Share

CHAPTER 13

Chapter 13

(Megan POV)

Maaga nga ako natulog, pero nagising at Naalimpungatan sa ingay na naririnig ko. Grupo ng ilang tao na pumasok sa suite. May inaasahan ba akong isang banda na pumunta dito? Pero mali… Ang naririnig ko mga halakhak ng mga malalanding babae, ng makalapit na nga ako sa may pintuan.

Sobrang Nakakabadtrip. Sa totoo lang hindi naman kami lumaking mga babaing kung tumawa sagad, lalo na kung di naman nakakatawa.

Tsk. Anong klaseng mga bisita ba ito ni Damian? Bisita nga ba ni Damian?

Kahit na nga, tiniis ko na lang ang ingay at pilit na gustong bumalik sa pagkakatulog. Ngunit, sinasagad talaga ako ng mga halakhak at hagikhik ng mga babaing parang nasa labas lang ng aking pinto. Hindi ito multo o pinaglalaruan lang ako ng maligno, alam kong mga totoo silang tao. Kaya naman nilakasan ko na ang aking loob na lumabas upang patahimikin ang mga taong yun. Ang ayoko sa lahat, yung na-iistorbo ang tulog ko.

Magaling na Damian. Pagdating talaga sa pagiging demonyo nito nangunguna na siya. Ngunit paglabas ko sa silid, at pagsilip ko sa ibaba, may isang grupo nga ng mga babae ang naririto ngayon sa bahay. Para bang mga model pa sila, at nagkakatuwaan nga. Ngunit hindi ko makita ang anino ng demonyo. Tss. Siguro nasa silid niya.

At kung bisita talaga sila ni Damian at nasa silid pa ito, kailangan ko habaan pa ang pasensya ko. Hinatayin si Damian na lumabas sa kanyang silid. Sana naman walang katotohanan ang iniisip ko na ang mga babaing nasa ibaba ay iniisa-isa ni Damian ikama. O baka nga tatlong babae ang nasa loob ng silid niya. At least diba hindi sa akin binuhos niya ang kanyang kamanyakan. Talagang hindi ako papayag ng ganoon na lang.

Ngunit walang lumabas sa silid ni Damian. Inabot ko na lamang ang wireless phone at tinawagan nga si Mrs. Zu. Sana nga gising pa siya.

“Mga bisita ba ni Damian ang nasa sala ngayon at tila ba nagpa-party sila?”

“Yes Miss Megan. Sinabi ng secretary ni Master Damian na may mga pupunta dito. At sila yun.”

“Anong gagawin niya sa mga babaing yan?”

“Wala po akong ideya Miss Megan. Ngunit maari niyong tawagan si Secretary Lucas, at sa tingin ko naroroon ang contact niya sa bago niyong phone Miss Megan.”

“Sige. Maraming salamat Mrs. Zu. Nagising tuloy kayo.”

“Gising pa po kami Miss Megan, hangang hindi nga umuuwi si Master Damian, hindi kami maaring matulog.” Halos malaglag ko ang telephono.

May katandaan na si Mrs. Zu, kaya kailangan nito magpahinga ngunit itong narinig ko ngayon, parang napakademonyo talaga ng mga Quinn para ipagawa ito. O itanong ko kaya kay Mrs. Zu, kung magkano ang sahod nila para tumagal sila ng ganito sa pamamahala ng Quinn. Baka naman after two months kahit katulong pwede akong mag-apply. Pero impossible na since nga inuubos ni Damian ang pasensya ko.

Kinuha ko nga ang phone ko, at nagulat ako sa miscalls log… Ang dami. Si Secretary Lucas, at si… Damian. Ang personal nitong contact number…

Since nga mas maayos na makausap si Secretary Lucas, siya na lamang ang tinawagan ko.

“Pinapunta ni Master Damian sila riyan para busisiin sa susunod na fashion show na mangyayari sa kompanya, Miss Megan.”

“Fashion show?” Bakla ba si Damian para magka-interest nga sa fashion?

“Sila ang magsusuot ng mga mamahaling alahas para sa mangyayaring auction sa susunod na linggo.” At agad kong nakuha na mali ang iniisip ko. Kayamanan ngang mga alahas ng Quinn ang pinag-uusapan dito. “Ano po ang problema Miss Megan sa kanila?”

“Ang iingay nila, at kanina pa akong tulog, pero dahil sa ingay nila, ang sakit ng ulo ko… At hindi ko nga magawang makatulog.”

“Magpapadala ako ng doktor riyan Miss Megan upang bigyan kayo ng gamot na maari niyong inumin.”

Tatanungin ko sana kung anong oras darating si Damian para harapin ang mga malalanding babaing yun, ng biglang na drain ang phone ko.

Hehehe. Simula ng ibigay ito sa akin, nakalimutan ko ngang i-charge.

Kailangan ko pang maghintay. Maghintay na tiisin ang mga malalandi at nakakarinding mga tawanan ng mga babae sa ibaba. Pero hindi ko na kinaya, lintik… Hindi lang para kay Damian ang suite na ito. Nasaan ang professionalism nila!

Kaya lumabas ako at bumaba ng hagdan. Ngunit hindi nila ako namalayan, dahil ginawa na ata nilang bar ang bahay na ito. Pumunta na lamang ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa ref, at ininom ko ito. Baka kasi humaba ang pasensya ko at tolerance ko nga sa mga babaing yun. Pero hindi… Kahit ang malamig na tubig walang nagawa sa umiinit kong ulo.

Wag na wag nilang inuubos ang pasensya ko. Ibinalik ko ang pitcher, ng makita ko ang isang container ng chocolate ice cream.

Opss. Ibang usapan na nga ito. Kahit mag-ingay pa sila basta merong chocolate Ice cream, ayos na sa akin. Halata pang ito yung pinakamahal na ice cream sa buong mundo. Akin ka ngayon Ice cream at kailangan talaga kita. When it comes to chocolates, resistance is futile. Hahaha… Ginawang literal.

Dala-dala ang container ng Ice cream, hindi ko na nga pinansin ang mga babaing nasa sala, at bahala sila kung ano ang ginagawa nila, basta ako merong Ice cream, ayos na ang lahat. Ngunit hindi ko inaasahan ng biglang…

“Look, there’s a girl here…”

“Who is she?” At ang mga baliw siguradong nakatitig na sa aking likuran. Nagsitigil sila magsitawanan eh, at na curious kung sino ata ako. Pwes, housemate lang naman ni Damian, at be thankful nga na may chocolate kung hindi… Di ko alam ang gagawin sa inyo.

Hindi ko sana lilingunin ng…

“Is she Master Damian Quinn girlfriend?” 

Kaya napalingon ako ng dis-oras wag na wag nilang sasabihin yan. Never kami magiging magkaibigan… Girl-friend.

“Are you Boss Damian girlfriend?” Tanong ng babae ng lumingon nga ako sa kanila. At bago pa man ako makasagot. “No. Probably not. Look at her style… It’s so yucky weird.”

“Yep. She looks, ordinary.”

“More than ordinary.” Second the motion ng isa pang babae na parang pinag-iinartehan na ako. Bisita lang sila dito, ngunit ako… taga-dito sa loob ng dalawang buwan.

“Oh, maybe she’s one of his maid.” Sa sinabi ng babae biglang napatango ang lahat sa sinabi nito.

“Yeah right, she’s probably his maid. And we need her to fix our heels before Master Damian’s woman scrutinize us. Hey there maid, can you get some wet tissue for us?”

“And wipe our shoes.” Mungkahi naman ng isa na napangiti pa sa akin. Hahaha. Wala silang pinagka-ibahan kay Damian. Mga masasama ang ugali, at ang gagaling umapak ng mga taong mababa nga sa paningin nila. Ang mga lumalabas sa kanilang bibig ay hindi tumpak sa mga kagandahan na nakikita ko sa kanilang panlabas. Sabagay ang mga attitude nila, natakpan lang ata ng mga makakapal nilang make-up para hindi nga mangamoy ang na-aagnas nilang pagkukunwari na mabuti silang tao.

Pero, nasa akin na nga kung papatulan ko sila o hindi. Hindi na lang since may chocolate ice cream naman ako at natatakam na nga ako kainin yun. Kaya tumalikod na lamang ako at nagbingi-bingihan. Sila ang kumuha ng wet tissue nila. Wala sila ditong utusan. Tsk. Saka ang dami na ng problema ko, wala na akong lakas para patulan nga ang mga kamalditahan nila.

“Hey! Are you deaf! How dare you to turn your back to us! You need to help us to clean our heels!” Sigaw na ng isang bruha…

Pero natigilan ako ng biglang…

“She’s, my girlfriend. Fuck. How dare you too, to yell at her.” At napalingon ako, si Damian, kasama ang ilang tauhan niya, pati nga si Secretary Damian.

“She’s your…” Di na natuloy ng babae ang sasabihin niya ng sinenyasan ni Damian ang kakasulpot pa lang na si Mrs. Zu at ilang katulong sa uniforme nila. Lumapit naman ang grupo ni Mrs. Zu, at nilinis nga ang isang sofa. Inalis ang mga bag ng mga babae at ilang mag damit ng mga ito. Saka doon ngang pagod na pagod naupo si Damian. Isinandal ang kanyang likuran, at ipinikit ang mga mata.

Dahil napa-usog ang mga babae sa direksyon ko, mahina man na sinabi ng isang babae sa kanyang katabi… Ngunit dinig na dinig kong…

“Ibig sabihin siya ang kikilatis sa atin?” 

“Siya ba talaga ang babae ni Master Damian.” Na hindi sila makapaniwala. Pero asa naman yang si Damian.

Aalis na sana ako kaya lang… “Mrs. Zu, sinabi mong nakatulog na ang babaing yan. Anong nangyari at nagising yan?”

Napalingon si Mrs. Zu sa akin, na hindi niya alam ang sasabihin. At kung wala siyang maisasagot… Lagot siya.

“Master Damian, tumawag kanina sa akin si Miss Megan at sinabi nga na naiingayan sila sa mga modelong naririto.” Salo ni Secretary Lucas na hindi alintana kung malalaglag sa impyerno ang mga babaing nasa paligid nila.

Hala.

Ang tanong may pakialam ba si Damian kung nagising ako dahil sa mga ingay nila?! Siguradong sinadya pa niya ito.

“Fine. Find another bunch of models. Siguro naman walang mapipili ni isang kandidata dito si Megan. Men, get them out of my house.”

“Master Damian give us a second chance.” Luhod ng isang babae sa harapan niya. Tipong hindi na nito inisip ang kanyang dignidad. Ang masama pa yung ilang babae sumunod din sa kanya. Tuloy nagmumukha nang diyos si Damian.

Wew.

Binuksan ni Damian ang kanyang mga mata at napangisi. Saka napatitig sa aking direksyon. “Anong sa tingin mo, aking kinakasama?”

Tinutukoy ba niya ako? Saka hoy Damian! Anong kinakasama dyan?! Walang namamagitan sa atin at matatapos ang dalawang buwan na hindi mo ako magugustuhan, at hindi rin kita magugustuhan. Kaya tumigil ka.

“Take them out. I won’t tolerate anyone na tratuhing basahan ang magiging asawa ko. Men, get them out now.” Kaya ang mga tauhan ni Damian kaagad na nagsikilos para kaladkarin ang mga babaing yun. Yung iba naman nagmakaawa sa akin. Para bang kailangan na kailangan nila ang trabahong ito.

Ah. Basta! Matuto silang rumespeto sa mga tao… Lalo na yung mga hindi nga masyadong pinagpala. Hindi lang sa kagandahan kundi pati sa katayuan.

Kaya wash out ang mga malditang babae na walang isang minuto. Ang galing din kapag may tauhan no? Habang si Damian naman napapahilot ng kanyang sintido. Nga pala, bakit pati pangalan ko biglang naisingit sa pagpapapunta niya ng mga babae dito. Kikilitasin ko? Owss…

Tumalikod na ako, at umakyat na ng hagdan ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ng silid…

“Miss Megan, nais kayong makausap ni Master Damian.” Si Secretary Lucas.

“Tungkol saan?”

“Tungkol kanina… At tungkol sa kung bakit hindi niyo sinasagot ang tawag niya.”

“Ah, bigla kasing na drain yung phone ko… At yung mga babae naman kanina, ayos lang sa akin. At least ngayon wala na sila, at sana nga matuto na sa leksyon na nangyari sa kanila ngayon. Hindi porque nakakalamang sila, eh magpapakamaldita na.”

Ngunit ang mukha ni Secretary Lucas, ay pagod na pagod na at klaradong ayaw na niyang ulitin ang sinabi nito sa akin. Kailan ko ba makakain ang ice cream kong ‘to.

Bumaba nga ako dahil wala naman akong choice. Kung may sasabihin nga naman ako kay Damian, dapat yung direkta nga dito. Saka yung pinag-usapan naming mga rules… Sa takot ko na lang na baka ano pa ang gawin niya sa akin.

“Master Damian, nais niyo daw ako makausap?” Pang-iinis ko sa kanya. Pero ang demonyo, hindi ako pinansin kundi…

“Have a seat, Miss Megan.” Lahad ni Secretary Lucas ng upuan sa harapan ni Damian. Kaya naupo na lamang ako.

Nang makaupo ako iminulat ni Damian ang kanyang mga mata, at parang may nais sa aking sabihin. Tipong nais magpaliwanag pero… Para saan? Wala naman akong paki-alam kung ano ang ginagawa niya sa kanyang buhay pero… Wag naman nga niya ako dinadamay. Kung nais niya magpaliwanag, kanya na lang. Wala akong alam kung ano ang nangyari.

“Uhmmm. Sinabi din ni Secretary Lucas kung bakit hindi mo ako natatawagan ay dahil drain ako. Saka bago nga ako madrain, nakatulog na muna ako. Yun lang ba ang kailangan mong marinig sa akin Master Damian?” Ang lamig na ng kamay ko dahil nga sa dala kong container ng ice cream. Hayaan niyo naman kasi na kainin ko ito eh!

“Tss. Bukas Secretary Lucas, kumuha kayo ng stylish ng babaing ito. Ayokong marinig ulit na pinagkakamalan siyang katulong.”

“Masusunod Master Damian.”

@Death Wish

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status