Share

CHAPTER ONE

Freigivel Crishiah Guzman ( freygivel krishaya guzman )

┈━═☆ - ☆═━┈

“Where did you go last night?” Iyon ’agad ang binungad ni mama pagka-upo ko sa hapag-kainan. I can sense the anger from her voice. I’m used to it, she likes a freaking crazy woman when she gets mad because of something that I’ve done.

“Nagpahangin lang po.” Sagot ko, not minding to look at her.

“Don’t lie to me!” Now her voice rose up. I just didn’t mind her and started to put some meals on my plate.

Alam kong alam naman niya kung saan ako pumunta. What’s the point of asking?

“Anastasia!”

Hindi ko naiwasan ang kaunting pagtalon sa pagkakaupo ko dahil sa pag sigaw niya ulit. This time her voice was full of authority. Hinawakan naman ‘agad ni papa ang kamay ni mama para pakalmahin ito lalo.

“Hon, let’s talk about that later. Nasa harapan tayo ng pagkain.” papa said; trying to calm his wife using his calm voice.

Tumikhim ako. “Let’s respect the food in front of us, mama.” mahinahon kong sabi. Iniiwasang sabayan din ang galit niya.

I stared at her when she gasped dramatically. She chuckled slightly, ang itsura nito ay parang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.

She smirked. “Respect? You're seriously saying that word, when in fact we both know here that you don’t have respect, Anastasia.” she said those words while still smirking. Puno ng panghuhusga ang tono ng pananalita niya.

Umakyat ang galit sa akin ng marinig ulit ang pangalan na tinawag niya sa akin, pero ginawa ko pa rin ang lahat para pigilan iyon. Hanggang kailan ba sila magiging ganito? They are turning me into someone; tinatawag pa ako sa pangalan na hindi naman sa akin.

Her eyes got teary, “hindi ka naman ganiyan dati. You have changed.” Of course I’m not like this before because I’m not Anastasia. I’m not her.

“You’re with him last night, right? That bastard doctor. Your mistress. You have a fiancé for pete’s sake!”

Naubos ang pagtitimpi ko at malakas na hinampas ang table. Tumayo ako at masama siyang tinignan. Hinding-hindi ko hahayaang pagsalitaan niya ng ganon ang kaibigan ko.

I glared at her. “He’s not my mistress at lalong hindi siya bastardo, ma. He’s my friend, a brother figure to me! You don’t have the right to call him like that.” I shouted angrily.

“And you always talking about my fiancé. To tell you, I’m single. I don’t have a boyfriend. Ni hindi ko nga kilala iyong lalaking tinutukoy niyo.”

She gasped, hidni ito makapaniwalang nakatingin sa akin.

“You shouted.” she said like it’s so impossible to happen

She shook her head. “I don’t know you anymore. Hindi ganiyan ang anak ko. She will never yell at me. She will never cheat.”

“Hon, let’s calm down. We will fix this late—.”

“Dahil hindi niyo naman talaga ako anak. I’m not a cheater, because I’m not Anastasia who’s bound to marry her damn fiancé.”

Napasinghap ang babae sa sinabi ko.

“You owe us a favor, Guzman. Stop talking, we will fix this later.” ngayon naman ay ang lalaki na ang nagsalita.

I look up to stop my tears from falling.

“I didn’t want this. If my friend—Dustan didn’t beg to me to accept your fucking offer, hinding hindi ako papayag. I hate seeing him hurting because of me, that’s why I’m here. I wanted him to be happy by means of being alive.”

Hindi nito pinansin ang sinabi ko.

“Just listen to your mom, Givel. She knows the best. Ruling you, and marrying you with Zeij is the best for you.”

Are they serious? Ipapakasal nila ako sa boyfriend ng anak nila? Nahihibang na ba sila?

Huminga ako ng malalim bago umalis sa harapan nila. Hindi ko makayanan ang mga pinagsasabi nila. Habang tumatagal, palala sila nang palala.

“Anastasia comeback here. Givel!” sigaw nang sigaw si mama na bumalik ako ron pero patuloy lang akong lumabas hanggang sa makalabas ako ng bahay.

“Ma’am saan po kayo pupunta?” Napalingon ako sa bandang garahe ng marinig ang tanong mula kay Mang Anton.

Ngumiti ako at bumati, “kuya pahatid po sana ako sa bahay ni Dustan.”

“Ihahanda ko lang po ang sasakyan.” Napangiti ako ng umalis ito at pumunta sa kotse na ginagamit namin— ko.

Si kuya Anton ang lagi kong kasama kapag tumatakas o patagong pumupunta kay Dustan. Kuya Anton is like a father to me. Napaka-bait nito sa akin, siguro dahil na rin sa saksi siya kung paano ang buhay ko sa mansion.

Maybe he pity me, but at least he’s a big help to me. Lagi niya akong tinutulungan tumakas sa bahay para makipagkita sa kaibigan.

Nang makarating sa bahay ni Dustan ay pumasok na lang ako ‘agad. I have a duplicate key ng bahay. Si Kuya Anton naman ay umalis at hindi ko alam kung saan pumunta.

Pagpasok ko sa bahay ay naamoy ko ‘agad ang mabangong pagkain galing sa kusina kaya roon ako dumeretso.

And there, Dustan is busy cooking a food for his breakfast. Lumapit ako sakaniya at yumakap mula sa likuran nito.

“Shit.”

Napaharap pa ito bigla dahil sa gulat kaya naman natawa ako.

“I miss you,” I whispered.

“Oh god. I miss you, too, princess.” He hugged me back and kissed the top of my head.

“You’re here again. Himala?”

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at tinignan ang niluluto niya. Bacon and eggs.

“I’m hungry.” Ginulo nito ang buhok ko bago humarap ulit sa niluluto.

“Umupo ka muna, malapit na ‘to.” Sinunod ko naman ang utos niya at tahimik na hinintay siyang matapos.

I smiled bitterly while watching his back. I miss this. I miss living with him... We grew up together, ang lola na rin niya ang tumayong magulang ko dahil bata pa lang ako ng mamatay si mama.

While my father.. I don’t know where the hell is he. Wala akong balita sakaniya, kahit katiting na information niya ay wala akong alam.

“Ang lalim yata ng iniisip mo.” I just smiled at him. Inilapag nito ang plato sa harap ko at pinaghain ako.

I grew up with a weak heart. But lola and Dustan is always there for me. They got my back, hindi nila ako pinabayaan kahit hanggang sa lumala ang sitwasyon ko.

And there, for the last two years we met the Verbo Family at the hospital where I was admitted. Nag-aagaw buhay ang anak nila sa katabing kwarto ko lang, while I was having a heart attack.

At nang ideklarang brain dead na si Anastasia, and then they found out about my situation. Hindi sila nagdalawang isip na idonate ang puso ng anak nila sa akin.

I’m so freaking happy that time, pero hindi ko inaasahan na may kapalit. Handa na akong tumanggi pero ng makita ang nagmamakaawang si Dustan para sa bubay ko ay hindi ko inisip ang katigasan ng ulo.

Ayaw kong mawala sa tabi nila ni Lola, but I can’t bear to see them suffering too because of me.

Even I hate the fact that I’m going to their legal adoptive daughter after the surgery—my recovery.

Halos kalahating taon din ako sa hospital non. Dahil pag-gising ko after the heart transplant ay iyon naman ang pagtulog ni Lola pang habang buhay.

Nagulat ako at napabalik sa ulirat nang maramdamang may humahaplos sa pisngi ko.

Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Dustan.

“What happened? You’re crying.” ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako.

Mabilis akong nag iwas ng tingin at pinunasan ang luha ko bago nag simulang kumain.

“Ang sarap! Kain na.” Inambaan ko pa ito ng subo dahil ayaw pang kumain at nakatitig lang sa akin.

Ngumiti ako. “I’ll tell everything later, okay?” I assured him. Ngumiti ito bago sinimulan na ring kumain.

“So, why is my princess crying?” I pouted before hugging him.

Tapos na kaming kumain at kasalukuyang nasa sala at nanunuod.

“I miss Lola Rita.”

Huminga siya ng malalim bago hamplusin ang buhok ko.

“I miss her, too. Ikaw rin.”

“I’m sorry Dustan, pero... Kailan mo ako babawiin?” Sinubukan nitong kunawala sa yakap ko pero mas lalo lang akong nag sumiksik sakaniya.

Hindi ko alam kung ang sama-sama ko ba dahil sa naging tanong ko. I’m not a cry baby pero ngayon nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mata ko.

“I’m still working hard. Don’t worry, Princess, tutuparin ko ang promise ko sa’yo.”

“They’re planning to get me married to their daughter’s fiancé.”

Ngayon ay tuluyan na niya akong naihiwalay sakaniya. “What?!” bahagyang tumaas na ang boses nito. I can see the disapproval in his eyes. He’s really protective when it comes to me since we were young.

I sighed deeply. “Hirap na hirap na ako sakanila, Dustan. They are calling me Anastasia, eh hindi naman ako ‘yon mga baliw sila. Ginagawa nilang ako si Anastasia.”

Mas maganda naman ako ron.

Niyugyog ko siya. “Dustan, sakal na sakal na ako. Hirap na hirap pa nga akong mag-aral tapos hindi ko pa pangarap pinatutunguhan ko.” Hindi ko na napigilan ang pag hikbi.

Lahat ng tungkol sa akin ay gusto nilang kalimutan ko dahil wala naman daw iyong kinalaman sa buhay ni Annastasia. Dapat ko raw burahin sa isip at kilos ko ang dating ako.

“Hanggang... hanggang kailan ako maghihintay?”

Nakita ko ang pag pikit niya ng mariin bago ako kinabig para yakapin.

Pinitik nito ang nuo ko. “Huwag ka ngang mainipin.” Tumawa pa siya para pagaanin ang sitwasyon. Pero maya-maya rin ay naging seryoso ang itsura niya. “Kukunin kita sa siraulong mag-asawa na ‘yon.”

“Ikaw lang ang pamilya ko.” bulong ko sakaniya.

He smiled and nodded. “I’m your only family.”

Nag stay lang ako sa bahay ni Dustan at hindi umuwi maghapon. We’re still planning kung paano ako makakaalis sa mag asawa.

I even suggested na tumakas na lang kaya ako. Yes, wala kaming ibang ginawa kun’di ang pag-usapan ang gagawin naming dalawa.

“They are powerful, princess. Makakatakas nga tayo pero sa langit naman ang diretso natin.” Natawa na lang ako sa sinabi niya.

“What if sakyan mo na lang sila.”

Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. “What do you mean??”

“Let them marry you with that man, and after that you’re free sa mag-asawa.” siraulo ba ‘to?

“And then tatakasan ko ‘yung asawa ko? What if he’s more powerful than the Verbo couple?”

“Then make him fall in love with you. ‘Yung tipong baliw na baliw na siya sa’yo.” He said, like it’s so easy to do.

“Nag text na si Mrs. Verbo, I need to go home na.” Tumayo ako at inayos ang sarili. I’m wearing jeans now, like what she said in the text na huwag akong umuwi na naka-dress.

“Wait for me here, I have a gift for you.” tumakbo ito papasok sa kwarto niya at paglabas nito may dala-dala na siyang dalawang malaking paper bag.

Nakangiti niya iyong inabot sa akin.

“You will love it. But, pag-uwi mo ron mo na lang tignan.” Tumango na lang ako at saka siya niyakap bago lumabas ng bahay.

“Crishiah, remember what I’ve said. Seduce him, make him fall in love with you. To the point that he’s willing to do everything for you.” I rolled my eyes at him.

“Balitaan na lang kita.”

“Kuya sino pong bisita?” Tanong ko kay Kuya Anton habang nasa kalagitnaan ng byahe.

“Surprise raw po ma’am.” ngumiwi ako sa naging sagot ni Kuya.

Hindi ko alam bakit hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba habang papalapit kami nang papalapit sa mansion.

May isang bagong sasakyan sa paningin ko na naka-park sa garahe.

Pagpasok ko sa sala ay andon ang mag-asawang Verbo na may katawanan. Nang tignan ko kung sino ang kausap nila ay napako ang paningin ko sa isang hindi kilalang lalaki.

He has this rugged look. May munting ngiti sa labi niya pero mukha pa ring masama ang ugali. Halatang peke ang pinapakitang ngiti, pero ang g’wapo.

“Anak you’re here!” hindi ko pinansin si mama at nanatiling nakatingin sa lalaki. Nang tumayo si mama para yakapin ako ay bumaling ng tingin sa akin ang lalaki.

I met his jet black eyes. Damn those deep calm eyes.

Hinila ako ni mama paupo sa sofa.

“This is my daughter, Mr. Espinosa.” Espinosa? Familiar... O my gosh, don’t tell me??

“Anastasia meet your soon to be husband, Zeijan Karuiq Espinosa.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, bahagya pa akong napa-atras dahil doon. I can’t believe this. He’s still looking at me. Walang anumang emosyon sa mga mata niya.

“It’s nice to see you....

Anastasia..”

No. I don’t like him! This is hell.. I’m going to live in hell with him!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status