Share

Kabanata 3

Sienna POV

Maaga akong nagising dahil tinapos ko ang mga papeles na dapat ayusin sa isa sa mga pagmamay ari na kompanya ni Liam, kailangan niya rin kasi mapirmahan ang mga 'to mamaya kaya mas mabuti ng nakaayos na lahat ng 'to.

Minsan napapaisip ako kung gaano ba kayaman ang mga cavaliers, bukod kasi sa mga kinikita nila sa racing ay may business pa silang pagmamay-ari. Siguro wala na silang mahihiling pa sa kanilang buhay dahil halos lahat naman ay nasa kanila na. Kahit nga siguro dumating ang araw na tumigil na sila sa pagkakarera eh hindi mababawasan ang pera nila, mabubuhay pa rin sila at mabibili ang mga gusto nila.

Pero minsan kaya ay iniisip din nila na nalalagay sa pahamak ang mga buhay nila? Marami na rin kasi ako napapanood at nababasa sa mga balita na hindi madali ang buhay ng isang racer, palaging nalalagay sa peligro ang buhay nila kapag nasa isang racing sila. Hindi naman kasi natin malalaman o masasabi kung ano ang mangyayari sa araw araw.

Halos isang oras din ang lumipas ng tuluyan kung matapos ang mga ginagawa ko at dahil biglang kumalam ang sikmura ko kaya nagpasya na akong kumain. Pagbaba ko ay nagtimpla muna ako ng kape bago magluto ng  sinangag at saka nagprito na rin ako ng ham at bacon, sinali ko na si Liam dahil alam kung mayamaya ay nandito na din ang isang 'yon. Kasama niya kasi ang ibang miyembro ng cavs na mag jogging.

Nang matapos akong kumain ay nagpasya na muna akong magpahangin. As I was just sitting in the garden of Liam's villa while thinking some things about my life. Biglang sumagi sa isipan ko ang pinsan kung si Treese. Kumusta na kaya siya? Ano na kaya ang buhay niya ngayon? Hindi ko na matandaan kung ilang taon na ang lumipas simula ng huli kaming nag usap.

Treese is like a sister to me kaya halos palagi kaming magkasama at sobrang close namin sa isa't isa. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na 'yon ay siguradong magkasama pa rin kami hanggang ngayon. Masakit para sa akin na iwasan at talikuran ang pinsan ko pero wala akong magawa dahil ayaw kung suwayin ang mga magulang ko, hindi ko din naman siya magawang puntahan dahil bantay sarado ako, tanging ang kaibigan ko lang na si Liam ang madalas kung kasama.

Wala akong naging balita sa pinsan ko hanggang sa isang araw ay nalaman ko na lang kay Liam na hindi pala nagkatuluyan si Sov at Treece na ikinagulat ko, alam ko kasi kung gaano nila ka mahal ang isa't isa kaya hindi ko inaasahan na maghihiwalay sila. Isa pa sa nagpagulat sa akin ng tanungin ako ni Liam kung alam ko ba na nagkaanak ang dalawa.

Nang malaman ko ang tungkol sa kambal ay agad kung pinuntahan si Sov at do'n ko nalaman ang buong pangyayari. I feel so disappointed to my cousin dahilan para magkaroon ako ng galit sa kanya. Hindi ko inakala na magagawa niya ang bagay na 'yon.

"Is there a problem?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kung si Liam 'to, mukhang nasobrahan sa lalim ang pag iisip ko kaya hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya.

Umiling naman ako.

"You're not good at lying, Sienna. So what is it?"

Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga bago tumingin siya kanya. "Bigla ko lang naisip si Treese, kung kumusta na kaya siya." pag amin ko.

Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. "Are you serious? Ang alam ko ay galit ka sa kanya dahil sa ginawa niya kay Sovereign at sa kambal. Don't tell me nakalimutan mo na 'yon?"

"Hindi ko nakakalimutan ang bagay na 'yon, hindi naman nawala ang galit ko sa kanya sa ginawa niya sa mag ama. I'm disappointed of her but she is still my cousin, Liam. Kadugo ko pa rin siya. Iniisip ko kung paano hindi sila nagkahiwalay? Siguro ay masaya silang pamilya. Naaawa ako sa kambal, palaki na sila ng palaki at alam kung darating ang araw na hahanapin nila ang totoo nilang ina." paliwanag ko sa kanya.

He sat next to me as he looked up at the sky. "I know that you still care for her even if you're mad. But what she did is unreasonable, Sienna. Sinong ina ang magagawa 'yon sa sariling anak niya? Paano kung hindi nagmakaawa si Sov? Ano ng nangyari sa kambal?" bakas sa boses ni Liam ang galit.

"Paano kung may dahilan siya kaya niya nagawa ang bagay na 'yon? Hindi naman pwedeng one sided lang tayo. Paano kung nasasaktan at nahihirapan din siya?" pagpupumilit ko. 

Sunod sunod na pag iling naman ang ginawa ni Liam. "Kahit anong rason pa 'yan, wala tayong karapatan na pumatay ng walang kamuwang muwang na sanggol. Si Sov na nga mismo nagsabi na gustong ipalaglag ni Treese ang mga bata kung hindi niya lang 'to napilit e. Kung may higit man na nagdusa rito ay Sovereign 'yon! Kinaya at ginawa niya ang lahat para lang buhayin ang kambal. Kung nakita mo lang kung paano siya kumayod para lang masuportahan ang mga 'to, kung nakita mo lang ang mukha niya ng mga panahon na lumapit siya sa akin para umutang ng pera kasi wala na siyang maipambili ng gatas at diaper. Lahat 'yon kinaya ni Sov habang ang pinsan mo ay nagpakasaya sa buhay niya,"

"But she is the biological mother, she still has rights to the twins. Siguro naman pwede nilang makilala ang isa't isa." giit ko.

"Nagpakaina ba siya sa kambal? Ilang taon na ba ang lumipas pero ni anino niya hindi man lang nagpakita. Kung talagang may pakialam siya sa mga bata ay bibisihitahin niya ang mga 'to pero wala e. Mas may karapatan si Sov dahil siya ang tumayong ina at ama sa kambal."

"Pero k ----" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang tumayo si Liam, bakas sa mukha nito ang pagkairita.

"Stop, Sienna. I don't want to argue over this nonsense things. Huwag kang gagawa ng bagay na ikakagalit ni Sovereign. Kung lumambot man 'yang puso mo para sa pinsan mo, sana huwag kang magdesisyon ng lingid sa kaalaman niya. Huwag mo siyang papangunahan lalo na kapag ang usapan ay tungkol sa mga anak niya." huling sinabi nito bago niya ako tuluyang iwan.

Napahawak na lang ako sa aking sentido, mukhang pati kami ni Liam ay magkakasamaan pa ng loob dahil lang sa bagay na 'to. Hindi ko naman siya masisisi, alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya dahil isa siya sa naging saksi ng paghihirap ni Sovereign.

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit iniisip ko na baka may rason si Treese kaya niya nagawa ang bagay na 'yon, basta na lang ako nagising kanina ng biglang pumasok sa isipin ko ang pinsan ko.

Nasaan na kaya siya ngayon? Ano na kaya ang nangyari sa buhay niya? Hindi ko na din matandaan kung ilang taon na ang lumipas simula ng huli kaming magkita at magkausap. Malaki na din ang mga kambal ngayon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
palagay na nating may dahilan ang pinsan mong si treece hindi pa din sapat na dahilan yon at dapat ipinaliwanag ni treece kung bakit niya ginawa ang nga desisyon na yon ng maintindihan naman ni sov.naaawa ako kay sov
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status