Share

Chapter Four

He did not mention anything about me. Kaya expected ko ng hindi niya talaga ako maalala. Ilang taon na rin naman ang lumipas simula ng umalis sila sa probinsyang iyon e. Sa dami ng taong makikilala at makakasalamuha niya. Hindi na nakapagtataka na hindi niya ako naalala. Hindi ko rin naisip na siya ang may ari ng corporation pinagtatrabahuan ko, hindj naman kasi agad na ipinakilala ang may ari ng kompanyang iyon. Ang layo na pala talaga ng narating niya.

Sakay ng pribadong eroplano na pagmamay ari nina sir T. Tinungo namin ang Germany para puntahan siya.

It tooks a few hours before we arrived at one of the Germany's international Airport. Hindi ko lubos maisip na dahil sa desisyon kong ito. Magtatagpo ulit ang landas naming dalawa ni Giovanni.

Nang lumapag ang eroplano na sinasakyan namin sa airport. Isang itim na roll royce ang naghihintay sa amin sa ibaba. Kanina lang aya agad na inimporma ni Sir T ang butler ni Giovanni na kasama nito sa Germany.

Lulan ng sasakyan muli akong napaisip sa nanay ni Giovanni. Ang pagkakatanda ko Lola niya ang kasama niyang nanirahan noon sa lugar namin. Pero kalaunan isang lalaking nakakotse ang dumating at kinuha siya. That was it. After no'n hindi naman na siya bumalik pa.

Sa laki ng gate na pinasukan ko, hindi ko akalain na maliit na bahay lang ang nasa loob nito. Hindi maliit na bahay kubo, kitang kita pa rin naman ang karangyaan kaso hindi nga lang siya two storey o three storey na bahay. Bungalow ang style ng bahay, kukay blue ang bubong. White ang pintura sa labas. By the looks of it, para lang itong bahay bakasyunan or so whatever.

Simple lang din ang design pero hindi maikakaila ang ganda nito.

"Nandito siya?" Tanong ko ng makababa na kami. Inilinga ko ang aking paningin sa buong paligid. Sobrang linis ng bakuran at sobra rin nitong lawak.

"This is my vacation house, dito ko siya naisipang itago mula sa kanyang ina."

Ani ni sir T. Nakatingin siya sa bahay. "His mother is greedy, as of now kumikilos na ito. Inaasikaso na nito ang mga papeles para makuha niya ang pera ng anak niya."

"Makukuha niya ba talaga yun lahat?"

"I bet not. Hanggat walang nakikitang katawan ni Giovanni walang magagawa ang mama niya."

"Hindi ko akalain na kaya niyang gawin. Iyon sa anak niya."

Bigla kaming natahimik na dalawa. Maya maya lang biglang bumukas ang pinto ng bahay. Isang matandang babae ang nakangiti at nakatingin sa amin.

"Kanina pa ba kayo riyan? Pumasok na kayo't ipaghahanda ko kayo ng makakain." Pag aya niya sa amin. Her eyes suddenly darted on me.

"Ikaw ba ang asawa ni Giovanni?"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya. Kung oo ba dahil oo naman talaga o hindi dahil hindi alam ni Giovanni na kasal siya sa akin.

"She knows.." napatingin ako kay Sir T. Nakangiti na siya ng balingan ko siya ng tingin. Mukhang nababasa niya ang nasa isip ko. "She knows everything you don't have to worry."

Wala sa sariling tumango ako. Sabay kaming pumasok na dalawa sa loob ng bahay. Naiwan si Connor sa sasakyan dahil mukhang ipaparada niya ang sasakyan sa garahe nitong bahay.

Simple lang ang loob ng bahay ng makita. Maaliwalas na maaliwalas tingnan. Simple lang din ang mga kagamitan pero alam kong lahat mamahalin.

"Si Gio po?" Tanong ni Sir T sa babae.

"Nagpapahinga na si Gio. Baka bukas na iyon magising." Tumango lang si Sir T.

"Pakilinis na lang po ng guest room doon muna si Eliz,"

"Nalinis ko na iyon kanina. Kumain na muna kayo bago matulog."

Iginiya kami ng babae sa hapag ng bahay. Konektado na nito ang kusina. Magalak niya kaming hinainan ng pagkain. Panay ang kwentuhan nilang dalawa ni Sir Terrence habang ako ay nakikinig lang sa kanila.

MATAPOS ng kainan ay dinala ako ng babae sa guest room ng bahay. Nasa ikalawang palapag ito at katapat lang ng kwarto ni Giovanni.

Matapos niya akong ihatid ay agad din naman siyang umalis. Naiwan akong mag isa sa loob ng kwarto. Nandito na ang maleta na dala ko malamang ay hinatid ito kanina ni Connor.

Binuksan ko ang maleta at kumuha ng isang pares ng pangtulog. Pati na tuwalya. Dumeretso ako sa  loob ng banyo at agad na naglinis ng katawan.

After my night routine nahiga na ako sa malambot na kama at sa ilang iglap lang agad akong nakatulog.

MAAGA akong nagising, kaya naman napagdesisyonan ko na lamang na bumaba. May naamoy akong pagkain kaya sinundan ko ang amoy hanggang sa narating ko ang kusina.

Kumakanta ang babaeng kausap ni Sir T kagabi habang nagluluto ng kung anuman. Mukhang naramdaman niya ang presensiya ko dahil napalingon siya sa gawi ko. Pinilit kong ngumiti kahit pa naiilang ako. She did the same kaya kahit papa'no nabawasan din ang kabang naramdaman ko.

"Ikaw si Eliz diba?"

Humakbang ako patungo sa kanya.

"O-opo."

"Pasensya na at hindi ako nakapagpakilala sa'yo ng normal kagabi. Masaya lang ako't napadalaw si Terrence."

"Ayos lang po 'yun."

Napansin ko ang isang tray sa ibabaw ng lababo. May pinggan na may lamang kanin at ulam. Saka isang tasa ng kape.

"P-para po ba 'yan kay Giovanni?"

Turo ko roon sa tray. Sinundan niya ng tingin ang tinuro ko. Nagpiprito kasi siya ng bacon at nakatalikod sa tray.

"Ah, oo. Kay Giovanni 'yan. Ihahatid ko mamaya."

"P-pwede po bang ako na lang?" Gusto kong makita si Giovanni. Gusto kong makita kung ano ang itsura niya ngayon.

"Pwede naman kung okay lang sa'yo."

"Ayos lang naman po. Anong oras po ba ang gising niya?"

Napatingin siya sa relong nasa kanyang bisig.

"Gising na siya ngayon. Pwede mo na iyang ihatid." Nginitian niya ako. Whoch I did the same to her. Nahihiya talag ako sa kanya.

Kinuha ko ang tray saka ako lumabas ng dining area. Alam ko naman kung nasaan ang kwarto ni Giovanni e. Magkatapat lang ang kwarto naming dalawa.

Nang marating ko ang pinto ng kwarto niya ay agad akong kumatok. Pero wala akong narinig na anuman mula sa loob. Tumingin muna ako sa gilid ko, sa gawi kung nasaan ang hagdanan bago pinihit ang seradura ng pinto.

Agad na yumakap sa akin ang lamig ng kwarto. Umakyat naman na ang araw pero hindi magawang makapasok ng liwanag nito sa loob ng kwarto dahil sa kapal ng kurtina na nakatbaing sa bintana.

Pero naaninag ko naman ang loob dahil sa tulong ng lampshade. Na nasa unahang bahagi ng kama. Doon ko napansin ang lalaking nakasandal sa headrest ng kama. Mataman na nakatitig sa akin.

"Are you the new maid?" Tanong niya. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka ng makita ako.

Napalunok ako ng wala sa oras. Tagos hanggang kaluluwa ang tingin na ipinukol niya sa akin. Nakakatakot.

"A-ah y-yes sir..."

-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status