Hindi ko na na-proofread. Sorry sa mga typos at grammar heheh. Sobrang sakit na kasi ng ulo ko. Goodnight.
NAPAKAMOT SI BK nang daanan lang siya ng asawa. Galing ito sa silid ng anak. Mukhang pinaliguan yata nito, basa kasi ang damit nito. “Baby…” Hindi man lang siya nilingon ng asawa. Derederetso lang ito sa silid nila at nagbihis. Mahigit isang linggo na mula nang hindi siya nito pinansin. Nainis siguro dahil nagtulog-tulugan siya habang panay ang paliwanag nito nang gabing iyon. Ayon, kinabukasan, para siyang wala sa paligid hanggang ngayon. Nainis lang naman siya dahil nagpahalik ito sa kamay. Narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito, masaya siya dahil inamin nitong hindi naman siya nawala sa puso nito sa kabila ng kasalanan niya. Sana pala, tinanggap niya ang paumanhin nito tungkol sa na naabutan niya. Hindi rin naman daw inaasahan nito ang ginawa ni Emmanuel. Nakasandal siya noon sa dahon ng pintuan habang hinintay ito matapos sa pagbihis. Hindi na niya puwedeng hayaan na umabot ng buwan ang ‘di pagpansin sa kan’ya ng asawa. Ilang buwan na nga silang nagkawalay tapos ganito pa
"SAAN KO ‘TO ILALAGAY, BABY?" Napatingin si Daphne sa asawa na dala ang mga gamit ng anak. Kakarating lang nila ng Hotel De Astin. Buong pamilya niya at magulang ni BK ang makakasama nila sa bakasyon. Hindi sila sakto sa bahay nila BK kaya nagpasya silang sa hotel na lang tumuloy. "Sa mesa na lang muna siguro. Pakilagaya na lang at ako na lang mag-aayos. Pakibantayan na lang muna si baby kasi may iuutos ako kay Yaya." Ipinagpatuloy niya ang pagpasok ng mga damit nila sa closet. “Sige, baby.” Kaagad na tumalima ito palabas ng suite nila. Nasa baba kasi ang anak kasama ang Yaya at mga lola nito. May bantay naman ang anak dahil nandoon ang magulang nila, ayaw lang niya bigyan ng chance si BK na makalapit sa kan’ya. Ilang araw ng bumubulong ito sa kan’ya pero hindi niya pa rin pinapansin. Buti nga hindi umiinit ang ulo nito. Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit nila ay bumaba na siya para kunin ang anak. Pinatulog niya muna dahil paniguradong antok na ito. Hindi naman kasi ito nat
MALAPAD ANG NGITI ni BK nang bumukas ang pintuan ng simbahan iyon sa bayan ng Caramoan. Iniluwa no’n ang asawa sa simpleng wedding gown nitong puti, pero binigyan nito ng hustisya, naging elegante ito tingnan. Napakaganda nito sa suot na iyon kahit na malaki na ang umbok ng tiyan. Pabor nga sa asawa ang suot na simple lang, hindi naman nga ito lumaki na magarbo. Kulang sila sa preparasyon dahil biglaan ang naging kasal na ito. Halos isang linggo nilang nilakad ang mga dapat lakarin para matuloy ang kasalang gusto nilang dalawa. Sinamantala rin nilang mag-asawa habang kompleto ang kamag-anak nito na nandito sa Pilipinas. After he mouthed ‘I love you’ to her, she responded. Kaya naman hindi napalis ang magandang ngiti sa labi niya. Ang corny pero kinikilig talaga siya lagi kapag tumutugon ang asawa sa kan’ya. Pero hindi talaga mawala-wala sa isip niya ang first night nila mamayang gabi sa cabin– ang ibig niyang sabihin first night nila ulit after ng ilang buwang magkalayo. OA? Pero g
"STOP IT, MAMA! I already heard this for the ninth time. For God's sake!" Hindi maiwasang mapataas ang boses ni BK matapos marinig ang sinabi ng ina. Tumayo siya mula sa kinauupuan at pinunasan ang bibig ng tissue. Hindi pa siya tapos kumain pero tinatapos na niya."BK!" dinig niyang sigaw ng Papa niya. Maging ang pagbasak ng kutsara at tinidor. Ito pa naman ang pinakaayaw ng ama niya, ang umalis na hindi pa tapos kumain."What? Araw-araw ko na lang naririnig 'yan! Hindi ba puwedeng ako mag-decide kung kailan ko gustong mag-asawa? I'm only 26!" Tumingin siya sa ina na malungkot."Anak, matanda na kami. Siyempre, gusto naming makita ang magiging apo namin sa’yo," anang ina na masuyo pa rin. May lungkot ding mababanaag sa mukha nito. Hindi pa naman niya matiis ito.
“DEAL?” SERYOSONG TANONG sa kan’ya ni BK matapos nitong ilatag ang ilang papeles kung saan nakapaloob lahat ng kondisyon, at kung bakit sila magpapakasal kung sakaling hilingin na ng ina ng binata.“Deal!”Napangiti si BK sa kan’ya ng matamis nang marinig ang sinabi niya. “Simula ngayon sanayin mo ng tawagin ako sa gusto mong endearment, para mas kapani-paniwala. Okay?”Napaisip siya bigla. “Ano kaya ang maganda?” aniya sa isipan. Tumingin siya sa binata kapagkuwan. “Pag-isipan ko muna. I-send ko na lang sa’yo kapag may napili na ako.”Tumangu-tang
TININGNAN NI DAPHNE si BK matapos siya nitong batiin. As if naman, siya lang ang ikinasal.“‘Yong usapan natin, huh?” Tinutukoy niya ang trip niya papuntang Scandinavia. Excited pa naman siyang mag-ayos ng mga papeles.“Don’t worry, kahit saang bansa mo pa gusto, mapupuntahan mo. Basta ‘wag mong kalimutan ang usapan natin.”Napangiti siya sa narinig. Siya pa ba? Kahit anong gawin nito wala siyang pakialam, ang mahalaga sa kan’ya makapunta ng Scandinavia. Mabilis naman ang annulment kapag may pera.“Congratulations, bunso and Daphne!” masayang bati ni Andy sa kanila. Kasama nito ang asawa at mga anak nito. Gumanti rin siya dito ng yakap nang yakapin si
NAPATITIG SI DAPHNE sa sarili mula sa salamin. Kumibot pa ang labi niya bago tumingin banda sa pang-upo kung masagwa ba ang suot. Sinubukan niya ring maglakad pero naiilang siya. Buti na lang may cover-up na kasama. Kita kasi ang pisngi ng pang-upo niya. Napatigil siya nang marinig ang sunod-sunod na katok. Kasunod niyon ang tinig ni BK. “Sandali!” sigaw niya at nagmadaling hinubad ang swimwear na sinukat. Napalunok siya nang mabungaran si BK na bagong paligo at mukhang may lakad. “Labas lang ako. If nagugutom ka, tawag ka na lang sa baba or kumain ka sa labas.” May inabot itong card kapagkuwan. May dolyar din. Siyempre, kinuha niya.
KAKATOK SANA SI Daphne nang bumukas ang silid na inuukupa ni BK.“Kumain ka na ba? Baka gusto mo akong sabayan,” alok niya sa asawa.Tinitigan na naman siya nito bago tumango. Ngumiti siya rito ng matamis bago tumalikod.Inayos niya ang mesa at ang platong gagamitin ng asawa. Hindi niya namalayang nakangiti siya habang inihahanda ang mga gagamitin ni BK sa pagkain. Pero napalis iyon nang mapansing titig na titig na naman sa kan’ya ang asawa.“Sorry nga pala sa nangyari kanina. Naintindihan mo naman siguro ang punto ko. Tama naman ako, ‘di ba? Alalahanin mong nasa hotel tayo na pag-aari ng magulang ko.”Ngumiti siya