Aleya's POVBigla akong napatayo sa aking kinauupuan nang makita kong tumayo ang limang kalalakihan matapos makitang tumayo sina Enrique at Lincon sa kanilang kinauupuan. Nang maglakad palabas ang dalawa ay naglakad namang palapit sa kanila ang limang kalalakihan. Mukhang isasakatuparan na nila ang kanilang masamang binabalak gawin. Agad akong humarang sa daraanan ng dalawa at matalim ang tingin na tiningnan ko ang limang kalalakihan na naglalakad sa dalawang binata na sa malas ay tila walang kaalam-alam sa panganib na nakaamba sa kanilang buhay. Nang makita kong tumakbo palapit kay Enrique ang isang lalaki na may hawak na patalim ay patakbo rin akong lumapit sa kanya. Halos sabay lamang kaming nakalapit sa binata ng lalaki at kasabay ng pag-unday niya ng saksak kay Enrique ay ang pagtulak ko naman sa binata. Dahil may tama na ng alak sina Enrique at Lincon kaya parehong bumagsak sa sahig ng itinulak ko ang binata papunta sa kaibigan nito.Hindi inaasahan ng lalaking nagtangkang sumak
Aleya's POVPawisan at pagod na nahiga ako sa malamig na semento. Katatapos pa lamang namin ni Deo na mag-sparring at pakiramdam ko ay mas mahina na ngayon ang katawan ko kaysa sa dati dahil matagal na akong hindi nakakapag-exercise o sadyang magaling lamang ang ka-sparring ko dahil nag-training siya ng mahirap sa ibang bansa. Pero sa tingin ko ay dahil hindi naka-focus ang isipan ko sa aking ginagawa kaya natalo ako ni Deo. Ngunit natalo man niya ako ay nahirapan pa rin siyang gawin iyon."Tubig," alok sa akin ni Deo matapos kumuha ng malamig na bottled water sa mini refrigerator na nasa loob ng practice gym kung saan kami naroroon ngayon. Saturday ngayon kaya nakapag-day off ako. Ngunit bago ako umalis sa bahay nina Enrique ay binilinan ko siya na kung gusto niyang umalis ay bahala siya sa buhay niya. Pagkatapos ng nangyaring insidente nang tumakas siya sa akin ay hindi ko pa siya kinakausap hanggang ngayon. Ngunit ginagawa ko pa rin ang aking trabaho iyon nga lang ay naka-distansi
Aleya's POVNagising ako sa loob ng isang puting kuwarto at nakahiga habang may benda ang aking kaliwang braso. Sa pintuan ng kuwarto ay naroon sina Deo at Ninong na seryosong nag-uusap sa mahinang boses. Kahit mahina ang boses nila at hindi ko gaanong naririnig at naiintindihan ang usapan nila ay nahihinuha ko na tila msy pinagtatalunan sila kung ang psgbabasehan ko ay kanilang mga face expression lalong-lalo na si Deo. Tumikhim ako ng mahina para kuhanin ang kanilang pansin. Sabay silang napalingon sa akin at parehong napalapit nang makita nilang gising na ako."Aleya, mabuti naman at gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalala ang boses na magkasunod na tanong ni Deo."Ano ang nangyari? Bakit nandito ako sa ospital at may benda sa aking kaliwang braso?" agad kong tanong na biglang naguluhan. Nagkatinginan ang dalawang lalaki sa harapan ko at parehong kumunot ang kanilang noo."Kami nga ang dapat na magtanong sa'yo kung ano ang nangyari sa resto na pinuntahan mo?" ani Ni
Aleya's POV"Welcome back!" nakangiting salubong sa akin ni Deo sa NAIA Airport nang tanghaling iyon. Kadarating ko pa lang kasi mula sa isang Linggong bakasyon ko sa Canada kung saan naroon ang mga magulang ko at nag-iisang kapatid. Pagkatapos kong matanggal bilang bodyguard ni Enrique ay binigyan ako ni Ninong ng dalawang Linggong bakasyon kaya dinalaw ko ang pamilya ko sa ibang bansa para naman makapag-bonding kami. Gusto sana ng parents ko na magtagal pa ako roon kaso hindi puwede. Tinawagan kasi ako ni Ninong at may bagong mission daw siyang ibibigay sa akin. Kaya ang two weeks kong bakasyon ay naging one week na lamang dahil agad na akong umuwi. Tinawagan ko si Deo na sunduin ako kaya naman pagkalabas ko ng eroplano ay agad niya akong sinalubong."Akala ko maghihitay pa ako ng ilang oras sa pagdating mo pero hindi naman pala dahil nandito ka na agad. Excited ka yata sa aking pasalubong, ano?" nakangiting biro ko sa kanya."Siyempre, masarap kaya basta libre kaya hindi ako pahuh
Aleya's POV"Ang lalim yata ng iniisip mo, Aleya? Kanina pa ako nagsasalita rito pero tila hindi mo ako naririnig."Bigla akong napatingin sa kaharap kong kaibigan nang marinig ko ang sinabi niya. Tama ito. Malayo nga ang iniisip ko. Nandito ang aking katawan sa loob ng resto bar kung saan kami umiinom ni Deo ngunit lumilipad naman ang aking utak. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi sa akin ni Enrique noong isang araw. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o dala lamang ng kalasingan niya kaya niya nasabi ang mga salitang iyon. Ngunit alin man diyan ang dahilan ay nagtagumpay ito na hindi mawala sa aking isip ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala sa aking isip ang mga sinabi niya gayong wala naman akong gusto sa kanya. Buwisit talaga ang lalaking iyon. Nakakainis. Hindi na nga ako nagtatrabaho sa kanya ay binibigyan pa rin ako ng alalahanin. Dapat ko siyang alisin sa isip ko. Erase. Erase Erase."Sorry, Deo. Naisip ko lang kasi
Aleya's POVWala akong nagawa kundi ang tanggapin ang trabahong muling maging bodyguard ni Enrique. Kahit ano kasi ang gawing kong dahilan ay hindi tinanggap ni Ninong lalo pa at si Mr. Erman Villareal na mismo ang nakiusap sa akin ng personal para maging bodyguard ulit ni Enrique. Magiging unprofessional daw ako kapag tinanggihan ko ang trabahong ito. Sa lahat ng pinakaayaw ko ay iyong niloloko ako at sinasabihang unprofessional kaya para hindi maging totoo ang sinabi ni Ninong ay no choice ako kundi tanggapin ang trabaho. Kaya heto ako't nagmamaneho papunta sa bahay ng mga Villareal dala ang aking maleta na may laman na mga gamit ko. Hindi ko alam kung anong klaseng pakikitungo ang gagawin ko kay Enrique ngunit susubukan kong maging professional lamang ang aming pag-uusap.Kilala na ng mga guwardiya ang kotse ko kaya nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Enrique ay hindi na ako nagbusina pa dahil kusang binuksan ng mga guwardiya ang gate para maipasok ko sa garahe ang kotse ko.
Aleya's POVHindi ko alam kung ano ang sadya sa akin ng ama ni Enrique ngunit ipinatawag niya ako at pinapupunta sa library. Magmula nang magkausap kami sa loob ng opisina ni Ninong ay ngayon lang ulit kami mag-uusap. Madalas kasi ay sa isa pa nilang bahay ito naglalagi kasama ang asawa nito at ng ikalawang anak na lalaki. Sa bahay na ito ang madalas na nandito naman ay si Enrique, Gigi at ang tita nito na kasalukuyang nasa ibang bansa pa at nagbabakasyon Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng library ay huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses."Come in," narinig kong sagot ni Mr. Villareal mula sa loob ng silid.Pagpasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakaupo sa mahabang sofa at may hawak na basong may laman na konting alak. Ngunit pakonti-konti lamang ang pagsimsim nito at mukhang nagpapainit lamang ng katawan dahil malamig ang panahon kahit na magtatanghali pa lamang. Ber months na kasi kaya medyo maulan na."May kayo, Mr. Villareal?" agad kong tanong sa kanya n
Aleya's POVMula sa pinapanuod kong palabas sa telebisyon ay lumipad ang tingin ko papunta sa pintuan ng aking silid nang marinig ko ang tatlong makakasunod na katok mula sa labas ng pintuan. Agad akong bumaba sa kama at binuksan ang taong kumakatok."It's lunch time, Princess," nakangiting bungad sa akin ni Enrique nang pagbuksan ko siya ng pintuan. Magmula nang bumalik ako sa pagiging bodyguard niya ay nabawasan na ang pagiging pasaway nito. Hindi na ito nagtatangkang tumakas mula sa akin kaya hindi ko na nilagyan ng tracking device ang gamit niya. Hindi rin ito gaanong naglalalabas ng bahay kaya naman laging nasa loob ng bahay lamang din ako at walang ginagawa. Safe naman kasi ang binata sa loob ng bahay nila dahil sa dami ng mga nagbabantay na armadong guwardiya sa loob at labas ng bahay ng mga Villareal ay imposibleng may makapasok na taong magtatangka sa buhay ng binata. Hayahay tuloy ako kapag narito lamang kami sa loob ngunit kapag lumalabas na kami sa bahay nila ay saka nagig