LUNCH BREAK nang tawagan niya si Fritz para ipaalam rito ang tungkol kay Jason. Kahit sa telepono ramdam niya ang matinding pag-aalala nito sa kanya. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang bago magdilim ay bisita niya sa resort ang binata.
“Mas mabuti na iyong nandito ka, mas matatahimik ako,” ang binata nang itulak nito pabukas ang pintuan ng cottage kung saan siya manunuluyan.
Tumango siya sa tumuloy sa loob nang lakihan ng binata ang bukas ng pinto. “Hindi kana dapat nag-abalang pumunta rito. May trabaho kang iniwan nanaman sa Tagaytay,” aniyang ibinaba ang bag sa upuang kawayan.
“Boss ako ano ka ba?” pabiro nitong sagot saka siya kinindatan. “And besides Sabado naman bukas, ang plano ko nga eh mag-stay muna rito ng kahit hanggang Sunday lang ng hapon. Gusto ko munang mag-relax."
Pabiro niya itong inirapan. “Oo na, Mr. VP! Anyway why not,” sa isiping makakasama niya ng ilang araw sa
SA isang kilalang restaurant sa bayan siya dinala ni Fritz. Hindi naman sila nagtagal doon dahil pagkakain ay nagyaya narin siyang umuwi. Habang daan ay nanatili siyang tahimik. Nagsalita lang siya nang itigil na ng binata sa tapat ng cottage niya ang sasakyan ito. “Maaga pa naman, tuloy ka muna?” yaya niya sabay sulyap sa suot na relo. Nakangiti siyang pinakatitigan ng binata. “Are you sure?” Tumango siya ng magkakasunod. “Saka, nasa loob iyong gift ko sayo,” aniyang sinimulang kalasin ang suot na seatbelt kaya napasunod narin ang binata. “Happy birthday,” sabay abot ng regalo kay Fritz. “Nice,” nang mabuksan ang regalo ay tumawa ang binata. “Hindi naman ako lasenggo,” natawa ng malakas si Julia sa sinabing iyon ni Fritz habang nakatitig sa bote ng mamahaling alak na bigay niya. “I know, kailangan mo iyan lalo na kapag stressed ka. Pampatulog lang,” aniyang kumuha ng dalawang baso sa kusina pagkatapos ay nagbalik din
NOON galit na inilapag ng lalaki ang hawak na ballpen saka matatalim ang titig siyang hinarap. “I gave you everything, lahat ng kayang bilhin ng pera! Ano pang kulang?” galit na galit nitong bulyaw sa kanya.Napapikit siya sa pagkagulat. Unti-unting nilamon ng takot ang kanyang dibdib pero nagpakatatag siya.“Ginawa mong mahirap para sa akin ang mahalin ka Jason. I think hindi ako ang tamang babae para sa’yo. Makikilala mo rin ang babaeng magiging dahilan ng pagbabago mo. Pero hindi ako iyon, kaya please lang palayain mo na ako,” sa mababang tinig niya turan.Umiling ng magkakasunod si Jason saka tumayo. “Kumain muna tayo, halika. Over lunch natin iyan pag-usapan,” pagkasabi iyon ay mariin nitong hinawakan ang braso niya kaya siya napilitang sumama rito.Sa lobby, sa mismong entrance ng gusaling iyon na pag-aari ni Jason ay nagulat siya nang yumakap sa asawa niya ang isang babaeng nang mapagmasdan
MULING umagos ang mga luha ni Bessy. “Alam mo bang mahal na mahal ka ni Julia? Na nagawa niyang patawarin ang asawa niya dahil sa pagmamahal niya sa’yo? Ikaw ang gusto niyang makasama habang buhay. Kaya siya nagpunta dito sa Maynila, para kausapin si Jason, ang hindi ko lang alam ay kung paano humantong sa ganito ang lahat,” napahagulhol si Bessy sa huling sinabi. Hindi siya nakapagsalita kaya muling nagsalita ang kaibigan. “Sinasabi niya sa akin na sa loob ng pitong taon naiintindihan niya kung bakit naging masama ang pagtrato sa kanya ni Jason. Kasi hindi ka nawala sa puso niya, malaking bahagi ng puso niya ang nanatiling nagmamahal sa’yo. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya magawang mahalin ng buo ang asawa niya. Sinasabi ko ito dahil gusto kong malaman mong hindi lang ikaw ang nagmahal sa kanya. Ang totoo hindi naman sa kinukwenta ko pero mas malaki ang nawala sa kanya nung nagpakasal siya sa lalaking iyon.” Sa narinig ay impit
TEN YEARS BEFORE…“LAWRENCE, dalhin mo muna itong bibingka sa tindahan ni Kumareng Lilia. Naipangako ko kasi sa kanya na kapag nagluto ako padadalhan ko siya. Gamitin mo nalang iyong traysikel para madali ka,” ang nanay niya si Roma na iniabot sa kanya ang maliit na bilao ng bibingka.Tumango siya saka kinuha sa sabitan ang susi ng traysikel. “Sige nay,” aniyang nagmamadali nang lumabas dala ang kakanin.Si Aling Lilia ay kaibigan ng nanay niya. At ito ang pinakasikat at pinakamahusay na alahera sa kanilang bayan, ang Don Arcadio. Pero hindi kagaya ng nanay niya, walang kasama sa buhay ang ginang dahil matandang dalaga ito. Ayon sa kwento ng nanay nila ay nasa Italy raw ang ilang kamag-anak nito. Iyon lang ang alam niya, wala ng iba.Hindi nagtagal dahil nga naka-traysikel siya ay narating niya ang tindahan. Si Rodel na anak ng katiwala nila sa bukid ang nakita niyang nasa labas ng tindahan at kasalukuyang n
EIGHT DAYS LATER… “ARE you sure kaya mong mag-drive? You know what pwede naman nating ipagpabukas nalang ang pagluwas ng Manila. Tutal gabi narin naman,” ang worried na tanong ni Anya sa nobyo niyang si Phil. Malagkit ang titig habang ang magandang ngiti sa mga labi ni Phil ay tila naka-plaster na. “Nothing to worry, and besides na sa akin na ang lahat ng dahilan para maging maingat.” pagkasabi niyon ang makahulugan pa siyang kinindatan ng binata. Nag-init ang mukha ni Anya sa ginawing iyon ng nobyo. “Pilyo,” aniyang pabiro itong inirapan pagkuwan. Ilang sandali pagkatapos ay nasa byahe na sila ni Phil pa-Maynila. Mahilig silang mag-travel ni Phil. Isa iyon sa marami nilang pagkakatulad ng binata na nakikita niyang dahilan kung bakit madali silang nagkahulihan ng loob nang ligawan siya ng nobyo noong pareho palang silang nasa kolehiyo. Pareho silang nasa huling taon noon ng binata. Hotel and Restaurant Management ang kurso niy
MABILIS na nag-init ang mukha ni Anya sa narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit agad siyang naapektuhan sa simpleng sinabing iyon ng lalaki samantalang dati narin naman niyang naririnig iyon sa iba pa niyang mga manliligaw. “S-Sige, pero sa susunod mag-iingat kana,” lihim rin niyang ikinagulat panginginig ng kanyang tinig. Yumuko ang lalaki kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. Sa totoo lang kailangan niyang amining maginoo ito at mukhang hindi naman talaga sinadya ang banggain siya. “Now you look more beautiful. Alam mo bang kayang buhayin ng ngiti mo kahit ang nalalantang talulot ng rosas?” Lalong nag-init ang magkabila niyang pisngi sa narinig. “Very poetic, anyway salamat. I have to go,” aniyang minabuting iwan na ang kausap pero natigilan siya nang muli itong magsalita. “Anong pangalan mo Miss?” anito. Walang kakaiba sa tanong na iyon kung tutuusin. Pero hindi main
ONE MONTH LATER“GWAPO na romantic pa!” ang kinikilig na turan ni Lea, isa sa mga kaklaseng babae ni Anya.“Kung ako ang girlfriend mo, hay naku wala na akong mahihiling pa!” si Janice naman iyon saka inilapit sa mukha nito ang hawak na campus journal at matunog na hinalikan. Doon natatawa niyang nilapitan ang dalawang kaklase.“Anong nangyayari sa inyo?” ang amuse niyang tanong.Umikot ang mga mata ni Lea habang nakangiting nakatingala sa kanya. “My god Anya hindi mo ba alam? Ah, baka hindi mo pa nababasa ang unang issue ng campus journal natin para sa sem na ito?” anito sa tinig na hindi makapaniwala.Umiling siya. “Hindi pa nga, bakit ano bang meron?” aniyang kinuha sa kaklase ang hawak na dyaryo.“Tingnan mo, hindi ba ang gwapo? At siya ang nagsulat ng tulang iyan! Bukas! Sana ikaw nalang ang bukas
NANG sumunod na araw matapos ang reporting nilang dalawa ay kapansin-pansin ang naging pag-iwas ni Tristan kay Lawrence. Naguguluhan man pero minabuti niyang hayaan nalang ito. Isang linggo ang nakalipas at ipinagtaka niya ng husto ang magkakasunod na absenses nito. Sinubukan niya itong tawagan pero palagi na’y naka-off ang cellphone nito. Pauwi na siya noon nang marinig ang isang pamilyar na tinig na tumawag ng pangalan niya. Napangiti siya nang makita itong nakatayo sa may gate ng university saka nagmamadaling lumapit sa kanya. “Hi,” hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang mukha ni Anya nang makalapit ito sa kanya.Matamis ang ngiting sumagot ito. “Hello, pauwi kana ba?” Tumango siya. “Bakit?” Nagkibit ito ng balikat. “Wala lang, ayoko pa kasing umuwi, saan ka ba nakatira?” “Diyan lang sa may pagliko, teka, gusto mo bang pumasyal sa bahay?” naisip niyang itanong.