Share

Chap 3

Maaga akong gumising upang magdeliver ng cake sa isang Coffee and Tea Restaurant. Sideline ko ito tuwing Sunday. Isang magarbong Coffee and Tea Restaurant ang bumungad sa akin.

 

‘’Good morning Ma’am. Welcome to Rald Coffee-Cream Restaurant”, masiglang bati sa akin ng isa sa mga staff. Ngumiti ako sa kaniya.

 

Unang bumungad sa akin ang vanilla scent ng buong lugar. Kasunod niyon ang naglalakihan at nanggagandahang mga chandeliers. Kumikinang sila sa ganda na tila ba mga bituin sa kalangitan. Kaagad akong nagtungo sa counter para ibigay sa kanila ang 12 boxes ng inorder nilang cake.

 

Ngumiti sa akin ang staff at kinuha iyon sa akin. ‘’Just wait for a sec, Ma’am. Kukunin lang namin yung fees”, paalam nito at umalis na.

 

Napatingin ako sa isang slice ng cake na nasa menu nila. Actually, maraming iba’t-ibang flavors ng cake ang nakadisplay ngunit ang mas nakapansin sa akin ay ang Mint-chocolate flavor nila. Sa itsura palang, alam kong napakasarap na iyon ngunit nang tingnan ko ang price ay halos malula ako.

 

One thousand for just one slice of chocolate cake?! Hell, that’s too expensive.

 

‘’Isang libo para lang sa isang slice ng cake? Napakamahal naman! “, bulong ko. ‘’Hindi ako bibili ng ganitong kamahal na cake! “, dagdag ko pa.

 

‘’Mahal ang cake na 'yan dahil bagong flavor iyan na inilabas nila. In fact, mabili siya at mabilis na nasosold out. I’m assure that its quality is worth it for your one thousand. Actually, iyan na lang ang natitira. Sa makalawa pa ulit magkakaroon niyan”

 

Napalingon ako sa nagsalita. Then, I saw Xylon standing behind me. He’s still wearing his bright smile.

 

I cringed. ‘’What are you doing here?”, inis kong wika sa kaniya. Okay, aaminin ko ang lame ng tanong ko.

 

Ano nga bang ginagawa ng isang tao sa ganitong klaseng lugar. Syempre kakain, right? But who cares? Iyon ang lumabas sa bibig ko.

 

‘’Thank you for waiting, Ma’am. Ito na po yung fees”, masiglang wika ng staff pagkabalik nito at iniabot sa akin ang bayad. Nagawi ang tingin nito sa lalaking nakatayo sa likuran ko at tila nagningning ang mga mata niya dahil sa nakita.

 

I mentally rolled my eyes. Uh, typical fan. ‘’Sir, nandito ka p—‘’, hindi na natapos ng isang staff sa counter ang sasabihin niya nang may isang babaeng sopistikada ang dumating sa tabi namin.

 

She’s looking at the mint chocolate cake. ‘’Can I have this slice, please?” The staff smiled. ‘’Of cour---“. Hindi na naman nito natapos ang sasabihin nang sumingit si Xylon.

 

“I’m so sorry, miss but I’ve already bought this cake”, he said. Nagtataka namang napatingin yung staff sa kaniya at tila nagets nung staff ang nangyayari kaya muli itong bumaling sa babae.

 

‘’Yes Ma’am. He already bought this a while ago. But I can show you what’s the best cake here aside from that. Is that okay Ma’am?” The woman nodded and follow the staff.

 

‘’So, would you like to eat this mint chocolate cake with me, miss?”, he asked. I mentally rolled my eyes. And I tried my best to say '’no” to his offer but then, here I am, I just saw myself sitting on the couch with this man. We’re sharing for one slice of cake with two frapuccino he ordered.

 

Hindi ko alam kung anong klaseng pag-persuade ang ginawa niya at napapayag niya ako. Siguro ay dahil natakam din ako kung gaano ba kasarap ang cake na ito.

 

‘’Don’t ever think that I am having fun with you. I just wanted to know kung ano ba ang lasa nito” I said while pointing my fork at the cake.

 

Natawa siya sa akin. ‘’Wala naman akong sinasabi na you’re having fun with me since laging nakakunot ang noo mo. I asked you because I wanted to compensate with you. And to make friends as well”.

 

Kinuha ko ang bread knife sa lamesa at tinutok iyon sa kaniya.

 

‘’whoah! Relax!”

 

‘’Hindi ako naparito para makipag-friends sa iyo!”, inis kong sigaw.

 

Napalingon ako sa paligid at napansing pinagbubulungan na kami. Nakaagaw na pala ako ng atensiyon. Nginitian ko sila at marahang ibinaba ang hawak ko. Hindi porket nakisama ako sa kaniya ay ganoon na lang iyon. Hindi ko parin malilimutan ang malaking kasalanang ginawa niya sa akin at sa lola ko.

 

‘’Do you have any grudge at me? Coz, I feel it”.

 

Napaiwas ako ng tingin. Gusto ko mang sabihing meron, hindi pwede. Gusto ko siya mismo ang makaalala ng kasalanang ginawa niya. Napaubo siya upang makuha ang atensiyon ko.

 

‘’Anyway, I’m Xylon Raldshin. You are?” Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba siya. ‘’Saxira Fullwolxin”, maikli kong sambit.

 

‘’OH MY GOSH! PLEASE, HELP MY HUSBAND!”

 

Sabay kaming napatayo ni Xylon nang makitang nakahandusay ang isang lalaki sa kabilang table. At ang babae na sumigaw ay ang babaeng dapat unang bibili sa Mint-chocolate cake. Napakunot-noo ako. Napansin ko sa tabi ng bangkay ang isang soul reaper na tanging ako lang ang nakakakita sa kanila.

 

A murder?

 

 

 

There were four people at the table 14. Two boys and two women.

 

Nilagyan na ng cordon ng mga pulisya ang pinangyarihan ng krimen. Maraming mga tao ang nakikiusyoso dahil sa nangyaring insidente.

 

Rason Dy ang pangalan ng biktima na kaagad isinakay sa stretcher. Samantala, nag-iiyakan naman ang tatlong babae.

 

‘’Maaari niyo ba sabihin ang inyong mga pangalan at kung ano ang kaugnayan niyo sa biktima at ang pangyayari bago ang insidente?”, tanong ng isang pulis.

 

A woman with a blonde hair answered first. Siya yung babae kanina.

 

‘’Ako si Amira Dy, asawa niya. Nandito kami para i-celebrate ang anniversary namin with our friends. Habang nag-uusap kami, bigla na lamang siyang natumba sa kaniyang kinauupuan at doon na ako napasigaw sa takot”.

 

The police nodded and turn his gaze to the next woman. Before he could utter a word, someone approach to Xylon.

 

‘’Yow insan. Long time no see”, bati ng isang lalaki na nakasuot ng police uniform.

 

Kung titingnan, hindi sila nagkakalayo ng edad ni Xylon. Gwapo rin ito. Tiningnan ako ng lalaki nang mapansin ako nito sa tabi ni Xylon.

 

‘’Sino siya? Ikaw bro ha, di ko akalain na may cute kang girlfriend”, biro nito at saka humarap sa akin. Inilahad nito ang kaniyang palad sa akin.

 

‘’Hi, I’m Liros Yenzi, 25 years old. As you can see, I’m part of the police department”.

 

Tinanggap ko ang pakikipagkamay nito at tulad kanina, maikli lamang ang itinugon ko.

 

‘’Saxira Fullwolxin and I’m not his girlfriend”, may diin kong wika.

 

Xylon coughed. ‘’were you destined to work here, Liros? I thought you’re in the Canada?”

 

‘’Well, well insan. Kakauwi ko lang from Canada last week. And yes, dito nila ako inassign. Anyway, I’ll talk to you later after this”.

 

Nagsimula nang mag-imbestiga si Liros sa mga nangyari ngunit muli siyang lumingon sa amin nang may nakalimutan siyang sabihin.

 

‘’Bawal kayo rito ah? This is police line”, dagdag pa niya but then, Xylon answered, '’We just wanted to help'' Liros shrugged and laughed.

 

‘’Oh no insan, you’re not good at solving crimes and puzzle. But since this is your dream, I’ll let you to investigate but promise me, wala kayong gagalawin na kahit ano dahil baka masira ninyo ang ebidensya, okay?“

 

Napalingon ako kay Xylon na nahihiyang kinakamot ang batok. Naalala ko, mahilig niyang gawin iyon pag nahihiya siya.

 

‘’Sorry about that. It’s true that I’m not good at solving crimes and puzzle but then, it was my dream to solve a case”, he confessed.

 

Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at nakinig na ulit sa mga pagsasalaysay ng mga kasama ng biktima. This time, si Liros na ang nagtatanong ng mga questions tungkol sa kaso.

 

‘’I’m Anna Win, best friend ako ni Rason at friend din ni Amira. Nakapagdesisyon kami na magkita nga dito. At uunahan ko na kayo, wala akong kinalaman sa nangyari. Kahit ako nabigla din. Si Sashan, balita ko may lihim siyang galit kay Rason.”

 

The third woman named Sashan groaned in protest. ‘’Pinagbibintangan niyo ba ako na ako ang pumatay kay Rason? Oo, may naging alitan kami noong nakaraang araw ngunit hindi iyon rason para patayin ko siya. Napakababaw ko naman kung ganoon! At isa pa, hindi ba’t nagkwento ka sa akin na nagalit ka sa kaniya dahil inuna niya ang asawa niya kaysa sa iyo?”, naiinis na untad ni Sashan.

 

Gumuhit ang galit ni Anna at akma niyang sasabunutan ito ngunit mabilis na humarang si Liros sa pagitan nila. Tumikhim si Liros.

 

‘’Totoo ba ang sinabi ni Ms. Sashan na may lihim ka ring galit sa biktima?”, tanong nito. Naging mailap ang tingin ni Anna at napansin ko iyon dahil tila nababagabag ito.

 

‘’Uh oo. Nagtampo lang ako sa kaniya at hindi naman talaga nagalit dahi----ACCKK!” Nagulat kami nang biglang bumula ang bibig ni Anna at natumba. Nang tingnan ng pulis ay huli na. Patay na ito.

 

I smirked. This is going to be fun. Two murders with one killer, huh?

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status