Thank you for reading. Please leave your comment.
HINDI mapalagay si Harry sa loob ng taxi. Katabi niya si Chester na naiinis na rin sa sobrang traffic sa highway ng Metro Manila. Halos hindi na umuusad ang sinasakyan nila. Bumper to bumper na ang itsura ng mga sasakyan sa kanilang lane. Magkasabay silang agad na sumakay ng eroplano nang malaman nila ang nangyari kay Jemima. Tiyempo naman kasing magkausap silang dalawa nang matanggap ni Harry ang text message ni Melinda na nagsasabing isinugod nila sa ospital si Jemima. "Oh, it's not moving anymore!" iritableng bigkas ni Chester nang hindi na umuusad ang trapiko. Gusto na niyang manghampas dahil sa kabugnutan. Dahil hindi rin talaga mapalagay si Harry, binuksan niya ang pinto ng taxi. Nang makita niyang mahaba ang mga hindi umuusad na sasakyan mula sa unahan nila ay nagpaalam siya sa pinsan. "See you there!" "Hey! It's too far!" Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ng tingin si Harry na mabilis nang tumakbo. Halos naliligo na si Harry sa pawis sa katatakbo. Pinupunasan niya an
HABANG inihahanda ang delivery room ay magkasama sa isang sulok sina Harry at Jemima. Inilipat kasi doon ang kama niya. Si Harry lang ang pinayagang sumama sa loob. Napansin ni Harry na kinakabahan ang asawa. "Be strong, Jemima, pabulong niyang sabi rito. "I'm scared!" pabulong din nitong sagot. "No. You can do it. Be a strong mother. I won't be with you anymore." Natigilan naman si Jemima sa narinig sa asawa. "I will do as you said. I will find my own happiness. I will find someone who is afraid to lose me." Tumulo ang luha ni Jemima sa bigat ng naramdaman. Siya namang paglapit sa kanila ng doctor. "It's time." Lumabas na si Harry ng delivery room. Sabay ng paghilab ng kaniyang tiyan ay ang sakit na kaniyang nararamdaman sa dibdib. Humiyaw siya na may luha sa mga mata. "Aaaahhh!" Umiri siya ng malakas. Nataranta naman ang doctor na nag-aasikaso sa kaniya. "No, no, no! Hintayin mo ang instruction ko, misis." Naunawaan niya kung paano niya sinaktan ang asawa. Hindi kasi siya
NAMUMUO na ang pawis sa makinis at mamula-mulang mukha ni Harry Sy. Bagama't may ipinatong siyang tela sa inuupuan niyang semento ay randam pa rin niya ang init nito lalo na at alas tres pa lang ng hapon ngayon. Hindi pa kumukulimlim ang panahon. Bagama't suot niya ang makulay niyang sunglasses, hindi pa rin nito naitago ang nakaarko niyang mga kilay at nakakunot na noo. Sumisimangot siya sa tuwing may tumititig sa kaniya, lalo na kapag babaing hindi niya type ang nagpaplanong lumapit sa kaniya. 'You are here for the Merlion, not to be my friend.' Bagama't hindi niya ibinubuka ang bibig niya para itaboy ang bawat nagtatangkang lumapit sa kaniya ay hindi sila tumutuloy sa tuwing nakikita ng mga ito ang pagkunot ng kaniyang noo.
"How could you lose your wife on your wedding day!" Samuel Sy was so furious at his son. Pinamulahan na siya ng pisngi sa galit at tila gusto niyang lamugin ang anak. Nanatili namang nakasalampak sa sahig si Harry, sapo ang kaliwang pisngi kung saan tumama ang suntok ng kaniyang ama. Hindi naman malaman ni Cohen ang gagawin. Gusto niyang tulungan si Harry dahil tiyak niyang malakas ang tinanggap nitong suntok mula sa ama. Pero minabuti niyang daluhan ang matanda. Nag-aalala siyang baka atakehin ito ng sakit sa puso. "Master, it's my fault. I'm sorry!" "Where is the bride?!" "S-she's…" hindi alam ni Cohen ang sasabihin sa matanda. Gusto niyang mag second the motion sa sinabi ni Harry kanina na sumakit ang t
MAAGANG pumasok sa trabaho si Harry Sy. Pero hindi siya dumiretso sa kaniyang opisina. Nakaupo siya sa may lobby ng building, nakaharap sa may pintuan. Nakatayo sa kaniyang tabi si Cohen. Nahalata ni Harry na inaantok pa si Cohen. "Eyes on the door. Be alert or I'll fire you." Nag-snappy look naman si Cohen. Natatawa siyang nauumay sa tinuran ng kaniyang amo. Kahapon lang ay isinoli na niya ang susi ng kotse nito dahil pinag-resign siya, ngunit pagalit lang nitong itinapon sa kaniya ang naturang susi. Hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa puso niya ang pagkaawa kay Harry dahil sa ginawi nito kahapon. Nakita niya ang paghihirap ng kalooban nito, ang frustration nito dahil naramdaman nito ang kawalan ng pag-asang makitang muli ang kaniyang ina. Nga
TAHIMIK na binabalikan ni Harry sa kaniyang isipan ang pangyayari kagabi. Malinaw pa sa alaala niya ang disappointment na nakalatag sa mukha ng kaniyang ama habang nagsasalita ito sa kaniya. "You spent one million just to have a fake bride. You prepared an agreement to make your marriage null and void. You were willing to spend another fortune just to find your fake bride. I can't believe how my son turned out to be an idiot!... Just how crazy can you be?" Mula sa paniningkit ng mga mata ay pinanlakihan siya ng mata ng kaniyang ama. "Crazy enough to find my father's happiness! Here's your idiot son who would spend a fortune to bring back your lost priceless treasure!" Hindi na niya itinago sa ama ang naramdaman niyang disappointment. Pinanghinaan na siya ng loob na matupad ang nais niyang mangyari.
The roar of a wide-open throttle woke him up. Kunot ang noong kinapa ni Harry ang kaniyang relo. Lalong kumunot ang kaniyang noo nang makitang pasado alas dos pa lang ng madaling-araw. “Really?” Babalik pa sana sa pagtulog ang binata nang marinig ang pagkatok at pagtawag ng kaniyang ama sa may pinto. “Get up, boy! Your fiancee is already warming up her bike. Don’t be a lazy ass there!” ‘Who said I’ll be up at this hour?’ Antok na antok pa siya. Wala siyang nagawa kundi ang magbihis at ayusin ang sarili. Feeling niya ay kailangan niyang itayo ang bandera ng kanilang angkan kaya titiisin niya ang antok at pagkainis. Sino ba naman ang matutuwa kung sunod-sunod na ingay ng malaking motorbike ang gigising sa mahimbing na pagkakatulog? He practiced
NOT EVEN IN HIS WILDEST DREAMS ang sumakay sa isang kalabaw, lalo na at tila galing pa ito sa bathing session sa maputik nitong pool. Pakiramdam ni Harry ay pinagtatawanan siya ng mga tao habang tila masayang pumaparada sa kalsada ang kalabaw habang sumusunod ito sa kaniyang owner na sakay naman ng isang kabayo. “Does this thrill you so much?” She was amused and he fumed, his emotions scattered by her schemy acts. Wala kasing taxi sa lugar na ito, at ayon kay Jemima ay walang tricycle na pumapasok sa sitio nina Jemima. Takot daw ang mga driver dahil malapit ang bahay nila sa camp ng lawless elements. “Bakit hindi na lang ako nag- backride sa kaniya?” Itinuro niya ang lalaking sakay ng kabayo sa kaniyang unahan. “Nangingilala ang kabayong iyan, baka masipa ka pa. Huwag kang malikot, ihuhulog ka niyan kapag mainis iyan sa iyo,” she giggled, not hiding her emotions. “Is this your ally? I won’t be surprised kung warfreak din siya.” N