Share

TPG 4

SAMUELLE LUNA

Halos naghalo na ang sipon at luha ko sa sobrang galit sa bwesit na Rhenz na iyon.

Kakaumpisa ko lang sa trabaho, tinanggal na agad ako. 

"Ano ba ang ginawa mo?" tanong naman ni Louise sa akin.

"Wala nga! Bwesit na engkanto na iyon!" 

Panay naman ang tawa ni Louise.

"Mabait si Sir Rhenz ah," aniya ni Louise.

"Mabait? Mabait ba iyong sinabihan kang "Your fired!", ang gago niya!" 

"Kakausapin ko si Sir Rhenz, okay? Kapag hindi ka niya tanggapin ulit sa-."

"Huwag na! Maghahanap na lang ako ng ibang part time job!"

"Sammy naman eh. Mahirap kaya maghanap ng part time job."

"Walang mahirap sa taong masipag, Louise!" Singhal ko naman.

Hindi ko sinabi kay Louise kung ano ang huling pag-uusap namin ni Rhenz. 

Ang gago talaga! Patanong-tanong pa kung nagtitinda pa ako ng bra at panty! 

"Tapos doon mo ako patrabahuhin sa kompanya ng h*******k na iyon!" inis na saad ko naman sa kaibigan ko.

"Malay ko ba na dati na kayong magkakilala," nakasimangot na sagot naman niya.

"Humanda talaga siya!" galit na saad ko.

"Samuelle! Samuelle!" nagsisigaw na saad ni mamang.

"Mang?!" napatayo naman ako at sinalubong si mamang.

"Jusko, anak! Ipapademolish na daw ito ang apartment natin!" 

"Ano ho?! Bakit? Alam ba ito ni Aling Tinay?!" natatarantang tanong ko naman.

"P-Pumayag siya na ipa-demolish ito," umiiyak na saad ni Nanay.

Niyakap naman ako ni Louise.

"Doon muna kayo sa bahay, besti."

Napahilamos naman ako sa mukha.

Isa pa itong landlady! Ni hindi man lang kami hinintay maghanap ng malilipatan o sinabi man lang niya sa amin.

"Kausapin ko muna si Aling Tinay, mang. Bakit padalos-dalos naman siya. Nagbabayad naman tayo ng tama ah!"

Hirap talaga kapag mahirap ka. Ang tingin sa'yo parang basura. 

Lumabas muna ako at pinuntahan si Aling Tinay.

"Aling Tinay?"

"Oh, Samuelle."

"Bakit naman po ganoon. Sana sinabi niyo muna na ipa-demolish niyo ang apartment namin," masama ang loob na saad ko rito.

"Minamadali kasi ng bagong may-ari. Pasensiya na kayo, Samuelle. Kailangan ko rin ng pera."

"Mali pa rin po kayo. Sana sinabi niyo muna sa amin!" saad ko at tumalikod na.

Pagdating ko sa bahay, pinagayak ko ang lahat ang mga gamit namin kay mamang at Kay Louise.

"Saan ka pupunta?" tanong ni mamang.

"Maghahanap lang po ako ng bagong apartment natin," sagot ko naman at umalis na.

Halos nanghihina ako sa presyo buwan-buwan ng mga apartment. 

"Ito Five thousand five hundred. Dalawa ang kuwarto, hindi lang kalakihan. May banyo, at kusina. Ang tubig naman, one thousand ang buwan. Ang kuryente niyo, depende sa appliances na ginagamit niyo. Total, may sariling kuntador naman ito," saad ng landlady.

Medyo may kamahalan pero mas maganda ito sa aalisan naming apartment. 

"Kunin ko na ho. Mamaya, lilipat na kami," saad ko naman.

"Sige, puwede ka na mag-advance payment."

Agad ko naman ito binigyan ng sampung libo.

"Next month ho, magbabayad ulit ako."

Tumango naman ang landlady.

Lumuwag naman ang pakiramdam ko. Atleast, hindi kami matutulog ni mamang sa kalsada.

Umuwi din agad ako at tumulong sa pag-impake. Nag-arkila muna ako ng sasakyan para ikarga ang aming appliances.

"Keri lang pala, bestie. Hindi naman pala malayo ang titirhan niyo sa bahay namin," saad ni Louise.

Okay lang din ang bagong tirahan namin at malapit lang sa terminal ng mga traysikel.

"Uwi na ako bestie. Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang. Oo nga pala bestie, may pera naman ako, kung need mo, sabihin mo lang sa akin."

"Salamat, bestie."

Balik ulit sa dati ang buhay namin ni mamang. Nagtitinda ulit ito ng kakanin at ako naman, tuwing day off ko, tumutulong na lang ako sa paglalako.

"Mang, pasensiya ka na. Dapat nabigyan na kita ng magandang buhay. Pero ang malas ko talaga," mangiyak-ngiyak na saad ko naman.

"Ano ka ba. Masaya na ako na magkasama tayo at nakaraos sa araw-araw. Basta huwag lang tayo magkasakit, okay na sa akin."

Niyakap ko naman ito. "Salamat, mang."

Minsan, kapag marami ang nagawang kakanin ni mamang, dinadala ko sa hospital at binibinta sa kapwa nurse ko.

"Bakit palagi kaya pumupunta si Sir Rhenz dito?" aniya ng kasamahan kong nurse.

"Huwag ka na magtaka, 'di ba kaibigan niya si Doc.Garret at Doc.Ginto," saad naman ng isa.

"Hay, napakaguwapo talaga nila. Halos lahat silang magbarkada mga professional. Mga Doctor, businessman at lawyer."

Napataas naman ang kilay ko. 

"Si Sir Rhenz, celebrity siya at syempre kilalang negosyante," aniya ng isa pang nurse na kapalitan ko kay Doc.Garret.

Hindi na ako nagsasalita dahil wala naman akong alam sa buhay ng impaktong iyon.

'Girls, puntahan ko muna si Doc.Garret. Ihatid ko lang itong record ng pasyente niya kahapon," saad ko naman sa kanila.

"Sige, Sammy."

Pagdating ko sa clinic ni Doc, naabutan ko ang mga kaibigan niya at syempre nandiyan din ang bwesit na Rhenz.

"Good afternoon, Doc. Ito na iyong hinihingi mo na record ng pasyente mo sa room 45," mahinang saad ko naman.

"Salamat, Sammy," nakangiting saad ni Doc.

"Hi, Sammy," nakangiting bati naman ni Doc.Ginto.

"Hello po, Doc."

Halos kilala naman ako ng mga kaibigan nila Doc Ginto at Doc.Garret dahil lagi ko sila nakikita na kasama ni Jenny, ang kasintahan ni Doc.Garret.

"Rhenz, may bagong labas na balita sa dyaryo, at ikaw na naman ang topic," aniya si Sir Bry.

Crush ko talaga si Sir Bry. Ang guwapo niya sobra. Tapos blue eyes pa. Basta ang guwapo niya at medyo bad boy ang dating.

"Nevermind, bro. Magsasawa rin ang mga iyon" sagot naman ng impakto.

Pasimple naman akong tumingin rito at binawi rin agad dahil nakatingin din pala ito sa akin.

"Doc.Garret, sa labas muna ako. Tawagin niyo na lang ako kapag may i-utos kayo," saad ko naman.

Habang abala naman ako sa computer ko, hindi ko napansin nasa harapan ko na pala si Rhenz.

"Seems you like my friend," aniya na titig ito sa akin.

Binaba ko naman ng konti ang aking salamin.

"So?" mataray na sagot ko naman.

Nakangisi naman ito.

"Huwag mo ako subukan, Samuelle Luna."

Ngali-ngaling batuhin ng ballpen ang mayabang na ito.

"Umalis ka sa harapan ko! Galit ako sa'yo!"

Hindi naman ito umimik.

Inirapan ko naman ito na nakatitig pa rin ito sa akin.

"Puwede ba Mr.Bright, umalis ka sa harapan ko. Nakakaistorbo kanm na," mahinang saad ko naman dahil ayoko rin gumawa ng eksena.

"Come with me," aniya.

Napatitig naman ako. Ngayon ko lang napansin ang kulay abo niyang mga mata. 

"Anong come with me?!" 

"In tagalog, sumama ka sa akin," aniya.

Galit ko naman itong tiningnan.

"Alam ko! Ang ibig kong sabihin, bakit ako sasama sa'yo!" Singhal ko rito.

Nagulat pa ako dahil hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinila patayo.

"Sasama ka sa akin? O gagawa tayo ng eksena dito at pati ikaw maibalita sa tv at dyaryo,"nakangising saad ni Rhenz.

"A-Ayoko nga sumama sa'yo!"

"Isa," aniya na nagbibilang na ito.

"Tumigil ka! Hindi ka ba tinuturuan ng nanay mo ng paggalang sa mas nakakatanda sa'yo!" Sigaw ko rito.

May mga tao na rin na nakatingin sa amin.

Mahina naman itong napatawa.

"Kahit matanda ka pa, I already marked you. The first we met, and kissed you. Namarkahan na kita, Samuelle. Kaya, you're my property."

Comments (17)
goodnovel comment avatar
Queen Akina
haha maka mark Ka bkit marker Ka vh.........
goodnovel comment avatar
Vivar Arvie Cruz
my gosh .........
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
ha ha ha .. ang lakas ng tama ni Rhenz...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status