SAMUELLE LUNA
"ANAK, pumunta kanina ang lending, at naniningil na," aniya ni mamang sa akin.
Napakamot naman ako sa aking ulo. Ang sahod ko sa hospital, kulang na kulang pa. Isa akong nurse at hindi pa kataasan ang sahod ko.
"Dapat sinabi niyo ho, next week na bayaran," pagod na saad ko.
Nagkabaon-baon na kami ng utang dahil nga nagkasakit si papang, at kalaunay binawian din ito ng buhay.
"Oo sinabi ko naman. Kapag hindi pa tayo makabayad, ipa-barangay na tayo."
Napanguso naman ako.
"Eh di mabuti, lalo huwag na natin bayaran!" inis na sagot ko naman.
Lalo ako tatanda nito sa dami ng utang. Kahit bagong panty at bra hindi pa ako makakabili.
"Kumain ka na diyan at ilalako ko lang ang kakanin," aniya ni mamang.
"Ingat kayo, mang."
Mabuti na lang mabinta ang mga kakanin ni mamang. Kahit papaano, nakakabili kami ng bigas at ulam sa pang-araw-araw.
Nag-iisang anak lang ako. Bago namatay si papang, kakaumpisa ko lang magtrabaho. Laking pasasalamat ko sa aking parents kahit sobrang hirap ng buhay, itinaguyod nila na makapagtapos ako sa pag-aaral.
"Sammy?! Sammy?!"
Napairap naman ako dahil sa lakas ng boses ng matalik kong kaibigan na si Louise. Nagtatrabaho naman ito sa kompanya.
"Sammy, girl!"
Dali-daling pumunta naman ako sa pinto at pinagbuksan ito.
"Oh, bakit? O-order ka ba ng panty at bra sa AVON?" bungad ko naman rito.
"Gaga, hindi iyon. May hiring sa kompanya namin, baka want mo."
"Mahal ko ang aking trabaho kahit mababa ang sahod ko, Louise. Lagi mo naman sinasabi sa akin mataas ang sahod pero ayaw mo magbigay ng info about sa work mo!"
"Bawal nga 'di ba! Basta artista ang boss namin," aniya na kinikilig ito.
Kinurot ko naman ang kan'yang tagiliran.
"Ang landi mo!" irap na saad ko naman.
Simula noong high school at hanggang nakapagtapos kami ng college ni Louise, hindi nagbabago ang aming pagkakaibigan.
"Basta, kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo lang ako," hirit pa ng dalaga.
Sa edad naming trentay kuwatro, no boyfriend since birth pa kami. Mag-e-expired na ang aming matris. Pero ang ilap sa amin ni kupido.
"Oo, sasabihin ko sa'yo. Pero sa ngayon, enjoy ko muna ang pagiging nurse ko."
"Oo na! Ang boring talaga ng buhay mo, Sammy. Sa linggo sumama ka sa akin. Pupunta kami sa bar."
"Tumigil ka, Louise. Sayang ang bawat barya na igagastos ko!"
Mahina naman napatawa ang kaibigan ko.
"Kailangan ko muna bayaran ang mga utang ko. Bukas baka ibang batch na naman ang maniningil sa akin," saad ko naman.
"Kaya nga 'di ba, lumipat ka na muna ng work. Mas malaki pa ang sahod ko kaysa sa'yo!"
"Pag-iisipan ko muna. May kakanin si nanay, kumuha ka at i-uwi mo sa mga kapatid mo," saad ko kay Louise.
"Thank you, bestie!" aniya at nauna na itong pumunta sa kusina.
Napabuntonghininga naman ako. Tama si Louise, kung ganito na hindi kalakihan ang sahod ko, hindi matapos-tapos ang mga utang ko. Ang apartment namin na buwan-buwan ang bayad. Hindi pa kasali ang kuryente at tubig.
Napakamot naman ako sa aking ulo. Lalo akong tatanda kapag ganito lagi na may problema ako. Paano naman ako makapag-asawa kung sarili ko, hindi ko pa maasikaso!
KINABUKASAN, nagsideline muna ako sa isang restaurant. Panggabi na ang pasok ko. Baka next month, balik ulit ako kay Doc.Garret bilang assistant nurse niya.
"Maghugas ka ng Plato at kapag wala kang ginagawa, tumulong ka na lang sa mga waiter magserve," saad ng manager.
"Sige po. Maraming salamat," tuwang sagot ko. Kahit papaano, malaking tulong na rin ito. Anim na oras ako magtatrabaho at five hundred fifty ang per hour ko.
Kailangan ko mag-doble kayod. Malapit na naman ang bayaran sa bahay namin. Kapag mabayaran ko na ang lahat na mga utang ko, bibili na kami ni nanay ng house and lot.
"Nandito na si Sir, kaya tutok kayo sa inyong trabaho!" Sigaw ng manager.
Dahil wala namang hugasin, kumuha na lang ako ng walis at niligpit ang mga kalat.
"Ang guwapo ni Sir Rhenz. Kahit artista siya, napakabait niya," aniya ng isang waitress.
Hindi ko na lang pinapansin ang sinasabi ng kasama mo. Baka kasi masita ako at kakaumpisa ko lang sa trabaho. Ang hirap maghanap ng puwede i-sideline. Buti na lang, kilala ni Louise ang manager.
"Sir, may bagong part timer tayo. Anim na oras siya magtatrabaho sa restaurant," rinig kong saad ng manager.
"Samuelle, halika rito!" tawag ng manager sa akin.
Nilagay ko muna sa gilid ang walis at dali-daling lumapit.
"Ma'am-."
Napatigil naman ako dahil sa lalaking katabi ng manager.
"Si Sir Rhenz, siya ang may-ari ng restaurant na ito. Sir, si Samuelle Luna po pala."
"A-Ah..ah-...," parang hinila ang dila ko paloob.
"Ayoko ng patamad-tamad na trabahador. Kung gusto mo na manatili ang part time job na ito!"
Pasimple naman akong napairap.
"Naintindihan mo ba Miss Luna?" aniya ng engkantong Rhenz.
Napakaputi niya kasi sobra at parang wala man lang kapeklat-peklat ang balat niya. Pero infairness, mamula-mula ang kan'yang pisngi na lalo gumugwapo ito.
"Yes, sir," sagot ko naman.
"Parang galit ka yata," aniya na mariin akong tiningnan.
Galit? Galit ba ako?
"Hindi po!"
Napansin ko ang pagngisi niya.
"Okay, back to your work now," aniya at tumalikod na ito.
Huminga naman ako ng malalim. Bakit sa dami-dami ng lalaking magiging boss ko, ito pa ang nakatagpo ko.
"Ilang taon ka na, Samuelle?" tanong ng waitress na si Bebang.
"Thirty four," tipid na sagot ko naman.
"Omg! As in?!"
Pilit naman akong ngumiti.
"Bakit single ka pa?"
"Wala kasi nagkagusto sa akin," saad ko naman.
"Ganoon? Maganda ka naman, kaso kulang ka lang sa pag-aayos ng sarili Tanggalin mo kaya ang salamin mo. At magsuot ka na rin ng seksing damit."
Napangibit naman ako.
Mas marunong pa siya sa sarili ko!
"Mas gusto ko kasi ito. Komportable ako kapag ganito ang mga suot ko. Iyong salamin ko naman, hindi ko puwede tanggalin at medyo malabo ang paningin ko na," pilit na ngiting saad ko naman.
"Kung sabagay. Kung ano man ang itsura mo, tatanggapin ka ng lalaking magkagusto sa'yo," aniya.
Hindi na ako umaasa na may magkagusto pa sa akin. Basta masaya na ako na kasama ko si Nanay at may makulit akong bestie.
"Virgin ka pa, Samuelle?" hirit na tanong pa niya.
"One hundred percent," proud na sagot ko naman.
"Omg! Seriously?!" maarteng saad niya.
Anong problema kung virgin pa ako sa edad kong ito?
Napatigil naman kami dahil may tumikhim sa aming likuran.
"Magtatrabaho ba kayo or magkukuwenuhan na lang?"
Napatingin naman ako kay engkantong Rhenz.
"Sorry, sir," mahinang saad ko rito.
Si Bebang naman, dali-daling umalis ito.
Kinuha ko naman ang basahan at kunwaring nagpupunas ng lamesa.
Naiilang naman ako dahil nasa likuran ko pa si Rhenz. Pakiramdam ko, binabantayan ang bawat galaw ko.
"Starting tomorrow, suotin mo ang uniform ng restaurant. Hindi puwede ang suot mo na parang nagtitinda ka ng gulay," aniya.
Napanganga naman ako.
Gigil na gigil ko naman pinunasan ang lamesa.
"Galit ka ba, Miss Luna?"
Humarap naman ako.
"Mukha ba akong galit, Sir Rhenz?" pilit naman akong ngumiti.
"Hindi ka naman galit. Kundi galit na galit. Oo nga pala, puwede ba um-order ulit ng bra at panty sa'yo?" aniya na kinalaki ng mga mata ko.
"Totoo, sir! Ay wait lang. Kunin ko lang ang brochure ko!" nakangiting saad ko naman.
Tinalikuran ko itong nakakunot ang noo.
Pandagdag kita rin itong pagtitinda ko ng AVON.
"Miss Luna?!"
Napatigil naman ako.
"You're fired!"
"S-Sir."
SAMUELLE LUNAHalos naghalo na ang sipon at luha ko sa sobrang galit sa bwesit na Rhenz na iyon.Kakaumpisa ko lang sa trabaho, tinanggal na agad ako. "Ano ba ang ginawa mo?" tanong naman ni Louise sa akin."Wala nga! Bwesit na engkanto na iyon!" Panay naman ang tawa ni Louise."Mabait si Sir Rhenz ah," aniya ni Louise."Mabait? Mabait ba iyong sinabihan kang "Your fired!", ang gago niya!" "Kakausapin ko si Sir Rhenz, okay? Kapag hindi ka niya tanggapin ulit sa-.""Huwag na! Maghahanap na lang ako ng ibang part time job!""Sammy naman eh. Mahirap kaya maghanap ng part time job.""Walang mahirap sa taong masipag, Louise!" Singhal ko naman.Hindi ko sinabi kay Louise kung ano ang huling pag-uusap namin ni Rhenz. Ang gago talaga! Patanong-tanong pa kung nagtitinda pa ako ng bra at panty! "Tapos doon mo ako patrabahuhin sa kompanya ng hinayupak na iyon!" inis na saad ko naman sa kaibigan ko."Malay ko ba na dati na kayong magkakilala," nakasimangot na sagot naman niya."Humanda talag
"Ano ba, Rhenz!" Basta lang niya ako hinila palabas at pilit pinapasakay sa loob ng sasakyan. Nakakunot naman ang noo niya sa akin. "Pinagtitinginan na tayo. Kanina ka pa sigaw ng sigaw!" nairitang saad niya. Nginisahan ko naman ito. Pasimple akong tumingin sa paligid. May kumukuha sa amin ng litrato. "Maawa po kayo! Ayoko po sumama sa inyo!" saad ko naman at kuwaring natatakot. Tingnan ko lang kung hindi masisira ang career niya. "Are you kidding me?!" gigil ba saad niya. "Huwag po! Tulong! Tulungan niyo po ako!" nagsisigaw na saad ko at nagpupumiglas. "Damn, Samuelle!" Napatingin ako sa guwardiya na humagangos palapit sa amin. "May problema ba, Nurse Samuelle?" tanong ng guwardiya. Of course, kilala ako dito sa hospital. Akala ng h*******k na ito kakampihan siya ng guwardiya. "Guard, tumawag kayo Ng pulis! Ang manyakis na ito pilit ako pinapasakay sa sasakyan niya!" Nanlalaki naman ang mga mata ng guwardiya. "Eh..Nurse Samuelle….b-baka gusto ka lang kausapin ni Sir
SAMUELLE FIVE million.Hindi ko na kailangan mag-isip ng matagal. After six months, malaya naman ako. Basta ang five million na iyon, gagamitin ko sa pagbili ng bahay at lupa. At Ang sobra, ilalagay ko sa bangko "ANO?!"Gulat na sigaw sa akin ni Louise.Ayoko na mag-inarte pa. Limang milyon, Louise. Mababayaran ko na pati ang lahat ng mga utang ko."Ay, Gaga ka talaga! Naniniwala ka naman kay Sir Rhenz na hindi niya tapyasin ang tinggil mo!" irap na saad ng kaibigan ko."Ang bastos mo talaga, Luisita!" inis na hinampas ko ito sa braso."Hindi ka na bata, Sammy. Ang mga lalaki, may pangangailangan din. Kapag inabutan ng libog si Sir Rhenz, kawawa ang hopia mo!""Nag-usap na kami. No body contact. Magpakasal lang kami, hanggang six months lang kami magsasama. Magpapakasal lang kami dahil iyon ang last will testament ng mommy niya para makuha ang kanyang mana.""Ay, basta ako, hindi talaga ako maniniwala na hindi ka niya gagalawin! Si Sir Rhenz pa!"Napairap naman ako.Subukan lang ng
SAMUELLE"SANA NGA tama ang desisyon mo, Samuelle," aniya ni mamang.Nakabili na ako ng bahay at lupa sa isang subdivision at nakalipat na rin kami ni mamang."Mang, matanda na ako. Anim na buwan lang at babalik na ulit ako sa dating buhay ko.""Dignidad mo ang nakataya dito. Hindi ka namin pinagtapos-.""Ayoko na pagtalunan natin ito, mang," saad ko naman."Sana nga anak ayos ka lang pagkatapos ng kontrata mo diyan kay Mr Bright," aniya ni mamang at tumalikod na ito.Napahilamos naman ako sa aking mukha.Magulo at maingay ngayon sa social media at telebisyon, dahil sa pagbunyag ni Rhenz sa kasal namin. Kahit sa hospital, may nakaabang na reporter sa akin.Nailipat na rin ang ibang gamit ko sa bahay ni Rhenz.Kumuha na rin ako ng makakasama ni mamang habang wala ako. Pero nangako naman ako kay mamang na bibisitahin ko ito palagi."Mrs.Bright!"Napatingin naman ako sa mga reporter na nakapalibot sa akin."Anong masasabi mo na kalat ngayon ang sex video ng asawa mo na si Rhenz at ang mo
SAMUELLEAraw-araw, mukha ni Rhenz ang laging laman sa news. May nagrereklamo na inagaw daw ni Rhenz ang asawa niya."Good morning po," bati ko sa mga katulong. Mag-isang linggo na ako rito sa mansion ni Rhenz. Alam ng mga katulong na hindi kami magkasama sa iisang silid ng kanilang amo."Good morning, Ma'am Sammy.""Si Sir Rhenz niyo?" Tanong ko naman.Bago ako papasok sa trabaho, kumakain muna ako ng almusal."Bababa na po, Ma'am."Hinintay ko muna si Rhenz kumain."Good morning."Napatingin naman ako sa napakaguwapong impakto nasa harapan ko. Nakasuot ito ng office attire."Aling Vicky, black coffee please," aniya na hindi man lang tumitingin sa akin.Tumikhim naman ako."Kahapon may lalaking lumapit SA akin, inagaw mo raw ang asawa niya," diin na saad ko rito.Napatingin naman ito sa akin."Ginagawan lang ako ng issues," aniya."Issues? May mga videos nga di ba!""I don't wanna fight, Samuelle. Sa harap tayo ng pagkain. At isa pa, you're just a paid wife!" Napatahimik naman ako b
RHENZ"ALAM mo bakulaw, sagad na sagad na talaga ako sa'yo!" Bulyaw sa akin ni Jenny."Kasalanan mo kaya! Kung hindi ka ba naman pakialamera!" Naiiritang sagot ko.Naglalakad kami pauwi at nasiraan kami ng sasakyan. Nakipagkita kasi kaming dalawa sa ka-transaction namin sa negosyo. Dapat si Dos ang kasama ko, kaso nasa bakasyon ito kasama ang mag-ina niya. So, si Jenny Rivas ang pumunta para samahan ako." Gago ang kabit na ito! Sobrang yaman mo, hindi makabili ng sasakyan!""Damn! Ang ingay mo. Baka Mamaya may mga NPA dito at babarilin tayo!"Mabuti kung nasa highway na kami, nasa liblib pa kami ng lugar."S-Shit, aso ba yan?!" Tanong ko kay Jenny at agad ako pumunta sa likuran niya."Saglit, itatanong ko," aniya na nakangisi. " Aw, aw!" Aniya na tumahol pa ito.Jesus! Baliw talaga ang babaeng ito!" Aw, aw, aw!!!" Sagot naman ng aso."Aso nga!" Natatawang saad sa akin ni Jenny."Shit! Baliw!" Inis na inirapan ko ito.Lahat na kabaliwan nasa kanya na yata. Puro bilib talaga ako kay G
RHENZ"MRS.KO, galit ka?"Naniningkit naman ang mga mata ni Sammy na nakatingin sa akin."Nakakahiya ang ginawa mo SA hospital!" Aniya."Bakit kinakahiya mo na ako, Samuelle? So, kapag si Bry, ipagyabang mo na crush mo ang gagong iyon!"" My God, Rhenz. Huwag kang isip bata!"Kararating lang namin sa bahay. Nawala na rin sa isip ko na may meeting pa ako. Panay naman ang tawag ng sekretarya ko."Aalis muna ako saglit. Pero dito ako kakain ng hapunan," saad ko kay Samuelle.Nakakunot naman ang noo niya."Sa opisina ako pupunta," agad na turan ko. Baka iniisip niya sa babae ko na naman ako pupunta."Wala naman ako pakialam kung doon ka pupunta sa mga babae mo!" "Wala na akong babae. Haist, bakit ba ganyan ang iniisip niyo sa akin?" Naiiritang sabi ko." Nagtaka ka pa!" Mataray na sagot niya at tinalikuran ako.Suplada!Tinawagan ko na lang si Louise ang aking secretary na hindi na muna ako maka-attend ng meeting."Oh, akala ko ba aalis ka," bungad na sabi sa akin ni Samuelle.Naabutan k
RHENZ"LOUISE?!""SIRRR….!" Tarantang tumakbo naman ito palapit sa akin."May board meeting ako mamayang hapon, right?! Bakit hindi pa nakahanda ang mga reports paper?!""Ehhh..s-sir, andami niyo kaya inutos sa akin. Hindi ko alam kung ano uunahin ko," aniya na nakangibit ito.Napakamot naman ako sa aking ulo."Dapat inuna mo ang mas importante! Louise naman!"" 'Di ba sir, sabi ko sa'yo, kumuha ka pa ng isang assistant. Or puwede si Sammy, para magkasama kami dito," aniya na nakangiti."Ayaw niya. Kaya mo naman iyan! Tinaasan ko naman ang sahod mo!"Nakasimangot naman ito."Hello world!" Boses ni Samara ang umalingawngaw sa opisina ko.Napatingin naman kami sa pinto.Sina Samara, Jenny at Ziena ang dumating."Hi, kuya kong pogi!""Sige na Louise, ayusin mo na ang pinapaayos ko sa'yo."Pagkaalis ni Louise, agad naman ako humarap sa tatlong babae."Ano kailangan niyo? You can see, I'm so busy!" "Busy? Eh nakipaglandian ka nga diyan sa secretary mo," aniya ni Ziena sa akin.Inirapan ko