Share

CHAPTER 9

Chapter 9

(Megan POV)

Hindi nga ako nagkamali. Lumanding kami sa gusaling yun, at sa rooftop… Sinalubong ako ng ilang mga tauhan ng pamilyang Quinn. Akala ko ba magiging independent ang paninirahan namin dito sa penthouse?

Unang bumaba si Metal, habang yung Secretary naman ni Damian, nagpa-iwan dahil nga nagmamatigas nga ang lalaking yun sa kanyang ama. Kering-keri mo yan Damian. Sabihin mo at patunayan mo kung gaano mo kasi kamahal yang si Maddie Maddison mo.

Eh bakit sa tuwing nailalathala ng isipan ko ang pangalan na yan, bakit kumukulo ang dugo ko? Hehehe. Ewan ko. Parang naging kaaway ko ata sa nauna kong buhay yang si Maddie Maddison.

Sa pagbaba ko naman at inalok ni Metal ang kamay niya sa akin para alalayan ako, di ko na pinansin at nagkusa ako.

“Thank you.” Pang-iinsulto ko sa kanya. Ngunit, parang mapapatalon ako sa gulat dahil si Cindy, ang sama nga ng paningin sa akin.

“Andito ka pala.”

“Sumunod kayo sa akin Miss Megan.” Walang emotion na sinabi niya, habang mas inis naman na tinitigan si Metal. Mayroon bang dalaw ngayon si Miss Cindy. At ang hindi ko pa inaasahan, naghihintay sa may pintuan ng unit namin ata dito ni Damian ang isang ginang na si Mrs. Zu.

“Maligayang pagdating Miss Megan. Kilala niyo na siguro ako. Ngunit magpapakilala ulit ako. Ako si Zenaida Zu, at tinatawag nilang Mrs. Zu. Ako ang nagpalaki kay Master Damian, ng mamatay ang kanyang ina. At nagagalak akong makilala ka Miss Megan bilang fiancée nga ng batang yun.”

“Salamat po Mrs. Zu.”

“Tuloy ka iha, ito ang magiging unit niyo ni Master Damian, at sa isang linggo lang kami maaring pumunta dito, o kapag kinailangan niyo talaga ang tulong namin.”

Ahhh. Aalis din pala sila. Pwede naman na wag na. Binuksan nito ang main door, at napapanganga ako kasi… Parang wala namang ipinagkaiba sa mansion nila. In modern design nga lang.

“Hindi sumama sa inyo si Master Damian, ngunit mamaya lang andito na yun. Hayaan niyo na ilibot ko kayo sa magiging tahanan niyo.” Habang si Cindy nga at dalawang katulong sumusunod din sa amin.  “Naipadala na din kanina ang mga gamit niyo dito kaya inayos ko na yun sa inyong silid.  Heto ang magiging living room ninyo Miss Megan.” At boung bahay ata namin magkakasya sa living room lang. Ang ganda ng bintana na kitang-kita ang view ng boung lungsod. Ikaw ang titingalain, at sila ang titignan mo sa ibaba. May isang set ng modern sofa, at napakalaking TV. Ngunit wala naman akong hilig sa mga bagay na yun. Ngunit napaka-aliwalas nga tignan kapag mayroong interior designer na umayos nito.

“And the dinig room,” Na makikita nga sa living room… Hindi naman kalakihan ang mesa at dalawang upuan lang ang naroroon. “The kitchen na para sa inyo Miss Megan. May mas malaki pang kusina riyan, para na din sa mga katulong at kusinero in case magkaroon ng malaking handaan dito.”

Napatango ako. Hindi na ako magtataka kung kumpleto nga ang mga gamit at appliances dito. Eh, andito lang naman ako sa lunga at makakasama ko ang nag-iisang anak ng Mafia Boss na si Asik. Tatang… Alam kong may pinaplano ka pang hindi maganda. Ngunit pareho kaming tumatangi na nga ng anak mo. Siguradong ako talaga ang magwawagi sa usapan na ito.

“The theater room,” Bukas ng dalawang pintuan, at hinayaan akong sumilip. Edi wow… Sila na talaga ang mayaman.

“This is the fitness room…” Kung nasaan nga ang mga equipment para sa pag-exercise. “Heto ang kailangan na kailangan ni Master Damian. Halos nauubos ang buong umaga niya para lang pangalagaan ang kanyang pangangatawan.”

Obvious naman. Yung abs pa lang ngang pinapasilip ng kanyang sleeve… Ay napapalunok laway na nga ako. Pero hindi naman ako yung marupok na bigla na lang tatalon sa lalaking may mga ganoon. Kahit na gustong-gusto ko nga na ganoon ang katawan ng ideal mate ko.

“The study room, na hingin niyo lang sa amin ang mga gusto niyong libro Miss Megan, ibibigay namin kaagad sa inyo.”

Yun. Parang doon ako parati tatambay.

“At heto naman ang magiging office ni Master Damian samantala, kapag umuwi siya.”

Bakit kailangan pa ng office? Pumasok ako… At tinignan ang mga gamit roon. Napaka minimalistic… ngunit hindi ko sinasadya na may mapindot ako… Kaya biglang gumalaw ang dingding at ipinakita sa akin ang mga armas… Yung mga baril, at… Hindi ako makahinga. Bakit meron yan na ganyan dito.

“In case, for security purpose Miss Megan. Kailangan yan ni Master Damian.” Agad na paliwanag ni Mrs. Zu, at sumara nga ang dinding na yun ulit.

Nakakatakot sila… Promise. Baka isa sa bala ng mga baril na naroon, sa akin tumama. Wag naman sana. Two months… Mabilis lang naman ang mga araw na yan, Megan.

“At nasa nandito naman ang pool.” Bukas ng pintong yari sa salamin, at gaya ng helipad kanina… Ngayon nakalatag sa harapan ko ang isang napakalaking pool. Ang sarap magpakasosyal, at magswimming nga na naka-two piece. Pero ang tanong magagawa ko kaya yan? Eh, magkukulong lang naman ako sa silid pagkatapos maasikaso ko nga si Don Damian.

“Sa hagdan na ito Miss Megan, matatagpuan naman ang inyong silid.” Kaya umakyat kami, “Nasa kanan ang silid ni master Damian, at kaliwa ang inyo.”

Pinuntahan namin, at pagbukas ko… Ang laki naman nito. Tipong matutulog ako dito mag-isa tapos parang nasa malawak akong kapatagan.

“Heto ang walk-in closet niyo Miss Megan.” Na lumapit naman ako sa binuksan na pinto, at sino ba ako para magkaroon ng ganito kalaking walk-in closet. Parang nasa boutique ako. Mga nakahelerang sapatos, bag, damit at yung mga alahas na wala bang peke doon? Uhmmm. Pagkatapos ba ng two months ko, akin parin ang mga yun?

Nawiwindang na ata ako. Syempre hindi. Ang nakikita mo ngayon ay para kay Maddie Maddison. Walang iyo dyan Megan. Sadyang napagtripan ka lang, at nais ni Tatang na tumulo ang laway mo dahil sa pinapakitang yaman nila ngayon.

Ah basta. Gusto ko ngang matapos na ang lahat ng ito.

Yung mga damit… Ayos lang naman sa akin yung pambahay lang kasi wala naman akong intension na lumabas. Maluwag na tshirt at pajama, okey na yun. Aanihin ko naman ang mga yan.

Hangang sa banyo, andoon parin ang bakas ng yaman nang mga Quinn na illegal naman nilang nakuha. Ang malaking jacuzzi, na tila ba sa lawa ka lang maliligo. Kung masyadong nagmamadali daw, may shower…

In all… Maganda nga at elegante ang unit na ito. Ang hindi lang sa akin pinasilip, ang silid ni Damian. At ni minsan hindi ako magtatangka na pumasok roon o sumilip man lang. Kahit na hawakan ang doorknob ng silid niya. HINDI.

Pagkatapos namin maglibot, naupo kami ni Mrs. Zu sa may living room, at nagpahanda ng tsaa na sinabi ko naman na ayos lang. Ngunit hindi lang tsaa ang inaasikaso nila… Palubog na din ang araw. Sa hapag-kainan nakikita kong hinanda na nila ang hapunan.

Ngunit sa totoo lang nililibang ko ang aking sarili dahil kinakabahan ako na marinig na andito na si Damian. Anong mukha ba ang ihaharap ko sa kanya? Saka hiling ko nga na wag na siyang pumunta dito. Bukas na lang, ng makapagpahinga na muna ako ng maayos. Kalimutan muna ang mga nangyari ngayong araw.

Ngunit napapikit ako ng marinig ko ang papalapit na chopper, at sa bintana nga nakita ko na ito.

“Andito na si Master Damian, bilisan niyo na riyan.” Na malakas nga at tensionableng utos ni Mrs. Zu sa mga utusan na naghanda ng hapunan.

Ang puso ko naman parang yung mga katulong na ginagawa na nila ang kanilang trabaho at kailangan na matapos yun bago dumating ang panauhin.

Damian Quinn, bakit sumunod ka pa dito. Tsk.

At mabilis na napahelera ang mga katulong sa may pintuan at napayuko, habang ako di ko alam ang aking gagawin. Para bang anong oras papasok na nga ang hari.

Kaya para akong mahihimatay ng biglang… bumukas ang pinto at sabay-sabay na napabati ang mga katulong.

“Maligayang pagdating Master Damian.”

Isang lalaking nakasuot ng black leather jacket ang pumasok, habang ang ilang tauhan niya nanatili nga sa labas. Kaagad naman niya pinagmasdan ang paligid, at may inis sa kanyang mukha. Hangang sa nakita niya ako. Ngumisi siya sa akin.

“Kumain na ba ang babaing yan, Mrs. Zu?”

“Hinihintay po namin Master Damian ang pagdating niyo, ng makakain na kayo ng sabay.”

“Tss. Pinapunta ako ng aking ama sa ganyang dahilan. Hindi daw kakain ang babaing yan kapag hindi pa ako dumating. Mrs. Zu, makakaalis na kayo.” Sinabi niya ito na nanatiling nakatitig sa akin.

Bago pa man magsilabasan ang mga katulong, umakyat na muna si Damian sa kanyang silid. Nakahinga ako ng mawala ito sa aking paningin. Lumapit naman sa akin si Mrs. Zu upang magpaalam at tumawag na lamang ako gamit ang telephono na itinuro nito, kapag may kailangan ako.

Parang ayoko na lumabas sila, ngunit yun ang utos ng lalaking yun. Sa katawan niyang mala-anghel, naninirahan ata sa kanya isang Nakakasindak na demonyo. Anong gagawin ko…

Pumunta na lamang ako sa hapag-kainan para kumuha ng pagkain, dahil wala pa nga akong kinain na maayos. Doon na lang ako sa silid kakain at iiwasan ko nga si Damian. Pero, hindi ata ako masyado nagmadali para madatnan niya ako.

“Kakain ka na sana ng hindi ako hinihintay?” At ang boses nito napakalamig… Nakakadismaya ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.

“Kain na tayo. Kakain pa lang sana ako.” Sagot ko sa kanya, na mabuti na lang talaga nahanap ko ang aking boses. “At akala ko wala kang balak na lumabas sa iyong silid. Sa gutom na ako.”

“Tss.” Yung kaninang leather jacket niya, ay hinubad na nito. Ngayon ang nasa harapan ko isang Damian Quinn sa suot nitong kulay puting sleeve. Hinila ko na ang upuan para sa akin, at hinila naman niya ang kanya. Naupo kami ng sabay, ngunit ang titig niya sa akin hindi maalis-alis.

Heto ang unang pagkakataon na mas malapitan ko nga siyang nakita. Doon sana sa simbahan ngunit dahil nga sa nangyari hindi natuloy ang kasalan. Thankful naman ako.

At ngayon hindi siya lasing, kaya ang kabuhuan ng kanyang mukha ay napagmasdan ko. Labanan ng titig, okey lang naman sa akin, hindi naman ako mamatay diyan diba? Aaminin ko din na talagang napakagwapo niya. May makisig na katawan at Napakatangkad talaga nito. Agaw pansin ang kagwapuhan na para bang isa siyang anghel na galing sa langit, isang principi na nag-iisang anak lang ng hari at reyna, kaya alagang-alaga siya, o isang Greek god na dinaig pa nga ang sculpture ni Zeus sa Greece. Napakapalad naman niya para mapunta ang lahat ng biyayang ito sa kanya. Kaya nga hindi ako nagulat na mayroon nga siyang babaing minamahal at tiyak yang si Maddie, nahulog talaga ng tuluyan kay Damian. Sino naman ang hindi?

Ako? Ay hindi talaga maari.

Si Maddie lang ba talaga ang girlfriend niya? O napakarami?

Saka alam ko din naman na ang isang kagaya niya na napakagwapo at karismatik ay walang interest sa isang kagaya ko na hinila lang ng kanyang ama sa tabi-tabi para nga iharap sa kanya. Si Tatang talaga hindi man lang kumuha na lang ng artista. Ngunit tulong na nga ni Tatang sa mga kapatid ko ng makabayad ito sa mga utang nila.

Napaka-common at normal na babae lang naman ako. Hindi ako yung klaseng babae na magugustuhan ni Damian. Ang mga bagay sa kanya yung mga supermodel, at superstar na babagay lang sa katayuan niya, yaman at hitsura. Ako? Wala nga talaga ako kahit sa bulbul ng lalaking ito.

At ayos lang naman. Ayokong mapako sa ganitong mundo. Kung saan ang maganda, doon ang magulo.

Napakaperpekto nga ng kanyang pangangatawan ngunit malayong-malayo naman ang ugali niyang ipinapakita. Since na pumasok siya sa unit na ito, bigla na lang lumusob dito ang masama aura. At talagang hindi ko yun gusto. Sa natatakot nga ako ng sobra, pero pilit kong itinatago. Yung mga baril ko na nakita sa office niya, ay isa yun sa dapat lang na mawala sa paligid ko, lalo na ang Damian Quinn na ito.

Nakakawalang gana na ngang kumain, kahit gutom na gutom na ako. At kahit gutom na ako, nasasakal naman ako ng biglang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pinagmamasdan niya ako, yun din ang ginagawa ko sa kanya.

Ngunit ngayon, ano ang gagawin ko? Di ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Eh, ibackstab ko kaya ang kanyang Tatang since nga pareho naman kaming umayaw sa sitwasyon na ito, pero pilit ni Tatang na ginawa?

@Death Wish

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status