akala ko ay tatahimik lang siya habang inaayos ko ang mga gamit ko. Marahan akong tumango at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. “Kailangan kong umuwi. Malapit na magsimula ang kampanya para eleksiyon. Kailangan ako ni Kuya Isaac sa pangangampanya.” sagot ko naman. “Sigurado ka bang iyon lang ang dahilan?” may bahid ng pagsisiyasat niyang tanong. Nang matapos ko ang pagsasalansan ng gamit ko sa maleta ay tumayo na ako para magtungo sa kuwarto ng anak ko. Nang pumasok ako ay nakita ko sila ng kaniyang yaya na masayang naglalaro sa kama. Sumunod pa rin sa akin ang kapatid ko. Alam kong kukulitin niya ako tungkol sa bagay na iyon. Humarap ako sa kapatid ko at tipid na ngumiti.
“Congratulations for winning my case, Attorney. Mabuti nalang po at kayo ang kinuha kong abogado sa kasong ito. Totoo pa lang kahit bata pa kayo ay magaling kayo sa inyong trabaho.” saad ng aking kliyente.Ngumiti ako rito at saka tumango.“Trabaho ko po ang ipagtanggol kayo sa korte. Wala po kayong dapat na ipagpasalamat.”Tumango-tango ito.“Hindi ka lang magaling Attorney Fortalejo, mabait at maganda ka rin.”Sa totoo lang, gusto ko nang takpan ang tainga ko dahil napakaraming sinasabi ng kliyente kong ito. Pati paghikab ko ay pinipigilan ko dahil ayaw kong magmukhang bastos sa harapan niya. I’ve prepared so much in his case at halos ilang linggo akong walang tulog. Pinapanalangin ko lang na sana ay umalis na siya.“Naku salamat po sa papuri.”Ngumiti muli sa akin ang matandang lalaki.“Naku, paniguradong napakarami mo pang gagawin, ako’y mauuna na Attorney.&r
Kung nagulat ang matandang lalaki sa kaniyang narinig, mas lalo naman ako. Maang lang akong nakatitig sa guwapo nitong mukha. Nang tumingin siya sa akin saka lang ako natauhan. He gave me a kind of look that tells me to pretend that I am his girlfriend. “Ano Sir, ipapapulis niyo pa ba ako?” tanong ng lalaking katabi ko. Agad namang umuling ang matandang lalaki at mabilis na tumakbo papalayo sa amin. Pati ang asawa niyang nagmukhang kawawa dahil sa pag-iyak ay iniwan niya. That was the time when I looked at the man beside me. “You don’t have to do that, you know.” saad ko saka pinagpag ang coat ko na hinawakan ng lalaki kanina. “If I didn’t do that, paniguradong sinaktan ka na noon nang tuluyan.” aniya saka naglakad pabalik sa push cart na may lamang mga groceries na pinamimili niya. May nakita ako roong mga milk formula ng bata. Napasimangot naman ako sa sarili ko. Mukhang may anak na yata. But he looks so young to have a baby. Sayang naman!
The truth is, I was shocked hearing that news from my brother. I didn’t even expect that the Congressman of Ilocos Norte is that young and handsome. Sa totoo lang naman kasi, bihira talaga ang pulitiko na guwapo. Iilan nga lang iyong kilala ko.Nang makabalik ako ng aking upuan ko ay napatingin ako sa isang folder sa aking lamesa. Kumunot ang noo ko at agad na kinuha ito. Nang basahin ko iyon ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Wala naman ito kanina rito ah. Sino kaya ang naglagay? Sandali lang akong umalis para sagutin ang tawag ng kapatid ko, tapos pagbalik ko mayroon ng ganito?Bumaling ako agad kay Leona para magtanong pero hindi rin nito alam kung sino ang naglagay noon sa lamesa ko dahil pag-alis ko kanina ay umalis din daw siya para mag-yosi break. Nagtanong din ako kay Dean pero kibit-balikat lang ang sinagot nito. Mukhang busy rin ito sa kaniyang ginagawa. Ni hindi ito makaharap sa akin para sagutin ang tanong ko. Sa pagkak
Pakiramdam ko ay natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Anong ginagawa niya rito? Bakit kung kailan ganito ang hitsura ko, saka pa kami magkikita? Dahan-dahang bumaba ang aking paningin sa aking suot na pantulog. I was just wearing my button-down pajamas and my hoodie. And for Pete’s sake, naka-tsinelas lang ako! Tapos siya ang ganda ng suot. Iyong tipong a-attend ng isang semi-formal event. He’s wearing a dark blue longsleeves partnered with black pants. Bahagyang naningkit ang aking mga mata nang makita ko ang kaniyang suot na buckle belt. Even his belt screams elegance. Louis Philippe brand huh?“So, you’re living here?”Agad naman akong napaangat ng tingin sa kaniya. I put my left hand on my nape. My mannerism when I’m nervous and I don’t know what to say.“Ah, yeah. Dito ako nakatira.”Bumaling siya sandali sa pinto ng unit ko at saka muling tumi
Pasara na ang pinto ng elevator nang bigla niyang iharang ang kaniyang paa, dahilan para bumukas itong muli.Nanatili pa rin ang kaniyang ngiti sa akin habang naglalakad siya papasok ng elevator. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap. Isiniksik ko nalang ang sarili ko sa left wall para lang magkaroon kami ng sapat na distansiya.“I was wondering…”Napaangat ako ng tingin nang marinig ko siyang magsalita.“I just heard a while ago that you’re a Fortalejo.”Umayos ako sa pagkakatayo at ipinag-ekis ang aking mga braso.“If you’re wondering if I am a part of Fortalejo clan in Ilocos, tama ka.”Dahil sa sinabi ko ay napatingin siya sa akin nang diretso kaya nagsalubong ang aming paningin. Hindi ko napigilang hindi pagmasdan ang kaniyang mukha. Napakaamo ng mukha nitong lalaking ito. Nang mahuli ko ang aking sarili sa ginagawa ay agad akong umiwas nang tingin. Sakto namang bum