Share

Chapter 3 - Kasunduan ng Kalaswaan

Chapter 3 - Heart

Naghihintay ng tawag si Heart alas singko na ng hapon sa loob ng apartment, pero wala pa rin. Para na siyang pusang di mapaanak sa kinatatayuan niya. Sumisilip na rin siya sa bintanang kahoy at tinatanaw ang daan, baka sakaling may maligaw na mamahaling Nissan Calibre sa harap ng gate nila, na pag-aari ni Vandros.

Hindi na siya matahimik habang hawak ang kanyang cellphone. Paroon at parito siya, uupo at tatayo, saka maglalakad na namang muli.

Walang humpay ang pagsulyap ng dalaga sa orasan. Pakiramdam niya ay ang bilis ng takbo ng oras. Panay ang lagitik nito sa tainga niya, sabay sa puso niyang kumakabog.

Malayo ang isip niya, nakatuon sa amang hindi niya alam kung ano na ang sitwasyon sa mga sandaling iyon. Ang isip niya ay negatibo na. She has stupid imaginations, that her father is already dying.

Napatigil siya at napahikbi. Baka nahihirapan na ang Tatay niya.

Diyos ko. Napatakip si Heart sa mukha niya gamit ang sariling mga palad. Hindi tama ang mga nai-imagine niyang senaryo sa utak niya. Mali. Mali na mag-isip siya ng ganun. Ang dapat niyang isipin ay magiging maayos ang Tatay niya at maoperahan sa puso. Magsasama pa sila ng matagal na panahon sa mundo. Makikita pa nun ang mga apo sa kanya, ang mga apo sa mga kapatid niya. Mag-aalaga pa yun ng mga bata at magsasaka ng matagal na panahon. Magkakaroon pa yun ng sariling bukirin at pataniman ng mga gulay.

Makikita pa nun na makakapagtapos siya ng pag-aaral. Marami pang masasayang mangyayari.

Sir Vandros… piping usal niya nang bigla na lang mag-ring ang cellphone niya, kasabay ng malakas na vibration.

Agad siyang napatuwid ng upo at halos mabitiwan niya ang aparato dahil sa sobrang pagmamadali.

It was an unknown number. Susko. Iyon na nga siguro. Dali-dali niya yung sinagot.

She made sure that her phone was fully charged. Hindi niya matawagan ang Nanay niya dahil wala pa naman siyang sasabihin. Gusto niya, tatawag siya ay kapag sasabihin niyang paoperahan na ang kanyang ama.

"Hello, s-sir Vandros?" Agad niyang bungad sa nasa kabilang linya kahit hindi niya sigurado kung si Vandros na nga.

"Seems like you're really expecting my call, Heart," malat na boses nun kaya napatango siya kahit na wala naman ito sa harap niya.

Daig pa niya ang mamamataying dahon ng kamote pero nabuhay nang marinig ang boses ng among inaasahan niyang makatutulong sa kanya.

"Opo, sir. Kanina pa po," aniya.

Hindi niya itatago rito ang katotohanan. Hindi na siya magpapaka-iporkrita. Kahit siguro alukin siya nitong tulumulay sa sinulid habang lumululon ng apoy ay gagawin niya.

That's how much she loves her father. She is willing to do everything for her family. Naalala naman kasi niya na noong bata pa siya ay hindi naman siya pinabayaan ng kanyang mga magulang, lalo na sa tuwing nagkakasakit siya. Kahit na wala silang pera, parati siyang ipinagagamot ng mga iyon.

Now that her parents are old and the situation already twisted, she'd do the same thing they did for her. Yun ang kanyang misyon bilang anak, gantihan ang kabutihan ng kanyang mga magulang lalo na ang di matatawaran na pag-aaruga ng mga iyon sa kanya. Oo, mahirap sila pero nagmamahalan sila na sobra.

"Meet me so we can talk personally. You have to sign something," ani Vandros sa kanya.

Sign? Ibig ba nun sabihin ay may kontrata na siyang pipirmahan? Magkakaroon na ba siya ng sideline?

"Saan po, sir?" Agaran na tanong ni Heart. Wala siyang pag-aalinlangan. Iisa ang focus ng isip niya, ang operasyon ng ama.

"I'll text you the address. Mag-taxi ka na lang. Give me an update. Ako na magbabayad ng pamasahe mo."

"Papunta na po ako," sabi niya saka mabilis na kumilos.

Nawala na si Vandros sa linya kaya diretso siya sa kwarto nila ni Gigi. Nagmamadali siyang nagsuot ng pantalon pero hindi na siya nagpalit ng pang-itaas.

When she went out, she almost ran to the stairs. Kaagad siyang tumakbo sa gate at kahit na papakagat na ang gabi ay balewala sa kanya.

"Huy," agaw atensyon ni Franco sa kanya.

She immediately looked at the man and found herself speechless. Dala nito ang isang maliit na plastik. Parang bumili ito ng ulam sa may kanto.

"Nagmamadali ka."

"O-Oo e, para kay Tatay," inayos niya ang pagkakasukbit ng bag saka isinara ang gate.

Wala pa ang mga kasamahan niyang waitress. Hindi pa nagsisipag-uwian. Alam niyang marami talagang customer sa restaurant kapag pagabi na, kaya hindi talaga naiiwanan basta-basta. Ang kinauuwian nun ay overtime.

She likes overtime. Nasa one hundred fifty pesos din kasi ang overtime per hour. Kung pwede lang sana siyang mag-overtime ngayon ng sampung oras ay gagawin niya.

"Gusto mo bang samahan kita?" Tanong ni Franco sa dalagang nagmamadali pero iling at kaswal na ngiti ang ibinigay niya ritong sagot.

Hinabol pa siya nito ng tingin nang mag-umpisa siyang maglakad. Kaoag ganung oras ay madalang na ang taxi sa lugar na yun. Lalabas sila dapat sa may highway para makakuha ng masasakyan. Ilang lakad lang naman yun, baka dalawang daang metro lang naman ang layo ng apartment sa labasan.

Habang naglalakad ay hawak niya ang phone, pasilip-silip dun. Hindi alam ni Heart kung bakit kailangan pa niyang silipin yun ay naka-on naman ang kanyang vibration.

She's nervous at the same time, excited. Hindi siya pumara kaagad ng taxi dahil wala pang text si Vandros.

Tumigil na muna siya sa may Pambansang karenderiya at doon naghintay. Nakatunganga siya sa screen ng kanyang cellphone at halos orasyunan na niya para mag-text ang manager niya.

Maya-maya ay may pumasok na text. Nauna na naman na kumabog ang dibdib niya kasya sa pag-unlock ng peste niyang cellphone. May depekto na kasi ang screen nun at pinagti-tyagaan na muna niya kasi pwede pa naman. Nagha-hang lang talaga madalas lalo kapag inio-open ang camera.

Sir Vandros: Montesalvo hotel, room 109.

Diyos ko!

Ramdam niyang nanlamig siya. Bakit nasa hotel si Vandros? She composed a message immediately.

Heart: Bakit po sa hotel?

Vandros: lol. I work here.

Buti naman.

Halos mapakamot siya sa ulo dahil sa katangahan niya. Nakakahiya pa. Ano naman palagay niya? May interes sa kanya si Vandros?

Pumara kaagad siya ng taxi at nang may tumigil ay agad siyang sumakay. Sinabi niya sa driver ang pupuntahan.

ANG laki ng binayaran niya, nasa three hundred pesos. hawak niya ang resibo pero wala roon ang atensyon niya, nasa hotel. Montesalvo hotel, ito ay pagmamay-ari rin ni Carmen Montesalvo. Manager din siguro rito si Vandros, naisip niya.

"I.D., Ma'am," anang security guard sa kanya.

Agad naman niyang kinalkal ang bag. Kung alam lang niyang hahanapan siya ng identification card, sana ay isinuot na niya sa leeg kanipa pa.

"No need to," a manly voice inside the lobby.

Tumingin kaagad dito si Heart. Si Vandros.

"Get in," tango nito sa kanya kaya naman hindi na siya nag-atubili pang sundin ang utos ng amo sa kanya.

She gets in.

"Hindi kita inabot. Magkano ang bayad sa taxi?" Tanong ni Vandros kaya iniabot niya nang tahimik ang resibo rito.

He looked at it for a while when they entered the lift. Pakiramdam niya ay tinatakasan siya ng lakas ngayon.

"I'll give it later," sabi ni Vandros kaya tango na lang ang isinagot ni Heart.

Nang lumabas sila sa lift ay sumunod lang siya rito kung saan ito papunta.

"Dito na lang tayo sa suite ko kasi kapag sa office ko sa baba, maraming makakakita sa'yo."

"S-Sige po, sir," tango ulit niya.

Vandros stopped in front of room's door 109. He opened it for her and beckoned his hand for her to get in first. Atubili man ay pumasok siya pero hindi masyado.

"Go on. Maupo ka muna sa harap ng mesa ko."

Luminga siya. Nakita niya ang isang office table roon, malayo sa isang kama. She walked toward it and sat on the black chair. Kipkip niya ang bag sa kandungan. Sumulyap siya kay Vandros habang matikas na naglalakad papunta sa kanya.

He sat on his chair and smiled. Ngumingiti rin pala ito kapag wala sa restaurant.

Iniabot nito sa kanya ang five hundred peso bill, "for the taxi, and keep the change."

"Salamat po."

"You keep this a secret, Heart. Tanggapin mo man o hindi ang sideline na iaalok ko, gusto kong tayo lang dalawa ang makaalam nito. If this thing leaks out, ikaw lang ang pagbibintangan ko kasi wala nitong ibang nakakaalam. And you know the punishment. Trabaho mo ang mawawala. Wala naman problema kung hindi mo ito tanggapin, just go the usual. Parang wala lang tayong pinag-usapan at walang nang—"

"Kilala niyo ako, sir," agad niyang putol sa haba ng sinasabi nito. Humahaba ang oras at tumatagal ang Tatay niya sa ospital. She needs to hurry up.

"Wala kayong dapat ipag-alala. Alam ko po ang obligasyon ko. Ano po ba ang trabaho?" She asked directly to the point.

Nagkatitigan sila, "Virgin ka pa ba?"

Diyos ko.

Tumango siya.

Parang nahuhulaan na niya sa tanong pa lang nito. Tuluyan siyang tinakasan ng lakas. Gusto niyang umiyak. Magiging bugaw ba siya?

"W-Wala pa po akong nagiging seryosong boyfriend, s-sir. B-bakit po?"

"The offer is high. Hundred and fifty initial payment for one week. If he'll like your service, tuloy yun hanggang dalawang linggo, tatlo o isang bwan."

Nalaglag ang butil ng luha ni Heart. Gusto niyang manliit. Bakit ganun ang sideline na ibinigay sa kanya ni Vandros? Mukha ba siyang kaladkarin na babae?

She bowed her head to hide her tears.

"Don't get offended by this offer, Heart. Ito lang talaga ang hanap ng kakilala ko. Ikaw naman ang magdedesisyon kaya nasasa'yo kung tatanggapin mo o hindi. No hard feelings. Ganun lang. Turn it down and leave this place."

Tumingin siya muli rito matapos na payapain ang sarili. Matapang niya itong tiningnan kahit na basa ang mga mata niya ng luha.

"Tatanggapin ko po," pikit mata niyang sagot.

Tumango at ngumisi si Vandros.

"Here are the terms. Pakibasa, Heart."

Kinuha nito mula sa drawer ang papel at isinulong sa kanya. She accepted it and started to read it.

It seems like a contract. Terms and conditions yun at halos ngumanga siya matapos niyang basahin.

Tulog?

Magpapagamit siya ng tulog? Ano yun? May obsession kaya sa patay ang lalaking bumibili sa kanya kaya gusto ay magpatay-patayan siya?

Kung sabagay, pabor yun sa kanya dahil hindi niya malalaman ang mga pinaggagawa sa kanya. That's quite good.

"Tandaan mo ang mga bawal."

Tumango siya, "Saan po ang sign pen?"

Lihim siyang humugot ng malalim na hininga. Hindi na masama ang isandaang libong piso mahigit para sa pakikipagtalik.

Diyos ko.

As if naman napakasimpleng bagay nun para sa kanya. Iniingatan niya ang kanyang puri tapos ngayon ay pagkakakitaan niya? Anong klaseng babae na ba siya? Isa na siyang Magdalena.

Oo, Magdalena siya dahil siya ay sawing palad din.

She stopped herself from being mauled by her conscience.

Baka umatras pa siya, paano na?

"Aalis ka na sa apartment," ani Vandros nang iabot sa kanya ang sign pen.

Nabitin sa ere ang pag-abot niya nun dahil napakurap siya.

"Ikaw na ang bahalang gumawa ng dahilan kung bakit. Pwede ka naman pumunta roon. Your line should remain open anytime, anywhere. During daytime, you still have to work as a waitress but at night, you have to remain attentive for a notice from him. You will take a sleeping pill. You get me, Heart?"

Tumango siya, "Hindi po ako marunong uminom nun."

"Sa duktor. At the same time, you have to get your medical certificate that you're still a virgin. Ayaw niyang magkasakit. Bawal kang mag-boyfriend o magpagamit sa iba, Heart."

Tumango siya. Sino namang gagamit sa kanya?

"Work with the medical certificate and pack your things tomorrow. Sasahod ka pa rin kahit absent ka sa restaurant. Magkita tayo sa lobby dito at ihahatid kita sa bago mong tirahan. Mag-isa ka lang dun. Marunong ka naman magluto? Pwede ka naman um-order ng pagkain, wala ka naman babayaran. Sagot lahat ng boss."

Diyos ko.

Halos mapapikit siya nang ngumisi si Vandros. This is the real Vandros outside his formal suit. Nagbebenta ng babae ang manager niya. No. Hindi naman siguro. Baka kakilala nito ang 'boss' na sinasabi. The fact that Vandros calls that man 'boss' means that he was more superior than this guy.

Baka pangit na matanda iyon, malaki ang tiyan, pandak, may bigoteng pang Don Romantiko ang datingan, at malaswa.

Pumikit siyang muli nang itapat siya ang sign pen sa lugar kung saan siya dapat na pumirma.

Sana naman kahit pampalubag-loob ay may itsura naman ang gagamit sa katawan niya. Iyong hindi naman itsurang hunyango.

"Hindi ako nagbibenta ng babae, Heart. I just want to make it clear. This was the boss' demand. It just happened that you're in need. I just thought to myself, baka gusto mo."

Tumango siya. Gusto rin niyang sabihin na hindi naman siya bayarang babae pero bakit pa? Nobody cares, not even Vandros. Saka isa pa, sa pagtanggap niya sa trabahong ito, ano pa ba ang pagkakaiba niya sa mga bayaran? Dahil sa kagipitan sa pera ay tinanggap niya ang trabaho.

Sa isang banda, saan naman siya kikita ng one hundred thousand isang linggo lang? Halos isang taon na niyang sahod yun.

Nakita niya si Vandros na kumuha ng pera sa drawer. Inilapag nito ang bundle ng pera sa harap niya saka ipinasok sa sobre.

"One hundred fifty thousand, Heart. Cash ba ang gusto mo o mobile payment tayo? SCash?"

Tumango siya. Mas mabilis pa yun dahil kapag sa bangko ay baka mag-clearing pa at matagalan. Kahit ngayon na ngayon ay pwede niyang ilipat ang pera sa SCash.

"I'll transfer the money. Sagot ko na ang charge kapag pumirma ka na."

Tumango muli siya at gusto na naman niyang maluha. Awang-awa siya sa sarili pero mas naaaawa siya sa Tatay niya.

Pagkababae lang niya ang mawawala pero hindi ang buo niyang pagkatao.

Humugot si Heart nang malalim na hininga at saka pikit-matang pinirmahan ang kontrata ng kalaswaan.

All served!

Comments (11)
goodnovel comment avatar
Mercy Ares Obina
maganda ang kwento nakaka iyak, gusto ko magpatuloy pa
goodnovel comment avatar
Norie Aller
good story
goodnovel comment avatar
Misslyn Ferrer
maganda ang kuwento sana mabasa ko hanggang matapos
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status