Share

Taste Of Unwanted
Taste Of Unwanted
Penulis: hyanabi

PROLOGUE

Prologue

“Baka po magalit si sir, Miss Cris.” Hindi ko pinansin ang babae sa sinasabi niya at tuloy-tuloy lang ako sa pag-sakay sa sasakyan ko.

Mabilis akong nag maneho papunta sa hospital dahil duty ngayon ng taong pupuntahan ko. Gosh... Can’t wait to see him again. Ilang buwan din akong hindi nakakapunta sakaniya.

“Hey, the most handsome doctor in the world.” I cheerfully greeted Dustan as soon as I entered his office. Sinigurado kong walang makakakilala sa mga taong nadaanan ko kanina.

Napatayo naman ‘agad siya sa kinauupuan at saka lumapit sa akin. Natawa na lang ako nang yakapin niya ako ng napaka-higpit.

“Gosh. I miss you so much...”

Ginantihan ko ang mahigpit niyang yakap. “I miss you, too, Dustan.” I miss this man so much. No matter what happens, I am still going to reach him. Siya pa rin ang hahanap-hanapin ko.

“I brought lunch for you!” Itinaas ko ang paper na hawak. “Let’s eat together, hindi tayo p’wedeng kumain ngayon sa labas.”

Natawa na lang ito bago kinuha sa akin ang paper bag na hawak. Siya na rin ang nag asikaso ng kakainin.

“Why? Kasi baka may makakita na naman sa atin?”

I rolled my eyes, “as if naman may pake ako sakanila, Dustan.” kahit buong mundo pa ang makita sa amin ay wala akong pake.

We’re not doing something wrong. But we can’t see each other as if we’re doing something immoral. Ah... D*mn those people, bakit hindi na lang nila isipin ang sarili nilang buhay?

“Amoy pa lang halatang masarap na ang luto. Hindi ka lang pala artist, chef ka na rin?”

I chuckled, “Bola ka talaga.”

“How’s your relationship with him?” Tinignan ko si Dustan ng masama dahil sa naging tanong niya. Ang ayos-ayos lang namin tapos bigla niyang ipapasok ang usapan na ‘yon?

“Why? I don’t have any update from you so, I’m kinda curious.” nilagyan nito ng pagkain ang plato ko.

“Kumakain na tayo, Dustan. Huwag mo na namang sirain araw na ‘to, ngayon na nga lang tayo ulit nag kita.” Sinunod naman nito ang sinabi ko.

Hindi na niya binanggit pa ulit ang tungkol sa tinanong niya kanina. This is what I like about him, he really does the things that I said. Pero syempre hindi pa rin lahat. Pagkatapos kumain ay kailangan niyang umalis para sa duty.

I looked at my watch at ala una pa lang ng hapon. Mamaya pang five o’clock ang tapos ng duty ni Dustan. I shrugged at winili na lang ang sarili habang hinihintay siyang bumalik. I wanted to stay at his house tonight, sana lang ay pumayag siya. Wala akong ganang umuwi ngayon.... I miss living with him. Like just the two of us, bakit ba kasi kailangan pang mangyari sa amin ito?

“Hey, I’m done. Where do you want to go?” Mabilis akong tumayo at kinuha ang gamit ko.

“Sa lumang bahay,” walang pagdadalawang isip kong sagot. I’m referring to the old house where I and him live before. I miss that house.

Nagsalubong ang kilay ko nang umiling ito.

“We can’t go there, Cris. Ang layo non, at baka hanapin ka na niyan ng boyfriend mo.”

“He’s not my boyfriend,” naiinis na ani ko.

He just smiles, kasabay ng pagpaling ng ulo nito. “Really?” he asks as if naman ay hindi ako nagsasabi ng totoo!

Inis na hinila ko na lang siya palabas ng office niya. Siguro ay dahil sa mga lumalabas na pictures and rumors sa social media kaya niya nasabi iyon. Gosh.... Mga chismosa nga naman

Pagpasok namin sa elevator ay nag salita na naman siya. “Pero ang sabi sa article ay nasa courting stage pa lang daw kayo.” just what I have said.

Hayst... Napatanga na lang ako sa narinig.

“Matalino ka, Dustan. Tapos nauuto ka lang ng isang article?” natatawang tanong ko.

Humarap ito sa akin na may ngisi sa labi. “Well, it’s not impossible, right? I mean look... I can see that he’s in love with you. Base o—”

May sasabihin pa sana siya pero tinampal ko na ang bibig niya. “Stop. Just stop, you’re talking nonsense, Dustan. Don’t ruin my day.”

Hindi ko siya pinapansin hanggang sa nakasakay na kami sa sasakyan niya. Puro kabaliwan ang lumalabas sa bibig niya, that man he’s talking about is not in love with me, and he will never be.

“Hey, I’m sorry.” tumingin lang ako sa labas ng bintana... Naiinis ako. Magsama sila ng lalaki, mas bagay silang dalawa.. mapilit sa bagay na hindi naman totoo.

Ipinikit ko na lang ang mata ko, hindi na rin naman siya nangulit pa. Hinayaan ko na lang kung saan niya ako dadalhin, wala na rin naman akong ibang gustong puntahan maliban sa lumang bahay. Kung saan man niya ako dalhin ay ayos lang.

Maya-maya rin ay humarap ako sakaniya nang maalala ang gusto kong gawin kanina.

Napatingin ako sa harap dahil familiar ang dinadaanan namin. “Wait! Iuuwi mo na ako?” gulat na tanong ko sakaniya.

I faced him again. “Can I sleep with you tonight? I mean sa bahay mo.” pabalik-balik ang tingin ko sakaniya at sa daan. Dahil konti na lang ay makakarating na kami sa bahay niya..

He poked the inside of his cheek using his tongue. “We both know that you can’t.”

I just sighed deeply. “I don’t want to go... To go home. I still want to be with you.”

His eyes become serious, “listen Cris. You just need to wait, malapit na rin naman na tayong magkasama without fear of getting caught because of what. Kailangan nating mag-ingat.” saglit pa itong tumingin sa akin at ibinalik din ‘agad ang tingin sa kalsada.

“We both know kung gaano kagalit sa akin ang mapapangasawa mo. How can you get the freedom you want if you’re being careless? Hmm?” Napatigil naman ako sa sinabi niya. Well he got the point, nagiging mapagmadali na kasi ako ngayon.

Ganon ko ba kagusto na makawala na?

Huminga ito ng malalim, “just wait a little longer, okay?”

I nodded, “okay.”

“Nandyan ba siya ngayon?” umiling na lang ako sa naging tanong niya.

As far as I remember mamayang alas dose pa ang uwi niya at alas sais pasado pa lang naman ng gabi.

Nakita ko ang pagtango niya sa sagot ko. “Okay, sa tapat na kita mismo ihahatid.” wala na akong nagawa kung hindi ang manahimik na lang dahil wala naman akong laban sakaniya. I know that he will do his best to make me free.

He’s right.. I need to be careful kung gusto kong makalaya, makalaya sa lugar na ayaw na ayaw ko. O kung ‘yun ba talaga anf gusto ko.

Mula sa pag mumuni-muni ay kabado akong napalingon kay Dustan nang marinig ko ang munting pag mumura niya. Hindi palamurang tao si Dustan, kaya ganon na lang ang kaba ko. Nag mumura lang naman ‘to kapag may hindi maganda.

“I thought he was not here?”

Kumunot ang nuo ko. “Huh?” bumaling ang tingin ko kung saan nakatingin din si Dustan.

Kasabay ng pagsinghap ko at paglalas-bilis ng tibok ng puso ko ay ang paglingon ng lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Kahit malabo ay kilalang kilala ko ang lalaking nakatayo. Imposibleng maaga siyang umuwi ngayon! Importente ang trabaho niya para sakaniya.

“Ang sabi niya twelve o’clock pa ang uwi niya!” taranta kong sabi.

But this is not the first time na umuwi siya ng maaga kahit hindi pa niya off sa work. At ang dahilan non ay noong nagsumbong si Clara na nilalagnat ko. He went home because of me. Possible kayang sinabi ni Clara na umalis ako kanina? That’s not impossible lalo na’t alam niyang si Dustan ang pupuntahan ko.

Pero bakit hindi siya mismo sa hospital pumunta?

Nagsisimula na akong kabahan. This is the first time that he caught us together. Na siya mismo ang nakakita at hindi sabi-sabi lang ng kakilala.

“Don’t mind him, ideretso mo na. Nakita na rin naman na tayo.” trying to hide the nervousness I feel.

Ano bang ginagawa niya ngayon? Akala ko ba mamaya pa ang uwi niya? Hindi ko inalis ang tingin sa lalaking nakatayo at ganon din naman ito.

Kahit na tinted ang sasakyan ni Dustan, parang alam na alam ng lalaking nakatayo kung nasaan ako ngayon. I feel his gaze, tila bang hinihintay na makalabas ako sa loob ng sasakyan.

“Cris, we’re here.” alam ko, Dustan.

Humarap ako sakaniya bago inalis ang seatbelt.

I kissed the side of his lips. “Mag-iingat ka.” hindi ko na pinansin ang gulat sa mukha ni Dustan at dalian ng bumaba sa sasakyan. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa. Dahil ba sa kaba?

Mas ramdam ko ngayon ngayon ang bigat ng tingin ng lalaking nakatayo kanina, pero hindi ko ito pinansin kahit pa mas lumapit ito sa likuran ko.

Kumaway ako kay Dustan at saka siya tinanguan. Nakatayo lang ako at nakatingin sa sasakyan niyang papalayo...

“Crishiah,”

Hindi ko alam kung haharapin ko ba siya o hindi, pero mas pinili ko na lang na manatiling nakatalikod sakaniya.

“You’re with him again.” napapikit na lang ako nang yakapin niya ako mula sa likuran.

Stop this... Stop acting like you care, stop calling my name.

Ilang segundo lang siyang nanatiling nakayakap sa akin. Hindi ko rin magawang maalis ang mga braso niya dahil nawawalan ako ng lakas para gawin ‘yon. Mas humigpit pa ang pagyakap niya sa akin ng ipatanong niya ang baba sa balikat ko.

“What now if I’m with him?” I asked as if my heart is not beating so fast right now. Hindi ko ininda ang bahagyang panginginig ng palad ko at pinipilit ng alisin ang pagkayakap niya sa akin.

Umiling ito, hindi hinahayaan na magtagumpay ako sa ginagawa. “Let me. Please, let me hug you,” he whispered using his soft voice.

Napakagat na lang ako sa nanginginig kong labi. Hindi ko alam kung bakit nanginginig iyon, dahil sa kaba o dahil sa naiiyak ako.

“It’s okay. Payag na ako, ayos lang sa akin... Be with him whenever you want, I will not object anymore. Basta tulad ngayon, tulad ng dati na kahit siya ang kasama mo sa akin ka pa rin uuwi sa huli.”

I hate him.. I hate this man so much, how can he say those words? Na para bang ang dali-dali lang para sakaniya na sabihin iyon? Bakit parang ako pa ang gumagawa ng kasalanan ngayon?

Dinampian nito ng halik ang balikat ko. “Hindi kita pinuntahan dahil alam kong magagalit ka sa akin, and I don’t want that to happen. I don’t want you to get mad at me again.”

“Let.. me go,” hindi ko alam kung bakit nanginginig ang boses ko. Pero pasalamat pa rin at dahil don ay humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin kahit na ramdam ko ang kaniyang pag tutol.

Humarap ako sakaniya, “Karuiq, you don’t own me.” umiiling na sabi ko.

Nakakainis! Bakit ba ayaw matigil ng panginginig ng labi ko? Ganito ba ako kakabado dahil sakaniya, para manginig ako ng ganito?

I can see the confusion in his eyes. “Crishiah, I’m not owning you again, okay? Just like what I’ve promised, hindi na ako magiging mahigpit. I will let you go meet that doctor as long sa akin ka pa rin uuwi.”

“Paano kung ayaw na kitang uwian?” natawa na lang ako. Saan pa ako kumukuha ng lakas para makapag salita at kausapin siya?

“Hindi iyon mangyayari. Never. And if the day comes that you’re tired, I’m going to do my best to cheer you up. I’m going to fight.” seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Umiiling lang ako habang nakatingin sakaniya. I don’t want this, kailan man ay hindi ko nakitang mangyayari ito. This man in front of me... How real is he?

“Crishiah,” lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Always remember that I will never give up on you. Because I love you, ganon kita kamahal.”

And when I heard those three words, tears began to flow from my eyes. This time I already know the real reason kung bakit ako nanginginig.

Hindi ako nanginginig dahil sa kaba o takot. Nanginginig ako dahil sa sakit na nararamdaman. Dahil nasasaktan ako ngayon, dahil alam ko ang totoo.

Bumulagta ang pag-aalala sa mga mata niya. “What happened?” umiling ako at umatras sakaniya ng papalayo. Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Akala ko kilig ang mararamdaman ko kapag narinig mong sinabi sa’yo ang salitang I love you, pero hindi, hindi lang pala kilig dahil posible rin ang sakit.

“You... y-you don’t love me, Karuiq.” umiling ito sa sinabi ko bilang pagtutol. Hindi ko alam kung bakit may lakas pa ako ng loob para sabihin iyon. Para sabihin ang totoo.

“What are you saying? I love you, Crishiah, for real, bakit ba ayaw mong maniwala?” sinibukan pa niyang lumapit pero umaatras ako palayo sakaniya.

How can I believe him if I know the truth?

Hindi takot at kaba ang nararamdaman ko kung bakit ayaw kong umuwi. Hindi dahil sa gusto kong makasama si Dustan ng matagal. Kung hindi dahil ang sakit na, ayaw kong umuwi dahil nasasaktan lang ako sa katotohanan.

I just looked at him firmly while my tears continued to fall. Itinapat ko ang nanginginig na kanang palad sa dibdib.

“You love my heart, b-but not me, Karuiq. That’s the t-truth.” and that’s the reason why I’m in pain right now.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status