Share

CHAPTER 6: UNWANTED TRUTH

SA KABILA nang magiging presensya ni Ella sa birthday party ng lolo ng kaniyang asawa ay pinaunlakan pa rin nito ang paanyaya ni Noah na magkasama silang bibili ng regalo para rito.

Kung noon ay walang mapagsidlan ang tuwa niya sa tuwing sabay silang naglalakad sa harapan ng maraming tao, ngayon naman ay sinasadya nitong magpahuli.

Mag-asawa man sila kung ituring ngunit malinaw na sa kaniya ang kasalukuyan nitong posisyon sa puso ni Noah.

Hindi naman siya tanga upang ipagsiksikan ang sarili.

"Why don't we look for a watch?" ani Noah kaya natigilan ito sa paglalakad.

Muntik pa siyang masubsob sa likod ng asawa dahil para siyang buntot na nakasunod dito magmula kanina.

Bilang at maingat kasi ang bawat hakbang na ginagawa niya mapanatili lamang ang ilang pulgadang distansya sa pagitan nilang dalawa.

"Hmm. Sure," sagot niya saka napatango na lamang.

Hindi materialistic ang lolo ni Noah kaya alam niyang matutuwa ito kahit hindi imported at mamahaling relos ang bibilhin nila para rito, but knowing her husband, alam niyang sa isang mamahaling jewelry and watch store ang punta nila.

Nanatili siyang tahimik habang naglalakad hanggang sa marating nilang dalawa ang pakay. Papasok pa lamang sila sa pinto nang marinig niya ang boses ng isang babaeng tinatawag si Noah.

Paglingon ay nabigla si Nicole nang makita si Ella, nakasuot ito ng kulay puting bistida habang nakasakay sa isang wheelchair.

Tulak-tulak ito ng isang babaeng nakasuot ng kulay asul na uniporme, na kung hindi siya nagkakamali ay kasambahay nito.

Hindi mabilang na mga katanungan ang pumasok sa isipan ni Nicole nang mga sandaling iyon.

Bakit naka-wheelchair si Ella?

Naaksidente ba ito?

Kung oo, bakit wala man lang siyang nabalitaan tungkol sa nangyari?

Saglit siyang natulala sa kinatatayuan hanggang sa lihim itong napabuntong-hininga. Wala naman itong galos sa kahit saang parte ng katawan.

Isa lang ang ibig sabihin...

Maaring matagal na itong naka-wheelchair.

Pagkatapos ay marahan siyang bumaling kay Noah. Gusto niya sanang magtanong dito ngunit nakalapit na ang mga ito sa kinaroroonan nilang dalawa.

“What are you doing here, Ella?” tanong ni Noah at saka lumapit upang ayusin ang kumot sa binti ng dalaga. “Hindi mo yata nabanggit sa aking dadaan ka ng mall bago ang party, baka mamaya lamigin ka dahil sa sobrang lamig ng aircon."

“Ayos lang ako, Noah. Alam mo namang sanay ako sa lamig,” ani Ella habang nananatili ang matamis na ngiti sa labi.

Parang may matalim na bagay na gumuhit sa dibdib ni Nicole. Mahapdi sa matang makitang nag-aalala ang asawa sa ibang babae.

“Bibili sana ako ng regalo para kay Lolo Arman, kayo ba?” dagdag pa ni Ella saka tumingin sa kaniyang direksyon.

“Kami rin,” tugon ni Noah.

Napaiwas siya ng tingin at nanatiling tahimik sa likuran ng asawa.

Bakas naman ang tuwa sa mukha ni Ella at napakapit pa sa braso ni Noah. “Kung gano’n ay pwede mo ba akong tulungang pumili ng maipangreregalo ko?”

“Oo naman,” sagot ni Noah na hinawakan pa ang kamay ng dalaga sa harap niya.

Binalingan ni Ella ang kasamang

babae. “Ely, pwede mo ba akong ibili ng fruit tea? Nauuhaw kasi ako ngayon,” utos nito.

Agad namang tumalima ang babae pagkatapos kunin ang inabot nitong cash.

Nang maiwan silang tatlo ay bigla siyang kinausap ni Ella, “Nicole, pwede mo ba akong samahan sa restroom?”

Nabigla naman siya at napatingin dito.

“Ako na lang ang magdadala sa’yo sa restroom, Ella,” saad ni Noah na ikinatawa nito.

“Ano ka ba naman, Noah! Girls restroom ‘yon, hindi ka pwede ro’n,” ani Ella.

Ayaw sana nitong pumayag ngunit wala naman siyang dahilan para tumanggi kaya kahit labag sa kalooban ay dinala niya sa restroom si Ella.

Maingat ang bawat hakbang na ginawa niya habang nakahawak sa wheelchair ng dalaga.

Nang nasa loob na ay pumagitna sa kanilang dalawa ang mahabang katahimikan hanggang sa hindi nagtagal ay binasag ito ni Ella.

“Ang bait talaga ni Noah at maalalahanin pa, lalo na pagdating sa akin," may halong kilig nitong sambit.

Lihim na lumalim ang gatla sa noo ni Nicole dahil pakiramdam niya ay nagtunog mayabang si Ella lalo na't hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang sinabi nito.

“Wala ka bang balak magtanong kung anong nangyari sa akin, Nicole? As you can see, lumpo na ako ngayon. Kaya ko pa namang kumanta sa harapan ng marami pero hindi na ang sumayaw,” patuloy pa nito.

Napatungo naman si Nicole at may lungkot na pinagmasdan ang kumot na nagtatakip sa mga paa ng dalaga.

Sa pagkakaalam niya ay miyembro ng isang teatro si Ella. At kaya ito umalis ay para ipagpatuloy ang pangarap sa isang malaki at kilalang teatro sa ibang bansa.

“Sorry, hindi ko nabalitaan kung anong nangyari sa'yo, Ella. Wala rin namang nabanggit sa akin si Noah.”

Pansin niyang napabuga ito ng marahas na hininga sabay iling.

“Of course, hindi niya talaga sasabihin dahil mahigpit na utos sa kaniyang huwag magsalita at huwag ipaalam sa'yo ang nangyari.”

“Utos? Anong ibig mong sabihin?” puno ng pagtataka nitong tanong.

“Hindi pa ba obvious? Alam ng lahat ang tungkol sa nangyari sa akin pero ni isa ay wala man lang nakapagsabi sa’yo? Kasi nga, utos ang lahat ng ito ni Lolo Arman. Ayaw niyang malaman mo ang buong katotohanan dahil gano’n ka kahalaga at ka-importante sa kaniya. Para sa lolo ni Noah, isa ka sa pinakamamahal niyang kapamilya."

Lihim nitong nahigit ang hininga. “Tapos ka na ba? Para makabalik na tayo,” pag-iiba niya ng usapan.

Pero napatunganga na lamang ito nang bigla na lamang siyang hinawakan sa braso ni Ella. Mahigpit iyon at sadya namang nakakakaba.

“Ano bang mayron ka na wala ako para tratuhin ako nang ganito? Bakit ganoon na lamang ka-protective si Lolo Arman sa’yo kahit sampid ka lang naman sa pamilya nila? Dahil ba niligtas ng nanay mo ang buhay nila, gano’n ba?”

Naramdaman niya ang sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Ella kung kaya pilit niyang inalis ang kamay nito.

“Ano ba, Ella. Bitawan mo ako!” may diin niyang sambit sa harapan nito.

“Alam mo ba, Nicole? Minsan hinihiling ko na sana ay ako na lang ang nasa posisyon mo para hindi ganito ka-miserable ang buhay ko. Nang dahil sa’yo nawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko hanggang umabot sa puntong nawala na rin maging ang kakayahan kong maglakad."

Mariin niyang naipikit ang mga mata. “Hindi ko kasalanang ako ang pinakasalan ni Noah.”

“Talaga ba, wala kang kasalanan?” akusa nito. “Alam mong may girlfriend si Noah pero inagaw mo pa rin siya sa akin.”

“Wala akong inagaw, Ella! At si Noah mismo ang nagsabing magpakasal kaming dalawa—“

“Gumising ka na sa kahibangan mo, Nicole! Wala siyang ibang choice dahil pinilit siya ni Lolo Arman! Pinagbantaan siya kaya ka niya pinakasalan!” biglang taas ng boses na sabi ni Ella.

Hindi makapaniwalang umiling si Nicole saka napabuntong-hininga.

“At bakit naman ako maniniwala sa’yo, Ella? Alam kong hindi magagawa ni Lolo Arman ang mga sinasabi mo,” pagtatanggol nito sa matanda.

Sa isang iglap ay napahalakhak si Ella sa kinatatayuan nito.

“Oh my gosh! I thought you're smart and understanding, hindi ko akalaing bobita ka pala, Nicole!"

Agad na rumehistro ang inis sa mukha ni Nicole. Hindi na nito nagawa pang pigilan ang emosyong nararamdaman.

“Bawiin mo 'yang sinabi mo!" aniya habang masama ang tingin kay Ella.

“No, Nicole. I won't stay silent!" giit nito. "Dapat kang magising sa katotohanang pinakasalan ka ni Noah alang-alang sa kapakanan ko!"

Sa kabila nang ginagawang panggigipit sa kaniya ni Ella ay hindi siya nagpatinag.

“Sinungaling!"

Tumaas lamang ang sulok ng labi ni Ella saka umiling. “Totoo ang sinasabi ko, Nicole. Huwag kang magbulag-bulagan dahil alam kong nakikita mo na ngayon ang buong katotohanan. Kaya kayo nagpakasal ni Noah dahil gusto niya akong protektahan…”

Hindi nito nilubayan ang mga mata niyang unti-unti na ngayong nanginginit sa kinatatayuan.

“Ako ang dahilan kung bakit ka pinakasalan ni Noah, Nicole.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status