SINUBUKAN nitong pakalmahin ang sarili ngunit nanatiling mabigat ang mga yapak ni Nicole habang naglalakad sa tabi ng asawa.Ramdam niya ang mga matang nakapako sa kanilang dalawa habang papasok sa mansyon ng mga Saavedra ngunit binalewala niya iyon. Walang ibang laman ang isipan ni Nicole kung hindi ang kagustuhan nitong maibigay ang regalong hawak bago pa man siya maunahan ni Ella."Nicole? What's wrong?" tanong ni Noah pagkatapos siyang lingunin.Umiling lamang ito saka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng asawa."Ha? Wala naman, Noah. Hindi ko lang inasahang mas marami palang bisita ang Lolo Arman ngayong birthday niya."Kimi siyang ngumiti para kumbinsihin itong 'yon lamang ang dahilan sa likod nang pagiging balisa niya, kahit ang totoong dahilan sa likod n'yon ay ang mga bagay na paulit-ulit na gumugulo sa kaniyang isipan."Is it my fault?" mahina nitong tanong saka bumuntong-hininga. "Dahil ba sa ginawa kong pagha—" Mabilis siyang umiling para huwag nang matapos ni Noah
Napailing si Noah at napabuntong-hininga. Kapagkuwan ay napasulyap ito sa kaniyang direksyon na tila ba may gusto itong sabihin."What do you mean, Ella?" ani Lolo Arman saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa.Lihim siyang napahugot ng malalim na hininga. Maari bang magpaalam muna siya papuntang rest room nang sa gano'n ay tapos na ang usapan sa pagbalik niya?Ayaw na nitong dagdagan pa ang bigat na nararamdaman sa kaniyang dibdib at baka mamaya ay higit pa sa luhang pinakawalan ni Noah ang kumawala sa kaniyang mga mata. Wala rin naman itong balak na magmukhang kawawa sa harapan ng mga bisita ni Lolo Arman kapag sinabi na ng asawa ang malungkot na balita tungkol sa kanilang magiging annulment.Ramdam nitong sinusubukang itago ni Ella ang tuwa ngunit mahahalata pa rin 'yon sa kinang ng mga mata nito. Para bang may balak pa itong gawan siya ng mahabang farewell message oras na malaman ng mga Saavedra ang malungkot na balita."Let's talk about it some other time, Grandpa. It's your b
Huminga siya nang malalim saka mabigat ang kalooban na nagtungo sa dessert section pagkatapos makatanggap ng mahabang katahimikan mula kay Noah. Inasahan niyang may sasabihin man lang ito sa naging tanong niya ngunit ilang minuto lamang silang nagkatitigan. 'Ano ba talaga ang nangyayari, Noah?' bulong niya habang nasa harapan ng chocolate fountain. Hindi nito malaman ang dahilan kung bakit nangingilid ang luha sa mga mata habang iniisip ang mga sekretong tinatago ng asawa magmula nang bumalik ang dati nitong kasintahan. Ang dahilan sa pagkakalumpo ni Ella, ang gaganaping physical therapy at marami pang iba. Hindi naman siguro masamang malaman niya ang mga bagay na 'yon bago siya maglaho na parang bula sa buhay nito, hindi ba? Humigpit ang pagkakahawak niya sa puting ceramic plate na hawak saka mariing ipinikit ang mga mata. Gusto niyang balewalain na lamang ang nalaman at pilitin ang sariling huwag nang manghimasok sa buhay ng asawa ngunit kaagad din siyang napamulat nang
"Are you okay, Nicole?" untag ni Noah na tuluyan nang binasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Gustuhin man nitong sagutin nang maayos ang asawa ngunit awtomatiko siyang natahimik pagkatapos makitang lumapit ang wheelchair ni Ella sa kinatatayuan ni Noah.Parang kanina lang iniwan niya ito sa loob ng restroom kasama ang binitiwan nitong tanong tungkol sa kaniyang ipinagbubuntis. Mabuti na lang at napansin niyang kasama pala nito ang caregiver habang nakasandal ang wheelchair na kinaroroonan nito sa isang cubicle."Ayos lang ako, Noah. May nakain lang siguro akong nakapagpabaliktad ng sikmura ko," pagsisinungaling niya.Matiim itong tumitig sa kaniya saka napabuga ng marahas na hininga. "Kailangan mong maging maingat sa mga kinakain mo, okay? Last time allergy, ngayon naman sumama ang sikmura mo. Huwag na nating hintaying mas malala pa."Imbes na mainis ay napangiti lamang siya sa mahaba nitong sermon.Sinong mag-aakalang magagawang ipakita ni Noah ang concern na nararamdaman
Dahan-dahang iminulat ni Nicole ang mga mata ngunit bumungad sa kaniya ang kulay puting kisame na mas pinatingkad pa ng liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa kaniyang uluhan.Kasabay nang pagmulat ng mga mata nito ay nasilayan niya ang imahe ni Noah sa kaniyang harapan."Thanks goodness, you're awake!" sambit ng asawa na para bang nabunutan ng tinik nang makitang nasa maayos na siyang kalagayan.Sinubukan niyang bumangon sa kinahihigaan ngunit natigilan na lamang nang makita ang swero sa kanang kamay.Lalo lamang lumapit sa kinahihigaan niya ang asawa habang maaaninag na ang pangamba sa mga mata nito."Kumusta na ang pakiramdam mo, Nicole? May masakit ba sa'yo?"Tulala niya itong tinitigan."Anong nangyari, Noah?"Gumala ang paningin nito sa paligid at nakumpirmang nakahiga nga siya sa kwarto nilang mag-asawa. Mabilis tuloy nitong nahigit ang hininga dahil sa antisipasyong nararamdaman.Hindi siya dinala ng asawa sa hospital ngunit sapat na ang swerong nakakabit sa kaniyang kamay upang
Bumuntong-hininga si Nicole saka napatayo na lamang mula sa kinauupuan. Gustuhin man nitong hintayin na matapos ang katahimikang ipinapakita ni Noah ngunit mas lamang ang kagustuhan niyang protektahan ang damdamin at unahin ang kapakanan ng magiging anak nilang dalawa.Noah...Mas lalong nanikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito sa kaniyang harapan.Nananatili pa rin ang katahimikan ng asawa pero mahahalata sa ekspresyon ng mukha nito ang stress na nararamdaman.Halatang problemado si Noah. Pakiramdam niya tuloy ay may balak na naman itong ipaalala sa kaniyang hindi na magbabago ang desisyon nito sa kabila nang nalaman."Hindi mo kailangang panagutan ang batang nasa sinapupunan ko, Noah."Bumuntong-hininga siya habang nakatitig dito. Siguro naman mapapanatag na ito ngayong siya na mismo ang nagsabi na wala itong kahit konting responsibilidad sa dinadala."What are you talking about, Nicole?" mabilis na tanong ng asawa kapagkuwan ay napakunot ang noo. "I am the father. Of course
HAPPILY MARRIED...Walang ibang salitang pumapasok sa isipan ni Nicole upang ilarawan ang nararamdaman kung hindi 'yon lamang.Bakit? Dahil dalawang taon na silang kasal ng mabait at mapagmahal nitong asawang si Noah.Sadya mang naging mahirap at malubak ang pinagdaanan nilang dalawa sa umpisa ngunit masasabi niyang sulit naman ang lahat. Ni minsan ay hindi ito nagkulang sa kaniya at talaga namang naging espesyal ang bawat sandali na magkasama silang dalawa.'Yon din ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang pinag-isipan kung papaano sasabihin ang magandang balitang alam niyang maaaring makapagpatibay sa kanilang pagsasama.Marahil dumating na ang tamang oras upang tawagin nitong Mrs. Saavedra ang sarili nang walang halong pangamba.KINAUMAGAHAN, sa nanginginig at pagod na katawan ay napabuntong-hininga si Nicole na nag-iinit ang pisngi sa pinaghalong hiya at kilig na nararamdaman.Dahan-dahan niyang pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig at maya’t mayang natitigilan kapag naaalal
“I-ILAPAG mo na lang sa table ang document at pipirmahan ko mamaya," aniya sa asawa.“Sige, saka pwede bang ‘wag mo munang sabihin ‘to kanila lolo at papa? Sigurado kasing hindi papayag ang mga ‘yon sa annulment kung walang mabigat na dahilan,” saad ni Noah.Muling kinagat ni Nicole ang pang-ibabang labi. Gusto niyang mapahikbi ngunit hindi sa harap ni Noah. Kailangan niyang magpakatatag para kahit papaano ay may matira man lang kahit konti para sa kaniyang sarili.Sanay siya sa hirap kaya ang mga ganitong pangyayari ay kailangan niyang kayanin.Mula man sa ordinaryo at mahirap na pamilya ay maayos siyang napalaki ng ina na isang dating nurse. Habang ang ama naman niya ay sugarol at pasulpot-sulpot lang dahil sa dami ng pinagkakautangan.Kung susumahin ay wala talagang pag-asang magkrus ang landas nila ni Noah dahil sobrang layo ng antas ng kanilang pamumuhay.Ngunit nang maaksidente ang sinasakyan ng lolo at ama ni Noah na sina Arman at Ben ay isa ang kaniyang ina sa agad na sumaklol