Aleya's POVKahit na hindi ako masyadong nakatulog nang nakaraang gabi dahil sa pag-iisip sa namagitang saglit na halik sa amin ni Enrique ay maaga pa rin akong nagising. Hindi ko alam kung matatandaan niya ang ginawa niya kagabi dahil lasing na lasing siya ngunit lihim kong idinadalangin na sana ay hindi niya matandaan ang nangyari kagabi. Dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sakaling naaalala niya ang lahat. Baka tuluyan nga akong mag-resign bilang bodyguard niya na siyang gustong-gusto nitong mangyari.Kaagad kong tiningnan ang cellphone ko para makita ko ang location ni Enrique. Hindi pa rin gumagalaw ang pulang bilog na tanda ng tracking device na inilagay ko sa likuran ng mamahaling relo ng binata. Dahil tulog pa naman ito at natitiyak ko na mayamaya pa ito gigising kaya walang pagmamadaling naligo ako sa banyo.Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa sala si Gigi na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. "Good morning, Ate Aleya. Mukhang hindi ka nakatulog n
Aleya's POVHabang nagkakasiyahan sina Enrique sa sala kasama ang mga kaibigan nito at ang sinasabing girlfriend nito na walang iba kundi ang babaeng Jessica pala ang pangalan ay ipinasya kong maglibot sa paligid ng kabahayan para mag-inspection. Baka kasi may nagmamanman na mga tao sa labas ng bahay at naghihintay lamang ng tamang pagkakataon para umatake. Nilibot ko ang labas ng malaking bahay ng mga Villareal at natuwa ako ng makita kong wala namang kahina-hinalang tao na umaaligid sa paligid. "Talasan ninyo ang inyong mga mata para kapag may naispatan kayong tao na kahina-hinala ang kilos ay mai-report niyo agad sa akin," utos ko sa ilang guwardiya na nakatayo sa guard house na malapit sa mataas na gate ng mga Villareal."Huwag kang mag-alala, Aleya. Hindi makakalusot sa matatalas naming mga mata kung may kahina-hinalang tao," nakangiting sagot ni Resto na siyang pinaka-pinuno ng mga guwardiya roon."Good," nasisiyahang tugon ko sa kanya. Natutuwa ako na hindi na ito naiilang na
Aleya's POVNapabalikwas ako ng bangon sa kinahihigaan kong kama nang pagmulat ko ay nakita ko sa labas ng bintana ang mataas na sikat ng araw. Halos umaga na ako nakatulog dahil sa pag-iisip sa mga sinabi kahapon ni Enrique. Agad kong tiningnan ang cellphone ko para makita kung nasa bahay lang ba ang binata. Napamura ako ng malakas nang matuklasang umalis ito. Ang nakalagay kasi na address kung saan naroon ang tracking device ay wala rito sa bahay kundi nasa labas. Dali-dali akong naligo at nagbihis pagkatapos ay isinukbit ko ang baril ko sa baywang ng suot kong pantalon bago ako lumabas sa silid ko."Sonia, kanina pa ba umalis si Mr. Villareal?" tanong ko sa katulong nang makasalubong ko siya sa sala."Kanina pa. Aleya. Kasama niya si Sir Lincon. Tinanong ko siya kung gigisingin kita dahil nga may lakad siya pero ang sabi niya ay huwag daw. Ipinagbawal din niyang huwag kang gisingin kapag nakaalis na siya at hayaan ka lang daw namin na matulog," sumbong nito sa akin. Naikuyom ko ang
Aleya's POVBigla akong napatayo sa aking kinauupuan nang makita kong tumayo ang limang kalalakihan matapos makitang tumayo sina Enrique at Lincon sa kanilang kinauupuan. Nang maglakad palabas ang dalawa ay naglakad namang palapit sa kanila ang limang kalalakihan. Mukhang isasakatuparan na nila ang kanilang masamang binabalak gawin. Agad akong humarang sa daraanan ng dalawa at matalim ang tingin na tiningnan ko ang limang kalalakihan na naglalakad sa dalawang binata na sa malas ay tila walang kaalam-alam sa panganib na nakaamba sa kanilang buhay. Nang makita kong tumakbo palapit kay Enrique ang isang lalaki na may hawak na patalim ay patakbo rin akong lumapit sa kanya. Halos sabay lamang kaming nakalapit sa binata ng lalaki at kasabay ng pag-unday niya ng saksak kay Enrique ay ang pagtulak ko naman sa binata. Dahil may tama na ng alak sina Enrique at Lincon kaya parehong bumagsak sa sahig ng itinulak ko ang binata papunta sa kaibigan nito.Hindi inaasahan ng lalaking nagtangkang sumak
Aleya's POVPawisan at pagod na nahiga ako sa malamig na semento. Katatapos pa lamang namin ni Deo na mag-sparring at pakiramdam ko ay mas mahina na ngayon ang katawan ko kaysa sa dati dahil matagal na akong hindi nakakapag-exercise o sadyang magaling lamang ang ka-sparring ko dahil nag-training siya ng mahirap sa ibang bansa. Pero sa tingin ko ay dahil hindi naka-focus ang isipan ko sa aking ginagawa kaya natalo ako ni Deo. Ngunit natalo man niya ako ay nahirapan pa rin siyang gawin iyon."Tubig," alok sa akin ni Deo matapos kumuha ng malamig na bottled water sa mini refrigerator na nasa loob ng practice gym kung saan kami naroroon ngayon. Saturday ngayon kaya nakapag-day off ako. Ngunit bago ako umalis sa bahay nina Enrique ay binilinan ko siya na kung gusto niyang umalis ay bahala siya sa buhay niya. Pagkatapos ng nangyaring insidente nang tumakas siya sa akin ay hindi ko pa siya kinakausap hanggang ngayon. Ngunit ginagawa ko pa rin ang aking trabaho iyon nga lang ay naka-distansi
Aleya's POVNagising ako sa loob ng isang puting kuwarto at nakahiga habang may benda ang aking kaliwang braso. Sa pintuan ng kuwarto ay naroon sina Deo at Ninong na seryosong nag-uusap sa mahinang boses. Kahit mahina ang boses nila at hindi ko gaanong naririnig at naiintindihan ang usapan nila ay nahihinuha ko na tila msy pinagtatalunan sila kung ang psgbabasehan ko ay kanilang mga face expression lalong-lalo na si Deo. Tumikhim ako ng mahina para kuhanin ang kanilang pansin. Sabay silang napalingon sa akin at parehong napalapit nang makita nilang gising na ako."Aleya, mabuti naman at gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalala ang boses na magkasunod na tanong ni Deo."Ano ang nangyari? Bakit nandito ako sa ospital at may benda sa aking kaliwang braso?" agad kong tanong na biglang naguluhan. Nagkatinginan ang dalawang lalaki sa harapan ko at parehong kumunot ang kanilang noo."Kami nga ang dapat na magtanong sa'yo kung ano ang nangyari sa resto na pinuntahan mo?" ani Ni
Aleya's POV"Welcome back!" nakangiting salubong sa akin ni Deo sa NAIA Airport nang tanghaling iyon. Kadarating ko pa lang kasi mula sa isang Linggong bakasyon ko sa Canada kung saan naroon ang mga magulang ko at nag-iisang kapatid. Pagkatapos kong matanggal bilang bodyguard ni Enrique ay binigyan ako ni Ninong ng dalawang Linggong bakasyon kaya dinalaw ko ang pamilya ko sa ibang bansa para naman makapag-bonding kami. Gusto sana ng parents ko na magtagal pa ako roon kaso hindi puwede. Tinawagan kasi ako ni Ninong at may bagong mission daw siyang ibibigay sa akin. Kaya ang two weeks kong bakasyon ay naging one week na lamang dahil agad na akong umuwi. Tinawagan ko si Deo na sunduin ako kaya naman pagkalabas ko ng eroplano ay agad niya akong sinalubong."Akala ko maghihitay pa ako ng ilang oras sa pagdating mo pero hindi naman pala dahil nandito ka na agad. Excited ka yata sa aking pasalubong, ano?" nakangiting biro ko sa kanya."Siyempre, masarap kaya basta libre kaya hindi ako pahuh
Aleya's POV"Ang lalim yata ng iniisip mo, Aleya? Kanina pa ako nagsasalita rito pero tila hindi mo ako naririnig."Bigla akong napatingin sa kaharap kong kaibigan nang marinig ko ang sinabi niya. Tama ito. Malayo nga ang iniisip ko. Nandito ang aking katawan sa loob ng resto bar kung saan kami umiinom ni Deo ngunit lumilipad naman ang aking utak. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi sa akin ni Enrique noong isang araw. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o dala lamang ng kalasingan niya kaya niya nasabi ang mga salitang iyon. Ngunit alin man diyan ang dahilan ay nagtagumpay ito na hindi mawala sa aking isip ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala sa aking isip ang mga sinabi niya gayong wala naman akong gusto sa kanya. Buwisit talaga ang lalaking iyon. Nakakainis. Hindi na nga ako nagtatrabaho sa kanya ay binibigyan pa rin ako ng alalahanin. Dapat ko siyang alisin sa isip ko. Erase. Erase Erase."Sorry, Deo. Naisip ko lang kasi