BUMALIK ANG ASAWA niya makalipas ang ilang sandali. Sinabi nitong nakahanda na raw sa kusina ang inorder nito. Mukhang bumabawi sa ginawa nito sa kan’ya.
“Sige. Susunod na lang ako,” aniya at tinalikuran ito. Wala na ito sa pintuan nang lingunin niya ulit.
Wala silang imikan habang kumakain mayamaya. Tanging tunog ng kubyertos ang naririnig niya ng mga sandaling iyon. Patapos na siya nang tumunog ang doorbell nila. Siya na tumayo para tingnan kung sino iyon. Sinundan lang siya ng tingin ng asawa nanag tumayo siya.
Napakunot ang noo niya nang makita ang pamilyar na babae sa gate nila. Kung hindi siya nagkakamali, iyon sa nadala ni BK nitong mga nakaraan sa bahay nila.
Naiiling na lumapit siya sa may gate.
NGAYON LANG YATA siya nahirapang makatulog. Panay kasi ang galaw ng kama nila. Pabaling-baling kasi si BK. Mukhang hindi alam kung paano ang puwesto. Hindi na siya nakatiis, bumaling na siya sa asawa. "Gusto mo bang lumipat ako sa kabilang silid? Hindi naman na siguro babalik ang Mama mo. Isa pa, ni-lock mo na ‘di ba?" Tukoy niya sa pintuan. “No. Baka, biglang kumatok bukas. Paano kung sumilip siya tapos makitang wala ka sa tabi ko? Anong sasabihin ko?” “Eh ‘di sabihin mo, nasa banyo ako. Dapat marunong kang magpalusot. Tutal ginusto mo ‘tong set-up na 'to.” “Hindi ako magaling sa palusot, e.” “Sus.”
NAPAYUKO SI DAPHNE nang makita ang sasakyan ng asawa sa labas ng pinagtatrabahuan niya. Kanina pa ito doon naghihintay sa kan’ya. Sinabihan na nga niya ang kasamahang nauna, na sabihan ang asawa niya na umuwi na siya. Pero mukhang hindi ito naniwala sa kan’ya. Nanatili pa rin ito.“Ginagawa mo?” pang-aasar na sabi ni Amelie nang makita na ganoo ang posisyon niya.“Ayaw niyang umalis, e.” Tukoy niya sa asawa. Sumilip din ito.“Hindi talaga aalis ‘yan. Sabi ko kasi nandito ka pa.” Tumayo siya ng maayos at hinarap ang kaibigan dahil sa narinig.“Kaya naman pala, e.” Kanina pa siya tago ng tago tapos alam pala nito na nandito pa siya. Sayang lang ang pago
SABAY NA NAPATINGIN si BK at Daphne sa bintana nang marinig ang lakas ng hanging humahampas sa bintana nila, na malapit sa komedor.Bukas ang isang bintana kaya dinig nila sa loob ang tunog na nagmumula sa malakas na hangin. Kasunod niyon ang pagtunog ng telepono mula sa sala. Nagkatinginan pa silang dalawa.Si BK ang tumayo para sagutin ang tawag. Kakasimula lang nilang mag-almusal ng mga sadaling iyon.Nakailang subo na siya nang makitang pabalik na si BK.“Si Papa ang tumawag. Cancelled lahat ng flights, local at intenational dahil sa paparating na bagyo,” malakas ang boses nito dahil hindi pa nakakarating sa komedor.Bahagya siyang nalungkot
SAGLIT NA PINUTOL ni BK ang halík sa pagitan nila. Kakapasok lang nila noon sa banyo.Mabilis na hinubaran siya ng asawa pagkababa sa kan’ya. Wala itong itinira ni isa man, maging sa sarili nito.Hinapit siya nito at siniil ng halík kapagkuwan. Iginiya din siya nito papalapit sa dutsang nakabukas na.Napaungol siya sa loob ng bibig nito nang bahagyang panggigilang ng asawa ang kaliwang bahagi ng dibdíb niya, bago lumipat sa kanan.Saglit na tumigil ito sa paghalík sa kan’ya. Lumayo sila sa dutsa. Hinigit nito ang liquid body soap na gamit niya at kumuha ito doon. Sinabon nito ang buong katawan niya kapagkuwan. Napapaungol siya kapag tinatagalan nito sa maselang bah
“WELCOME TO BERGEN City!”Hindi mapigilang mapangiti ni Daphne matapos marinig na naman ang boses ng babae. Halatang hindi sanay sa ingles. Pero ang ikinangiti niya talaga ay ang pronunciation ng mismong city. Iba kasi ang kan'ya, kaya natatawa siya.Bergen nga pala ang pangalawa sa malaking siyudad sa Norway. Dito talaga ang unang sadya niya dahil nakita niya ito sa poscard na nasa ina niya noong bata pa siya. Pero ngayong malaki na siya, hindi na niya iyon makita sa damitan ng ina. At least, may alam na siya kahit papaano kung saan magsisimula. Hindi alam ng ina niya, na alam niya ang lugar na ito. Talagang tinandaan niya iyon.Sa ilang buwan niyang paghihintay para sa trip na ito. Na-take-note na niya ang mga taong pupuntahan. Marami-rami sila, pero kaya
NANGINGINIG NA INABOT ni Daphne ang tubig at gamot na nasa mesa niya. Nakisuyo lang siya kanina sa may-ari ng dorm na ibili siya ng gamot. Pangalawang araw na na niya ito. Sabi pa naman niya sa sariling isang araw lang siyang magpapahinga. Nagtataka na nga ang may-ari dahil himala raw hindi siya umalis. Nang sabihin niyang masama ang pakiramdam niya, naintindihan na nito kung bakit.Napailing na tumingin siya sa screen ng laptop, may nag-pop-up na icon, may tumatawag. Pangalan iyon ng kaibigan. Hindi niya sinasagot dahil baka mahalata nitong may sakit siya. Honest pa naman ito pagdating sa ina niya. Nagpadala lang siya ng picture na kuha nitong mga nakaraan. Sinabi na lang niyang nasa biyahe siya, kaya hindi niya masagot.Tumingin siya sa orasan niya, alas nuebe na ng umaga sa Bergen at, alas tres pa lang ng hapon ngayon sa Pilipinas
NAPUPUNAS SIYA NG luha nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Kanina pa siya gising at nagkausap na sila ni Max. Ito ang tumulong sa kan’ya nang mahimatay sa gilid ng kalsada. Hindi niya alam kung coincidence lang ba na nasa Bergen din ito. Wala siyang sinasabi.“Kumain ka na. Kailangan mong magpalakas. Nanghihina pa ang katawan mo ayon sa doktor.”“Pakilapag na lang diyan, Max. Kakainin ko din naman kapag nagutom na ako,” sagot niyang nakatalikod dito.“Apat na oras kang tulog kanina at mukhang dahil din sa gutom, kaya ka hinimatay. Paano kung after two hours bago ka magutom? Ano? Hihintayin mo ang manginig ka sa gutom bago sumubo? Paano babalik ang lakas mo?”Napabali
WALA SIYANG SINAGOT ni isa mang tawag mula kina BK at Amelie. Wala siya sa mood makipag-usap. Gusto niyang magpahinga. No choice din siya kanina, hinatid siya ni Max hanggang dorm niya. Mahigit apat na oras pa siyang natulog, at paggising niya, medyo gumaan na ang pakiramdam niya. Bago siya natulog kanina, inayos niya ang laptop at telepono. Binura na niya lahat ng nakasave na mga datus ng kaniyang ama. Kahit ang file na iniwan sa kan’ya ay pinunit niya rin. Mabigat sa loob, pero kakayanin niya. Lumaki naman siyang walang ama, kaya tatanda rin siguro siyang walang ama. Masakit man pero tatanggapin na lang niya. Kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay. Uminom siya ng gamot matapos siyang kumain ng dinner. Bibili sana siya kanina sa labas nang iakyat ni Margaret ang pagkain niya. Iniwan daw ni Max, kinompirma naman niya sa binata, i