Share

THE LINK
THE LINK
Author: Chi Jads

Chap 1

EZIA FRANZ IS MISSING!

 

I smirked.

 

Usap-usapan ngayon sa buong pahayagan at television ang misteryosong pagkawala ni Ezia Franz, isang napakagandang model. Siya ang ika-labing dalawang babae na nawawala mula pa kagabi. Hindi ako nagtataka kung bakit maraming mga kababaihan ang natatakot na mag-isa.

 

Sa katunayaan, pagpatak ng 6:00 ng gabi ay wala nang makikitang kababaihan na nasa labas pa. Kung meron man, may mga kasama sila.

 

'’Iha, sigurado ka ba na papasok ka riyan sa haunted mansion? Baka mapaano ka lalo na’t alas-nuebe na ng gabi. Mabuti pa, tanggihan mo na lang itong trabahong ito.‘’, paalala sa akin ng matandang lalaki na siyang care taker ng mansion.

 

May mga bali-balita tungkol sa mansion na ito. Isa raw itong haunted mansion kung saan maraming mga kaluluwa ang gumagala doon at madalas pa nga’y kayang manakit ng mga inosenting tao. Ni isa sa mga tao ay walang sumubok na pumasok roon dahil sa matinding takot.

 

‘’Itutuloy ko po. Kailangan ko po ng pera.”, sagot ko na determinado.

 

Noong nakaraang dalawang araw, nagkaroon ng job offer tungkol dito na kung saan, iniutos ng may-ari na hanapin ang nawawalang kwintas nito na naiwan sa mansion matagal ng panahon ang lumipas. Bukod doon, ang kwintas daw na iyon ay minana pa sa kanilang angkan ngunit dahil nga sa bali-balitang may mga multo doon, walang sumubok ni isa. At ako, nakapagdesisyon ako na papasok ako doon upang tanggapin ang trabaho.

 

Napabuntong-hininga ito.  ‘’Ikaw bahala ngunit ano man ang mangyari sa iyo sa loob ay wala akong pananagutan. Binalaan kita”, paalala nito.

 

Ibinigay nito ang susi sa akin at naglakad na ako papunta sa sinasabi nilang haunted mansion. Pagpihit pa lamang ng sedura ay rinig ko na ang malakas na langitngit niyon. Ramdam ko rin ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Gamit ang flashlight, maingat akong naglakad sa loob upang hanapin ang kwintas. Sa laki ng mansion, mukhang matagal pa bago ko iyon mahanap.

 

Napaubo ako ng paulit-ulit dahil sa kapal ng alikabok.

 

I creased my forehead when I noticed something.

 

Himbis na sala ang unang bumungad sakin, mga bookshelves ang una kong nakita. Lahat iyon ay maalikabok, kahit ang mga libro.

 

Blag!

 

Kaagad akong napalingon sa aking likuran nang may marinig akong ingay. Dahil sa matinding gulat ko ay nabitawan ko ang flashlight at nauntog ako sa isa sa mga bookshelf at nagkalaglagan ang ilan sa mga libro. Lahat iyon ay tumama sa aking ulo.

 

Mabilis kong kinuha ang flashlight at akma akong tatayo nang may mapansin akong litrato.

 

As soon as I saw the photo, I clenched my fists. This photo is connected to my granny’s death. In fact, this photo was stolen by the killer itself.

 

Ibig sabihin, nandito siya. Nandito ang taong pumatay kay granny.

 

I need to find hi----There were footprints on the floor! Someone is here! My chest pounding up and down. I heard my heart beats fast. My rage for that killer is roaring inside me.

 

Pagapang kong sinundan ang mga bakas hanggang sa napatigil ako sa isang pares ng sapatos.

 

‘’Another human girl. What a luck!”, he said. I looked at him and the moment I saw his eyes, I know and I’m pretty sure that he’s not a human.

 

‘’You’re a soul reaper”.

 

***

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status