Share

Chapter 4 - Kerokeroppi

Chapter 4 - Heart

PARANG nakahinga nang maluwag si Heart nang pumasok sa SCash wallet niya ang 75 thousand na paunang bayad sa kanya. Bukas na lang daw ang another 75K. Nasa sasakyan pa lang siya ni Vandros, para ihatid siya papauwi ay agad na niyang balak tawagan ang ina para maghanap ng mapapadalhan ng seventy-five thousand. Hindi niya alam kung may mawi-withdrawhan pa iyon sa ganitong oras. Kailangan na niyang mapaoperahan ang ama.

They have to hurry. Lumilipas ang sandali. Habang tumatagal ay nagiging kritikal lalo ang lagay ng kanyang ama.

"Heart…" ani Vandros sa kanya kaya napatingin siya sa amo.

"Po?" Malungkot ang mga matang tunghay niya rito.

"Why don't you ask the doctor if it's still possible for your father to be transferred here? Philippine Heart Center, you know? Ang five hundred thousand ay pwede niyong mapababa up to two hundred. That's a big difference. Kaunti na lang ang kakailanganin mong pera. Kakausapin ko si Senyora Carmen, baka payagan kang mag-salary deduction."

Nawalan ako ng imik. Maganda yun kaya lang paano kung hindi na kayanin ng Tatay niya? Natatakot siya kaya yumuko na lang siya sa kawalan niya ng isasagot.

"You will not risk his life. You have to talk to the doctor and ask him everything you need to know. Come to think of it, Heart. Yung limandaang libong piso kapag hindi mo nailabas ang Tatay mo, hindi lang yun basta ganun. Aabot yun ng milyon, mas lalo kang mahihirapan."

Kahit na sampung beses niyang ibenta ang kanyang sarili ay hindi siya kikita ng milyon. Baka mauna ng maagnas ang matris niya sa dami ng lalaking gagamit sa kanya, hindi pa siya bayad sa ospital.

Muli na naman siyang umiyak.

"Call your mother."

Tumango si Heart. May punto si Vandros. Kung kaya pa ng Tatay niyang madala sa Maynila, bakit hindi? Makakatipid sila.

"K-Kung sakali, sir, pwede po ba silang tumuloy sa apartment?" Tanong niya habang nakatingin na direkta sa mukha nito.

Saglit itong sumulyap sa kanya, "May paupahan ang lola ko, old house yun. Pwede silang tumira ng libre. Sagot ko na. Tulong ko sa inyo."

Lalo siyang naiyak habang nakangiti, "S-Salamat po, sir."

She dialed her mother's phone number.

"Hellow, anak…" boses iyon ni Lumeng, garalgal at umiyak na kaagad kaya ganun na rin ang nangyari sa kanya.

"Nanay…" agad na umiyak si Heart nang marinig ang boses ng ina niya sa kabilang linya.

"Bakit ngayon ka lang tumawag? Hindi na namin alam ang gagawin dito. Gusto ng umuwi ng Tatay mo at maghintay na lang dun ng mga araw niya," anito at ramdam niya ang pagpiksi nito sa kabilang linya.

"Kung pwede ko lang isanla ang sarili ko, ginawa ko na, anak. Hindi ko na alam. Ayokong sabihin pero nawawalan na ako ng pag-asa. Kayong magkakapatid ang nahihirapan sa lahat ng ito."

"Nay…" aniya saka pilit na kumalma pero kusang umaalpas ang mga hikbi niya kaya napailing siya.

Sa sulok ng mga mata ng dalaga ay alam niyang sinusulyapan siya ni Vandros.

"Nay, gusto kong makausap ang duktor ni Tatay," sabi niya, "Baka pwede pa siyang ibyahe papunta rito sa Heart Center. Mas makakatipid tayo, Nanay. Hindi…" lumakas ang hagulhol niya kaya siya na naman ang ginaya ni Lumeng.

Naggagayahan lang silang mag-ina.

Susko. Hindi na niya alam kung saan pa siya kukuha ng pandugtong sa one hundred fifty thousand. Wala na siyang mapagkukunan.

"Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera, Nay. Meron na akong seventy-five thousand. One hundred fifty thousand ito lahat, Nay kaya lang hindi ito sapat. Kulang na kulang ito. Hindi ko kaya ang limandaang libong piso. Gusto kong dito siya operahan para sigurado tayong kakayanin natin ang gastos. Gagawa ako ng paraan."

"S-Sandali, anak. Hahanapin ko si Duktor Bueno. Sandali. Huwag mong iha-hang ha. Sandali lang, anak. Lumakas ako ngayong tumawag ka. Susko, di ko alam paano kung wala ka, anak," nagda-drama pang iyak ng Nanay niya kaya todo labi ang dalaga.

Kukurap-kurap siya habang nilalaro-laro ng isang daliri ang palawit sa bag niya. Iyon ang kanyang pampakalma, ang balahibuhing daga na si Quickie. Senior high pa lang siya ay nasa bag na niya iyon. Padala iyon ng tiyahin niyang nasa Japan, na ngayon ay galit na galit na sa Tatay niya dahil sa nawalang lote sa urban poor.

Ninakaw daw ng Tatay niya ang twenty-five thousand na pambayad sa lupa. Kasalanan ba nilang mapeke sila ng ahente? Sa pagkalaalam nila ay matinong kausap ang Mrs. Gold na yun. Gold kasi Guinto ang apelyido, japeyk pala. Dinenggoy nun ang pera kaya galit na galit ang Tatay niya. Mula noon ay wala na silang komunikasyon sa tiyain niyang nakapag-asawa ng Hapon.

Hindi rin sila hihingi ng tulong doon. Sila pa nga ang sinisingil kahit na hirap na hirap na sila sa buhay. Ang masama pa, kahit ang mga naitulong sa kanila noong panahon ni Kupong-kupong ay isinasama pa sa pagku-kwenta.

"Anak, hellow, anak…" umere ulit ang boses ng Nanay niya kapagkuwan.

"Nandito pa, Nanay," mahinang sagot niya.

"Nakita ko na si Duktor. Duktor, magandang gabi po. Gusto po kayong makausap nitong anak ko. Nasa telepono po."

"Hello?"

"H-Hello po, doc," aniya, "Good evening po."

"Good evening, iha. Anong maipaglilingkod ko?"

"D-Doc. Hindi ko ho kaya ang f-five hundred thousand, Doc. Prangka ko na pong sinasabi kaya gusto ko po sana ay dito sa Maynila operahan si Tatay, k-kung kaya pa ho niyang ibyahe."

"Well, kailangan na niyang operahan asap. Hindi ko siya pinauuwi dahil delikado. Naninilaw na ang tatay mo, iha. Bumabara na ang mga plaques niya sa mga iba't ibang daluyan. Magkakaroon na siya ng maraming komplikasyon. Kung sa pagbiyahe, pwede pa naman. Your mother has to sign a paper. Naiintindihan ko ang sitwasyon niyo."

"S-Salamat po, duktor."

"Ihahanda ko na ang papel kung talagang diyan siya sa Maynila."

"Opo, doc!" Bulalas niya saka siya tumingin kay Vandros.

Ngumiti ito sa kanya. Lumaki bigla ang pag-asa niya. Nabuhayan siya ng loob dahil sa sinabi ng duktor.

"Hellow, anak," boses iyon ulit ng nanay niya.

"Magpapadala ako ng pera, Nay. Sa ambulansya niyo na lang isakay si Tatay. Iiwan niyo na muna ang kambal kina Tiya Juanna."

"Oo, oo, anak. Salamat anak ko," muli na naman itong umiyak.

"Wag na Nay. Sige na, mag-asikaso na kayo. Tingnan niyo kung bukas pa ang remittance d'yan, Villarica, 'Nay. Kunin niyo ang number para mai-send ko kaagad. Basta sabihin mo magpapadala ako ng pera galing sa SCash."

"Oo, oo anak."

"Babye na, Nanay. Mag-ingat kayo ha."

"Oo, anak. Salamat talaga, anak ko. Pasensya ka na. Babay na."

Pinatay niya ang tawag.

"I think it was positive," ani Vandros sa kanya kaya napasulyap siya rito.

Tumango si Heart. Natanaw na niya ang karenderiya.

"Sa kanto na lang po ako, sir. Maaga pa naman po, marami pang tao sa labas."

"You sure?"

"Opo, sir. Sobra-sobrang pang-aabala ko na po ito sa inyo. Salamat po ulit, sir," sabi niya rito.

Abot hanggang langit ang pasasalamat niyang iyon kay Vandros. Dahil dito, may biyayang dumating para sa Tatay niya. Masama man ang panggagalingan ay hindi na yun mahalaga.

Tango ang isinagot ng amo niya saka nito itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Bumaba roon kaagad si Heart pero kung anong swerte nga naman na si Gigi ang nasa tabi ng sasakyan, nakatingin talaga roon dahil kilala nito ang sasakyan ni Vandros. Sino bang hindi makakakilala sa sasakyan ng Manager nila?

Nagkatinginan silang magkaibigan pero ngumiti pa siya sa hindi nakikitang amo nang bumusina iyon, bago umalis.

"Hoy, babae," agad na bulong ni Gigi sabay hila sa baywang niya, "Ano yun?"

Siya ang umabot sa ulam na binili nito dahil hindi na nito yun iniintindi. Nagma-Marites na ito sa buhay n'ya, porke hinatid siya ng sasakyan na milyones ang halaga.

"Bakit ka hinatid ni sir? Saan kayo galing?"

Yakap ni Heart ang bag nang mag-umpisa silang dalawa na maglakad. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya rito ang bago niyang sideline, pero kapag hindi niya sinabi, alam niyang mag-iisip din si Gigi. Kilala nila ang likaw ng mga bituka ng bawat isa, dahil mga bata pa lang sila ay magkaibigan na sila. Wala silang lihim sa isa't isa.

Oo, nagkaroon siya ng ibang kaibigan noon dahil hiwalay sila ng eskwelahan ni Gigi, pero ito pa rin ang kaisa-isang tao na hindi siya naaalangan na magkwento.

Alam niyang hindi siya nito idadaldal.

"Gi, aalis muna ako dito."

Tigalgal ito at napatigil pa sa paghakbang kaya tumigil din siya.

"Diyos miyo. Anong klaseng desisyon 'yan? Saan ka naman pupunta?"

"May sideline ako," sabi niya sa pinakamahinang boses niya.

Makahulugan ang titig nito sa kanya. Eto na nga ang sinasabi niya. Hindi pa man lang ay may tamang hinala na ito kaagad sa kanya.

"Anong side line?" Hindi bumibitaw ng titig si Gigi sa mga mata niya kaya hindi siya nakasagot, "Sa hulma pa lang ng mukha mong walang kasingganda, alam ko na. Diyos ko, kay Sir Vandros na tuod?"

"H-Hindi…" agad niyang sagot.

"E kanino?"

"Hindi ko kilala. Walang makakaalam nito. Ito lang ang alam kong paraan para makaligtas si Tatay, Gigi. Wala na akong makakapitan. Alam na alam mo 'yan dahil kabisado mo ang buhay namin," nanginig ang boses niya at nakita niya ang awa sa mukha ni Gigi.

Inakbayan siya nito at saka siya niyakap, "Naniniwala naman akong hindi ka ipapahamak ni sir. Tuloy pa rin ang tulong namin para kay Tatang. Napag-usapan na namin kanina."

"Salamat. Nalulungkot ako kasi aalis ako sa apartment pero pansamantala lang."

"Susko. Mag-ingat ka, Heart. Ang hirap maging pobre."

"Sinabi mo pa," sang-ayon niya sa kaibigan pero ayaw na niyang isipin ang pagiging bugaw niya. Papunta ng Maynila ang mga magulang niya para sa operasyon.

"Di paano?" Tanong pa ni Gigi sa kanya nang magbitaw silang dalawa.

"Mag-iimpake na ako ngayon dahil bukas daw lilipat ako ora mismo. Walang alam sina Nanay dito, Gi."

"Malamang. Baka mag hesterical ang mga yun mula Albay hanggang Makati," sabi nito na kahit ekspresyon ng mukha ay nakakatawa.

Nagkatawanan silang dalawa tapos ay biglang sumeryoso.

"Sana naman ay maayos ang lalaking yun, Heart."

"Siguro naman," buntong hininga niya sabay tingin sa malayo.

"Ako na ang bahala sa mga kasamahan natin. Ako na ang magpapaliwanag sa pag-alis mo. Sabihin na lang natin ay sasamahan mo sina Tatang sa tutuluyan nila dito."

Tumango siya at ngumiti, "Salamat, Gi."

"Sus, tayo pa ba? Lahat ng tulong gagawi ko para sa'yo. 'Wag lang pera at wala ako nun."

Nagkatawanan muli silang dalawa.

Pagdating nila sa gate ay nasa labas si Franco, naninigarilyo, kaharap ang ibang mga boarders sa inuupahan nun.

"Nand'yan na pala si my loves mo, Franco," si Mario ang nagsabi nun.

Hawak nun ang isang bote ng beer, na agad naman natingnan ng dalaga.

Hindi talaga pwedeng magharap ang mga ito nang hindi humahawak ng mga bote ng alak.

Tiningnan lang ni Heart ang mga iyon at nginitian pero tuluyan na rin siyang pumasok para mag-asikaso.

"Ay inisnab si Franco!" Pambubuska ng isa sa mga lalaki roon kaya nagsipagtawanan ang mga yun.

"May problema si Heart kaya 'wag niyong inaasar," inis na sagot ni Gigi sa mga yun.

"Hindi naman inaasar, binibiro lang. Huwag lang pikon, Gigi. Hindi ka naman si Heart. Malayo siya sayo," sagot din ni Franco na ikinairita niya.

Pasimpleng insulto yun sa kaibigan niya at ayaw niya ng ganun. Kahit na maganda siya, ayaw niyang maririnig na ikinukumpara sa kanya ang iba.

"Gi," tawag niya sa kaibigan na may kasamang tango.

Sumunod naman kaagad yun sa pagpanhik sa itaas ng bahay.

"Mga bwisit talaga. Wala na ngang maitulong, nang-aasar pa," inis na lintanya ng kaibigan niya habang mabibigat ang mga paa na pumapanhik sa hagdan.

Kaya nga ba hindi niya magustuhan si Franco kahit na anong mangyari. Naiinis din siya sa karakas ng lalaki na parang ang hangin, wala naman ipagmamalaki. Para bang ang importante lang dun ay hinahabol yun ng mga kababaihan dahil daw magaling sa kama at malaki ang k*****a.

Bakit? Mapapakain ba nun ang mga magiging anak nila kung sakali? May trabaho naman si Franco kaya lang may bisyo ang lalaki at sobra rin makahithit ng sigarilyo. Malamang ay isang kaha ang nauubos sa maghapon.

"Inaalok ako nun ng ipon niyang twenty-five thousand."

"Diyos ko! Tinanggap mo?!" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Gigi sa kanya.

Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Hindi pa man lang niya sinasabi ay parang sasabunutan na kaagad siya.

"Hindi ko tinanggap."

"Buti naman. Mamaya kung ano pang kabayaran ang kunin nun bwisit na yun. Kala mo naman kagwapuhan," irap pa ni Gigi.

Alam niyang nasasaktan ito kapag ikinukumpara sa kanya pero kilala niya ito. Hindi ito naiinggit kapag sinasabihan siyang maganda. Mabait itong kaibigan at karamay niya ito sa lahat ng problema niya.

"Mag-ingat ka na malaman nun ang sikreto mo. Susko, Heart."

"Oo, alam ko," sagot niya kaagad dito.

"Halika na. Tutulungan kitang mag-ayos ng gamit. Kumain muna tayo. Bumili ako ng laing sa karenderiya para naman makatikim tayo. Nakaka-miss na ang Bicol, Heart."

"Sinabi mo pa. Kung yumaman na tayo, umuwi na tayo dun para ang laing, pinupulot lang sa likod bahay, hindi kailangang bilhin."

"True!"

Bagsak ang mga balikat na dumiretso sila sa mesa. Lumilipad pa rin ang isip niya hanggang sa mga sandaling yun. Saglit lang na nauukupa ng ibang bagay pero bumabalik pa rin sa katotohanan. Katotohanan na mahirap takasan.

Hindi niya alam kung paano niya papayapain ang sarili.

She's now a whore. Sooner or later, she'll get dirty. A stranger will feast upon her body.

Kahit ilang ulit niyang sabihin na okay lang, hindi pa rin okay. Sana na lang, sa paglipas ng araw at kalaunan ay matanggap na niya.

Hindi na siya babalik sa ganung deal kahit na kailan. Wala lang siyang makapitan kaya natuto siyang kumapit sa patalim.

Sana naman kahit kaunti ay lamang ng isang tabo kay Franco ang kagwapuhan ng lalaking bumili sa kanya.

Sa lagay na yun ay nakapag-request pa talaga siya ng pogi.

Tumingin si Heart sa buong apartment. That served her home for more than a year already and her workmates were like her family members. Mahirap na iwan ang mga ito pero pansamantala lang. Hindi yun magtatagal. Lilipas din ang isang linggo o dalawa. Babalik na siya sa normal.

Babalik ang masayahin na Heart Chavez.

MAG-INGAT ka. Nasa trabaho na kami. Text-text na lang ha. Huwag kang makakalimot. Mahal na mahal ka naming lahat.

Isinara ni Heart ang sulat ni Gigi na iniwan sa may bedside table.

Kagabi ay nagkaiyakan sila dahil sa saglit niyang pagkawala roon pero walang magagawa.

Sumulyap siya sa relo matapos na itago ang papel sa bag n'ya pero ang cellphone niya ay wala ng humpay sa pag-vibrate.

Tuluyan na nawala ang antok ni Heart sa nakikitang pangalan sa screen niya. Si Vandros.

Agad niyang dinampot ang aparato para sagutin.

"S-Sir Van."

"Saan ka na? Bumaba ka na. Nandito ako sa tapat. May meeting ako Heart. Isiningit ko lang ang appointment sa'yo."

Susko!

Kulang na lang ay liparin ng dalaga ang salamin. Hindi pa man lang siya nakakapaghilamos.

"I'll give you five minutes, Heart."

Para siyang trumpo na umikot. Dinampot lang nya ang traveling bag at ang paper bag na may mga tsinelas at sapatos.

She just wiped her eyes and breathed on her palm. Napasimangot siya. Amoy hininga.

Malamang. Alangan naman na amoy perfume ang bunganga niya. Mas mabuti ng amoy hininga lang ang bibig kaysa naman amoy utot.

Bahala yun si Vandros na mamatay sa amoy ng bibig niya. Ang usapan nila ay alas diyes pero bakit naman alas syete pa lang ay nariyan na?

She ran downstairs and ran to his car. Mabilis pa sa alas kwarto ang kilos niya at nang makasakay siya ay tigalgal ito sa itsura niya.

"You just woke up?"

"Halata po ba?" Tanong niya habang nakatakip sa bibig.

Humalak ito at umiling, "Jesus. I'm sorry. Ipinatatawag ako ni Lola Carmen. I can't let that woman wait. May kailangan tayo sa kanya kaya hindi pwede na balewalain ko ang tawag niya. Same as you, tatakbo ako sa patawag nun kahit siguro naka-briefs lang ako."

Agad na tumingin si Heart sa ibaba niya. Hindi naman siya nakapanty. Maikli ang short niyang cotton ang tela pero sa huling pagkakaalam niya, hindi yun panty.

Pinausad nito ang sasakyan kaya naman napahawak na lang siya dahil parang kahit medyo hindi patag ang kalsada ay gusto nitong paliparin ang pickup.

Hindi naman ito nagmamadali, slight lang.

Maya-maya ay may kinuha ito sa compartment at inilapag sa kandungan niya. It was a white envelope.

"Eighty-five thousand pesos. Yung sampung libo, allowance mo raw. Mamaya ka na mag-asikaso ng certificate mo."

Tumango siya habang nakatingin sa envelope.

"Ihahatid muna kita sa condo. Doon ka pupuntahan ni Boss."

Napalunok siya. Wala siyang masabi. Sa tuwing binabanggit ang boss ay nahihintakutan siya at iisa ang itsurang pumapasok sa kanyang batang isip.

Hayok sa laman ang matandang bigotilyo na pandak at malaki ang tyan.

Baka mas dapat na niyang paikliin yun. Baka yun ay si Mister Kerokeroppi.

MM16

hello po. keep on reading and feel free to leave your comments po. thank you.❤️mm16

| 7
Komen (50)
goodnovel comment avatar
Norie Aller
nice sana matapos q
goodnovel comment avatar
Laura Salamanca Sordoncillo
nice noble
goodnovel comment avatar
alee
I'm excited
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status