"Ano ba, Rhenz!"
Basta lang niya ako hinila palabas at pilit pinapasakay sa loob ng sasakyan.
Nakakunot naman ang noo niya sa akin.
"Pinagtitinginan na tayo. Kanina ka pa sigaw ng sigaw!" nairitang saad niya.
Nginisahan ko naman ito. Pasimple akong tumingin sa paligid. May kumukuha sa amin ng litrato.
"Maawa po kayo! Ayoko po sumama sa inyo!" saad ko naman at kuwaring natatakot.
Tingnan ko lang kung hindi masisira ang career niya.
"Are you kidding me?!" gigil ba saad niya.
"Huwag po! Tulong! Tulungan niyo po ako!" nagsisigaw na saad ko at nagpupumiglas.
"Damn, Samuelle!"
Napatingin ako sa guwardiya na humagangos palapit sa amin.
"May problema ba, Nurse Samuelle?" tanong ng guwardiya.
Of course, kilala ako dito sa hospital. Akala ng h*******k na ito kakampihan siya ng guwardiya.
"Guard, tumawag kayo Ng pulis! Ang manyakis na ito pilit ako pinapasakay sa sasakyan niya!"
Nanlalaki naman ang mga mata ng guwardiya.
"Eh..Nurse Samuelle….b-baka gusto ka lang kausapin ni Sir Bright," aniya ng guwardiya na napakamot pa ito sa kanyang batok.
Napatingin naman ako kay Rhenz. Nakangisi ito.
"Bakit ayaw niyo ho tumawag ng pulis?! Nakita po nila na pinupwersa ako ng h*******k na ito!" Inis na sigaw ko sa guwardiya.
"Pasensya na po, Nurse Samuelle. Ayoko po mawalan Ng trabaho," aniya ng guwardiya.
"Manong guard, hindi naman siya may-ari ng hospital na ito!" gigil na saad ko naman.
"Ah, Manong guard, puwede ka na umalis. Pasensya ka na at napadamay pa kayo sa tupak ng fiancee ko," aniya ni Rhenz sa guwardiya.
Napanganga naman ako.
Fiancee?!
Narinig ko naman ang singhapan ng mga tao sa paligid namin.
"Sige na po, Nurse Samuelle. Babalik na po muna ako sa guard house," Saad ng guwardiya.
"Maghunos-dili kang h*******k ka! Paano kita naging fiance!" Galit na tanong ko rito.
"Sumakay ka na at may mga reporter sa paligid natin," aniya at basta lang ako itinulak sa loob.
"Walang-hiya ka talaga!"
Hindi ito umimik at basta lang pinaharurot ang sasakyan.
"Ano ba, Mr.Bright?! May trabaho pa ako!"
"Can you shut up! Ang ingay mo!"
Napairap naman ako.
"SAAN mo nga ako dadalhin," kalmadong tanong ko rito.
"Sa bahay. Bukas panigurado, dudumugin ka ng mga reporter SA hospital. Kaya, kung maaari iwasan mo na lang," seryosong saad niya.
"Tumigil ka! Iuwi mo ako sa amin. Ayan na nga ang sinasabi ko! Gulo ang binigay mo sa akin!"
Aba, ang h*******k na ito, hindi man lang ako pinapansin!
Napatingin naman ako sa dinadaanan namin. Parang labas na ito sa Manila.
"S-Saan na tayo?! Hoy, Rhenz!"
"Dadalawin lang natin si Inay Belyn," aniya na nakatutok lang ang mga mata sa unahan.
Napabuntonghininga naman ako.
Sa edad kong trenta'y kuwatro, ngayon lang ako nakatagpo ng lalaking napaka-arogante.
"You know what, Samuelle. Puwede naman natin pag-usapan ito ng mabuti. Yes, I admit, I'm a womanizer, pero kahit isa sa kanila hindi ko nakita ang pagiging wife material," aniya na saglit itong sumulyap sa akin.
"Wala akong pakialam sa buhay mo, Mr.Bright! Ang akin lang, wala kang respeto sa babae! Ang tanda ko na para patulan mo pa!" bwesit na saad ko rito.
Nagulat naman ako na bigla itong nagpreno. Napasubsob naman ako.
Bastos talaga!
"Hangga't nireregla ka, puwede pa," nakangising Saad niya.
Bigla naman nag-init Ang buong mukha ko.
"Bastos!" Saad ko naman.
"Okay. I have a deal with you. May iniwan na mana ang mommy sa akin. Bago ko makuha ito, kailangan mag-asawa muna ako. So, Ikaw pinili ko na maging kabiyak ko."
Nanlalaki naman ang mga mata ko.
"Nagbibiro ka ba?! Ang pag-aasawa ay hindi biro, Rhenz. At bakit naman ako papayag sa gusto mo?!"
"Papayag ka, or else, mawawalan ka ng trabaho."
"Ano?! Hoy, ikaw ba ang may-ari Ng hospital?!"
"Second to the highest," aniya at pinaandar ulit ang sasakyan.
Ano raw?
Ang alam ko, Alcantara ang may-ari ng hospital na iyon.
"Huwag mo ako yabangan! Si Sir Kenjie Alcantara ang may-ari Ng hospital!"
Tamad lang niya ako tiningnan.
"We are business partner," mahinang saad niya.
Laglag naman ang panga ko.
"As in? True? Not a joke-."
Bigla naman ako napatahimik dahil masama na ang timpla ng kanyang Mukha.
"Don't worry, hindi naman kita gagalawin if papayag ka sa gusto. Just six months only, Samuelle. Then after that, puwede na tayo maghiwalay. Of course, bibigyan kita ng five million after ng anim na buwan."
Five million?!
Jusko, puwede na kami makabili ng bahay at lupa.
"S-Sure ka ba? Syempre, ilalabas ng mga reporter na iyon ang mukha ko."
"I don't care. Eh, ano kung malalaman nila?"
"Pag-iisipan ko muna," mahinang saad ko rito
"Sure. Just one week only, Kapag ayaw mo, maghahanap ng lang ako ng Iba."
Hindi naman ako umimik.
Five million. Malaking tulong na ito sa amin ni mamang ko.
"Payag na ako .."
TPG 5.
SAMUELLE FIVE million.Hindi ko na kailangan mag-isip ng matagal. After six months, malaya naman ako. Basta ang five million na iyon, gagamitin ko sa pagbili ng bahay at lupa. At Ang sobra, ilalagay ko sa bangko "ANO?!"Gulat na sigaw sa akin ni Louise.Ayoko na mag-inarte pa. Limang milyon, Louise. Mababayaran ko na pati ang lahat ng mga utang ko."Ay, Gaga ka talaga! Naniniwala ka naman kay Sir Rhenz na hindi niya tapyasin ang tinggil mo!" irap na saad ng kaibigan ko."Ang bastos mo talaga, Luisita!" inis na hinampas ko ito sa braso."Hindi ka na bata, Sammy. Ang mga lalaki, may pangangailangan din. Kapag inabutan ng libog si Sir Rhenz, kawawa ang hopia mo!""Nag-usap na kami. No body contact. Magpakasal lang kami, hanggang six months lang kami magsasama. Magpapakasal lang kami dahil iyon ang last will testament ng mommy niya para makuha ang kanyang mana.""Ay, basta ako, hindi talaga ako maniniwala na hindi ka niya gagalawin! Si Sir Rhenz pa!"Napairap naman ako.Subukan lang ng
SAMUELLE"SANA NGA tama ang desisyon mo, Samuelle," aniya ni mamang.Nakabili na ako ng bahay at lupa sa isang subdivision at nakalipat na rin kami ni mamang."Mang, matanda na ako. Anim na buwan lang at babalik na ulit ako sa dating buhay ko.""Dignidad mo ang nakataya dito. Hindi ka namin pinagtapos-.""Ayoko na pagtalunan natin ito, mang," saad ko naman."Sana nga anak ayos ka lang pagkatapos ng kontrata mo diyan kay Mr Bright," aniya ni mamang at tumalikod na ito.Napahilamos naman ako sa aking mukha.Magulo at maingay ngayon sa social media at telebisyon, dahil sa pagbunyag ni Rhenz sa kasal namin. Kahit sa hospital, may nakaabang na reporter sa akin.Nailipat na rin ang ibang gamit ko sa bahay ni Rhenz.Kumuha na rin ako ng makakasama ni mamang habang wala ako. Pero nangako naman ako kay mamang na bibisitahin ko ito palagi."Mrs.Bright!"Napatingin naman ako sa mga reporter na nakapalibot sa akin."Anong masasabi mo na kalat ngayon ang sex video ng asawa mo na si Rhenz at ang mo
SAMUELLEAraw-araw, mukha ni Rhenz ang laging laman sa news. May nagrereklamo na inagaw daw ni Rhenz ang asawa niya."Good morning po," bati ko sa mga katulong. Mag-isang linggo na ako rito sa mansion ni Rhenz. Alam ng mga katulong na hindi kami magkasama sa iisang silid ng kanilang amo."Good morning, Ma'am Sammy.""Si Sir Rhenz niyo?" Tanong ko naman.Bago ako papasok sa trabaho, kumakain muna ako ng almusal."Bababa na po, Ma'am."Hinintay ko muna si Rhenz kumain."Good morning."Napatingin naman ako sa napakaguwapong impakto nasa harapan ko. Nakasuot ito ng office attire."Aling Vicky, black coffee please," aniya na hindi man lang tumitingin sa akin.Tumikhim naman ako."Kahapon may lalaking lumapit SA akin, inagaw mo raw ang asawa niya," diin na saad ko rito.Napatingin naman ito sa akin."Ginagawan lang ako ng issues," aniya."Issues? May mga videos nga di ba!""I don't wanna fight, Samuelle. Sa harap tayo ng pagkain. At isa pa, you're just a paid wife!" Napatahimik naman ako b
RHENZ"ALAM mo bakulaw, sagad na sagad na talaga ako sa'yo!" Bulyaw sa akin ni Jenny."Kasalanan mo kaya! Kung hindi ka ba naman pakialamera!" Naiiritang sagot ko.Naglalakad kami pauwi at nasiraan kami ng sasakyan. Nakipagkita kasi kaming dalawa sa ka-transaction namin sa negosyo. Dapat si Dos ang kasama ko, kaso nasa bakasyon ito kasama ang mag-ina niya. So, si Jenny Rivas ang pumunta para samahan ako." Gago ang kabit na ito! Sobrang yaman mo, hindi makabili ng sasakyan!""Damn! Ang ingay mo. Baka Mamaya may mga NPA dito at babarilin tayo!"Mabuti kung nasa highway na kami, nasa liblib pa kami ng lugar."S-Shit, aso ba yan?!" Tanong ko kay Jenny at agad ako pumunta sa likuran niya."Saglit, itatanong ko," aniya na nakangisi. " Aw, aw!" Aniya na tumahol pa ito.Jesus! Baliw talaga ang babaeng ito!" Aw, aw, aw!!!" Sagot naman ng aso."Aso nga!" Natatawang saad sa akin ni Jenny."Shit! Baliw!" Inis na inirapan ko ito.Lahat na kabaliwan nasa kanya na yata. Puro bilib talaga ako kay G
RHENZ"MRS.KO, galit ka?"Naniningkit naman ang mga mata ni Sammy na nakatingin sa akin."Nakakahiya ang ginawa mo SA hospital!" Aniya."Bakit kinakahiya mo na ako, Samuelle? So, kapag si Bry, ipagyabang mo na crush mo ang gagong iyon!"" My God, Rhenz. Huwag kang isip bata!"Kararating lang namin sa bahay. Nawala na rin sa isip ko na may meeting pa ako. Panay naman ang tawag ng sekretarya ko."Aalis muna ako saglit. Pero dito ako kakain ng hapunan," saad ko kay Samuelle.Nakakunot naman ang noo niya."Sa opisina ako pupunta," agad na turan ko. Baka iniisip niya sa babae ko na naman ako pupunta."Wala naman ako pakialam kung doon ka pupunta sa mga babae mo!" "Wala na akong babae. Haist, bakit ba ganyan ang iniisip niyo sa akin?" Naiiritang sabi ko." Nagtaka ka pa!" Mataray na sagot niya at tinalikuran ako.Suplada!Tinawagan ko na lang si Louise ang aking secretary na hindi na muna ako maka-attend ng meeting."Oh, akala ko ba aalis ka," bungad na sabi sa akin ni Samuelle.Naabutan k
RHENZ"LOUISE?!""SIRRR….!" Tarantang tumakbo naman ito palapit sa akin."May board meeting ako mamayang hapon, right?! Bakit hindi pa nakahanda ang mga reports paper?!""Ehhh..s-sir, andami niyo kaya inutos sa akin. Hindi ko alam kung ano uunahin ko," aniya na nakangibit ito.Napakamot naman ako sa aking ulo."Dapat inuna mo ang mas importante! Louise naman!"" 'Di ba sir, sabi ko sa'yo, kumuha ka pa ng isang assistant. Or puwede si Sammy, para magkasama kami dito," aniya na nakangiti."Ayaw niya. Kaya mo naman iyan! Tinaasan ko naman ang sahod mo!"Nakasimangot naman ito."Hello world!" Boses ni Samara ang umalingawngaw sa opisina ko.Napatingin naman kami sa pinto.Sina Samara, Jenny at Ziena ang dumating."Hi, kuya kong pogi!""Sige na Louise, ayusin mo na ang pinapaayos ko sa'yo."Pagkaalis ni Louise, agad naman ako humarap sa tatlong babae."Ano kailangan niyo? You can see, I'm so busy!" "Busy? Eh nakipaglandian ka nga diyan sa secretary mo," aniya ni Ziena sa akin.Inirapan ko
RHENZ"HINDI ko talaga maintindihan ang ugali ng mga babae," reklamo ko at kaharap ang mga kaibigan ko sina Dos, Javi at Damon. Nandito kami sa bar na pag-aari ng magkakapatid na Geller. Actually, sina Tobby at Tucker na ang namamahala ng bar ito."Bro, kapag mahal mo, maintindihan mo rin iyon," natatawang sagot ni Damon.I know Damon is happy with his wife. At nakikita ko sobrang hands on niya sa lahat, at lalo sa mga anak niya. Ganoon rin si Dos. Pero si Javi, wala pa ring plano na lumagay sa tahimik. I don't know the real score between him and D. Pero si D kasi, parang nakakatakot maging asawa ito. D is a police officer, kasama din nito sila Jenny, Bea at Z."Ginusto mo naman, 'di ba? So, tiisin mo," aniya naman ni Javi.Napabuga naman ako ng hanging. Kahapon kasi nag-away kami ni Sammy. Sinabihan pa ako na hindi ako magaling sa kama. Which is, disappointed din ako. Mabilis lang ako labasan noong nakatalik ko siya."Akala ko ba, bro. Good for six months lang ang marriage niyo. 'Di
SAMUELLEPANAGINIP lang ba ito? I mean, bakit ganito na ang pinapakita sa akin ni Rhenz. And worst, inaraw-araw pa ako ng gagong iyon. Ay hindi pala, mapaaraw at gabi. "Pero talaga, Louise. Naninibago lang ako kay Rhenz," kasalukuyan na kasama ko ito sa isang restaurant at kumakain ng tanghalian."Hay naku, Sammy. Pasalamat ka na lang na nagbago na siya. At wala na siyang kabit, o sabihin na lang natin na hindi na siya kabit," natatawang saad naman ni Louise.Napanguso naman ako. "Sana nga. Sabi niya, for lifetime na raw ang pagsasama namin.""Eh di magaling. Ibig sabihin, mahal ka na niya. OMG! Ibig sabihin, seryoso na siya sa'yo."Sana nga. Nararamdaman ko naman na mahal ko na rin siya. After namin kumain ni Louise, bumalik na ito sa opisina, samantala ako naman, bumalik na rin sa hospital."Hello, Sammy. May dumating na flowers for you," aniya ng kasamahan kong nurse at inabot sa akin ang napakagandang lily flowers."Ahmm..thank you," alanganing sagot ko at kinuha ito.Napangiti