Share

Chapter Two

MY LIFE instantly change after signing that marriage contract. Nakatira ako sa isang magarbong bahay, may sariling loptop, mamahaling cellphone, hindi ko na pinoproblema ang pangkain ko sa araw araw. Sayang nga lang at hindi ito naabutan ni Mama. If she was able to survive that attack siguro hindi ako nag iisa ngayon. But she surrendered. But I can't blame her. She suffered too much and I guess giving up was the only choice she had. Ayaw na niyang magtiis pa sa nararamdamang sakit.

Bumuntong hininga ako saka ipinagpatuloy ang pagtipa sa keyboard ng loptop. Inalis ko sa isipan ko ang panghihinayang na iyon. Siguro, hindi man naranasan ni Mama ang nangyari sa akin ngayon alam kong masaya siya para sa akin. Hindi man niya naabutan ang kinhihinatnan ko ngayon, alam ko na napanatag na siya sa kung nasaan man siya ngayon.

-

Supposedly sekretarya ako ni Mr. Salazar. But since I accepted the offer and signed that marriage contract. Hindi niya ako pinagtrabaho sa kompanya niya bilang sekretarya. Saglit akong napahinto sa pagtipa ng keyboard nitong loptop ko ng maalala ko ang marriage contract na iyon.

I just got curios about that contract. Mr. Salazar ang nakasulat sa katabi ng pangalan ko at may thumb mark na rin ito.

I wonder what he looks like.

Tunog ng cellphone ko ang nagpukaw sa akin sa malalim na pag iisip. Nang tingnan ko ang aking cellphone nakarehistro ang pangalan ni Gwen sa caller Id.

Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tawag. Dumako ang tingin ko sa orasan na nasa ibabang bahagi ng loptop. My forehead creased when I saw that it was already, nine in the morning.

Hindi ko napansin ang oras. Masyadong naukopa ang utak ko sa mga tawag at messages na natanggap ko kagabi pa.

"Sa'n ka na ba?" Bungad na tanong ni Gwen ng masagot ko ang tawag.

"Papunta na."

"Okay wait kita sa tambayan."

"Okay."

The call ended smoothly. Wala nang sumunod na tanong si Gwen. She knows what happened to me. Maging itong trabahong nakuha ko which is siya lang din ang dahilan dahil sa ibinigay niyang flyer sa'kin noon. And I am thankful that she handed me that red flyer.

Hindi ko lang talaga ineexpect 'yung offer ni Sir Terrence na maging asawa ang totoong may ari ng GS Corp. My goal was to only get the job as much as I could. But he offered me as that Mr. Salazar wife. Not his secretary.

-

UMALIS ako ng condo building. Agad agad na may tumigil na itim na sasakyan sa harapan ko ng makalabas ako. Bumukas ang pinto ng sasakyan nito kaya wala sa sariling napasilip ako sa loob.

Nang makitang si Connor ang driver, pumasok na rin ako sa loob.

Connor Dela Fuente is my husband's cousin sa father side, both Sir T and Connor are my husband's cousin in father side. Just like Terrence nagtatrabaho rin si Connor sa asawa ko na hanggang ngayon ay di ko pa rin alam ang pangalan. Sir T did not disclosed my husband's name. Ang palaging sinasabi niya ay malalaman ko rin ito sa takdang panahon. Which made me curios.

Pero ganoon pa man hinayaan ko na lang. At firdt I thought. I would marry sir T because he's a Salazar too. But he immediately said that it was not him and supposedly kung siya man iyon. Malamang pirma niya ang nandoon sa kontrata na iyon.

Pero bakit ayaw nalang nilang sabihin ang pangalan?

"Natagalan ka yata?" Tanong ni Connor matapos niya imaniubra ang sasakyan.

"I was doing something, hindi ko lang namalayan ang oras."

"Projects?"

Pinilit kong ngumiti. Ayukong isipin niya na iniisip ko pa rin kung ano ang totoong pagkatao ng asawa ko.

Tumango ako habang nakatingin sa rearview mirror. Nagkasalubong ang tingin namin ni Connor sa salamin pero siya lang din ang unang bumawi dahil nagdadrive siya.

Nang makarating kami ng school ipinarada lang ni Connor ang sasakyan malapit sa entrada ng school kaya naman di maiiwasan na mapatingin ang lahat sa kotse ito. Hindk naman kasi basta basta ang kotseng ginamit ni Connor masyadong agaw pansin ang roll royce na ginamit niya. Pangmayaman.

"Bababa na ako, salamat."

Saludo lang ang isinagot ni Connor sa akin.

Nakaramdam ako ng pagkailang ng dumako sa akin ang tingin ng ibang estudyante. May iba sa kanila na nagbulong bulongan. Hindi ko rin naman sila masisisi. Hindi nila alam ang totoong nangyari kung paanong ang isang mahirap na gaya ko'y nakasakay sa ganito karangyang sasakyan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na scholar lang ako sa pangmayamang school na ito.

Pero ganun pa man, hindi ko sila pinansin. Tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng school. Hinayaan ko silang isipin ang kung ano man ang nais nilang isipin.

Dahil maaga pa naman dumeretso ako sa tambayan naming dalawa ni Gwen. Nandoon na siya't kumakain chitchirya. Nang mapadako ang tingin niya sa akin agad na siyang napangiti.

"Bruha antagal ha?!"

Natawa ako sa sinabi niya. Gwen is a jolly person. Matalino pero hindi halata dahil sobrang warfreak. Nasa abroad ang Mama niya samantalang may afam naman siyang boyfriend na nakabase sa amerika at isang sundalo.

"Ang tagal girl."

"May inaasikaso lang ako."

"Ay ganun?"

"Hmmm..."

"Sure? Baka nagsearch ka patungkol d'yan sa mystery husband mo?"

Nagkibit balikat ako.

We only talk for a few minutes tapos maya maya nag bell na. Hudyat na pagsisimula ng klase. Agad na kaming tumayo na dalawa ni Gwen.

"Hindi ka ba nacucurios sa mukha niya?"

"Curios naman. Pero ayaw sabihin nina sir Terrence siguro maghihintay na lang ako na sila ang kusang magbubukas ng paksa tungkol sa kanya."

"Nakapagtataka lang kasi, bakit kailangan niyang magtago sa lahat?"

"Hindi ko alam, baka may nangyari—"

"Baka panget 'yan."

Sinamaan ko ng tingin si Gwen.

"Ansama ng tingin, Joke lang naman."

Hindi na lamang ako nagsalita pa. Iniba namin ang topic sa pag uusap. Pero 'yung utak ko lumilipad. Napapatanong kung bakit nga kaya? Bakit kailangan pa niyang magtago? Did something happen on him?

Bakit kailangan niyang magtago at di magpakita sa lahat ng tao?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status