Share

[Tagalog] My Unfamiliar Husband
[Tagalog] My Unfamiliar Husband
Author: Alex Dane Lee

Chapter One: The Awakening of Mrs. Dana Montecarlo

Dahan-dahang iminulat ni Dana ang kanyang mga mata, at nang maging malinaw ang kanyang paningin, nakita niya ang isang puting kisame, at nakaramdam siya ng pagkasilaw mula sa liwanag na nagmumula sa ilaw.

Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, at dahan-dahan niyang iminulat itong muli.

Nag-adjust pa ng kaunti ang kanyang mga mata sa liwanag, hanggang sa tuluyan na siyang nasanay.

Ngunit bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo, kaya naman napaungol siya ng malakas. iminulat muli, hanggang sa tuluyang na-adjust ang kanyang mga mata sa liwanag. Pakiramdam niya ay mabibiyak ang kanyang ulo, at nagsimula siyang umiyak dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na kanyang nararamdaman ngayon. 

Pilit niyang inaalala ang nangyari sa kanya sa gitna ng sakit na kanyang nararamdaman.

Ang natatandaan lang niya ay nasa loob sila ng sasakyang mag-asawa. Nagda-drive ang kanyang mister sa highway pauwi sa kanilang bahay. Malakas ang ulan noon, at halos wala silang makita sa daan. Bukod pa doon ay madulas ang kalsada...

Nagulat na lamang sila nang may biglang paparating na trak na papasulubong sa kanilang direksiyon...

At bago pa tuluyang maalala ni Dana ang lahat ay mas lalong tumindi ang pananakit ng kanyang ulo.

Sa sobrang pananakit ay halos mawalan siya ng malay.

Nakita niya ang pagbukas ng isang pinto at narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanya.

Agad niyang naramdaman ang paghawak ng isang estranghero sa kanyang kamay, at napakapit din siya ng mahigpit dito, na para bang humihingi siya ng lakas mula dito.

"Mahal, anong nangyayari? May masakit ba sa'yo? Teka lang at tatawag ako ng doktor!" narinig ni Dana ang pamilyar na boses na iyon.

At bago pa siya makapagsalita, muling nagdilim ang kanyang paningin at nawalan siya ng ulirat.

Hindi na niya nakita ang pagpasok ng doktor at nurse sa silid, habang ang lalaking nakahawak sa kanyang kamay ay punong-puno ng pag-aalala sa mukha nito... 

===============================

Lumipas ang ilang araw. 

Kausap ngayon nina Garrett at Dana si Dr. William Faulkerson, isang neurologist at in-charge sa medical case ni Dana.

"Base sa kanyang mga resulta ng kanyang mga medical tests, masasabi ko na masuwerte pa rin si Dana dahil wala kaming nakitang iregularidad sa kanyang utak. Walang pamamaga o anumang massive hemorrhages, kaya masasabi ko na nasa ligtas na siyang kalagayan at wala na kayong dapat ipag-alala. Ang kailangan lang niyang pagtuunan ng pansin ay ang kanyang physical rehabilitation para normal niyang maigalaw muli ang kanyang katawan, dahil matagal siyang naging under comatosed. At bilang kanyang asawa, Garrett, kailangan mong suportahan si Dana mentally, physically and emotionally." ang sinserong payo ng doktor.

"Walang problema, Dr. Faulkerson. Sasamahan ko ang asawa ko, step by step, hanggang sa tuluyan na siyang gumaling." ang determinadong sagot ni Garrett.

Napangiti si Dana matapos niyang marinig ang kanyang asawa. Napakasuwerte niya dahil may mister siya na katulad ni Garrett. Deep in her heart, she knows that her husband is supporting her 100%.

Malinaw na niyang naaalala ang nangyaring aksidente sa kanilang mag-asawa. Pareho silang nasangkot sa car accident dahil na rin sa napakalakas na ulan, na naging sanhi ng pagdulas ng daan kaya naman nawalan ng kontrol ang truck at nabunggo ang kanilang kotse.

Kaya naman abot ang pasasalamat ni Dana sa Diyos dahil pareho silang buhay at ligtas ng kanyang asawa.

At ngayon, determinado siyang gawin ang lahat ng makakaya niya para makalakad siya at makabalik sila sa normal na buhay bilang mag-asawa... 

=================================

Ilang araw pa ang lumipas, at sa wakas ay nakalabas na si Dana sa ospital.

Napakaswerte niya dahil hindi siya iniwan ng kanyang asawa, kahit na mukhang pagod na pagod ito sa pag-aasikaso sa kanya at sa lahat ng kanyang mga pangangailangan.

Ngunit hindi niya ito narinig na nagreklamo, at lagi itong nakangiti sa kanya.

Sa ngayon nga ay nagmamaneho na si Garrett  pauwi sa kanilang bahay. Si Dana naman ay nasa passenger's seat, habang dinadama ang preskong hangin na mabining tumatama sa kanyang mukha. 

Makalipas ang halos kalahating oras, inihinto ni Garrett ang sasakyan sa harap ng kanilang bahay. Agad niyang inilabas at inihanda ang wheelchair, dahil kailangan pa ito ng kanyang asawa dahil hindi pa rin ito ganap na makalakad mag-isa. 

Binuksan ni Garrett ang passenger's seat at binuhat si Dana, at buong ingat nitong ibinaba ang asawa sa wheelchair.

Afterwards, Garrett gently pushed his wife's wheelchair, while making their way inside their house...

Dana instantly felt a sense of familiarity nang tuluyan na silang makapasok ng bahay. Sa wakas ay nakauwi na rin siya ng bahay matapos ang mahabang panahon na pananatili sa ospital. 

"Welcome home, Dana." narinig niya ang boses ng kanyang asawa. 

"Napakasarap sa pakiramdam na muling makauwi sa ating tahanan, Garrett." ang medyo naiiyak na pahayag ni Dana. 

Pinilit ni Dana na tumayo pero nanginginig pa rin ang mga paa niya at pakiramdam niya ay nanlalambot pa rin siya.

"Huwag mo nang pilitin ang sarili mong maglakad agad, Dana. Kailangan nating sundin ang payo ng doktor. Huwag kang mag-alala, sasamahan kita sa rehabilitation session mo. Just be patient, makakalakad ka rin sa tamang panahon." ang pagapalakas-loob ni Garrett kay Dana.

"Tama ka. Hindi dapat ako nagmamadali. Masyado lang akong excited na makalabas ng ospital at makauwi ulit. Parang gusto kong libutin ang buong kabahayan, so I guess I will just have to wait until I fully recover." ang tumatangong pagsangayon ni Dana.

"I'll be here for you in every step of the way, Dana." ang tugon ni Garrett.

Buong pagmamahal na tinitigan ni Dana ang asawa. Napakaswerte niya sa pagkakaroon ng mapagmahal, mabait, at magiliw na asawa tulad ni Garrett.

"Hindi ko alam kung papaano kita pasasalamatan, mahal. Basta lagi mong tandaan na mahal na mahal kita, higit sa kung ano pa man..." ang sinserong pahayag ni Dana. 

"At Mahal kita higit pa sa inaakala mo, Dana." ang tugon naman ni Garrett.

Sinubukan ni Dana na lumapit sa asawa upang bigyan ito ng isang malalim na halik. Nang magtama ang kanilang mga labi ay ibinuka niya ang kanyang bibig, at inaasaham niya na mas lalalim ang halik ng kanyang asawa.

Pero pakiramdam niya ay may kakaiba sa halik ng kanyang asawa. Hindi niya maipaliwanag kung ano, but his kiss feels so different and weird.

Hanggang sa naramdaman niyang bumitaw sa pagkakayakap ang asawa. 

"Kakalabas mo lang ng ospital, mahal. Let's take it slow, okay? By the way, hindi ka ba nagugutom? Kailangan mo munang kumain para makainom ka ng mga gamot mo. Pagkatapos ay kailangan mong magpahinga." muling nagsalita si Garrett. 

Lihim na nag-isip si Dana habang nakatingin sa asawa. Nagtataka siya kung bakit hindi makatingin ng diretso si Garrett sa mga mata niya... Aside from that, bakit kakaiba ang kinikilos ng asawa niya after that kiss?

Napatigil sa pag-iisip si Dana nang marinig niya ang isang pamilyar na boses sa kanyang likuran. Napangiti siya ng malawak nang makita si Yaya Lydia, ang pinakamamahal niyang kasambahay.

Matagal na niyang kasama ito, bago pa man nag-migrate sa Amerika ang kanyang mga magulang. Si Yaya Lydia ay miyembro na ng kanilang pamilya...

"Maligayang pagbabalik, anak! Ako ay lubos na natutuwa dahil magaling ka na at nakauwi ka na..." ang naiiyak na bati sa kanya ni Yaya Lydia.

Niyakap ng mahigpit ni Dana ang matandang babae. She missed her so much and she's very happy to see her again after a very long time. 

"Kamusta ka na, Manang Lydia?" tanong ni Dana. 

"Eto, wala namang nagbago sa akin. Alam mo ba na tuwang-tuwa ang lahat nang malaman nila na uuwi ka na!" ang emosyonal na pahayag ng matanda.

Nasa kalagitnaan pa sila ng kanilang kwentuhan nang biglang kumalam ang sikmura ni Dana, at dahil iyon sa gutom.

"Teka, bigla akong nagutom." ang nakangiting anunsiyo ni Dana.

"Naku, huwag kang mag-alala. Nakahanda na ang mesa para sa iyo. Niluto ko na lahat ng paborito mong pagkain. Halika at kumain ka na." ang nakangiting yaya ng matanda. 

"I missed your cooking, Manang Lydia. Mukhang marami akong kakainin ngayon." masayang sabi ni Dana. 

Pagkatapos ay tinulungan siya ni Garrett sa kanyang wheelchair, at silang tatlo ay papunta na ngayon sa dining room... 

===============================

Kinagabihan. 

Kalalabas lang ni Dana mula sa banyo. She took a quick shower, at tinulungan siya ni Manang Lydia na makaligo dahil kailangan ni Garrett na sumaglit sa kanilang mango farm.

Pagkatapos niyang magbihis at magpatuyo ng buhok ay sinuklay ni Manang Lydia ang buhok ni Dana.

"Ako ay sobrang maligaya ngayon dahil nakaligtas ka mula sa isang aksidente, anak. Binigyam ka ulit ng Diyos ng pangalawang pagkakataon sa buhay." ang nakangiting sabi ng matandang babae, habang marahang sinusuklay ang buhok ni Dana. 

"Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil nakaligtas kami ng asawa ko, Manang. And I'm just so glad na hindi umalis sa tabi ko ang aking asawa sa kabila ng mga nangyari sa akin." ang nakangiting pahayag ni Dana. 

Biglang napatigil si Manang Lydia sa pagsusuklay ng buhok, at umiwas ito ng tingin sa kanya. 

"Are you okay, Manang? Is there something wrong?" nagpasya si Dana na tanungin ang matanda.

Ngumiti lamang sa kanya si Manang Lydia, at pagkatapos noon ay muli nitong ipinagpatuloy ang pagsusuklay sa kanyang buhok.

"Wala, iha... At tama ka, hindi ka iniwanan ni Garrett kahit kailan."

"Kaya naman pipilitin kong makabawi sa asawa ko. Gagawin ko lahat para mapasaya siya." ang desididong nasabi ni Dana. 

Magsasalita pa sana ang matandang babae ngunit nagpasya siyang huwag na lang nang marinig sila ng katok mula sa pinto. 

"I think Garrett's finally home!" bulalas ni Dana, at hindi maitago ang saya sa kanyang mukha.

"Bueno, iiwan na kita upang makapag-usap kayong mag-asawa." ang sabi naman ni Manang Lydia. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status