Share

Nine

Medyo may kalayuan ang bar na napuntahan namin dahil ito raw ang gusto ng mga pinsan niya dahil nakapunta na ang mga ito dito dati.

Iba't ibang kulay ng ilaw ang sumalubong sa amin pagpasok na pagpasok namin sa bar. Ibang iba ang tema nito mula sa ineexpect kong isang bar sa isla. Akala ko ay magiging beach themed ang lugar pero hindi, more on city vibes ito.

Kumuha sila ng private room sa second floor at noon kami pumunta. Umorder din sila ng sangkatutak na alak.

Nakaliliyo ang LED lights sa loob ng private room, kulay pula iyon at talaga namang masakit sa mata pero parang wala lamang iyon sa mga kasama ko, marahil ay sanay na sila sa ganito.

Hindi ito ang unang beses kong nakapunta sa isang club ngunit namamangha pa rin ako.

May karaoke rin sa loob ng private room at ang ilan ay doon pumunta kaya umalingawngaw ang tunog noon sa loob.

Katabi ko sa upuan si Iyah at kung ano ano ang kanyang kinukwento na matyaga ko namang pinapakinggan kahit minsan ay hindi na ako makarelate.

"M
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status